Health
Batang laging gutom mayroon palang rare genetic condition
Published
11 months agoon
By
Cha Echaluce
Kung normal lang sa iilan ang maya’t mayang pagkagutom, ang nadarama ng isang 10 taong gulang na batang laging gutom ay hindi na pala karaniwan kung hindi isang rare genetic condition.
Sa ulat ng Senior Health Correspondent ng The Strait Times na si Joyce Teo, tinukoy na mayroong Prader-Willi Syndrome (PWS) ang batang si David Soo mula sa Singapore. Isa lamang sa bawat 15,000 births ang maaaring magkaroon nito.
“Mealtimes are coveted affairs for 10-year-old David Soo, who is constantly driven by the urge to eat. It is not a pleasurable live-to-eat feel that many enjoy but an uncontrollable hunger that he has to wrestle with for the rest of his life,” paliwanag sa nasabing article. “He does not have that sense of feeling satisfied after a meal. His stomach simply does not tell his brain that he is full.”
At hindi raw biro ang kondisyong ito maging sa mga nag-aalaga sa mga taong mayroon nito dahil kailangan daw matiyak na hindi mapasobra nang husto ang kain nila, lalo na at may iba pa silang kalaban bukod sa malalang klase ng obesity.
“Compulsion to eat is so overwhelming that people with this disorder, if left unsupervised, may endanger themselves by eating harmful food such as spoiled food or garbage and excessive quantities, harmful to the stomach. Affected children may also exhibit unusual behaviors regarding food including hoarding and/or foraging for food, stealing food, and stealing money to buy food,” saad ng RareDiseases.org.
Sa tahanan nina David, tinitiyak na hindi mapaparami nang husto ang kain nito kaya naman kung minsan ay kinakandaduhan na ang pintuan sa kanilang kusina at mayroon na ring takdang oras ng kain nito para alam daw ng bata kung kailan talaga ang tamang oras ng pagkain niya o kung kailan lamang siya maaaring kumuha ng snacks.
Dahil dito, nanatiling kontrolado ang timbang ni David kaya naman para na rin siyang isang normal na tao. Bagama’t kakailanganin niya ang ibayong disiplina pagdating ng panahon na siya na ang nag-aalaga sa sarili niya, lalo na at wala pang nakikitang lunas sa PWS sa kasalukuyan.
You may like
-
Full time job at business pinagsabay ng millennial; nakapagpatayo ng apat pang branch
-
Back-to-school idea? This mom prepares the most enjoyable lunch for her kid
-
Balik-tanaw: Ang matatamis na sandali ng twisted doughnuts ng Pilipinas
-
‘She saved up for it’: Claudia Barretto travels to Spain, Italy as graduation gift to self
-
Dimples Romana amazed at how technology gave her a glimpse of her 3rd child
-
Zeinab sa namåyapång anak na si Moon: ‘Mahal na mahal ka namin ni Ate Bia mo’
celebrities
‘Missing my baby’s kicks in my womb’: Jessy nagbahagi ng post partum photo, netizens humanga
Published
2 weeks agoon
January 14, 2023By
Joyce
Matapos ianunsiyo nina Jessy Mendiola at Luis Manzano kamakailan na sila ay proud parents na, nagbahagi ang new mom sa kanyang Instagram Stories ng isang larawan ng kanyang post partum body.
Aniya dito, “Missing my baby’s kicks in my womb.” Idinagdag pa niya na siya’y “almost two weeks post partum”.
Sa ibinahaging post ng Inquirer.net sa Facebook page nito kung saan ay makikita ang screenshot ng IG post ni Jessy ay bumuhos ang maraming komento ng paghanga. Hindi kasi naabutan ng ibang followers ang IG Story ni Jessy na nag-eexpire na matapos ang 24-oras.
Kinabiliban ang post partum na pangangatawan ng 30-anyos na mommy.
“Sana ol ganyan ang aura 2 weeks post partum! Congrats!”
“Grabe sana all talaga. dyusku dyosa pa din. Ako nung tym ng two weeks na ko po dugyot ako sa taba ko .”
“Sana all ganyan ang hitsura nang 2 weeks postpartum 😄 nung ako yong 2 weeks ko mukhang 5 months pa rin ang tiyan ko.”
“Bat ganun parang di kayo nanganak hahaha Samantalang ako 2 years old na anak ko mukhang buntis pa din, unfair talaga hahaha”
Naalagaan nang mabuti ni Jessy ang kanyang pagbubuntis kaya’t hindi ito lumobo katulad ng iba? Sabi nga ng isang nagkomento, “Iba talaga pag nasa tamang tao ka.”
Bumuhos din ang pagbati sa kanila ni Luis at mayroon pang mga nagbiro na sundan agad si Baby Peanut para hindi niya mamiss ang mga ‘baby kicks.’
Mahihinuha na bandang Pasko nang isilang ni Jessy si Baby Peanut (palayaw). Kaya naman hindi na sila nakadalo sa Christmas get-together na ibinahagi naman ni Vilma Santos-Recto sa kanyang social media accounts. Mayroon na pala silang Isabella Rose Tawile Manzano!
Basahin: ‘Never knew I could love like this’: Jessy, Luis Manzano proud parents kay Baby Isabella Rose
Inaabangan na rin ang reaksyon ni Momsy Vilma na inihayag din ang kanyang excitement sa kanyang panibagong status in life bilang lola.
“As a first time lola, super excited talaga ako sa paglabas ng aming baby Peanut soon! <3 Siyempre marami akong tanong sa parents ng aming baby, and they have questions for me also. 🙂 Gaano ko kaya kadalas mahihiram si baby Peanut?” aniya sa nakaraang vlog kasama sina Luis at Jessy.
Panoorin ang latest vlog nina Luis at Jessy kung saan tinour nila ang followers nila sa room ni Baby Peanut aka Baby Isabella Rose:

