Connect with us

celebrities

Pag-amin ni Alice Dixson: May mga nanligaw na politicians pero hindi ko sila type

Published

on

Beauty-queen-turned actress na isa sa pinakamagagandang mukha ng kanyang panahon, hindi na nakapagtataka kung marami ang napaibig ng Binibining Pilipinas-International 1986 na si Alice Dixson. At kamakailan nga, inamin ng beteranang aktres na may nanligaw sa kanyang politicians noong kasikatan niya pero wala siyang nagustuhan ni isa man sa kanila.

Ayon sa Pika Pika, dahil gaganap bilang ex-fiancee ni President Glen Acosta (Gabby Concepcion) sa First Yaya sequel na First Lady, naitanong kay Alice kung sumagi ba sa isip niya na maging first lady o asawa ng isang pulitiko. Dito na napakuwento ang aktres na gaganap sa role ng babaeng magpapahirap ng loob ni first yaya-turned-first lady na si Melody Acosta (Sanya Lopez).

alice politicians

“Merong mga nanligaw, pero hindi ko sila type,” natatawang tugon ni Alice. “Pero to be first lady, hindi ko siya naisip. There are a lot of suitors din sa political side, but wala talaga akong na-type-an.”

Samantala, naitanong din kay Alice kung dapat bang may kinalaman ang mga first lady sa public service career ng kanilang mga asawa. Para sa kanya, wala naman daw sa kahit anong titulo ang pagtulong sa kapwa.

“You don’t have to be beauty queen to have the heart to help our countrymen,” aniya. “Lahat tayo, we can do our part. And sa akin, importante talaga ang mga babae sa isang relationship, sa buhay ng kanilang asawa whether they’re in public service or not.”

“Narinig ko ito sa isang movie, pero totoo po ito…that men are the head of the family but the women are the neck. We can actually direct where the head goes,” natatawang dagdag niya. “Pero totoo ’yan. We can actually lead or sway or lead the men to the right direction also.”

alice politicians

Ang ‘First Lady’ na eere na ngayong Valentine’s Day ang magsisilbing reunion project nina Gabby at Alice na napakatagal na rin daw hindi nagkatrabaho.

“I’m a lawyer here. I’m the former love interest of Gabby. I came back because we have history that she needs to settle, kumbaga,” kuwento ng aktres na napa-reminisce pa nang balikan ang unang pelikula nila ng aktor.

“Actually, one of the first movies that I ever did was with Gabby,” aniya. “I think, I was only 17 or 18. It’s actually nostalgic to recall those days. ‘Yong mga single pa kami, mga bagets pa kami…masaya, ’di ba? And it was a pleasure working with Gabby.”

alice politicians

celebrities

Manny Pacquiao, proud Dad sa muling pagkapanalo ni Jimuel by UD sa amateur Vegas debut

Published

on

By

Higit kanino man, mayroon pa bang mas magiging proud sa muling pagkapanalo ni Jimuel Pacquiao bukod sa kanyang ama?

Siyempre, ang maalamat na ama nitong si Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa larangan ng boksing ang pinakamasaya dahil sa pagsunod ng kanilang panganay na anak ni Jinkee sa kanyang yapak bilang Pambansang kamao.

Kasunod ng pagkapanalo ni Jimuel ay ang pag-flex ng ama nito sa social media. “Congrats to our eldest son @pacquiao.emmanuel for winning his 7th amateur fight! 🥊 We are so proud of you.”

Sa kanyang Las Vegas debut, si Emmanuel ‘Jimuel’ Pacquiao Jr,  ang 21-anyos na panganay nina Manny at Jinkee ay nagawang talunin ang mas malaki niyang nakalaban na si Marco Rosales sa tatlong two-minute amateur rounds.

Pagbabahagi ng junior ni Pacman, “It was good. It was fun. It was fun. A lot of historic fights happen here.”

Nagwagi si Jimuel sa pamamagitan ng unanimous decision (UD) sa kaniyang unang laban sa Westgate sa Las Vegas nitong Linggo (Manila time). Naiuwi niya ang commemorative belt mula sa “Fights of Fury 8” charity event.

Hindi pa rito nagtatapos ang pagnanais ni Jimuel na maging mahusay na boksingero gaya ng kanyang ama na may record bilang eight-division boxing world champion.

Aniya, “I’ve been consistent, so I’m happy but I know I could’ve done way better in this one so I gotta get back in the gym.”

Gaya ng kanyang ama, si Jimuel na may bigat na 136-and-a-half pounds, ay napasabak na rin sa mas malaking kalaban gaya ni Rosales na may timbang  na 148 pounds. Nahirapan ba siya dito?

“It wasn’t really that much of a difference maker because I spar also big guys in the gym all the time, so it wasn’t that much of a difference,” pagbabahagi niya sa isang ulat ng ABS CBN.

Gumamit umano si Jimuel ng straight right laban sa kanyang southpaw opponent sa pagsisimula ng laban.

Pahayag naman ng kanyang nakatunggali, “the fight was close”.

Dagdag pa nito, “They gave him an edge on the decision. I personally thought I won but I’ll go back and watch it–see how it was I’ll go get that rematch.” 

Panoorin ang video na ibinahagi ng FIGHTSandHIGHLIGHTS via YouTube:

Continue Reading

celebrities

Vice Ganda sa ‘isyu’ nila ni Karylle: ’Di daw siya naoffend… we are OK’

Published

on

By

May update si Vice Ganda sa ‘isyu’ nila ni Karylle matapos mag-trending sa social media ang diumano’y pambabastos niya sa kaniyang co-host sa ‘It’s Showtime’ noong isang araw.

