Connect with us

Inspiring

Precious moment: Workout na nauwi sa kulitan kasama si lola

Published

on

“Gusto ko lang naman mag-workout.” ‘Ito umano ang inisyal na pinlano ng isang netizen. Kaya lang nauwi ito sa harutan nila ng kanyang mahal na lola!

Naalala mo pa ba ang masasayang araw mo kasama ang iyong lolo at lola? ‘Yung mga panahong nakakausap at nakakasama mo pa sila?

Image via Pexels

Eh ‘yung tuwa nila at saya habang kasama ka at nakakausap, napansin mo ba? ‘Yung tipong ramdam na ramdam mo ang pagkagiliw nila sa iyo. Doon pa lang ay sobrang saya na nila. Iba raw kasi ang bonding sa pagitan ng mga apo at mga lolo’t lola. Iba rin ang bonding sa pagitan ng mag-iina o mag-aama. May kakaibang kiliti ang bonding ng mag-abuela, sabi nga.

Kaya naman marami ang naka-relate at naka-miss sa kanilang mga elders nang mapanood ang videong ito ng isang apo na nag-workout sa simula.

Sa video ay ibinahagi ng isang babae ang kanyang plano sanang pagwo-workout. Makikita rito na nakaupo sa salas ang kanyang lola nang mapansin siya na may ginagawa at tinawag itong “murag wakwak ning amaw!”

Siya si Trisha Kate Maaliao Sorizo a.k.a Kikit. 19 anyos na gulang, isang Cheerleader, tiktoker at gamer mula sa Cagayan de Oro at ang kasama naman niya ay ang kanyang lola na si Josefina.

Ang video na ito ay unang nag-viral sa tiktok account ni Trisha (kiiiyt07) at maraming netizen ang naka-relate kaya madami ang napa-share.

@kiiiyt07 Josefina mapanakit. #foryoupage #trend #xyzbca #kikit ♬ original sound – Trisha Kate M Sorizo

Habang nagkakasiyahan ang mag-lola ay patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawang workout at may kasama pang tawanan. Kitang-kita mo talaga na sobra silang nasisiyahan sa kanilang ginagawang biruan harutan.

Kumalat na rin ito sa kung saan-saang social media platform at humakot naman ito ng mahigit 4M views at 339k reacts sa Facebook page na Papā.

Sa panahon ngayon ay bibihira nang mangyari ito kaya hangga’t andiyan pa ang ating mga mahal sa buhay ay pasayahin natin sila at ienjoy ang mga moments tulad nito.

Imahe mula sa Facebook | Papā

Nakaka-miss sina lolo at lola, hindi ba? Sa ganitong eksena ay talagang maaalala natin sila. Ika nga eh ‘happy memories with lolo and lola’.

Ikaw? anong namimiss mo sa lolo at lola mo?

Sa dami ng naaliw ay umabot na sa mahigit 7k komento ang post.

“Cherish this kind of moments with your Lola’s soon they’ll become memories,” ani P. Pangan.

“Namiss ko ung nanay ko. Nakaka inggit yung mga anak na kasama pa nila nanay nila ..kung pwede lang sanang hilingin na makabalik sya uulit-ulitin kong hilingin na sna gumising na sya. Miss my mom sobra sobra,” ani Y. Oirasor.
“I miss my Lola so much! her giggles every time I try to tease her and make her laugh when she’s eating. I got smacked often but that’s my prize. Love her so much,” ani M. Angelo.
May nagkomento naman kung gaano kasaya si Lola matapos ang kulitan nila ng kanyang apo.
“Look how happy she was,” ani T. Ursua. Napagod si lola o, pero bakas sa kanyang ngiti ang kasiyahan sa naganap na lambingan kulitan.

Imahe mula sa Facebook | Papā

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrity

Ken Chan, may malalaking negosyo dahil sa pagsunod sa payo ng mga magulang

Published

on

By

Sampung taon na rin ang showbiz career ng aktor na si Ken Chan.

Nagsimula siya bilang isa sa mga co-hosts sa “Walang Tulugan” ng yumaong German Moreno at ngayon ay isa na siya sa mga bankable male actors sa local showbiz industry.

