Connect with us

Health

Babae gumaling sa HIV matapos ang stem cell transplant – Report

Published

on

Isang pasyente sa U.S. na may sakit na leukemia ang unang babae at ang pangatlong tao na gumaling sa HIV matapos umanong makatanggap ng stem cell transplant mula sa isang donor na ‘naturally resistant’ sa virus na nagdudulot ng AIDS, iniulat ng mga mananaliksik noong Martes, ayon sa ABS CBN.

Ang kaso ng isang 64-anyos na babae na may halong lahi, na iprinesenta sa Conference on Retroviruses and Opportunisitic Infections sa Denver, ay siya ring una sa paggamit ng  umbilical cord blood, isang mas bagong pamamaraan na maaaring magamit sa mas maraming tao.

Mula nang matanggap ang cord blood para magamot ang kanyang acute myeloid leukemia, ang babae ay nasa remission na umano at virus-free na sa loob ng 14 na buwan, nang hindi na nangangailangan ng mga mabisang paggamot  laban HIV na kilala bilang antiretroviral therapy.

Ang dalawang naunang kaso ay nangyari umano sa mga lalaki – isang puti at isang Latino – na nakatanggap ng mga adult stem cell, na mas madalas na ginagamit sa bone marrow transplants.

“This is now the third report of a cure in this setting, and the first in a woman living with HIV,” wika ni Sharon Lewin, President-Elect ng International AIDS Society, sa isang pahayag.

Ang kaso ay bahagi ng mas malaking pag-aaral na suportado ng U.S. na pinamumunuan ni Dr. Yvonne Bryson ng University of California Los Angeles (UCLA), at Dr. Deborah Persaud ng Johns Hopkins University sa Baltimore. Nilalayon nitong sundan ang 25 taong may HIV na sumasailalim sa transplant gamit ang mga stem cell na kinuha mula sa umbilical cord blood para sa paggamot ng kanser at iba pang malubhang kondisyon.

Ang mga pasyente sa pagsubok ay sumasailalim muna sa chemotherapy upang tunawin ang mga cancerous immune cells. Pagkatapos ay inililipat ng mga doktor ang mga stem cell mula sa mga indibidwal na may partikular na genetic mutation kung saan kulang sila ng mga receptor na ginagamit ng virus upang makahawa sa ibang cells.

Naniniwala ang mga siyentipiko na ang mga indibidwal na ito ay magkakaroon ng immune system na lumalaban sa HIV.

Sinabi ni Lewin na ang mga bone marrow transplants ay hindi viable strategy para mapagaling ang karamihan sa mga taong nabubuhay na may HIV.

“Confirms that a cure for HIV is possible and further strengthens using gene therapy as a viable strategy for an HIV cure,” ani Liwes.

Iminumungkahi ng pag-aaral na ang isang mahalagang elemento sa tagumpay ay ang paglipat ng mga selulang lumalaban sa HIV. Dati, naniniwala ang mga siyentipiko na ang isang karaniwang stem cell transplant side effect na tinatawag na graft-versus-host disease -kung saan inaatake ng immune system ng donor ang immune system ng tatanggap – ay may papel sa isang posibleng lunas.

“Taken together, these three cases of a cure post stem cell transplant all help in teasing out the various components of the transplant that were absolutely key to a cure,” saad ng President-Elect ng International AIDS Society.

Panoorin para sa dagdag kaalaman:

celebrities

‘Missing my baby’s kicks in my womb’: Jessy nagbahagi ng post partum photo, netizens humanga

Published

on

By

Matapos ianunsiyo nina Jessy Mendiola at Luis Manzano kamakailan na sila ay proud parents na, nagbahagi ang new mom sa kanyang Instagram Stories ng isang larawan ng kanyang post partum body.

Aniya dito, “Missing my baby’s kicks in my womb.” Idinagdag pa niya na siya’y “almost two weeks post partum”.

Sa ibinahaging post ng Inquirer.net sa Facebook page nito kung saan ay makikita ang screenshot ng IG post ni Jessy ay bumuhos ang maraming komento ng paghanga. Hindi kasi naabutan ng ibang followers ang IG Story ni Jessy na nag-eexpire na matapos ang 24-oras.

Kinabiliban ang post partum na pangangatawan ng 30-anyos na mommy.

“Sana ol ganyan ang aura 2 weeks post partum! Congrats!”

“Grabe sana all talaga. dyusku dyosa pa din. Ako nung tym ng two weeks na ko po dugyot ako sa taba ko .”

“Sana all ganyan ang hitsura nang 2 weeks postpartum 😄 nung ako yong 2 weeks ko mukhang 5 months pa rin ang tiyan ko.”