Hindi nagustuhan ng mga netizens ang pambabara at pagtrato ni Vice kay Karylle dahil sa sarkastikong pagsagot niya sa tanong ng huli.

Nagsimula ito nang sabihin ni Karylle na ibinigay ni Vice sa iba ang kantang matagal nang pinagpraktisan ni Vhong Navarro.

“So, anong problema, Karylle?” pakli ni Vice. “Oh, eh sana kinanta mo.”

Sinundan pa niya ito ng “Ok na ‘yan, Karylle” na para bang wala siyang pakialam sa opinyon ng iba, na kaibigan pa niya naman.

Iba ang naging dating nito sa mga netizens kaya agad naging trending topic ito sa socmed.

Ayon sa ilang nagkomento, para namang ‘kinawawa’ ni Vice si Karylle at lumalabas na parang pinapaboran pa niya ang ibang baguhang cohost kesa sa anak ni Zsa Zsa Padilla na matagal na rin sa programa.

Dahil din dito, nag-tweet ang ‘Unkabogable Star’ at inaming sablay nga siya sa kaniyang nagawa.

Aniya, “Oh so I am being called out. Yes I acknowledge sablay ako dun. Potah sablay again. Bawi po ako. Bawi right away.”

Subalit, nababawan pa rin ang ibang netizens sa pag-amin ni Vice kaya hindi pa rin siya tinatantanan ng mga netizens. Mukha daw kasing hindi sincere ang ‘It’s Showtime’ host at hindi man lang ito humingi ng paumanhin.

Sa kaniyang pinakahuling update sa Twitter, ibinahagi ni Vice na nakausap niya si Karylle at hindi naman daw talaga ito na-offend.

“Story time! Magkakasama kami ni K at Tyang and Anne sa dressing room. Di daw sya naoffend when i asked her,” tweet ni Vice.

Sa kabila nito humingi pa rin daw siya ng paumanhin at okay na naman sila.

Aniya, “But i still apologized. So to simplify WE ARE OK.”

Para naman sa mga tagahanga ni Vice, masyado lang pinalaki ng ibang netizens ang isyu.

Matagal na umanong magkaibigan at magkasama sa ‘It’s Showtime’ sina Vice at Karylle at normal na sa kanila ang ganung biruan at barahan.

Gayunpaman, wika naman ng iba, sana raw ay maging maingat pa rin sila sa pagbibitaw ng salita sa TV lalo pa’t napapanood ito ng maraming tao na hindi naman lahat nakauunawa sa kanilang istilo ng pagbibiro.

Panoorin ang naging ugat ng ‘isyu’:

Continue Reading

celebrities

Nade-develop na ba? Francine nilinaw ang totoong ugnayan nila ng FranSeth other half na si Seth

Published

on

francine seth

Ngayong opisyal nang ni-launch sa pamamagitan ng series na Dirty Linen ang tambalan nina Francine Diaz at Seth Fedelin o FranSeth, marami ang kinikilig at marami rin ang nagtatanong kung nade-develop na ba sa isa’t isa ang dalawa.

francine seth

 

Sa ulat ng PEP, nilinaw ni Francine na kasalukuyan pa nilang kinikilala ni Seth ang isa’t isa at wala pang anumang ugnayan.

“Okay naman, parang we’re still at that stage na getting to know each other. I think yun yung special sa aming dalawa. We’re getting to know each other,” aniya.

“Manligaw? As of now talagang work and we’re professionals. Work is work and that’s it.” wika pa ng aktres.

Nauna nang sinabi ni Francine sa isang interview sa Magandang Buhay na hindi siya nagmamadaling magkaroon ng kasintahan, lalo na at prayoridad niya ang kanyang pamilya.

“Saka na po siguro [ang pag-ibig] kapag naibigay ko na po ang lahat kina mama,” aniya.

[RELATED – Francine: Saka na ang pag-ibig kapag naibigay ko na lahat kina Mama]

Nilinaw niya rin sa beteranang broadcast journalist na si Karen Davila na sa kabila ng pagkaka-link niya sa Kadenang Ginto love team na si Kyle Echarri at kay Seth, hindi pa siya nagkakaroon kailanman ng boyfriend.

“Wala, NBSB po. No boyfriend since birth,” saad niya.

francine seth

Hinahangaan din ang dedikasyon niya sa pagpapaunlad ng sarili at hindi pagsasantabi ng kanyang pag-aaral sa kabila ng pagiging abala bilang isang artista.

“Palagi rin sinasabi ni Mama na sa showbiz, ’yong fame mo, hindi siya pang-forever. Parang anytime, p’wede kang mawala,” aniya. “So, maganda ’yung may fall back ka. ’Yon din ang sabi sa akin ni Miss Charo [Santos-Concio], kasi, nag-one-on-one kami before. Parang, ‘Nag-aaral ka pa ba? Kasi, mahalaga ’yan. Ang pag-aartista, hindi ’yan tumatagal. Suwertehan lang. Kung magtatagal ka, e, ’di good. Kung hindi, dapat meron kang fall back.”

francine seth

Panoorin sina Francine at Seth bilang Chiara at Nico sa Dirty Linen video na ito:

Continue Reading

Trending