Connect with us

celebrities

Zia Dantes, nakatanggap na ng unang bakuna laban sa Covid-19

Published

on

Ang 6-anyos na anak ng celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia ay nakatanggap na ng first dose vaccine laban sa COVID-19!

Sa Facebook post nitong Miyerkules, ibinahagi ni Marian ang larawan ni Zia na nakaupo sa kandungan ni Dingdong sa loob ng kanilang sasakyan.

Naka-thumbs up ito sa larawan at ipinakita ang benda sa kanyang braso; tanda na ito’y nabakunahan na.

“Ate Zia received her 1st dose of Covid-19 vaccine. Good job Ate Z!” nakasaad sa post ng aktres.

Marami namang tagahanga ang natuwa sa katapangan ng bata.

“Very good girl! So proud of the parents. A very good example to everyone.”

“Thank you for being a brave girl and a good example to other children. May you be an inspiration to parents to have their children be vaccinated.”

“Good girl Zia stay safe and your family God bless to everyone.”

“Good girl baby…so brave.”

“Indeed an inspiring and responsible dad that care and love his child so much very brave family Dantes.”

Bukod kay Zia, nakatanggap na rin ng kanilang bakuna laban sa COVID-19 ang iba pang celebrity children katulad ng mga anak ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na sina Luna, 6, at Lucho, 11.

“Finally!! Our little ones got their first dose of Pfizer vaccine today! The waiting time is very forgivable bilang drive thru vaccine, the kids are not exposed to a lot of people… plus the effort that DOH put and the team of doctors headed by dr. @ayenuguid and dr. @romeonuguidmd, with them are more than 50 nurses and doctors facilitating the vaccination,” saad ni Juday sa kanyang caption.

Basahin: Judy Ann, happy mom dahil nakatanggap na ng bakuna sina Lucho at Luna laban sa COVID-19

Sinimulan ng Pilipinas ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 laban sa COVID-19 sa Metro Manila noong Lunes pagkatapos ng ilang araw na pagkaantala dahil sa “logistical challenges”

Ang rollout ay palalawakin sa buong bansa dahil layunin ng pamahalaan na ma- inoculate ang humigit-kumulang 15 milyong mga bata sa nasabing pangkat ng edad, naunang sinabi ng DOH.

celebrities

‘Yung excited ka umuwi para dito’: Luis ibinida ang saya sa kanyang pagiging ama ni Baby Peanut

Published

on

By

Gaano ba kasarap maging isang magulang? Maging isang ama gaya ng 41-anyos na si Luis Manzano, isang TV host, actor, comedian, VJ, at model/endorser?

Sa saliw ng rendisyon ni Christina Perri ng You are My Sunshine, mapapanood ang ibinahaging reel ni Luis kung saan ay buhat-buhat niya ang kanilang bundle of joy ng asawang si Jessy Mendiola na si Baby Peanut aka Baby Rosie.

Aniya sa caption ng kanyang post, “Yung excited ka umuwi para dito” ❤️

Pinusuan naman ito ng kanyang maybahay at ng ilang celebrity friends at IG followers. Kitang-kita naman kasi ang todo buhos na pagmamahal dito ni Luis habang yakap yakap ang anak at hinehele-hele ito. Paulit-ulit din niya itong hinahalikan sa noo at ninanamnam ang bango ng kanyang prinsesa na magtatatlong buwan na sa Marso 28.

“Always!!!!! You’ll never get tired of this feeling!!!!!,” pagsang-ayon naman agad dito ni Anne Curtis.

“Yesss, the always-excited-umuwi club!! 🙌❤️,” sabi naman ni Bianca Gonzalez-Intal..

“I remember when my daughter came to our life I had the same feeling na gustong gusto mo ng umuwi agad. Namimiss mo agad yung amoy nya tsaka kiss nya. And I stop riding my motorcycle which I really love doing. I will do everything for my daughter. “You will fight for your son but you will kill for your daughter, “ naka-relate naman ang isa pang ama.

Bukod sa heartwarming na tagpo ng mag-ama, humakot din ng atensyon ang pyjama ni Luis sa pangunguna ng kapwa celebrity niyang si Jolina Magdangal-Escueta! hahaha

“Yung pjs mo sayo talaga yan??” 😂😂😂😂 tanong nito at ng iba pa na iyon din ang napansin. hahaha

Sumagot naman si Luis ng “YES!! Sarap kaya!”

“Baby smell! ❤️ But Lu, what really got my attention are your pajamas 😂 parang ang sikip?” – annaabiol – na sinagot naman ni Luis ng “hahaha Sakto kaya!:

May mga napatanong pa kung kay Jessy ba ang suot niyang pyjama na light blue angkulay ay tila may mga disenyong pambata. Umapaw tuloy sa smiley emojis ang kanyang post. Kwela talaga itong si Luis.

Anyway, sa isa pang post ay nagbitaw ng pangako ang ama ni Baby Peanut, “Promise to always make you smile and laugh Peanut” ❤️

Marami namang ang nag-react ng puso sa tinuran niya at sa larawang ito.

“I love her smile while talking to her Dad ang cute [email protected]@talaga gorgeous baby.”

Continue Reading

celebrities

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Published

on

By

Sa kaniyang YouTube channel, masayang ibinahagi ni Solenn na ang kanilang dream home ay malapit nang matapos —  “#SosBolz House coming together!”

“We are building our forever house, Nico is in charge of saying Yes while I am in charge of everything else! Here is an initial update!” ayon sa kwelang caption ng kanilang video kamakailan.

