Social News
Proud wife here: Masipag at responsableng Mister, inako halos lahat ng gawaing bahay
Published
5 months agoon
By
Nami
Finlex ng isang misis ang kanyang mister sa Facebook page na Home Buddies. Aniya, “so blessed to have him as my partner.”
Ayon kay Marjorie, ang asawa daw niyang si Rommel Asuncion ang laging hanap-hanap ng kanyang mga anak. Ang mag-asawa ay may tatlong anak na babae at isang lalaki.
Masaya si Marjorie Asncn dahil nakatagpo siya ng sobrang sipag at responsableng mister na halos ito raw ang gumagawa ng mga gawaing-bahay.
“I just wanna show the world how blessed I am to have you,” aniya.
Ang kanyang mister daw ay nagtatrabaho mula 7 ng umaga hanggang 4 ng hapon tuwing Lunes hanggang Biyernes.
Kapag umuuwi ang kanyang mister galing sa trabaho ay nagpapahinga lamang daw nang saglitan at saka ito magluluto ng kanilang ulam. Sabado naman daw ang kanyang pahinga ngunit nagtatrabaho pa rin ito ng kung ano ano sa kanilang bahay.
“Saturday is his pahinga day pero tamang kumpuni pa rin ng mga dapat gawin sa bahay, as you can see mejo, bare type pa ‘yung house namin. ‘Yung patungan ng mga anek anek namin sa kusina sya lang ang may gawa pati ‘ung lamesa na pinagpapatungan ng kalan,” kuwento ng proud na misis.
“Sunday is his laundry day, tagasampay lang ako, literal.”
Halos lahat ng gawain ng babae ay kayang gawin ng kanyang asawa: magluto, maglaba, maglinis ng bahay, mag-alaga ng mga bata. Isa rin siya sa mga magaling magkumpuni ng kung ano ano, plantito, electrician, at construction worker.
“Halaman at gulay ang mga tanim nya, pati pagdidilig sa kanya din, electrician din namin yan, tubero din, siya yung nigkabit ng linya ng tubig namin nung bagong kuha namin tong bahay namin last March 2021,” kuwento ni Marjorie.
“Construction worker, siya nagpalitada ng terrace namin. Taga budget, ilocano siya, he really knows how to handle money.”
“Totoo yun, may mga tao pang kagaya nya and they really exists. Lahat silang magkakapatid (11) ganyan, sobrang pinagpapasalamat ng mga asawa, maasikaso at mapagmahal.”
Marami namang netizens ang nagkomento dahil ang kanilang asawa ay katulad din umano ni Tatay Rommel.
“Proud na proud din ako sa mr. ko naglalaba, nagluluto naghuhugas ng plato, higit sa lahat di mabarkada walang bisyo kaya oras nya sa amin lang, hard working para daw sa mga anak namin, proud ako sa nga ama na ginagawa ang responsibilities para sa pamilya.”
“Ganyan din asawa ko….kahit pinagsabihan ko na na magpahinga na lang total trabaho namin mga misis yan peru ayaw daw nya ako mahirapan…hindi kami mayaman sa pera pru atleast masaya kami…at superblessed ako sa asawa ko wala nang bisyo masipag pa.”
Napakasuwerte naman ng may mga ganyang katuwang sa buhay!
You may like
Social News
Neri Miranda graduates from college: ‘Kung kaya ko, mas kaya n’yo’
Published
4 hours agoon
June 30, 2022By
Jam
Neri Miranda has graduated from college and shared an inspirational post to those who also wants to finish school someday.
In an Instagram post, Neri thanked her husband Chito Miranda for being supportive of her college journey.
“GRADUATE NA AKOOOOOO! Natapos din! Thankful ako sa asawa kong palaging andyan for me to support me. Masaya lang siya kahit nasa gilid lang at pinapalakpakan ako sa mga achievements ko. Mas magaan ang buhay kapag may nag eencourage sa’yo at naniniwala sa kakayanan mo. Thank you, asawa ko. Mahal na mahal kitaaa,” she said.
She also addressed her followers who are also hoping to finish school and said that they can do it too.
“Sa lahat ng nakakabasa nito, kung kaya ko, mas kaya n’yo. Kung wala pang budget, mag ipon ka lang. Iba iba man ang journey natin, yung iba mas mauuna, may male-late lang konti, merong matagal talagang dumating kagaya ng sa akin,” Neri posted.
She also said that while it was not easy for her, she stayed optimistIc that what’s meant for her will eventually come.
“Habang naghihintay, ginagawa kong productive ang sarili ko. Para kapag ibinigay na ni Lord ang tamang panahon para sa akin, I AM READY.”
In a separate post, she noticed during their rehearsal that she is the oldest graduate but the 36-year-old mom is happy that she was able to tick it off her list of things to do before 40.
Neri shared that the key is being wise in life and how you spend your time.
“Kaya hahawaan ko kayo ng pagiging wais sa buhay, sa oras, sa pananaw sa buhay. Basta maging mabait lang sa lahat. Maging masaya sa success ng ibang tao at gawing inspirasyon ito, maging fair sa lahat lalo na sa sarili mo, umiwas sa mga toxic na tao, manalig kay Lord, magtiwala sa sarili, at higit sa lahat… mag-share ng blessings.”
Inspiring