Bahagi ba ng inyong hapag kainan ang kamote?
Ang kamote, na sweet yam o sweet potato sa Ingles (Ipomoea batatas), ay isang pangkaraniwang halamang-ugat sa Pilipinas na maaaring kainin. Ang mga mura at malambot na mga dahon nito na talbos kung ating tawagin ay maaaring pakuluan o i-steam at isahog sa mga lutuin.
Isa ang kamote sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy. Kaaniwang may matamis na lasa ang pagkaing-ugat na ito. Manipis ang balat nito at may iba ibang uri; may kulay lila, may puti, may kulay kahel at dilaw.
Maaari mo itong kainin nang nilaga lamang o gamitan ng ulang na parang inihaw. Maaaring balatan o ipito nang may balat matapos linising maigi. Kamote cue ang pinaka-karaniwang pamamaraan sa pagluto ng kamote. Ang kanyang dahon ay puwedeng kainin din, at may maraming paraan sa pagluto nito.
Ano-ano naman kaya ang mga benepisyo ng pagkain ng kamote sa ating kalusugan?
1. Ang kamote ay mainam na source ng potassium.
Ang kamote ay isang magandang regulator sa tibok ng puso (heartbeat) at nerve signals. Ang mataas na lebel ng potassium ay makikita dito. Ang klase ng electrolyte na nasa kamote ay hindi lang nagre-regulate ng pagtibok ng puso kundi pinipigilan din nito ang muscle cramps at nagbibigay proteksyon din sa ating mga bato (kidneys).
2. Ang kamote ay masustansiya at nagbibigay ng karagdagang tubig at fiber
Ito ay mainam na source ng fiber, vitamins, at minerals. Mayaman din ito sa antioxidants na nangangalaga sa ating katawan mula sa mga radical damage at mga chronic disease.
Tandaan din na ang ating katawan ay nangangailangan ng sapat na tubig para maging malusog. Malaking tulong ang kamote para diyan. Ang fiber na matatagpuan sa kamote ay tumutulong sa pagpapanatili ng tubig sa ating katawan. Pinapanatili itong balanse at pinapanatili tayong hydrated.
3. Ang kamote ay nakatutulong sa may hika (asthma)
Bukod sa pagiging masustansiya, mainam na isama sa diet ang kamote kung ikaw ay may hika. Ang kamote kasi ay isa sa mga pagkain na bihirang nagdudulot ng allergic reactions sa katawan. Di nga ba’t ang hika ay kadalasang kinakabit sa mga allergy?
Kapaki-pakinabang para sa mga may hika ang talbos o dahon ng kamote dahil sa pamamagitan ng aroma nito, nakatutulong ito na ma-decongest ang ilong at baga, kaya ang paghinga ay hindi stressful para sa may hika.
4. Ang kamote o sweet potato ay magandang source ng iron.
Hindi lamang karne ang magandang mapagkukunan ng iron. Ang kamote ay nakatutulong din sa ating katawan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng paggawa ng mga white blood cells at pinapabuti ang pangkalahatang pagpapalakas ng ating immune system dahil sa iron na matatagpuan dito. Di nga ba’t noon pa man ay sinasabi na kumain tayo ng talbos ng kamote lalo na kung maputla tayo o anemic?
5. Nakatutulong ang kamote upang makaiwas sa cancer.
Ang kamote ay may antioxidants na maaaring makatulong upang maprotektahan tayo laban sa ilang uri ng cancer.
Ang anthocyanins — isang grupo ng antioxidants na karaniwang tinataglay ng kulay lilang kamot – ay nakapagpapabagal umano sa paglaki ng ilang uri ng cancer cells sa pantog, bituka, tiyan at dede.
Ang matingkad na kulay kahel na kamote ay mayaman naman sa carotenoids na nagsisilbing antioxidants at tumutulong upang mapigilan ang paglaki ng cells. Napabababa nito ang risk na magka-cancer tayo.