“Bat ganun parang di kayo nanganak hahaha  Samantalang ako 2 years old na anak ko mukhang buntis pa din, unfair talaga hahaha”

Naalagaan nang mabuti ni Jessy ang kanyang pagbubuntis kaya’t hindi ito lumobo katulad ng iba? Sabi nga ng isang nagkomento, “Iba talaga pag nasa tamang tao ka.” 

Bumuhos din ang pagbati sa kanila ni Luis at mayroon pang mga nagbiro na sundan agad si Baby Peanut para hindi niya mamiss ang mga ‘baby kicks.’

Mahihinuha na bandang Pasko nang isilang ni Jessy si Baby Peanut (palayaw). Kaya naman hindi na sila nakadalo sa Christmas get-together na ibinahagi naman ni Vilma Santos-Recto sa kanyang social media accounts. Mayroon na pala silang Isabella Rose Tawile Manzano!

Basahin: ‘Never knew I could love like this’: Jessy, Luis Manzano proud parents kay Baby Isabella Rose

Inaabangan na rin ang reaksyon ni Momsy Vilma na inihayag din ang kanyang excitement sa kanyang panibagong status in life bilang lola.

“As a first time lola, super excited talaga ako sa paglabas ng aming baby Peanut soon! <3  Siyempre marami akong tanong sa parents ng aming baby, and they have questions for me also. 🙂   Gaano ko kaya kadalas mahihiram si baby Peanut?” aniya sa nakaraang vlog kasama sina Luis at Jessy.

Panoorin ang latest vlog nina Luis at Jessy kung saan tinour nila ang followers nila sa room ni Baby Peanut aka Baby Isabella Rose:

Continue Reading

Food

Kamote mainam sa ating kalusugan

Published

on

By

Bahagi ba ng inyong hapag kainan ang kamote?

Ang kamote, na sweet yam o sweet potato sa Ingles (Ipomoea batatas), ay isang pangkaraniwang halamang-ugat sa Pilipinas na maaaring kainin. Ang mga mura at malambot na mga dahon nito na talbos kung ating tawagin ay maaaring pakuluan o i-steam at isahog sa mga lutuin.

Isa ang kamote sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy. Kaaniwang may matamis na lasa ang pagkaing-ugat na ito.  Manipis ang balat nito at may iba ibang uri; may kulay lila, may puti, may kulay kahel at dilaw.

Maaari mo itong kainin nang nilaga lamang o gamitan ng ulang na parang inihaw. Maaaring balatan o ipito nang may balat matapos linising maigi. Kamote cue ang pinaka-karaniwang pamamaraan sa pagluto ng kamote. Ang kanyang dahon ay puwedeng kainin din, at may maraming paraan sa pagluto nito.

Ano-ano naman kaya ang mga benepisyo ng pagkain ng kamote sa ating kalusugan?

1. Ang kamote ay mainam na source ng potassium.

Ang kamote ay isang magandang regulator sa tibok ng puso (heartbeat) at nerve signals. Ang mataas na lebel ng potassium ay makikita dito. Ang klase ng electrolyte na nasa kamote ay hindi lang nagre-regulate ng pagtibok ng puso kundi pinipigilan din nito ang muscle cramps at nagbibigay proteksyon din sa ating mga bato (kidneys).

2. Ang kamote ay masustansiya at nagbibigay ng karagdagang tubig at fiber 

Ito ay mainam na source ng fiber, vitamins, at minerals. Mayaman din ito sa antioxidants na nangangalaga sa ating katawan mula sa mga radical damage at mga chronic disease.

Tandaan din na ang ating katawan ay nangangailangan ng sapat na tubig para maging malusog. Malaking tulong ang kamote para diyan. Ang fiber na matatagpuan sa kamote ay tumutulong sa pagpapanatili ng tubig sa ating katawan. Pinapanatili itong balanse at pinapanatili tayong hydrated.

3. Ang kamote ay nakatutulong sa may hika (asthma)

Bukod sa pagiging masustansiya, mainam na isama sa diet ang kamote kung ikaw ay may hika. Ang kamote kasi ay isa sa mga pagkain na bihirang nagdudulot ng allergic reactions sa katawan. Di nga ba’t ang hika ay kadalasang kinakabit sa mga allergy?

Kapaki-pakinabang para sa mga may hika ang talbos o dahon ng kamote dahil sa pamamagitan ng aroma nito, nakatutulong ito na ma-decongest ang ilong at baga, kaya ang paghinga ay hindi stressful para sa may hika.

4. Ang kamote o sweet potato ay magandang source ng iron.

Hindi lamang karne ang magandang mapagkukunan ng iron. Ang kamote ay nakatutulong din sa ating katawan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng paggawa ng mga white blood cells at pinapabuti ang pangkalahatang pagpapalakas ng ating immune system dahil sa iron na matatagpuan dito. Di nga ba’t noon pa man ay sinasabi na kumain tayo ng talbos ng kamote lalo na kung maputla tayo o anemic?

