Connect with us

social media

Wil Dasovich may kwelang bwelta sa viral post ng ex-GF; Alodia nagpaliwanag

Published

on

Nag-viral ang social media post ng popular na content creator at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao kamakailan lang.

Napukaw kasi ang pansin ng mga netizens sa caption ng post niya kasama ng isang litrato kung saan nakasuot siya ng golden gown na obra ng designer na si Mara Chua.

“Hi. Ako nga pala ‘yung sinayang mo,” ang nag-viral na post ng cosplayer.

Inakala ng mga followers niya na patama iyon kay Wil Dasovich na dati niyang boyfriend.

Ang mga sumusunod ay ilan lang sa napakaraming komento ng netizens sa post ni Alodia.

Sayang nga.

 Kuya Wil, sinayang mo pa ‘to oh.”

 Bwisit ka Wil. Sinayang mo Queen A namin. Maglaway ka ngayon.”

 Nagkomento rin si Wil Dasovich sa comment ng kapatid ni Alodia na si Ashley Gosiegfiao, pero agad niya iyong binura.

’Wag na, nagbo-blow-up na phone ko. Alam ko na. Naku po,” sabi ni Wil sa burado niyang komento na na-screenshot ng isang follower ni Alodia.

Ilang oras lang ang lumipas ay nag-post naman si Wil Dasovich sa sarili niyang social media account na halatang reaksyon sa post ng dating kasintahan.

Kwela ang sagot ni Wil sa post ni Alodia kaya naman agad din iyong nag-viral.  Mayroon na iyong higit 22,000 shares, 19,000 comments at 366,000 ang nagbigay ng “Haha” reactions.

“Hi, ako nga pala ‘yung sinaing mo,” hirit ni Wil kasama ang larawan na hawak niya ang isang rice cooker na may sinaing.

Narito ang ilan sa mga komento sa post niya:

 “Haha, I knew you would post something like this, bro!”

 “Boss Alodia Gosiengfiao, nagpaparinig si Boss Wil , oh.”

 “Bumawi ka pa talaga. Pakurot nga.”

 “Huwag mong iwanan baka masunog. Love n’yo pa ang isa’t isa. May mga hugot, eh.”

 Samantala, ipinaliwang ni Alodia na ang post niya ay isang meme quote na nabasa niya. Pinasalamatan niya rin ang mga followers na nagpahayag ng suporta sa kanya.

Thank you guys for the support but yesterday’s post was based on a meme quote I saw somewhere on the intraweb but a few people took it seriously so sorry for the confusion!  I’ve been posting memes daily for a while now because I like sharing funny things. Even have a page dedicated to it which has been up for almost a decade – Alodia Memes.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Food

Taho vendor sa Boracay, nag-viral dahil sa cashless na pagbebenta

Published

on

By

Kapag tayo ay bumibili sa taho vendor ang ipinambabayad natin ay ang perang hawak-hawak natin, pero alam mo ba na ang ilang taho vendor sa Boracay ay tumatanggap na ngayon ng cashless payment?

Viral ngayon sa social media ang taho vendor sa isla ng Boracay na si Mang Reynaldo Indalos.

Paano ba naman hi-tech na rin kasi ang pagbabayad sa kanya ng mga customer. Si Mang Reynaldo ay tumatanggap ng bayad gamit ang GCcash at Paymaya app. May pa-QR code o ‘quick response’ code pa ito. Scan and pay, ganoon kadali!

“Sa beach maam kapag nagdadala po ako nito, ang sigaw ko po Tahooo!  kapag walang cash pwede gcash,” ani  Reynaldo sa Ulatbayan.

Ayon kay Roanne, isang online freelancer na kumuha ng video, natuwa siya sa diskarteng ito ni Mang Reynaldo kaya’t kahit walang dalang cash ay napabili na rin siya ng taho.

“I find cashless transaction mas convenient and also para iwas na rin  for covid sense. ‘Yung money syempre. ‘Yung transfer ba ng viruses sa paghawak natin ng pera,” aniya sa Ulatbayan.

 

Ayon pa sa uploader, maging ang mga maliliit na vendor sa Boracay ay naka-cashless transaction na rin.

“Bibigyan ka na talaga nila ng QR code. As in naka laminate na talaga at ipapakita na lang sa’yo,” aniya.

Para naman kay Mang Reynaldo, na anim na taon nang magtataho sa Bora, nakatulong din sa kanya ang ganitong mode of payment. Minsan kasi ay malaki rin ang tip ng mga customer at dahil sa kanyang kwelang personalidad na-feature na rin siya ng mga bloggers mula sa ibang bansa.

“‘Yung taho ko, maam, may halong pagmamahal,” ngiting sabi ni Mang Reynaldo.

“Pampatibay ba ng relasyon ‘yung taho ko, sigurado,” dagdag pa niya.

Sa panahong nasa gitna tayo ng pandemya, lumalabas lalo ang diskarte ng marami at nahihikayat ang bawat isa na sumabay sa teknolohiya na mayroon ngayon. At sa panahon din na apektado ang kabuhayan ng mga maliliit na naghahanap-buhay, mainam na sila’y ating tangkilikin at suportahan.

