Connect with us

trends

‘Kosk’: Bagong face mask sa South Korea ilong lamang ang natatakpan

Published

on

kosk

Sa pagpapatuloy ng pandemya, iba’t iba ang paraan ng mga tao habang nagpapatuloy sa “new normal”; may magaganda, may mga kakaiba, at mayroon ding mga hindi nakatutuwa. Isa ang “kosk” sa mga bagong imbensyon na unti-unti nang pinag-uusapan ngayon.

Ayon sa The Guardian, ang kosk ay isang bagong type ng face mask na nagsimula sa South Korea at sa kasalukuyan ay nakakakuha ng maraming atensiyon dahil sa pagiging iba nito sa mga tipikal na mask. Hindi kagaya ng karaniwan na natatakpan nang buo ang ibabang bahagi ng mukha, tanging ilong lamang ang natatakpan at nakalitaw ang bibig ng may suot nito.

kosk

“It probably makes a marginal difference,” saad ni Professor Catherine Bennett; kasalukuyang chairperson ng epidemiology sa Deakin’s Institute for Health Transformation.

Akmang-akma sa produkto ang ipinangalan dito ng South Korean company na Atman. Ang salitang “kosk” ay kombinasyon ng “ko” na Korean word na nangangahulugang “nose” at “mask”.

koskBagama’t idinisenyo umano para magbigay pa rin ng proteksyon habang kumakain sa pampublikong lugar ang isang tao, isinusuot na rin ang kosk bilang nose-only mode at marami ang natutuwa sa bagong klase ng mask. Ngunit marami rin ang bumabatikos sa produkto.

kosk

“Kosk makes no sense; reasons being: 1. Doesn’t stop the virus entering/exiting the wearer, 2. Smell and taste are closely linked. If the ability to smell is reduced, food may seem tasteless!” wika ng isang Twitter user.

“Forget sticking your nose out of your mask–now you can stick your mouth out instead with the kosk,” tweet naman ng isa.

Ikaw, anong masasabi mo sa bagong klase ng mask na ito? Isa ka ba sa mga bibili at gagamit ng kosk? Ibahagi sa amin ang iyong opinyon!

entertainment

Pakwela at pakulo ng isang food delivery restaurant patok sa netizens, ‘We deliver food and memes’

Published

on

By

Gusto mo ba ng pampa-good vibes? Tara na’t umordr sa  NomNom Comfort Food! “

“We deliver food and memes”

Trending ngayon sa social media ang isang restaurant dahil sa patok nitong pakwela at pakulo sa mga suki at new clients.

“Gusto ko lang kayong e-hype lahat na malapit na mag open ang Physical Store ng NomNom Comfort Food PH sa Puerto Princesa, Palawan! Kasi ngayon diba Emotional Store at Spiritual Store pa lang ang meron kami kasi gusto ko lagi kayo masaya ayieEeee!” ayon sa Facebook post ng kanilang page admin.

“Gagawin daw ng boss kong International Company yung NomNom Comfort Food PH balang araw at gagawin ko namang MEMEternational Company ang NomNom Comfort Food para hindi lang namin kayo maperahan Physically bagkus pati na din Virtually aw ayy nadulas,” dagdag pa nito.

Sa bawat delivery ay talaga namang kaabang-abang ang mga nakasulat na memes at hugot. Marami ang mga natuwa na netizens sa ginagawa ng food  dliverry na ito.

Halimbawa, tampok dito ang isang post na humakot na ng 6.5k reacts, mahigit 170 comments at mahigit 600 shares sa Facebook page nila.

“Ano kaya ang tinatagong sikreto ni mommy? Malalaman na kaya ni Cardo na siya ay tunay na Ardiente? Abangan……” sabi sa naturang  Facebook post. Aba! May pa-suspense pa ang nanay na umorder para sa kanyang anak.

Sari-saring hugot at messages ang umaagaw sa pansin ng netizens na nakasubaybay sa kanilang pag.

Marami ang naaliw sa mga nakatutuwang mensahe sa mga order ng mga customer.  Maaari kasing magpalagay ng mnsahe, hugot o pagbati sa mga supot ng ide-deliver na oders.

Ang kanilang marketing strategy ay pumatok sa masa sapagkat hindi lang pagkain ang hatid nila; meron pang pampasaya!

Narito ang usapan ng isang client at staff ng Nomnom Food Comfort;

Michael – Good evening.. mag order po sana ako ng isang nomnom juicy burger tapos papadala ko sana diyan sa gf ko. Pwede din ba magpasulat ako? Nakita ko kasi yung mga posts niyo hehe.

