Connect with us

Nostalgia

Tanda mo pa ba? Ang life-saving universal cellphone charger na patok na patok noon sa madla

Published

on

universal charger

Natatandaan mo pa ba kung paano tumatagal ang baterya ng cellphone mo noong hindi pa uso ang powerbank? Hindi lamang ba isa ang baterya mo noong hindi pa built-in ang battery ng gamit mong mobile phone? Gumamit ka rin ba ng usong universal charger para matiyak na mananatiling bukas ang cellphone mo saan ka man mapadpad?

universal charger

Screenshot mula sa WEaccessories | YouTube

Bago nauso ang powerbank at ang mga cellphone na may built-in battery, bumibili ng extra battery ang mga mobile phone user para matiyak na hindi sila mawawalan ng baterya sa mga alanganing lugar. Kung ang mobile phone ay mayroon charger, ang baterya naman nito ay mayroong tinatawag na universal cellphone battery charger; na usong-uso at maituturing na “life-saver” noong early 2000s dahil literal nitong sinasalba ang buhay ng mga phone. Dahil maaari nitong kargahan ang baterya kahit pa hindi nakakabit sa mobile phone, puwedeng-puwedeng pagsabaying ang charging ng mismong device at ng ektrang baterya nito.

universal charger

Screenshot mula sa WEaccessories | YouTube

Sa Facebook page na Kami ang Batang 90s, binalikan ng marami ang panahon ng universal cellphone battery charger at kung paano nakatutulong ito para matiyak nila na hindi mae-empty batt ang kanilang mobile phone.

“Ito ang katulong ko noon kapag naiiwan ko iyong charger ko, e. Hahaha! Universal cellphone battery charge!” pagbabalik-tanaw ng Facebook user na si R. A. Sagales. Dahil nga universal ito, kahit anong baterya ay kayang kargahan nito, kaya naman hindi problema ang type ng phone charger na para sa cellphone mo. Ang mahalaga ay mayroong may dala kang ganito o may mahihiraman ka sa pinuntahan mo.

universal charger

Screenshot mula sa WEaccessories | YouTube

“Noong time na hindi pa uso si powerbank at halos lahat ng phone ay hindi built-in ang battery. Ang need mo lang dito ay extra battery,” wika naman ni M. Constantino.

Samantala, mayroon din namang mga hindi gusto ang charger na ito. Ani H. Miyazawa, “Ganito ang charger ng classmate ko pero mas gugustuhin ko pang talakan ako ng nanay ko dahil dinala ko ang charger ng phone niya kaysa gamitin iyan. Nakakatamad kasi tatanggalin pa iyong battery. Hahahaha!”

Nostalgia

Elementary days! Ang old school pencil sharpener na madalas nasa mesa ni titser

Published

on

old school pencil sharpener

Kabilang ang old school na pencil sharper sa mga bagay na madalas gamitin noon ng mga estudyante. Madalas itong matagpuan sa lamesa ni titser noon sa eskwela, o hindi kaya’y sa study table sa kuwarto kung saan ginagawa ang mga assignment at project.

Sa paaralan man o sa bahay, hindi maikakailang nagdala ng tuwa ang classic school supply na ito sa mga batang mag-aaral dahil bukod sa talagang mas malaki ito kumpara sa mga pantasang kasya sa kanilang pencil case, nakaaaliw din ito para sa kanila dahil sa kakaibang paraan ng paggamit nito.

old school pencil sharpener

Imahe mula sa Teaching Trio

Sa post ng Facebook page na Klasik Titos and Titas of Manila, nagbalik-tanaw ang mga “young once” sa mga gunitang nabuo sa panahon ng old school na pencil sharpener na ito. Mayroon din mga nagsabi na kailanman ay hindi sila nagkaroon ng bagay na ito dahil mga mayayaman lamang ang nakabibili nito, habang ang iba ay nanghihiram lamang sa kakilala o sa paaralan lamang nakagagamit nito.

 old school pencil sharpener
“Sa amin nakikitasa ng lapis ang mga kapitbahay namin kasi ang suwabe ng pagkatasa kapag iyan ang gamit, puwera na lang kung ang lapis mo e hindi magandang klase dahil mapuputol agad,” wika ng netizen na si P. Sta. Rosa.

“Iyong may ganito kami sa bahay noong bata kami tapos natutuwa ako magtasa kaya pati lapis ng classmate ko ay inuuwi ko, nangangakong tatasahan ko at isasauli kinabukasan,” pagbabahagi ni S. Sy.

old school pencil sharpener

Imahe mula sa Our Everyday Harvest

“Pangarap ko iyan noong bata ako,” kuwento ni G. R. Deoquino. “Mahal iyan noon kaya simpleng sharpener lang ang mayroon ako.”

Samantala, ibinahagi rin ng iba na ang litrato ng sarili nilang pantasa na hanggang ngayon ay nasa kanila pa ring pag-iingat at patuloy na nagagamit.