Empleyadong nagre-resign sa trabaho, dapat bang pigilan?
Published
11 hours agoon
June 30, 2022By
Joyce
“Going to work with a happy heart matters most.” Iyan ang opinyon ng isang Vice President ng isang kompanya hinggil sa pagre-resign ng mga empleyado sa isang kompanya.
Kailangan daw mag-isip ang mga employer o boss kung paano mapangangalagaan ang mga empleyado upang hindi sila magbitiw o lumipat sa ibang workplace.
Ang relasyong propesyonal ng boss at mga empleyado ay mahalagang-mahalaga para sa ikatatagumpay ng isang kompanya. Ngunit sabi nga sa isang kasabihan sa Ingles, “People come and go.” Dumarating talaga sa puntong hindi napipigilan ang isang empleyado upang lisanin ang kaniyang pinagtatrabahuhan at humanap ng “greener pastures.”
Kaugnay nito, pinag-usapan ng mga netizens ang opinyon ng isang Vice President ng isang kompanya na nagngangalang “Zen Jaranilla” hinggil sa pagre-resign ng mga empleyado sa isang kompanya. Ibinahagi naman ito ng iba pang Facebook pages dahil sa timeless nitong mensahe.
Nakasaad sa post ng Vice President na kapag ang isang empleyado ay nagbigay ng resignation letter sa boss ng kompanya, ang inisyal na gagawin umano ng pamunuan ay ang pigilan ang empleyadong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag sa sahod o tinatawag na “counter offer.”
Minsan, matagumpay naman ito, subalit kadalasan din, hindi ito kinakagat ng empleyadong nais nang magbitiw sa kompanya..
Kaya naman, ano nga ba ang dapat gawin? Dapat ba talagang pigilan ang nagbibitiw na empleyado?
“Instead of counter-offer, employer should understand why employee resigns. Employers prepare programs on what makes the employees stay but seldom on what makes employees leave,” saad ng naturang Vice President.
Nagbigay siya ng mga aspeto na kailangang ikonsidera o gawin ng mga employer o boss.
Aniya, “Don’t focus on the salary. Employment is not always about money. Appreciation at work, friendship, peace of mind, and the absence of toxicity at workplace matter to the employees. Going to work with a happy heart matters most.”
Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.
“Very well said Ms. Zen Jaranilla. For me, toxicity talaga ang pinakamatimbang na rason kung bakit umaalis ang employee, more often, kung sino pa yung toxic, iyon talaga ang matigas mukha mag-stay sa company despite the fact na maraming kagaguhang ginagawa sa kompanya,” sabi ng isa.
Turan naman ng isa, “Yes. Very true! I like the last sentence. Going to work with a happy heart matters most.”
“Hindi lahat pera-pera. Kailangan, maganda rin ang workplace at hindi toxic. Kasi wala namang madaling trabaho. Mahirap na nga ang trabaho tapos toxic pa ang mga kasama, mapapa-resign ka talaga,” saad naman ng isa.
Ikaw, sumasang-ayon ka ba rito?
Social News
Walang makapipigil: Bagong kasal sumakay sa back hoe para makarating sa kanilang reception
Published
1 day agoon
June 29, 2022By
Yuna
Viral ngayon sa social media ang bride at groom na sinusuong ang rumaragasang baha sa Brgy. Igcococ, Sibalom, Antique para maidaos ang reception ng kanilang kasal.
Upang makarating sa kabila ay kinailangan nila ng back hoe na nagsilbi namang bridal car para makarating sa patutunguhan ang mag-asawa na nakilala na sina Ivy at Redjie.
Sa video na ibinahagi ni Janet Sareno sa kanyang Facebook account, makikita ang malakas at tumataas na tubig sa ilog sa naturang lugar.
“Walang baha..walang ulan.ang makapipigil sa tunay na nagmamahal… congratz ivy & redjie,” saad sa caption ni Janet.
Ayon kay Janet na siyang kumukuha ng video, tapos na ang kasal at patungo na sila sa reception sa bahay ng bagong kasal bandang tanghali nang biglang rumagasa ang tubig sa ilog dulot ng malakas at walang hintong pag-ulan.
Matagumpay naman na nakatawid ang newlyweds pati na rin ang kanilang mga bisita.
‘Ika nga, isang pagsubok ang nalampasan nilang mag-asawa, kaya naman sa hamon ng buhay ng mag-asawa kung sabay n’yo itong haharapin at kasama ang Diyos ay malalampasan din ang agos ng problema.
Ang video, na ipinost ni Janet, ay nakakuha na ng higit sa 431k views na may 4.4k reacts, 569 comments at halos 6K shares..
Marami ang bumati sa bride at groom at may mga naawa rin sa sinapit nila at may mga humanga.
“Unsafe s’ya pero sa ngalan ng pag-ibig ..big salute”
“Kawawa naman samantalang sa ncr, maayos na daan binabakbak para may project.”
“So risky pero sa ngalan nang pag-ibig, kayang isugal ang safety. Congratulations and best wishes”
“Grabe Sana all isang inspirasyon sa mga mag-asawa ‘yan go go go congrats po best wishes”
“This is the proof that true love exist no matter how hard life can be as long as you are together specially in the most difficult time.”

