Connect with us

celebrities

Alex Gonzaga na-diagnose na may ‘vocal chord nodules’, ayon kay Toni

Published

on

Nag-aalala man, bilib pa rin si Toni Gonzaga sa kaniyang nakababatang kapatid na si Alex matapos makitaan ang huli ng bukol sa kaniyang lalamunan.

Ibinahagi ni Toni na na-diagnose si Alex na mayroong vocal chord nodules bago pa man sila tumulak papuntang Dubai.

Kabilang ang magkapatid na Gonzaga sa mga celebrities na naimbitahang magtanghal sa ginanap na Expo 2020 Dubai noong Marso 3. Idinaos ang naturang event sa Jubilee Stage sa Dubai na dinaluhan ng maraming Pinoy OFWs sa United Arab Emirates (UAE).

Ayon kay Toni, nagawa pa ring makapagtanghal ng kaniyang kapatid sa kabila ng problema nito sa lalamunan.

“Proud of you sissily @cathygonzaga. She was diagnosed with vocal cord nodules before flying to Dubai but she still pulled it off for the show,” ani Toni sa kaniyang Instagram story.

Ayon sa Healthline, ang vocal chord nodules “are hard, rough, noncancerous growths on your vocal cords. They can be as small as a pinhead or as large as a pea.”

Ito umano ay sanhi ng sobrang pagka-strain ng boses ng isang tao dahil sa labis-labis na pagkanta, pagsigaw o pagsasalita nang mahabang oras.

Kadalasang nakikitaan nito ay mga singers, cheerleaders, radio hosts, preachers, coaches, sales people at mga teachers.

Subalit maaari ring dahilan ito ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, side effects mula sa gamot, o kaya dahil sa pagkakaroon ng sinusitis at allergies.

Samantala, maliban kina Toni at Alex, nagtanghal din sa Expo 2020 Dubai si Juan Karlos Labajo kung saan kinanta nito ang kaniyang monster hit na ‘Buwan’.

Ibinahagi pa ni Mommy Pinty Gonzaga na dinumog umano ng mahigit 16,000 spectators ang naturang event.

“Thank you to 16k pinoys who watched last night. Biggest crowd in one of the biggest stages in the expo. So proud to witness it. Maraming salamat Dubai!” ani Mommy Pinty sa kaniyang Instagram post.

Sa darating na Marso 18, ang bandang Parokya ni Edgar naman ang nakatakdang lumipad patungong UAE para rin sa Expo 2020 Dubai.

celebrities

Nagmahal, nasaktan, nagpaganda: New look ni Moira dela Torre thumbs up sa netizens

Published

on

By

Nagulat ang netizens nang makita ang bagong itsura ng mang-aawit at komposer na si Moira dela Torre makalipas ang ilang buwan mula nang breakup nila ng asawang si Jason Hernandez.

Nagpunta si Moira sa kanyang Facebook page noong Lunes, Setyembre 19, upang i-post ang kanyang mga larawan na nakasuot ng isang kumikinang na silver na dress at naka-sexy post ito.

“Thank u for making me feel extra beautiful last night ily guys,” saad ng singer sa kanyang post na nagpapasalamat.

Bumuhos ang pagpuri sa bagong itsura ni Moira at maraming nagbigay ng komento na nagsasabing mahal nila ang singer kung ano man ang hitsura nito.

“Moi, I love you in any shape or shade. You’ve always been beautiful to me,” isang fan ang sumulat.

Wish naman ng isang fan na maging maayos ang kalusugan ni Moi, “Hope your mental health is doing good, Moi. Very pretty!”

Basahin: Netizens wowed by Moira Dela Torre’s weight loss

“Nagmahal …. nasaktan …. Nagpaganda… Love you miss Moira,”

“You are beautiful not just last night, you’re always beautiful”

“You deserve every milestone and glow up in your life. Wishing you more blessings to come ate Moira Dela Torre!”

Basahin: Jason Hernandez, Moira dela Torre split after 3 years of marriage

Inanunsyo ng mag-asawa ang kanilang hiwalayan noong Mayo, kung saan inamin ni Jason ang pagiging “unfaithful” kay Moira.

“This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me,” anito sa kanyang FB post.

“Our love and respect for each other remains. We request for privacy during this difficult moment,” sabi ng dating mag-asawa sa joint statement na ipinost ni Jason na ni-repost ni Moira.

Inilabas ni Jason ang “Ako Na Lang” noong nakaraang linggo, na inaakala ng ilang fans na isang kanta tungkol kay Moira.

Basahin: Moira Dela Torre on split with husband: ‘Dati akala ko yung ‘Paubaya’ kanta ko lang’

Continue Reading

celebrities

Raymund Marasigan sa muling pagkikita ng Eraserheads, ‘We’re not comfortable without equipment’

Published

on

By

Ibinahagi ng drummer ng Eraserheads ang kanyang saloobin tungkol sa muling pagkikita ng iba pang miyembro ng Filipino alternative rock band kamakailan.