Kailangang malakas ang ating immune system lalo na sa panahon ngayon na maraming virus. Kumain tayo ng maraming kamote dahil ito ay nakatutulong para hindi makapasok ang virus sa ating katawan.
Maraming paraan ng pagluluto ng kamote bukod sa simpleng paglalaga o pag-steam nito. Gawing bahagi ng inyong menu para sa buong pamilya.
Alalahanin ang ating mga ninuno noon at mga taga-probinsiya nating lolo at lola na naging malakas at mahaba ang buhay; marahil ay dahil sa kamoteng regular nilang kinakain!
government
Kiko, may ibinidang uri ng saging; nanawagan ukol sa ‘Batas Sagip Saka’
Published
8 months agoon
June 12, 2022By
Joyce
Ibinida ni outgoing Senator Kiko Pangilinan ang klase ng saging na hindi umano gaanong kilala o pamilyar sa karamihan, subalit masusumpungan naman sa kanilang bukirin sa Alfonso, Cavite.
Ipinakita ni Sen. Kiko ang litrato ng mga saging sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Hunyo 10. Aniya, tinatawag umano itong “arnibal” at maaari itong kainin kahit hilaw kagaya ng manggang isinasawsaw sa bagoong. Kapag hinog naman at ipinrito ay saksakan ng tamis.
“Heto ang saging na arnibal na tawag sa Alfonso. Hindi siya kilala masyado tulad ng saba, señorita, lakatan o latundan pero isa ito sa pinakamabenta naming produkto dahil sa sobrang tamis kapag piniprito. Kapag hilaw naman sinasawsaw sa bagoong tulad ng manggang hilaw,” aniya.
Batas Sagip Saka
Samantala, nanawagan naman siya sa pamamagitan ng isa Facebook post na patuparin nang buo at agaran ang “Batas Sagip Saka” upang may pagkain umano ang mga Pilipino.
“PATUPARIN NANG BUO AT AGAD ANG BATAS SAGIP SAKA PARA MAY PAGKAIN ANG MGA PINOY,” panawagan niya.
“Napipinto ang food crisis bunga ng giyera ng Ukraine at Russia, at ang pagputol ng global food supply chain sa trigo, at sa langis na siya namang nagpapataas din ng presyo ng abono at kung ano-ano pa.”
“Minumungkahi natin ang agaran at buong pagpapatupad ng Batas Sagip Saka para mabuo ang food eco-system at mapatibay ang food supply chain na nakatutok sa kapakanan at kagalingan ng mga magsasaka at mangingisda.
“Kailangan maitatag ang food eco-system sa Pinas na nakasandig sa sariling mga magsasaka at mangingisda, hindi lang sa dayuhan,” pagtatapos niya sa panawagan.
Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
“Maraming salamat po Sen. Kiko sa tulong sa ating mga magsasaka, kailangang-kailangan nila kayo ngayon at kailangan ng bansa ang mga magsasaka na tulad nila. Taimtim na panalangin ang alay ko sa kanilang lahat at sa mga tumutulong sa kanila,” saad ng isa.
Sabi naman ng isa, “Maraming salamat Sen. Kiko sa pagtindig para sa mga magsasaka!”
“Si Sen. Kiko lang talaga ang may malasakit sa mahihirap at magsasaka. Salamat po Sen. Kiko,” wika naman ng isa.
Ang Sagip Saka Act ay ganap na naging batas na kaniyang naisulong noong 2019 para sa mga magsasaka at mangingisda.
Samantala, nitong ika-11 ng Hunyo ay dumaan si Sen Kiko sa International Farmer’s Summit sa SMX MoA na naaataong last day na para makita ang mga exhibits doon. Aniya, “Ok naman siya. Medyo mas maganda sana kung mas maraming farmers at fishers cooperatives, groups at organizations ang mga participants o exhibitors na binigyan ng support mula sa organizers para makadalo sila. Siguro sa next Summit.”