Continue Reading

celebrity

Kakai Bautista, may paalala sa mga kabataan: “Matuto muna kayong maglaba”

Published

on

By

Nag-post ang aktres-komedyante na si Kakai Bautista sa kanyang Facebook account kung saan sinabi niyang huwag magpakasalaula ang mga kabataan.

Paalala ng aktres sa mga kabataan na nag-iinarteng adult sa social media na matuto munang maglaba ng underwear: “Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba nyan. NO TO SALA-ULA,” aniya.

“Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng adult sa social media, matuto muna kayong maglaba ng mga panty at brief n’yo,” aniya.

“Tama po miss Kakai Bautista kailangan matuto na ang mga kabataan kahit man lang underwear ay labahan nila…kahit mayaman ka man o mahirap hindi lang sa paglalaba ng underwear matuto ang kabataan dapat sa gawaing bahay din kasi sa totoo lang po marami tamad na kabataan ngaun, puro lang asa sa magulang o lola simpleng gawaing bahay lang pag inutusan mo naka muryot agad si face….peace lang,” kuwento ng isa sa mga followers ni Kakai.

Kasunod ng kanyang pag-post sinabi niyang siya ang naglalaba ng kanyang mga underwear.

“FYI ako ang naglalaba ng mga panties ko. Babad muna tapos banlaw,” aniya.

“Si Lucy minsan taga banlaw. Ayoko kase talaga ipalaba sa iba. Personal hygiene ‘yun eh,” hirit ng komedyante.

“Taas kamay ng mga adult na pero sila paren naglalaba ng underwear nila!” dagdag pa niya.

Bumuhos naman ang mga tugon sa kanyang mga post. Mahigit isang libo ang nagbahagi rin ng kanilang saloobin at may mga larawan pa.

“Kaming mahirap lang idol kayang kaya po namin Yan di lang panty panglahatan sino membro sa bahay salitan lang yan turo ng mama namin saming magkapatid mawala man sila busog raw kmi sa kaalaman at pangaral nila,” komento ng isang netizen.

Sa panahon ngayon ay magandang mulat lalo ang mga kabataan sa mga gawaing bahay para saan man sila mapunta ay hindi sila kawawa na wala silang alam gawin. Sabi nga ng nanay ng karamihan, pag mapupuri ang isang bata – unang mapupuri ang kanyang mga magulang at kung siya man ay mapintasan, una ding mapipintasan ang kanyang magulang sapagkat ‘di niya naturuan ang anak niya habang ito ay bata pa.

Continue Reading

social media

Leron Leron sinta: Isang papaya, may hugis korona

Published

on

By

“Walang halong mahika, pagmasdan ang bunga ng papaya. Hindi bilog – hindi mahaba, ni walang laman ang gitna, hugis nya’y korteng korona.”

Namamangha ang ilang netizens at mga residente ng Rosario, Cavite sa papayang tanim ni Nanay Alicia Reyes Ragasajo na may bungang hugis korona.

Laking gulat ni Alicia Reyes Ragasajo, 67 taong gulang, residente ng Brgy. Bagbag 1, Rosario, Cavite nang pitasin nya ang bunga ng kanilang papaya. Ito kasi ay hugis korona, malayo sa pangkaraniwang hugis ng papaya na nakikita sa merkado. Nag-iisa lang ang bungang ito na hugis korona, habang ang ibang kasama nito ay hugis bilugan naman.

“Ito ang unang bunga ng papayang itinanim namin, sobra kaming namangha sa bungang ito. Tila hindi pangkaraniwan. At animo’y may nagpaparamdam sa amin,” paglalahad ni Nanay Alicia.

Base sa pagsasalaysay ng pamilya Ragasajo, para sa kanila, ang papayang hugis korona ay pagpaparamdam umano ng namayapa nilang kapamilya na si King Ragasajo na magdiriwang ng kanyang ika-43 kaarawan ngayong darating na Enero 22.

Ang korona ay ipinapatong sa ulo ng isang hari na umaakma naman sa pangalan ng namayapang si King at sa bunga ng papaya na hugis korona.

Pinaniniwalaan ng pamilya na bagama’t sumakabilang-buhay na si King ay patuloy pa rin silang binabantayan nito.

Si King ay solong anak na lalake ni Alicia Ragasajo. Kilala rin ito sa kanyang barangay na isang magaling na Electronic Technician.

Sa kultura nating mga Pilipino, may kani-kaniya tayong pagpapahalaga at paniniwala. Anuman ang saloobin nila, ang mahalaga ay hindi tayo nakalilimot na alalahanin ang kapamilyang namayapa na.

Habang ang mga puno ng papaya ay nananatiling hitik pa rin sa bunga ay patuloy na pinag-uusapan at pinagmamasdan kung muli itong mamumunga ng kakaiba.

Ang papaya ay isang mahusay na mapagkukunan ng Vitamin C, Vitamin E at Vitamin A. Mayroon itong papain enzyme na makatutulong sa panunaw.

Ang mga dahon nito ay maaari umanong gamitin bilang panggamot sa dengue at ang mga buto nito ay mayroon ding magandang pakinabang pagdating sa iyong tiyan.

Continue Reading

Trending