Connect with us

social media

‘Hirap mag-crave sa hatinggabi!’ Lalaking nag-crave sa Vinegar Pusit sa Shopee kumapit

Published

on

vinegar pusit shopee

Kinaaaliwan ngayon sa social media ang kuwento ng isang lalaki na nagkaroon ng midnight craving ng Vinegar Pusit at umorder nito sa Shopee.

Sa Facebook, ibinahagi ni Rotski Bautista na minsan siyang nag-crave sa Vinegar Pusit sa hatinggabi at dahil nasa probinsya siya noon, hindi siya nakahanap ng tindahan na mabibilhan nito. Gayunman, sa kagustuhang kumain ng isa sa mga paboritong tsitsiryang Pinoy, pinilit pa rin niyang makabili nito. Ang resulta, naghanap siya nito sa online shopping platform na Shopee at minabuting umorder nito doon.

“Ang hirap mag-crave sa hatinggabi ‘pag taga-probinsya ka,” saad niya sa caption ng mga larawang ibinahagi niya.

vinegar pusit shopee

Makikita sa isa sa mga screenshots na ibinahagi ng buyer na nag-check out siya ng 33 grams ng Vinegar Pusit na mabibili sa halagang P7 ngunit ang total ng kailangan niyang bayaran sa Shopee ay P45 dahil may shipping fee pa ito. Naka-note din na ilang araw pa bago niya makuha ang midnight craving niya dahil ang estimated delivery day nito ay isa sa mga araw sa loob ng January 8 to January 13.

vinegar pusit shopee

Screenshot mula kay Rotski Bautista | Facebook

Matiyagang hinintay ni Bautista ang kanyang inorder at noon ngang January 11, ibinahagi niya sa Facebook na sa wakas ay dumating na ito. Sa tuwa, nagbahagi pa siya ng isang unboxing video at pinasalamatan ang seller na binilhan niya nito.

“Kudos sa seller,” aniya. “Well-packed.”

Kinaaliwan ng maraming social media user ang post ng buyer, kaya naman nakakuha ito ng libo-libong reactions at shares. Anila, mas mahal pa raw ang shipping fee kaysa sa produktong kanyang binili. May mga nanghinayang din at nagsabi na dapat dinamihan na niya ang bili para naman sulit ang shipping fee at sulit din ang pagpa-pack ng seller.

vinegar pusit shopee

Imahe mula kay Rotski Bautista | Facebook

Ikaw, nagawa mo na rin bang umorder ng cravings mo sa Shopee?

celebrity

Madam Inutz hinirang bilang ‘Outstanding Social Media Influencer’

Published

on

By

Ginawaran ang dating online seller at ngayon ay sikat na ring showbiz personality na si Daisy Lopez aka Madam Inutz ng award bilang ‘Outstanding Social Media Influencer’ para sa taong ito.

 

Ang parangal ay iginawad ng Gawad Amerika, isang non-profit organization na nakabase sa California, USA.

Ibinahagi rin ni Madam Inutz sa isang Facebook post ang kaniyang pasasalamat sa pagkakatanggap ng naturang award.

“Sa dami ng kaganapan sa buhay ko, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari pala talaga ‘to,” ani Madam Inutz. “Sa simpleng pagtitinda ng damit kahit papano magbigay ng good vibe sa  ating mga kababayan p’wede ka palang parangalan.”

Kung matatandaan, si Madam Inutz ay sumikat matapos maging patok sa mga netizens ang kaniyang kakaiba at nakatutuwang istilo ng pagla-live selling sa Facebook.

 

Kinagiliwan ng kaniyang followers ang pagtawag niya ng ‘mga inutil’ at pagmumura sa mga nanonood sa kaniya online. Dito rin nanggaling ang kaniyang pangalan na Madam Inutz.

Kabilang sa kaniyang pinasalamatan ang mga OFWs na patuloy na sumusuporta sa kaniya at ang kaniyang manager na si Wilbert Tolentino.

“Nawa’y ‘wag kayong mapagod sumuporta sa ‘kin at lalo ko pang pagbubutihin ang magbigay ng kasiyahan sa inyo sa paraang alam ko,” anito.

“Salamat sa buong pusong tiwala mo sakin Sir (Wilbert), asahan mong mamahalin at pahahalagahan ko ang mga nabuo nating Samahan,” dagdag pa niya.

Kalalabas lamang ni Madam Inutz sa katatapos lamang n aPinoy Big Brother Kumunity Season 10 kung saan nakapasok ito sa Top 5.

Continue Reading

social media

Viral: Customer na nanapak ng Grab rider, tinapon raw ang pagkain; nagalit dahil ‘walang panukli’

Published

on

By

Screenshot mula sa Facebook| Mike Motovlog PH

Viral ngayon sa social media ang video ng komprontasyon ng isang customer sa Taguig City at isang Grab rider na nag-deliver ng pagkain.

Ang naturang video ay ibinahagi ng Facebook page na Mike Motovlog PH at humakot na ng mahigit 6 milyong views, 122K reactions at 61K comments. Mayroon na rin itong halos 100K shares sa Facebook.

Mapapanood sa video ang galit na galit na customer na ilang beses inambahan at sinigawan ang kawawang rider.