Bukod sa pagiging mahusay na artista, nalilinya na rin ang aktor sa pagnenegosyo. Sa ngayon ay mayroon na siyang tatlong businesses na inaatupag. Filipino-Chinese si Ken kaya naman nananalaytay sa kanyang mga ugat ang dugo ng pagiging negosyante.

Noong November 2020 ay ibinida ng aktor ang ipinagagawang branches niya ng iFuel gasoline stations na umabot na sa lima.

“Just visited two of my iFuel Gasoline Station branches in Baliuag, Bulacan and San Fernando, Pampanga and I couldn’t be happier with the progress coming along. Can’t wait to show you my three new branches in the works. Stay tuned to find out in which cities!” pagbibida ni Ken noong 2020.

Co-founder din siya sa negosyong Aromagicare, na ang produkto ay affordable wellness massage chair at therapy oils.

At kamakailan lang ay inilunsad niya ang Cafe Claus, ang cafe-bakery na nagse-serve ng American at Pinoy dishes bukod pa sa cake at pastries.

Wika ni Ken, bata pa lang siya ay pangarap na raw talaga niya ang magkaroon ng sariling negosyo at ngayon nga ay natupad na iyon dahil sa kanyang pagsusumikap.

Malaking factor daw ang payo ng  kanyang mga magulang noon sa pagkakaroon niya ng puhunan sa negosyo. Mula noon hanggang ngayong may matagumpay na siyang showbiz career ay ina-apply pa rin daw niya sa buhay ang pagtitipid na natutuhan mula sa mga magulang.

“Ang turo ng mga magulang ko, kapag kumita ako ng sampung piso, ’yung gagastusin ko ’yung piso at ’yung siyam na piso, itatago ko. Ini-apply ko ’yun sa buhay ko simula pa nang mag-artista ako at hanggang ngayon po,” lahad niya.

Napatunayan raw niya na kapag may mga pangarap ka at pinaniwalaan ang iyongsarili ay matutupad ang mga iyon.

Continue Reading

Inspiring

Unli suki: Mag-asawang nag-wedding reception sa Mang Inasal, doon na rin nagdaos ng selebrasyon ng binyag

Published

on

By

Sa kabila ng pandemya, sinisikap pa rin ng marami na ipagdiwang ang mga milestones sa kanilang buhay tulad ng kasal, kaarawan at binyag ng anak, kahit sa simpleng paraan.

Kaakibat na talaga ng panahon ngayon ang pagsisikap na maging wais at organisado lalo na sa usaping budget para hayahay lang ang buhay. Mahirap kasing mawalan ng trabaho o mapagkakakitaan, ‘di ba?

Ngunit pangkaraniwan na sa ating mga Pinoy ang pinaghahandaan ang mga espesyal na okasyon lalo na’t may kasabihang ‘once in a lifetime’ lang naman ito mangyari. No problemo kung maayos naman ang iyong pamumuhay at kaya ng bulsa.  Bakit nga ba hindi pa gawing bongga ang mga selebrasyon, ‘di ba, kung ito ang inyong nais?

Ngunit para sa mag-asawang kinasal sa Cebu, hindi n akailangang garbuhan pa. Pinili nilang sa fastfood na lang gawin ang reception “kasi mas tipid at hindi na kami mag-iisip ng mga utang utang pa,” paliwanag ng napaka-praktikal na bride.

Yes, sa kilalang fastfood chain na ang Mang Inasal ginanap ang kanilang wedding reception. Sa budget na P3,044 ay nabusog ang labinlimang katao kasama na ang bagong kasal sa handang masarap na chicken, unli rice at unli sabaw. May kasama na rin iyong dessert na halo-halo.

Basahin: Unli kilig: Wedding reception sa fastfood may pa-unli rice at unli sabaw sa budget na P3k

 

Kamakailan ay ibinahagi ng naging cameraman ng kasal na si Babse Dondon ang ilang larawan kaugnay sa nag-viral na newly weds. Ngunit sa pagkakataong ito, iba na ang ganap niya sa okasyon ng mag-asawa. From cameraman ay nauwi na sa pagiging isa sa mga ninong ng kanilang anak ang naging ganap nito. Kumpare na siya ng mag-asawa.

“I considered it an honor covering a wedding of any couple; but becoming one of their daughter’s “Ninong” is something else. It speaks highly of what you are to them now and after. Salamat kaau kumpare ug kumare Rian Eran Baynosa ug Rhaqueza Vicente Mosende!” ani Babse.

