Connect with us

celebrities

Andrea Brillantes, Ricci Rivero nagde-date? Namataan ang aktres na suot ang jersey ng basketball star

Published

on

Kinumpirma daw ng mga source ni Mama Loi na ang mga larawan ng aktres na si Andrea Brillantes at ng basketball player na si Ricci Rivero na tila magkasama sa isang night out ay naging dahilan upang maging usap-usapan ng mga netizens na nagde-date raw ang dalawa.

Isang waiter kasi sa isang restaurant sa Bonifacio Global City ang nag-post ng larawan nila ni Ricci at ng isa pang larawan na ang kasama naman nito ay si Andrea; na nagpapahiwatig na magkasama ang dalawa sa isang date.

Mas lalo pang uminit ang issue dahil sa isang Tiktok video ni Andrea na nakasuot ng jersey ni Ricci ng University of the Philippines Fighting Maroons. Dito ay sinurpresa siya ng matalik niyang kaibigan na si Darren Espanto ng mga aklat. Ibinahagi rin ni Andrea sa kanyang YouTube shorts ang nasabing vid clip. Mukhang same nga naman ang jersey nila ano?

Ayon sa caption, “andrea got books from darren (this is for content only they are just friends)” na may hash tags pang #darrenespanto #andreabrillantes

@kyrrenloops_ sana ol pi hahaha andrea got books from darren (this is for content only they are just friends) #darrenespanto #andreabrillantes #fyp #foryou ♬ original sound – DARDREE FOR L&B – KYRREN LOOPS

Naniniwala ang mga netizens na kinunan ang video noong lock-in taping ng “Lyric & Beat”; ang paparating na iWant series ni Andrea kasama ang ka-love team na si Seth Fedelin.

Kaya naman napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs ang dalawa sa kanilang “Showbiz Update” vlog dahil curious rin sila kung ano na nga ba ang namamagitan sa dalawa.

“According to our very reliable source, nag-confirm na they are really dating daw,” ani Mama Loi.

“Magdyowa na. Feeling ko magdyowa na. Sa akin lang ah. Puwede rin naman akong mali. Kung ide-deny nila ‘yan eh di mas alam nila ‘yan. Sila ang may katawan, pero tingin ko lang naman ‘yan,” sabi ni Ogie.

Ani Mama Loi “Sabi ng source ko, parang gusto na rin daw ni Andrea na mag-out doon sa relationship status nila ni Ricci para hindi na siya ma-link romantically kay Seth.”

“Bakit ayaw na niya kay Seth?” tanong naman ni Ogie.

“Eh babaero daw,” sagot ni Mama Loi.

“Nako, kailangan malinawan natin yan mula kay Seth. Kung babaero ba siya at kay Andrea naman kung gusto na niyang aminin na sila na ni Ricci,” ani Ogie.

“Pag sinabi niyang gusto na niyang mag-out, ibig sabihin sila na,” dagdag pa niya.

Samantala, wala pang pahayag ang aktres at ang baskteball player kaugnay sa kumakalat na bulungan.

Panoorin:

celebrities

Nagmahal, nasaktan, nagpaganda: New look ni Moira dela Torre thumbs up sa netizens

Published

on

By

Nagulat ang netizens nang makita ang bagong itsura ng mang-aawit at komposer na si Moira dela Torre makalipas ang ilang buwan mula nang breakup nila ng asawang si Jason Hernandez.

Nagpunta si Moira sa kanyang Facebook page noong Lunes, Setyembre 19, upang i-post ang kanyang mga larawan na nakasuot ng isang kumikinang na silver na dress at naka-sexy post ito.

“Thank u for making me feel extra beautiful last night ily guys,” saad ng singer sa kanyang post na nagpapasalamat.

Bumuhos ang pagpuri sa bagong itsura ni Moira at maraming nagbigay ng komento na nagsasabing mahal nila ang singer kung ano man ang hitsura nito.

“Moi, I love you in any shape or shade. You’ve always been beautiful to me,” isang fan ang sumulat.

Wish naman ng isang fan na maging maayos ang kalusugan ni Moi, “Hope your mental health is doing good, Moi. Very pretty!”

Basahin: Netizens wowed by Moira Dela Torre’s weight loss

“Nagmahal …. nasaktan …. Nagpaganda… Love you miss Moira,”

“You are beautiful not just last night, you’re always beautiful”

“You deserve every milestone and glow up in your life. Wishing you more blessings to come ate Moira Dela Torre!”

Basahin: Jason Hernandez, Moira dela Torre split after 3 years of marriage

Inanunsyo ng mag-asawa ang kanilang hiwalayan noong Mayo, kung saan inamin ni Jason ang pagiging “unfaithful” kay Moira.

“This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me,” anito sa kanyang FB post.

“Our love and respect for each other remains. We request for privacy during this difficult moment,” sabi ng dating mag-asawa sa joint statement na ipinost ni Jason na ni-repost ni Moira.

Inilabas ni Jason ang “Ako Na Lang” noong nakaraang linggo, na inaakala ng ilang fans na isang kanta tungkol kay Moira.