Ikaw, naranasan mo rin bang gumamit ng old school na pantasa? Ano ang hindi mo makalilimutan sa popular at classic school supply na ito? Mayroon ba kayo nito sa bahay o kay titser ka madalas nanghihiram? Ibahagi sa amin ang iyong kuwento!

Continue Reading

Nostalgia

Netizens binalikan ang alaala sa bunot at floor wax

Published

on

By

Naranasan mo rin bang gumamit ng bunot at floor wax para pakintabin ang sahig ng classroom noon?

Imahe mula sa Facebook

Marami ang napabalik-tanaw sa kanilang buhay-estudyante nang magbahagi ang netizen na si Ray Tanega ng larawan ng bunot at floor wax sa Facebook group na Nostalgia Philippines. “Dito ako noon natutong sumayaw,” biro niya.

Relate naman dito and ilang Facebook user, kabilang na si Ann Marie na nagsabing kahit walang music ay tiyak na sasayaw ka talaga habang gamit ang bunot.

“Sa pagbubunot, papawisan ka na. ‘Di mo na kailangang mag-Zumba,” komento naman ni Eliane A. 

“Ito yong magandang ehersisyo noong high school days,” pagsang-ayon ni Yen D.

“Araw-araw ko silang kasama dati, pero bakit ‘di ako natutong sumayaw?” pabirong tanong naman ni Cess P.

Imahe mula sa Facebook

Bukod sa katuwaan habang naglilinis, may ilan ding masayang makitang makintab ang kanilang sahig kaya naman naipasa na rin nila ang pagbubunot maging sa kanilang mga anak.

“Gumagamit pa kami niyan ngayon pampakintab ng aming sahig na semento at masaya ako na na-introduce ko ito sa mga anak ko,” sabi ni M. Rescober.

“Noon sa school at sa bahay namin gamit yan. Sa bahay ang sarap humiga at magbasa ng komiks pagkatapos o makinig sa radio drama lalo na’t malamig pa ang panahon noong araw di tulad ngayon,” sabi naman ni B. Principe.

Maging ang mga kalokohan noong kanilang kabataan ay nanumbalik din sa alaala ng iba. “Magugulat na lang classmate mo ‘pag nasa bahay na nila tapos pagtingin nila ng bag, nandoon na ‘yong coconut husk,” sabi ni C. Barlahan.

Imahe mula sa ACS

Nagpasalamat naman si Z. De Sagun dahil sa masasayang memories dulot ng throwback post. “Ako noon may paboritong bunot dahil marami kaming bunot. Thank you again for reminding me how fun my childhood was,” komento niya.

Mayroon ka rin bang ‘di malilimutang karanasan sa paggamit ng bunot at floor wax noong iyong kabataan?

Continue Reading

Nostalgia

Balik-tanaw: Tinatapat mo rin ba noon sa araw ang negatives ng film camera?

Published

on

negatives film camera

Pinaglalaruan mo rin ba noon ang negatives ng film camera?

negatives film camera

Noong wala pang mga modernong kamera, ang film camera ay sapat na para makuhanan ng litrato ang mga espesyal na okasyon at sandali. Ngunit para sa mga bata noon, hindi lamang mga larawan ang mahalaga, kung hindi maging ang negatives nito.

Sa Facebook page ng Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng maraming “young once” ang mga sandaling kinaaliwan nilang tingnan at paglaruan ang negatives ng film camera. Tinatapat nila ito sa araw para makita ang kakaibang hitsura ng mga imaheng narito. Ang iba naman ay ginagawa raw kaagad itong torotot pagkatapos i-develop.

negatives film camera

“Naaalala ko pa ang feeling, iyong nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag kapag tinitingnan ko ito noon. Basta!” pagbabalik-tanaw ng social media user na si S. Bacerdo.

“Hahahaha! Oo, tinatapat ko sa liwanag ng araw,” sang-ayon ni J. Giganto.

“Pinagtatawanan namin ang mga mukha riyan. Nakaka-miss ang moments noong hindi pa uso ang mga digital camera,” kumento ni A. L. Sancho.

“Hahaha! Ganiyan na ganiyan ako noong nagagamit ko pa ang camera ko,” pagbabahagi naman ni R. Apulo. “Ngayon ay nakatago na lamang sa baul.”

“Daming ganiyang film negatives dati na nagkalat sa kalye,” ani D. Martinez. “‘Tsaka ‘yan din ang ginagamit namin para tumingin sa eclipse noon.”

negatives film camera

“Film negatives ng film camera, nakatutuwang makakita ng ganito. Mayroon pa rin akong naitagong ganiyan!” sabi ni E. Tapiador.

Kuwento naman ni E. Triumfo, “‘Yong negative ng lumang pelikula, pinupulot namin matiyaga naming sinisilip sa araw.”

Ikaw, naranasan mo rin ba ang mga ito noong ikaw ay bata pa? May mga alaala ka rin bang nabuo dati dahil sa negatives ng film camera? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section at sabay-sabay tayong magbalik-tanaw sa masaya nating kahapon!

Continue Reading

Trending