Nade-develop na ba? Francine nilinaw ang totoong ugnayan nila ng FranSeth other half na si Seth

‘Forever favorite?’ Netizens relate sa butas na damit pambahay ni Marvin Agustin

‘My forever love’: Gladys, Christopher ipinagdiwang ang kanilang ika-30 anibersaryo

Otin G ido-donate sa charity ang kaniyang kinita sa TikTok Live

Ryssi Avila, ipinakilala ang kaniyang ‘Anghel’

Tickets para sa Araneta concert ni Toni Gonzaga mahina ang bentahan?

Ama ni McCoy de Leon sa hiwalayang McLisse: ‘Hiyang-hiya ako sa nangyari’

Bag ni Heart Evangelista na nagkakahalaga ng P20-M usap-usapan sa socmed

KMJS video ng love story nina Boy Tapang at Fil-am GF naka-10M views na sa loob lamang ng isang araw

Kyle Echarri pens heartfelt message for sister battling serious condition
Trending
-
Philippine Showbiz4 days ago
‘Sorry to all the Marites’: Maureen Wroblewitz clarifies she has no ‘tea’ about her ex
-
celebrities3 days ago
McCoy De Leon, Elisse Joson nagkabalikan na nga ba?
-
entertainment4 days ago
’20 years of friendship’! Erik Santos! Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go muling nagkasama-sama
-
entertainment2 days ago
‘My forever love’: Gladys, Christopher ipinagdiwang ang kanilang ika-30 anibersaryo
-
Philippine Showbiz3 days ago
Ryssi Avila, ipinakilala ang kaniyang ‘Anghel’
-
celebrity2 days ago
Otin G ido-donate sa charity ang kaniyang kinita sa TikTok Live
-
Philippine Showbiz1 day ago
‘Forever favorite?’ Netizens relate sa butas na damit pambahay ni Marvin Agustin
-
celebrities1 day ago
Nade-develop na ba? Francine nilinaw ang totoong ugnayan nila ng FranSeth other half na si Seth