Ang Eraserheads ay isang Filipino alternative rock band na nabuo noong 1989 na kinabilangan nina Ely Buendia, Buddy Zabala, Marcus Adoro, at Raymund Marasigan.

Ang banda ay isa sa mga naging pinaka-maimpluwensya at matagumpay sa kasaysayan ng musikang Pilipino.

Nauna nang ibinalita ng mga miyembro ng banda na magkakaroon sila ng reunion concert.

Kamakailan, inamin ni Raymund Marasigan, ang drummer ng banda, sa music website na Bandwagon na ang muling pagkikita ng iba pang miyembro ng Eraserheads ay awkward.

“Obviously, we are famously not close, especially in the last few years,” saad ng dating drummer ng Eheads. Ngunit may exception naman kay Buddy Zabala, na nakikita niya umano nang regular; “because I see him every week.”

“With the four of us, it’s really, really awkward. We haven’t talked. We’ve been distancing from each other,” dagdag pa ni Raymund.

“Wala naman silang any issues. Then when it was finally over after a few minutes, I said, ‘I gotta go. I have a gig to play’,” sabi pa niya.

Nang sumunod nilang meeting ay awkward pa rin umano.

Pag-amin ni Raymund, “Tahimik eh. Walang usap.” 

“The four of us are awkward together ever since — it’s nothing new. We’re not comfortable without equipment. We’re not comfortable with each other,” anito.

Sa madaling salita, musika lamang ang nagpapagaan sa pagkikita nila. Nang ilabas na umano ni Raymund ang portable speaker at sinimulan nila ang pagtugtog, saka pa lamang sila naging at ease o kampante sa presensya ng bawat isa at nagawa nang magtawanan.

“Tapos madali na. It was music [that helped us overcome awkwardness],” pagbabahagi ni Raymund sa Bandwagon. Sa pagitan ng tugtugan ay saka nila napag-usapan ang mga detalye kaugnay sa gaganaping concert.

Matapos ang photoshoot, bawat isa sa apat na miyembro ay nagtungo sa social media upang ipahayag ang kanilang nalalapit na reunion concert na ‘Huling l Bimbo’ sa ika-22 ng Disyembre sa SMDC Festival Grounds at nagpost din ng larawan na may letrang E–  ang logo ng Eraserheads.

Ito ang unang pagtatanghal ng Eraserheads mula noong 2008 reunion concert nila, na natigil dahil sa inatake sa puso ang frontman na si Ely.

Na-disband ang Eraserheads noong 2002. Ang grupo ang nasa likod ng mga hit na kanta na “Ang Huling El Bimbo“, “With a Smile”, “Pare ko”, “Ligaya” at marami pang iba.

Continue Reading

celebrities

Dennis Padilla umalma sa naging interview ni Karen kay Julia Barretto; Claudine may pakiusap

Published

on

By

Naghayag ng kanyang saloobin si Dennis Padilla sa kanyang IG, na ngayon ay burado na, kaugnay sa naging pahayag ng kanyang anak na si Julia Barretto sa vlog ni Karen Davila sa YouTube channel nito noong Setyembre 15.

Kaya naman nanawagan si Dennis kay Karen na madinig naman din sana ang kanyang panig.

Sa pagpapahayag ng saloobin, humingi siya ng ilang paglilinaw kung ano ang sinasabi ni Julia kay Karen.

“Ako ang dapat takbuhan mo Julia. I defended you pero nagalit pa kayo sa akin. Sobra kayo. Ano etong mga k’wento mo kay Karen?? Ang buong bahay ko. Ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia. Ano pang revenge ang gusto niyong gawin? Lahat ng blessings nasa inyo na. Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko. Ano pa gusto n’yo?. Pati kay Gerard humingi ako ng apology. Ano pa?”

Iginiit din niya na naging provider na siya mula nang ipanganak ang kanyang anak na si Julia.

“Julia. Since you were born. Ako ang provider. What are you talking about?????”

Sa kasunod na post ng komedyante, nag-iwan siya ng tanong para kay Julia at idinagdag na parang wala siyang silbi rito.

Ikinalungkot naman ni Dennis na tila ginagawa umano siyang inutil ni Julia sa mata ng marami. “You make me look useless. Sobra ka naman.”

Nakiusap tuloy ang komedyante kay Karen na makapanayam din siya para hindi one-sided ang kuwento.

“Karen. You need to interview me para klaro. @iamkarendavila. You better interview ME para ‘di one sided. ‘Wag ganun!!! @iamkarendavila,” aniya.

Nag-reply naman ang award-winning journo sa post ni Dennis, at sinabing nagpadala na ito ng private message sa kanya.

Nakiusap naman si Claudine Barretto kay Dennis sa pamamagitan ng Instagram post, na ngayon ay burado na rin, na tigilan na ang mga anak.

“Kuya Tama na! Tumigil ka na pls! Sumusobra ka na! Maawa ka sa mga Bata. pls stop! Mag-usap tayo.”

Basahin: Julia Barretto on dad Dennis Padilla: ‘I just need more love, protection from him’

Continue Reading

Trending