5. Nakatutulong ang kamote upang makaiwas sa cancer.

Ang kamote ay may antioxidants na maaaring makatulong upang maprotektahan tayo laban sa ilang uri ng cancer.

Ang anthocyanins — isang grupo ng antioxidants na karaniwang  tinataglay ng kulay lilang kamot – ay nakapagpapabagal umano sa paglaki ng ilang uri ng cancer cells sa pantog,  bituka, tiyan at dede.

Ang matingkad na kulay kahel na kamote ay mayaman naman sa carotenoids na nagsisilbing antioxidants at tumutulong upang mapigilan ang paglaki ng cells. Napabababa nito ang risk na magka-cancer tayo.

Kailangang malakas ang ating immune system lalo na sa panahon ngayon na maraming virus. Kumain tayo ng maraming kamote dahil ito ay nakatutulong para hindi makapasok ang virus sa ating katawan.

Maraming paraan ng pagluluto ng kamote bukod sa simpleng paglalaga o pag-steam nito. Gawing bahagi ng inyong menu para sa buong pamilya.

Alalahanin ang ating mga ninuno noon at mga taga-probinsiya nating lolo at lola na naging malakas at mahaba ang buhay; marahil ay dahil sa kamoteng regular nilang kinakain!

Continue Reading

government

Kiko, may ibinidang uri ng saging; nanawagan ukol sa ‘Batas Sagip Saka’

Published

on

By

Ibinida ni outgoing Senator Kiko Pangilinan ang klase ng saging na hindi umano gaanong kilala o pamilyar sa karamihan, subalit masusumpungan naman sa kanilang bukirin sa Alfonso, Cavite.

Ipinakita ni Sen. Kiko ang litrato ng mga saging sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Hunyo 10. Aniya, tinatawag umano itong “arnibal” at maaari itong kainin kahit hilaw kagaya ng manggang isinasawsaw sa bagoong. Kapag hinog naman at ipinrito ay saksakan ng tamis.

“Heto ang saging na arnibal na tawag sa Alfonso. Hindi siya kilala masyado tulad ng saba, señorita, lakatan o latundan pero isa ito sa pinakamabenta naming produkto dahil sa sobrang tamis kapag piniprito. Kapag hilaw naman sinasawsaw sa bagoong tulad ng manggang hilaw,” aniya.

Batas Sagip Saka

Samantala, nanawagan naman siya sa pamamagitan ng isa Facebook post na patuparin nang buo at agaran ang “Batas Sagip Saka” upang may pagkain umano ang mga Pilipino.

“PATUPARIN NANG BUO AT AGAD ANG BATAS SAGIP SAKA PARA MAY PAGKAIN ANG MGA PINOY,” panawagan niya.

“Napipinto ang food crisis bunga ng giyera ng Ukraine at Russia, at ang pagputol ng global food supply chain sa trigo, at sa langis na siya namang nagpapataas din ng presyo ng abono at kung ano-ano pa.”

“Minumungkahi natin ang agaran at buong pagpapatupad ng Batas Sagip Saka para mabuo ang food eco-system at mapatibay ang food supply chain na nakatutok sa kapakanan at kagalingan ng mga magsasaka at mangingisda.

“Kailangan maitatag ang food eco-system sa Pinas na nakasandig sa sariling mga magsasaka at mangingisda, hindi lang sa dayuhan,” pagtatapos niya sa panawagan.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

“Maraming salamat po Sen. Kiko sa tulong sa ating mga magsasaka, kailangang-kailangan nila kayo ngayon at kailangan ng bansa ang mga magsasaka na tulad nila. Taimtim na panalangin ang alay ko sa kanilang lahat at sa mga tumutulong sa kanila,” saad ng isa.

Sabi naman ng isa, “Maraming salamat Sen. Kiko sa pagtindig para sa mga magsasaka!”

“Si Sen. Kiko lang talaga ang may malasakit sa mahihirap at magsasaka. Salamat po Sen. Kiko,” wika naman ng isa.

Ang Sagip Saka Act ay ganap na naging batas na kaniyang naisulong noong 2019 para sa mga magsasaka at mangingisda.

Samantala, nitong ika-11 ng Hunyo ay dumaan si Sen Kiko sa International Farmer’s Summit sa SMX MoA na naaataong last day na para makita ang mga exhibits doon. Aniya, “Ok naman siya. Medyo mas maganda sana kung mas maraming farmers at fishers cooperatives, groups at organizations ang mga participants o exhibitors na binigyan ng support mula sa organizers para makadalo sila. Siguro sa next Summit.”

 

Continue Reading

Trending