Sa Instagram, nagpahayag din ng kanyan excitement ang 37-anyos na Filipina-French actress, VJ, model, TV host, singer, painter, fashion designer, at professional make-up artist.

“Finally building our dream home! 2 years in the making and a lot of learnings. Will share tips and suppliers and raw materials we discovered along the way . Cant wait to move in!” #CasaBolzico

May makwelang pahabol na ‘hinagpis’ naman dito ang kanyang asawa sa comments section. Anito, “No decision were taken by me in this house!” May 17 namang nakisimpatiya sa kanya sa pamamagitan ng laugh emojis.

Nagsimula ang video sa groundbreaking ceremony na 2021 pa ginanap at kasunod na ang land blessing. Ginamitan din nila ng tradisyon na pagbabaon ng old coins ang kanilang pagpapagawa ng bahay. Ipinakita rin nila ang kanilang regular na pagbisita sa bahay nila at siyempre, may pa-unfinished house tour na ring ginawa ang queen ng Bolzico household.

Ibinida nito ang mga espasyong nakalaan para sa garden, rooftop, mga silid, toilets, walk in closet, office ni Nico at ang hindi rin mawawala…ang kanyang studio bilang artist. Kitang-kita mo ang excitement sa kaniyang ‘house tour’ na ginawa.

Nabanggit din niya na malapit-lapit na silang lumipat kaya’t ibabahagi rin niya ang mga kaganapan sa mga susunod pang videos.

Bumuhos naman ang excitement at pagbati sa mga followers nila na nakaantabay sa kanilang journey bilang isang pamilya.

‘Wow congratualations to your growing family and another new house! <3″

“Wow!! casa Bolzico! Congrats guys ❤ lahat ng hirap sulit”

“Excited to see the finished house soon. I remember you saying a new house was coming, a bigger space and a really big yard so you won’t have to go out often esp since the family is growing. I don’t see the yard in this video though, hopefully, I’m wrong. but regardless, I’m so happy for you guys. Love!

“Congratsssss! Super ganda ng location niya kahit hindi pa tapos nung nakita ko. ❤”

So, “want to build a house? Think again!” hahaha

Continue Reading

celebrities

Panoorin: Mahusay na rendisyon ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ nag-trending, hinangaan

Published

on

By

Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa iconic na awiting “Anak” ni Ka Freddie o Freddie Aguilar?

Maging sa labas ng bansa ay kinilala at sumikat ang awitin ng ngayo’y 70-anyos nang legendary singer ng Pilipinas.

Kamakailan ay muli nitong hinarana ang mga dumalo sa isang espesyal na pagtitipon. Sa video na ibinahagi niya mula kay FB user Agot Hinayan ay mapapanood ang kanyang pagtatanghal kasama ang kanyang anak na si Jeriko Aguilar. Inawit niya rito ang “Anak.”

Ang bantog na Pinoy folk musician na kilala rin sa kanyang awiting “Bayan Ko” ay pitong dekada na ang edad  ngunit patuloy pa rin itong tumitipa ng kanyang gitara at nagpapaunlak sa mga imbitasyon. Wala pa ring kupas!

Basahin: Pag-awit ni Freddie Aguilar ng ‘Anak’, humaplos sa netizens sa gitna ng ‘isyu’ nila ng anak na si Maegan

Namana ng mga anak ni Ka-Freddie ang kanyang galing at hilig sa musika at hindi nakapagtataka na may talento rin ang mga ito. Ngunit sinusubok ng buhay ang relasyon ng mag-amang Freddie at Maegan kaya’t naging kontrobersyal ang hidwaan sa pagitan ng dalawa.

At gaya ng dati, humahaplos talaga ang awit na “Anak” sa puso ng mga nakakapakinig at nakakapanood.

“Nagdaan pa ang mga araw, At ang landas mo’y naligaw. Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo. At ang una mong nilapitan ang ‘yong inang lumuluha. At ang tanong anak ba’t ka nagkaganyan…”

Basahin: Maegan Aguilar nagpasalamat sa mga istrangherong tumulong, nagpasaring kay Raffy Tulfo

Bagama’t maraming batikos na natatanggap ang 43-anyos na si Maegan, mayroon pa rin namang mga naniniwala na makakaya pa nitong makabangon mula sa pagkakalugmok basta’t maging desidido ito. Mahusay naman kasi talaga itong magtanghal.

‘Anak’  – Maegan Aguilar style

Sa ibinahaging video ni netizen Mariz Mattila ay mapapanood ang napakagandang rendisyon ng iconic song ng kanyang ama.

Mensahe ni Mariz para sa 43-anyos na anak ng legendary singer, “Sayang ka Maegan napakagaling mong kumanta. Sana hindi ka mawalan ng pag asa.” #anak

Mayroon na itong mahigit 1.6 million views at hindi mo maitatangging taglay pa rin ng ‘prodigal daughter’ ang galing ng kanilang lahi. Ang sarap pakinggan nang paulit-ulit.

Si Ka Freddie mismo ang nagpahayag na may communication na sila ulit ng kanyang anak ngunit hindi pa rin daw ito maaaring  tumuntong sa kanyang pamamahay hangga’t hindi niya nakikita ang tunay na pagbabago nito. Nasa poder kasi ni Ka Freddie ang mga anak ni Maegan at pinangangalagaan niya ang mga bata.

Samantala, panoorin at pakinggan ang magandang rendisyon ni Maegan ng “Anak”:

Continue Reading

Trending