Basahin: Moira Dela Torre on split with husband: ‘Dati akala ko yung ‘Paubaya’ kanta ko lang’

Continue Reading

celebrities

Raymund Marasigan sa muling pagkikita ng Eraserheads, ‘We’re not comfortable without equipment’

Published

on

By

Ibinahagi ng drummer ng Eraserheads ang kanyang saloobin tungkol sa muling pagkikita ng iba pang miyembro ng Filipino alternative rock band kamakailan.

Ang Eraserheads ay isang Filipino alternative rock band na nabuo noong 1989 na kinabilangan nina Ely Buendia, Buddy Zabala, Marcus Adoro, at Raymund Marasigan.

Ang banda ay isa sa mga naging pinaka-maimpluwensya at matagumpay sa kasaysayan ng musikang Pilipino.

Nauna nang ibinalita ng mga miyembro ng banda na magkakaroon sila ng reunion concert.

Kamakailan, inamin ni Raymund Marasigan, ang drummer ng banda, sa music website na Bandwagon na ang muling pagkikita ng iba pang miyembro ng Eraserheads ay awkward.

“Obviously, we are famously not close, especially in the last few years,” saad ng dating drummer ng Eheads. Ngunit may exception naman kay Buddy Zabala, na nakikita niya umano nang regular; “because I see him every week.”

“With the four of us, it’s really, really awkward. We haven’t talked. We’ve been distancing from each other,” dagdag pa ni Raymund.

“Wala naman silang any issues. Then when it was finally over after a few minutes, I said, ‘I gotta go. I have a gig to play’,” sabi pa niya.

Nang sumunod nilang meeting ay awkward pa rin umano.

Pag-amin ni Raymund, “Tahimik eh. Walang usap.” 

“The four of us are awkward together ever since — it’s nothing new. We’re not comfortable without equipment. We’re not comfortable with each other,” anito.

Sa madaling salita, musika lamang ang nagpapagaan sa pagkikita nila. Nang ilabas na umano ni Raymund ang portable speaker at sinimulan nila ang pagtugtog, saka pa lamang sila naging at ease o kampante sa presensya ng bawat isa at nagawa nang magtawanan.

“Tapos madali na. It was music [that helped us overcome awkwardness],” pagbabahagi ni Raymund sa Bandwagon. Sa pagitan ng tugtugan ay saka nila napag-usapan ang mga detalye kaugnay sa gaganaping concert.

Matapos ang photoshoot, bawat isa sa apat na miyembro ay nagtungo sa social media upang ipahayag ang kanilang nalalapit na reunion concert na ‘Huling l Bimbo’ sa ika-22 ng Disyembre sa SMDC Festival Grounds at nagpost din ng larawan na may letrang E–  ang logo ng Eraserheads.

Ito ang unang pagtatanghal ng Eraserheads mula noong 2008 reunion concert nila, na natigil dahil sa inatake sa puso ang frontman na si Ely.

Na-disband ang Eraserheads noong 2002. Ang grupo ang nasa likod ng mga hit na kanta na “Ang Huling El Bimbo“, “With a Smile”, “Pare ko”, “Ligaya” at marami pang iba.

Continue Reading

celebrities

Dennis Padilla umalma sa naging interview ni Karen kay Julia Barretto; Claudine may pakiusap

Published

on

By

Naghayag ng kanyang saloobin si Dennis Padilla sa kanyang IG, na ngayon ay burado na, kaugnay sa naging pahayag ng kanyang anak na si Julia Barretto sa vlog ni Karen Davila sa YouTube channel nito noong Setyembre 15.

Kaya naman nanawagan si Dennis kay Karen na madinig naman din sana ang kanyang panig.

Sa pagpapahayag ng saloobin, humingi siya ng ilang paglilinaw kung ano ang sinasabi ni Julia kay Karen.

“Ako ang dapat takbuhan mo Julia. I defended you pero nagalit pa kayo sa akin. Sobra kayo. Ano etong mga k’wento mo kay Karen?? Ang buong bahay ko. Ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia. Ano pang revenge ang gusto niyong gawin? Lahat ng blessings nasa inyo na. Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko. Ano pa gusto n’yo?. Pati kay Gerard humingi ako ng apology. Ano pa?”

Iginiit din niya na naging provider na siya mula nang ipanganak ang kanyang anak na si Julia.

“Julia. Since you were born. Ako ang provider. What are you talking about?????”

Sa kasunod na post ng komedyante, nag-iwan siya ng tanong para kay Julia at idinagdag na parang wala siyang silbi rito.

Ikinalungkot naman ni Dennis na tila ginagawa umano siyang inutil ni Julia sa mata ng marami. “You make me look useless. Sobra ka naman.”

Nakiusap tuloy ang komedyante kay Karen na makapanayam din siya para hindi one-sided ang kuwento.

“Karen. You need to interview me para klaro. @iamkarendavila. You better interview ME para ‘di one sided. ‘Wag ganun!!! @iamkarendavila,” aniya.

Nag-reply naman ang award-winning journo sa post ni Dennis, at sinabing nagpadala na ito ng private message sa kanya.

Nakiusap naman si Claudine Barretto kay Dennis sa pamamagitan ng Instagram post, na ngayon ay burado na rin, na tigilan na ang mga anak.

“Kuya Tama na! Tumigil ka na pls! Sumusobra ka na! Maawa ka sa mga Bata. pls stop! Mag-usap tayo.”

Basahin: Julia Barretto on dad Dennis Padilla: ‘I just need more love, protection from him’

Continue Reading

Trending