 

Matapos ang viral reception sa isang sikat na fastfood resto, binyagan naman ang sunod nilang ipinagdiwang. Saan pa? Sa kanilang suking Mang Inasal pa rin na may pa-unli rice at unli sabaw!

Katulad noong kasal ay kaunti lamang din ang kanilang bisita sa binyagan. Marahil ay kaugnay na rin sa protocol na dapat nating sundin.

“Our viral Mang Inasal couple has returned to the same Mang Inasal outlet. This time for the (again) simple celebration of their baby Raynisha’s christening on the same church they were wed. Nuot sa ihaw sarap jud kay super paborito nilang Rian ug King ang Mang Inasal. Kuya Kim ano na? Pit Senyor!” saad ng photographer.

 

O saan ka pa? Kung sa bahay lang gagawin ay mag-iisip ka pa ng mga lulutin, maraming hugasin at kung anu-ano pa. Sa Mang inasal may party venue ka na, may unli rice at may mga crew ka pa.

Hinangaan ang pagiging praktikal ng mag-asawang Mosende. Simple man ang selebrasyon, masaya at memorable naman.

Narito ang ilang mga nagkomento at nagpahayag na gusto ring sa Mang Inasal magdaos ng selebrasyon.

“Wow yan na din balak ko sa binyag ng anak ko po.”

“Mas praktikal naman talaga sa mang inasal.”

“Mang Inasal kc unli rice, yummy halo halo nila, sa ngayon dapat maging practical congrats!”

“Tama lang yan!! at least nakaraos nang wlang hassle kesa nman mabongga k ng gastos tapos wlang ipon panimula…praktikal n ngaun tau hirap ng buhay ah.”

Continue Reading

Inspiring

Basketball player, iniwan ang career sa PBA para maging truck driver sa Canada

Published

on

By

Isang dekadang inalagaan ni Tristan Perez ang pangarap niyang makapaglaro bilang professional basketball player sa Philippine Basketball Association (PBA).

Natupad ang pangarap na iyon ni Tristan nang kunin siya ng Blackwater Elite team noong 2016, subalit sa loob lang ng isang taon bilang professional basketball player ay nagdesisyon siyang iwan ang PBA career niya upang makapiling ang asawa sa Canada.

“Ganoon talaga, may pangarap ka, minsan talaga may isa sa inyo na mag-asawa na may igi-give up para magkasama kayo,” paglalahad ni Tristan.

Sabi niya, tinimbang niyang mabuti ang kanyang mga options  bago nagdesisyon na sundan sa Alberta, Canada ang asawang si Princess Jhameel, kung saan ito nagtatrabaho. Pinag-isipan daw niya iyon nang ilang ulit.

“I weighed my options well. I thought it many times over. My wife was pregnant and it seemed that what I would be getting from a new life in Canada outweighed anything I might earn in the PBA – assuming I play long in the league,” aniya.

Mas pinili raw niya ang Canada kaysa sa PBA dahil ang magbebenepisyo ay ang future ng kanilang mga anak.

“Mas pinilli naming mag-Canada kasi ang daming benefits na maibibigay sa future ng mga anak ko. Kumbaga, less worry lang sa future. Buo na ang desisyon ko, eh. Hindi ako basta-basta magdedesisyon na hindi ko paninindigan eh,” paliwanag niya.

Tatlong taon na rin si Tristan bilang truck driver sa Canada. Napamahal na raw sa kanya ang trabaho dahil exciting daw ang pagmamaneho ng malalaking truck sa Canada.

“Napamahal na ako sa trabahong ito. ‘Yung trabaho ko parang hindi siya nakakainip, parang ang dami niyang challenge. Risky siya, pero doon ako nag-e-enjoy, eh, lalo na pag winter. Dumadaan kami sa iba’t ibang daan, bush road, ice road… tumatawid kami sa bridge na yelo,” ani Tristan.

Kuwento niya, ang misis niya ay school driver naman.

Aniya, malayo man ang pagiging truck driver sa dati niyang propesyon bilang professional basketball player sa PBA, kakaiba raw ang feeling niya dahil masaya siya sa kanyang ginagawa.

Continue Reading

Trending