Staff – Sure sir pwedeng pwede, lagi naman namin ginagawa yan. Ano po ba sana isusulat?

Michael – Alam mo Anna, mahal na mahal kita ng sobra! Ikaw lang ang laging nasa isip ko mula sa pag gising hanggang sa pagtulog ko. Miss na miss na miss na miss na kita at lagi mong tandaan na hinding hindi kita ipag-papalit kahit kanino man. Pag uwi ko diyan sa Palawan ay gagawin natin ang9 lahat baby ko. Ingatan mo ang sarili mo diyan at kumain ka agi ng madami at promise pag uwi ko kakain tayo sa lahat ng masasarap na restaurant diyan. Sana magustuhan mo tong burgers na padala ko sayo at sana sing sarap to ng pagmamahalan natin. Marami pa sana ako gusto sabihin pero baka hindi na magkasya dito sa brown bag kaya babye na muna Anna. Till we meet again. I love you!

Ayos, ‘di ba? Hiling tuloy ng marami, sana ay marami silang branches dahil limited lamang ang kanilang nahahatiran. Mga taga-Puerto Prinsesa sa Palawan lang kasi.

Silip ka muna sa mga food offering nila o!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by NomNom (@nomnomcomfortfood)

Continue Reading

Inspiring

Anak ng single mom na dating kubrador ng jueteng, nagtapos na magna cum laude

Published

on

By

Hindi ikinahihiya ni Michael Cabanday Cariaga na isang kubrador ng jueteng ang kanyang ina.

Pagbabahagi ni Michael sa kanyang Facebook post noong July 18, 2022, “Yes, you heard it right.”

“And I am wholeheartedly proud to declare in front of so many people that I am the son of a single mother whose occupation is a small town lottery agent—or in our most common language—paghu-jueteng,” pagpapatuloy niya.

“Ikinahihiya ng iba, ngunit ipinagmamalaki ko!”

Si Cariaga ay nakatira sa Meycauayan, Bulacan. Nagtapos siya ng Bachelor of Secondary Education, Specialized in Filipino Language and Literature sa Arellano University bilang magna cum laude na may 1.08 GPA.

NABILANGGO ANG INA DAHIL SA  JUETENG

Sa kanyang post ay nagbalik-tanaw si Michael sa mga pinagdaanan niyang hamon sa buhay.

Ibinahagi niya sa mga netizens ang kanilang buhay, “Tunay na mapanghamon ang buhay, dahil mula pagkabata lagi na lamang pang-MMK ang nararanasan namin.

“Nandiyan ang ipinagtabuyan kami ng sarili kong tatay, palayasin sa tinitirahan at magpalipat-lipat ng bahay; araw-araw na manghingi ng ulam sa mga karinderya.”

Nasabi niya rin sa kanyang post na diumano ay nahuli na rin ang kanyang ina dati. “Nahuli na ngang minsan ang mama ko at dinala sa kulungan.”

Madalas umano silang pinagtsitsismisan at hamakin ng mga tao.

“Higit sa lahat ang pananaw ng marami na dahil pagwe-jueteng lamang ang ikinabubuhay ng mama ko ay walang makatatapos ng kolehiyo sa aming tatlong magkakapatid.”

Nangyari iyon sa kaniyang dalawang kapatid dahil sa hirap ng buhay; na sa murang edad ay nagsakripisyo ang dalawa niyang kapatid upang magbanat ng buto sa pagtatrabaho.

“Ngunit hindi ko ito hinayaan na magpatuloy sa akin, kahit na alam kong mahirap buong lakas-loob kong ipinaglaban ang pangarap ko.”

PASASALAMAT SA MGA TUMULONG AT SUMUPORTA SA KANYA

Nang magkokolehiyo, taong 2018, ay lumuwas si Michael patungong Maynila upang mag-apply ng scholarship. Kasama niya sa kanyang paglalakbay ang rosaryo na nagsilbing gabay ng Panginoon sa kanyang pagtahak patungo sa pangarap.

“Nakatapos ako ng Kolehiyo sa isang mamahaling unibersidad nang kahit piso ay walang binayaran,” paglalahad niya.

Labis ang kaniyang pasasalamat sa mga naglaan ng oras upang tumulong sa kaniya at tinatanaw niyang malaking utang na loob habang siya’y nabubuhay.

“Ang pagtatapos kong ito ay hindi lamang dahil sa pagsisikap at pagpupunyagi ko, kundi malaking bahagi nito ang napakaraming tao na ginawang instrumento ng Diyos upang maisakatuparan ko ito.”