Neri Miranda graduates from college: ‘Kung kaya ko, mas kaya n’yo’

Kris Aquino reveals she and sons Josh, Bimby tested positive for COVID-19

Wala pang Wattpad: Netizens, inalala ang pocketbooks na patok na patok noong araw

Empleyadong nagre-resign sa trabaho, dapat bang pigilan?

Paris Hilton pinuri ang mga outfit ni Kylie Verzosa, ‘That’s hot’

Ariel Rivera shares secret to lasting marriage with Gelli de Belen

Imee says Marcos family ‘will not revise anything’: “We’ll just tell our side of the story”

Sharon Cuneta receives food, lengthy note from long-time friend Judy Ann Santos

Man in viral photo with Jason Hernandez clarifies rumors

Sen. Imee Marcos apologizes to Karen Davila after viral remark
Trending
-
Philippine Showbiz4 days ago
Leon Barretto asks dad Dennis Padilla: Is public sympathy really more important to you?
-
celebrities5 days ago
The secret to Start-Up star Bea Alonzo’s beauty? Not expensive brands but natural skincare
-
government4 days ago
Dela Rosa to push for mandatory ROTC bill in the next Congress anew
-
Philippine Showbiz4 days ago
Cesar Montano says being with kids on Father’s Day a ‘dream come true’
-
celebrities2 days ago
Too cute! Netizens can’t get over the dimples of Dimples Romana’s newborn
-
Philippine Showbiz4 days ago
‘God’s greatest gift’: Rita Daniela happy at proud na ‘soon to be a mother’ na siya
-
government3 days ago
Tulfo thumbs down aid for middle class Pinoys: ‘Middle class can take care of themselves’
-
celebrity5 days ago
Raymond Gutierrez ipinakilala na ang kanyang BF nitong Pride Month