Connect with us

Plants

Netizen nagbabala kaugnay sa pag-aalaga ng welcome plant

Published

on

Marami ang nahumaling sa pagtatanim lalo na nitong nag-pandemic na napilitan ang marami na manatili muna sa bahay. Kaya naman nauso ang mga katawagan na ‘plantitos at plantitas’.

Nakalilibang kasi at nakawiwili ang makita mong yumayabong ang iyong mga pananim; tunay na stress reliever din naman. Ngunit isang netizen ang nagbabala dahil sa naranasan nito sa ‘welcome plant’ o sa orihinal nitong tawag, Zanzibar Gems, na tanim nito.

Narito ang post ng plantitong si Dennis Catugas na nag-viral sa social media noong Hulyo 17, 2019 at muling na-repost sa FB page na Live healthy.

“Beware. Lalo na sa mga bata, based on our own experience kanina lang 9:00AM. Konti na kami na ospital. May batang malikot sa bahay, si baby CJ pumitas ng dahon sabay kinagat niya, after 2 seconds nag-iiyak siya ng sobra. Naisip namin baka mapait kaya umiyak ang bata. Pero hindi sya tumigil, grabe iyak kahit ano gawin,” pagkukuwento ni Dennis.

Imahe sa Facebook | Live Healthy

Bahagyang kumagat din si Dennis sa nasabing halaman upang malaman ang sanhi ng pag-iyak kanyang anak.

“Out of curiosity, para malaman ko din dahilan bakit sobra iyak niya, kumagat din ako ng konting konti lang. Parang asido yung nasa bibig ko na kumalat sa lalamunan ko na kahit ako na matanda hindi kaya ang naramdaman. Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko nung time na yun. Ang malinaw lang sakin ay para akong nakalunok ng asido. Considering na isang kagat lang ginawa ko at halos sa ngipin ko lang pumunta yung katas niya. How much more yung bata na andaming nakagat,” dagdag pa niya.

Dahil sa natuklasan niya sa halaman ay agad siyang umaksyon.

“Ginawa agad namin, pinainum namin siya ng gatas at pinakain ng asukal. Ganyan na din ang ginawa ko kasi hindi na ako makalunok. In short, lason siya!” aniya.

Maraming netizens ang nagkomento sa nag-viral na post.

“Maraming ganyan dito s hospital kasi maganda tingnan saka mabilis lumago,” ani C. Roa.

“Yes totoo yan, lason yan, yung aso namin nagsuka nang nagsuka yun pala kinain niya halaman ginawa ko pinakain ko ng madami asukal. Kinausap ko aso ko pinaintindi ko sa kanya na Wag kainin kasi mamatay siyaa mula nun di na niya ginalaw yung halaman,” ani S. Lopez.

Paalala naman ng isang netizen na huwag na lang mag-alaga ng ganitong halaman.

“Ang pinaka maige wag na lang mag-alaga or magtanim ng ganyang halaman lalo may mga bata,” ani J. Arcalas.

Ang Welcome plant ay bahagi ng Araceae family na kilala sa pagkakaroon ng ‘poisonous genera’, gaya ng Philodendron, na nagtataglay ng calcium oxalate.  Lumalaki ito nang hanggang 45–60 cm kataas.

Imahe mula sa Pexels

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Trending