Connect with us

entertainment

Zia Dantes hinangaan sa pag-awit ng ‘Can’t Help Falling in Love’ habang tumutugtog ng ukulele

Published

on

Isa si Maria Letizia Dantes sa mga batang kinagigiliwan ng mga netizens dahil sa angking galing nito sa pagkanta at pagsayaw. Hindi rin maikakaila na very confident ito sa kanyang pagkanta at pagtugtog ng ukulele.

Muling pinatunayan ng panganay na anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na mayroon itong angking galing para maging isang magaling na musician.

Sa isang Instagram story ay ibinahagi ni Marian ang isang nakaaaliw na video ng kanyang anim na taong gulang na anak na babae na nagpapakita ng kanyang talento sa musika. Inire-upload naman ito ng thedongyanatics sa IG account nila.

Makikita sa video na tumutugtog siya gamit ang ukulele habang kumakanta ng ‘Can’t Help Falling in Love’

Bilang caption sa kanyang post, isinulat ng 37-year-old actress ang “sana all hahahaha”

Ilan sa mga natuwang netizens naman ang nagkomento.

“Very talented and smart.”

Talaga nga namang very talented at bibo ang anak nina Marian at Dingdong.

“She’s so cute and talented. Very smart and confident too. I can still remember her mini concert during our 10th Anniversary at the age of 3! Miss you Z!”

“Love it, I’m so happy for you Zia, you’ve got your own (ukulele), Enjoy singing while strumming your guitar.”

Sabi naman ng isang netizen ay nakakawala ng pagod ang pagkanta ni Zia at nakai-inspire pa.

“Nice watching Zia singing and playing the ukelele. Nakakainspire at nakakawala ng pagod.”

“Wow a nice Sunday morning with Zia singing the duet she did with her dada! With a (ukelele) keep it up & hoping you will do the complete version of it. God bless!”

Matatandaang namang nag-duet sina Dingdong at Zia sa kanta ring iyun kung saan si Zia ang kumakanta at nag-i-strum ng gitara habang ang kanyang ama naman ang tumitipa ng chords.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics)

Ang mag-ama sa kanilang bonding music time:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Muli itong nirepost ng proud Mommy Marian nitong April 5 at humakot na naman ng milyon-milyong views at likes. Mahigit 16M views, aba! #FlashbackFriday

celebrities

Glaiza itinanghal na Best Actress sa California: After 4 years, nakatatanggap pa rin ‘yung ‘Liway’ ng recognitions

Published

on

glaiza liway

Masayang-masaya ang Kapuso star na si Glaiza de Castro sa mga naaabot ng kanyang 2018 film na Liway, na hanggang ngayon ay nakatatanggap pa rin ng mga parangal.

glaiza liway

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres kung gaano siya kasaya nang malaman niyang itinanghal siyang Best Actress sa 29th Filipino International Cine Festival sa San Francisco, California sa ginampanan niyang papel sa Liway.

“So I got these messages at around 2 AM here in Canada saying something about Liway getting awards. ‘Di ko naintindihan agad then @kipoebanda told me that I just won another award. Huwatttt. Maraming salamat, @facinefilmfestival. It’s an honor po knowing that the winners were selected by an esteemed panel of three jury members: film scholar, critic, author JB Capino; Indonesian film scholar, curator Gaston Soehadi; and film and theater actor, academic Sunita Mukhi,” saad niya.

glaiza liway

Nang makapanayam ni Lhar Santiago sa Chika Minute, ikinuwento ni Glaiza kung gaano niya ikinatutuwa na umabot na sa ibang bansa ang Liway, “After four years na nakatatanggap pa rin ‘yong Liway ng recognitions. Nakarating na kami ng States.”

Kasalukuyang nasa kasagsagan ng shooting sa Canada si Glaiza nang mabalitaan niya ang kaniyang pagkapanalo sa California. Ito ay collaboration ng isang Canadian group at ng Canadian government. Fulfilled na fulfilled si Glaiza sa nasabing proyekto.

“Masaya kasi may mga kababayan tayo. Meron ding ibang people from like Russia. So ibang work ethics, sobrang efficient,” wika ni Glaiza sa pelikula tungkol sa mag-asawang sumubok magbukas ng isang bagong kabanata sa Canada.

“Napilitan siyang magtrabaho sa warehouse, kaya nandito po kami sa warehouse ngayon,” aniya. “They were just trying to survive.”

[RELATED – ‘What I have is his, what he has is mine’: Glaiza ibinahagi kung bakit wala silang prenup agreement ng kanyang mister]

Bukod sa kanyang karera, happily married din ang award-winning actress sa mister na si David Rainey.

Pebrero 2022 nang aminin ni Glaiza na ikinasal na siya sa asawang businessman sa hometown nito sa Northern Ireland noong Oktubre 2021.

Continue Reading

celebrity

Camille, VJ Yambao masayang ipinagdiwang ang kanilang ika-10 anibersaryo, ‘I am grateful for you’

Published

on

By

Masayang ipinagdiriwang ng mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao ang kanilang ika-10th anniversary at nagpalitan sila ng sweet messages online.