Kaniya namang sinuklian ang mga suportang natamo niya sa mga umalalay sa kaniya at sinipagan pang lalo ang pag-aaral.

Dahil sa kanyang determinasyon at pagpupursigi ay itinanghal siya bilang Overall TOP 1 at Class Valedictorian sa pitong campus ng unibersidad sa taong 2022.

ANG SAKRIPISYO NG INA AT MGA KAPATID NAGBUNGA NA

Noong May 8, Mother’s Day, ay nag-post siya ng pasasalamat para sa kanyang ina.

Ipinabatid niya sa kaniyang ina na “Your love has been the balm for many problems we have faced.”

“Ma, alam kong alam mo kung gaano kita kamahal at gaano ka kahalaga sa amin. Sa loob ng mahabang panahon kinaya mong mag-isa na itaguyod kami. Ito na ma, unti-unti nang magbubunga ang lahat ng sakripisyo mo at nila ate.”

“I promise you that I will make you proud in every aspect of my life, and will try harder to be the son you will be proud of. Happy Mother’s Day Ma! I always ask, what have I done to deserve a mother like you? I thank God for making you my mother.”

Sa September 30 pa ang graduation nina Michael, pero sa ngayon ay employed na siya sa Arellano University-Manila Campus bilang Senior High School teacher.

Naka-enroll na rin siya para sa kanyang Master’s Degree sa Education.

Pinaghahandaan na rin niya ang board exam.

Ang payo niya sa mga education students, “Pagbutihin at pagsikapan pa ninyo ang pag-aaral, at huwag ninyong balewalain na parang high school lang ang college.

“Totoo ang kasabihan na kusang lalapit sa iyo ang trabaho once may na-establish ka na magandang grades and achievements during your college days.

“At huwag mapapagod mag-aral, ha.”

Tnay namang nakai-inspire itong si Michael!

Continue Reading

celebrities

Yeng Constantino, Rivermaya naglabas ng bagong bersyon ng ‘Liwanag sa Dilim’

Published

on

By

Nagtulungan sina Yeng Constantino at ang OPM band na Rivermaya sa pagpapalabas ng bagong bersyon ng hit song na “Liwanag sa Dilim.”

Ang tune ay kasalukuyang ginagamit sa kampanya para sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo sa Mayo 9.

Ang rendition ni Yeng ng kanta ay opisyal na inilabas noong Abril 17; kasama ang isang bagong music video na nagtatampok ng mga ordinaryong tao na sumusuporta sa kandidatura ni Leni.

Kinunan ang performance nila sa rooftop ng isang gusali. Ang music video ay kapansin-pansing nakakuha ng magandang pagsikat ng araw pati na rin ang mga aerial shot mula sa mga nakaraang campaign rally ni Leni at ng kaniyang running-mate na si Sen. Kiko Pangilinan.

Nanguna ito kaagad sa trending list ng Twitter Philippines matapos itong ilabas.

Bukod kay Yeng at mga miyembro ng Rivermaya, lumabas din sina Piolo Pascual at Angel Locsin sa music video kung saan ipinahayag nila kung bakit nila iboboto si Leni.

Ibinahagi naman ni Yeng ang music video sa kaniyang Facebook.

“Isang malupet na pagkakataon. Kasama ang mga hinahangaan. Para sa bayan at sa pinaniniwalaan. Liwanag sa Dilim. Sa pagkakaisa nating mga Pilipino, mapagtatagumpayan natin ang anumang pagsubok na dumating. Sa ilalim ng isang mahusay at matapat na pinuno, lahat tayo magsisilbing Liwanag Sa Dilim,” ani Yeng sa kaniyang caption post.

Bukod kina Yeng, Rivermaya, Piolo at Angel, marami pang celebrities ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Leni, kabilang ang aktor na si Daniel Padilla.

Sa viral photo niya, kasali raw ang Kapamilya actor sa pagpipinta ng mural para sa incumbent Vice President.

Samantala, ibinahagi naman ni Piolo sa kaniyang twitter account ang music video ng ‘Liwanag sa Dilim.’

Pagkatapos ay nagpasalamat siya sa mga volunteers na gumawa ng music video. “Maraming salamat sa ating mga Volunteer Film Workers, Artists, and supporters from different communities na naging kabahagi natin sa paglikha ng music video na ito!”

Panoorin ang video na ibinahagi ni Yeng:

Continue Reading

Trending