‘Walang panukli’

Kuwento ng rider sa isang hiwalay na video, kalalabas lamang niya noong araw na iyon at ang nasabing customer ang kaniyang unang delivery.

May pera naman daw siya talaga subalit  naipasok na niya sa GCash para sa Grab. Ang natira na lang daw sa kaniyang wallet ay P300 cash.

Pagkadeliver daw niya, tinanong niya ang customer kung may ‘smaller bill’ ito dahil wala siyang panukli sa P1,000, subalit mayroon sa P500. Pinakita pa raw niya ang bag na P300 na lamang ang hawak niyang cash.

Doon daw nagalit ang customer at lalo pa itong nag-init nang tanungin niya kung mayroon itong ‘smaller bill’.

Sa pagkakataong iyon din umano ay tinapon ng lalaki ang pagkain kaya nainis na rin siya.

Tanong pa raw sa kaniya ng customer, “Anong gusto mo, ako pa ang magpabarya?”

Subalit nagpaliwanag naman daw siya na hindi ganun ang ibig niyang mangyari dahil may panukli naman siya kaya lang sa P500.

Sa video, makikitang ilang beses hinablot, sinigawan at kinalmot pa ng customer ang rider hanggang sa mamagitan na ang asawa ng galit na galit na lalaki.

Iginiit naman ng rider na wala siyang planong patulan ang customer kahit pa sinaktan na siya nito.

Grab iimbestigahan ang insidente

Nangako naman ang Grab na iimbestigahan nila ang pangyayari matapos makarating sa kanila ang video na itinag ng isang netizen.

“Thank you for bringing this to our attention. Rest assured that this consumer behavior is not tolerated on our platform and investigation is already underway,” anang Grab sa isang pahayag.

“Consumer behavior is not tolerated on our platform. Our teams are already looking into it and are coordinating with the parties involved,” dagdag na komento nito sa kanilang Facebook page.

Maraming netizen din ang nagalit sa lalaki dahil sa pananakit nito sa kawawang rider. Turan pa ng ilan, matapang lang daw ang lalaki dahil nasa lugar nila ito.

Samantala, may kumakalat namang larawan kung saan makikita ang isang lalaking hawig ng naturang customer na nakaposas at may pinanood sa cellphone. Ito umano ang lalaking nanakit sa rider at nahuli.

Subalit wala pang kumpirmasyon ang awtoridad kung totoo nga na nadakip na ang lalaki sa video.

I-Click ang imahe sa ibaba upang mapanood ang buong video:

Continue Reading

social media

‘Masayahing pustiso’ nabili ng netizen online, naghatid ng kaaliwan sa social media

Published

on

By

Nasubukan mo na bang bumili ng pustiso online? Ito ang huwag na huwag mong gagawin kung ayaw mong magaya sa isang netizen na bumili umano sa isang online store ng isang upper set na pustiso.

Tulad ng dapat asahan, hindi ito naging akma sa kanyang bibig.

Hindi umano napigilan ang magkahalong emosyon – tuwa ba  at pagkadismaya – ng isang netizen nang matanggap nito ang pustiso na binili raw niya sa isang online shop.

Ayon sa nag-post sa Facebook ng mga litrato na si Weng Barbadillo Formentera, ang pustiso ay nabili sa online application na Shopee, ngunit hindi naman tiyak kung sa Shopee nga ba.

“Salamat shoppe Naabot ndaw iyang gi order na pustiso haha,” ani Weng.

Halatang-halata na hindi ito akma sa kaniyang bunganga matapos niya itong isukat at magposing ng kaniyang mahiwagang smile. Sa lahat ng larawan ay makikitang tila hindi na niya maitikom ang kanyang bibig – dahil sa sobrang laki ng pustiso?

Gayunpaman ay marami pa ring mga netizens ang naaliw dahil sa hatid nitong katatawanan – may kalakihan kasi at tila tabingi ang pustiso nang ito’y isuot. Tinawag pa itong ‘masayahing’ pustiso ng ilang social media users — “Masayahin yung pustiso ah.. Naka smile kahit nasa kamay lang.”

Bagama’t mas lamang ang ‘nakihalakhak’ sa panig ng netizens, mayroon din namang seryosong nagbigay ng paalala na ang denture ay hindi dapat binibili sa online shops kundi sa mga dentista mismo. Made to order kasi ang dentures at kailangang ilapat sa bibig at gilagid ng magsusuot nito.  Magkaaberya man ay nagagawan pa ito ng paraan.

Samantala, bagamat 2020 pa nang ito ay unang naibahagi sa social media, muling kumalat ang kwelang post sa maraming Facebook pages.  Humakot na ng 24k shares at mahigit isandaang komento ang post ni Formentera.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens.

“Pirmi nang nakangisi hahaha”

“Hightech na talaga ngayon pati pustiso sa online na bibilhin, ayan tuloy mas malaki pa ata ang inorder mong pustiso kaysa baba mo.”

“Sa dentista kc kahit medyo me problema nagagawan ng paraan, e jan sa online wala pati pera mo ndi nila isosoli ayan tuloy nangyari sau.”

“Mawalang galang na po dapat po sa dentist ang pustiso Di po inoorder baka ho used na yan.”

Continue Reading

Trending