Binati ni Camille ang kanyang asawa at nagpakilig sa social media matapos mag-upload ng isang compilation video kalakip ang mensahe para kay VJ.

“Sampung taon pero parang sampung buwan pa lamang.

Walang hanggang pasasalamat sa Diyos dahil binigay ka Niya sa akin. Sa mga panahon na walang kasiguraduhan ang bukas, pinakita at pinaramdam mo na sigurado ka sa akin. Hindi pinakinggan ang sinasabi ng iba, basta’t sa maliit na mundo natin tayo ay masaya,” saad ng host kasunod ang pasasalamat sa Panginoon na si VJ ang ibinigay sa kaniya.

Patuloy pa ng aktres-host sa kanyang caption, “Sampung taon na ang lumipas, parang kahapon lang. Kasama kang mangangarap sa bukas na Diyos lang ang nakakaalam.

“Hawak kamay nating sisikapin at panghahawakan ang mga pangako ng nasa Itaas, walang hindi kakayanin basta’t patungo sa Kanya ang tatahaking landas.”

Gaya ni Camille, masayang-masaya rin si VJ na ipinagdiwang ang kanilang ika-10 taon ng pagmamahalan.

“To the most important person in my life next to Christ, genuinely happy to celebrate 10 years with you, my sweetheart.”

Ayon kay VJ, marami na silang pinagdaanang pagsubok at ito raw ang naging dahilan kaya mas lalong tumibay ang kanilang pagsasama.

“I am still in awe that 10 years went by so fast, we have gone through so many highs and lows together and looking back at those times when we were being tested and challenged, we didn’t understand then why we had to go through it all only to realize now I that those things are what makes our marriage stronger and sweeter,” anito.

Kaya naman pinasalamatan niya rin si Camille sa tiwala at respeto na ibinibigay sa kanya bilang asawa.

“As my wife, you have the biggest impact & influence in me. I appreciate it when you trust me and respect me when I make decisions for our family even If you do not understand sometimes, thank you for submitting yourself to me,” sabi ni VJ.

Dagdag pa nito, “I am grateful for you, thank you for always loving me unconditionally all these years. I am blessed to be treading this life with you and most of all, Big big thanks to the Man above for always being in the center of our marriage.”

Matatandaang ikinasal ang mag-asawa taong 2017, mayroon silang dalawang anak na sina Nolan at Nala.

Basahin: Throwback photo nina Camille Prats, VJ Yambao bahagi ng kanilang love story

Continue Reading

celebrity

Iza Calzado may madamdaming open letter para sa inang namayapa, napa-gender reveal na rin

Published

on

By

Nai-reveal ng aktres na si Iza Calzado ang gender ng kanyang unang anak sa kanyang asawang negosyanteng si Ben Wintle.

Sa kanyang open letter para kay Mary Ann Ussher, ang kanyang ina na namayapa na 21 taon na ang nakalilipas, ay inilahad niya ang kanyang damdamin para sa inang minamahal, lalo na’t siya ay nalalapit na ring maging isang nanay.

Pinarangalan ng aktres ang kanyang ina nang ipakita niya ang mga lumang larawan nilang magkasama at sinabing “help keep memories alive,” sa kanyang post sa Instagram noong Nobyembre 28.

“Twenty-one years now since you left this world, yet it seems like you always make sure I turn out well,” isinulat niya. “I know a lot of what’s happened in my life are dreams you had for yourself and for me. When I experience those moments, I truly feel your guiding light.”

Sa kanyang post humingi si Iza ng patnubay at suporta sa kanyang ina sa kanyang paghahanda sa pagiging isang ina na nalalapit na.

“Pretty soon, I will have my own child. A little Mary Ann, a little Iza,” wika ng aktres. “Your dreams and mine coming together for this beautiful blessing.”

“I promise to take lots of photos with my baby so she gets to keep those memories with her when the time comes for me to be with you again,” dagdag pa ni Iza.

Pagkatapos ay inihayag rin ng 40-anyos ang kanyang pag-asa na magkaroon ng mahabang buhay, kasabay ng hiling na ipahayag ang kanyang panawagan sa Diyos.

“Malayo pa ang lalakbayin ko at alam ko kasama kita dahil ang nanay, pumanaw man sa mundo, hindi kailan man iiwan ang kanyang anak. Ikaw ang nagpatunay nito,” pagtatapos niya. “I love you, Ma.”

Basahin: Iza Calzado puno ng pasasalamat sa mga sumusuporta sa kaniyang padadalantao

Naniniwala ang aktres na marami siyang dapat ipagpasalamat lalo na at nalalapit na ang pagdating ng baby number 1 nila.

“So much in life to be grateful for but I would say that I am most thankful for the gift of life growing inside me. I have never felt this kind of love and joy before. Paano pa pag andito ka na?” aniya sa isang Instagram post.

Continue Reading

Trending