Connect with us

business

Coffee shop sa gitna ng rice field, itinayo ng couple na naniwala sa kanilang pangarap

Published

on

Nakakita ka na ba ng coffee shop sa mismong gitna ng rice field?

Ang ilan sa mga cutomers ay bumibiyahe pa nang ilang oras para lamang ma-experience ang Pangasinan’s ag.KAPI.ta coffee. Ito ay matatagpuan sa Kalikasan Road, Mangatarem, Pangasinan.

Ang ag.KAPI.ta ay isang Ilocano phrase na ang ibig sabihin ay “magkape tayo”

Ang kakaibang lokasyon ng shop ay agad na naging hit lalo na sa mga coffee lovers.

Ibinahagi ng couple na may-ari na ang ideya na magtayo ng negosyo sa gitna ng palayan ay hindi tumanggap ng positibong reaksyon mula sa ilang tao noong una.

Ngunit nagtiwala sila sa kanilang lakas ng loob at nagsimulang magtayo ng coffee shop noong 2021.

“‘Yun po’yung sabi nila na, ‘bakit magpapatayo dito? sino pupunta d’yan? sobrang layo, walang magiging customer ‘yan’,” ani Rozelle Mae Benedito, ang may-ari ng coffee shop.

“From 100% po na feedback, kami lang po ‘yung 2% dahil naniniwala kami sa sarili namin,” ani Mawl Mendoza Rillorta; partner ni Rozelle.

Ang mag-partner ay nag-invest ng mahigit P1M para sa kanilang business kung saan in-open nila ito sa publiko noong Hulyo 17, 2021.

Agad na lumikha ng buzz ang coffee shop nang simulan nila itong i-promote sa social media.

“Pinost po namin siya sa Facebook, ‘di po namin in-expect na magte-trend. Soft opening po namin, ‘yun nga pong gamit namin na machine no’n is hindi po pang commercial.”

“So pang bahay lang talaga, ‘di namin in-expect na sobrang daming tao. Nakakagulat, nakakatuwa na nakaka-overwhelm din dahil grabe po ang mga bisita.”

Coffee lovers, riders, at bikers na mula sa Manila ay bumibiyahe patungong Pangasinan para lang ma-experience ang ambience nito.

Bilang coffee lovers, gumawa ang couple ng sarili nilang mga recipe at nagsimula na ang negosyo.

Sa kasalukuyan, nag-empleyo sila ng karagdagang mga tauhan upang matugunan ang dami ng mga customer.

Ang ag.KAPI.ta ay maroong maiinit at malamig na inumin na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P80-P115. Available din ang mga pastry sa shop.

Bukas sila mula 7am hanggang 10pm, Lunes hanggang Linggo. Sinabi nila na ang paniniwala sa kanilang ideya ang susi sa kanilang tagumpay.

Kung magse-search ka sa YouTube – ag.KAPI.ta – ay makikita mo ang ilang vlogs ng mga nagtungo na doon. Mga happy customers!

Samantala, panoorin ang kanilang kuwento sa video na ibinahagi ng PhilStar via Facebook:

business

‘Bento Cakes for everyone’: Engineering graduate nakamit ang tagumpay sa baking business

Published

on

By

Posible ba ang ‘career shift’? 

Bagama’t walang background sa pagbe-bake, alam n’yo bang may isang Engineering graduate na nagpatunay na maaari ka palang mag-shift ng focus kahit malayo ito sa iyong tinapos?

Matapos magpalit ng career, si Danica Lynne Casta, 25-anyos, ay isa na ngayong matagumpay na owner ng isang online cake business. Ang kanyang ‘Amberlyns Cake’ ay kumikita na ng six-digit income kada buwan!

“I graduated from MAPUA University, Bachelor of Science in Construction Engineering & Management and I’m now a full time baker. I’m earning six digits a month,” inilahad ni Danica sa isang feature video na ibinahagi ng ‘Philippine Star noong Steyembre 2022.

Nang makaranas ng pagsubok sa usaping pinansyal ang kanyang pamilya noong kasagsagan ng pandemya, napilitan siya isantabi ang kanyang propesyon bilang inhinyero. Naghanap siya ng online job upang makatulong sa pamilya.

“Lockdown tapos kaka-graduate ko. Hindi ko alam kung pa’no ako mag-i-start. ‘Yung naipon ko do’n sa last kong salary, pinangbili ko siya ng oven na maliit. Ginawan ko ng cake ‘yung pamangkin ko and then do’n na nag-start,” isinalaysay niya.

Bagama’t isa lamang siyang beginner, ang kanyang cake business ay mabilis na nakilala dahil sa kanyang bento cakes.

[Siyempre, rumampa rin ang kanilang Valentine’s cakes nitong nagdaang Araw ng mga Puso!]

Bento Cakes for Everyone, Anytime

Ipinagpatuloy niya ang kanyang dedikasyon sa pagkatuto at mas mapabuti pa ang kanyang kaalaman kaya naman hindi nakapagtatakang naabot niya ang mga goals niya. Mula sa mga basic designs, nakagagawa na rin siya ng iba ibang disenyo at uri ng cakes.

Mula sa isang order lamang, mahigit 1,000 orders na kada buwan ang kanyang natatanggap; lalo’t higit ngayon 2023. Marami na rin siyang empleyado na katuwang sa kanyang negosyo.

Nagpapasalamat siya sa mga media features at sa mga celebrity na nag-eendorso sa kanyang mga produkto at sa lahat ng kanyang mga customers.

Sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay, hindi pa naman umano nawawaglit ang kanyang pangarap kaugnay sa kanyang pagiging engineer.

“For all na gustong mag-pursue ng dreams nila na malayo sa course nila, kung passion mo talaga ‘yung ginagawa mo, kung gusto mo talaga, push mo lang ‘yon. Mas prefer ko talaga passion, kung hindi mo love ‘yung ginagawa mo, ilulugmok mo lang ‘yung sarili mo do’n sa work mo na ‘di ka naman masaya,” mensahe niya sa iba.

Para mas lalo kang ma-inspire, panoorin ang feature mula sa Philippine Star at bisitahin ang Facebook page ng Amberlyns Cake  para sa mga nakatatakam nilang cakes.  Baka ikaw na ang susunod na oorder?

Continue Reading

business

Negosyanteng taga-Nueva Ecija, kinubra na ang P114-M na napanalunan sa Megalotto

Published

on

By

Kinubra na ng masuwerteng mananaya mula sa Nueva Ecija ang mahigit P114-M na jackpot na kaniyang napanalunan sa 6/45 Megalotto noong Disyembre.

Ayon sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes, Ener0 12, noong Enero 3 ay nagpunta sa kanilang tanggapan ang mapalad na bettor upang kunin ang kaniyang premyo.

Isa umano itong negosyante na nakabase sa bayan ng Sto. Domingo sa Nueva Ecija.

Napanalunan ng lalaki ang P114,327,454.00 na jackpot sa Megalotto na binola noong Disyembre 23 matapos lumabas ang kaniyang tinayaang kombinasyon na 11-21-01-12-17-03.

Ibinahagi ng negosyante na halos 15 taon na siyang tumataya sa lotto at ang lumabas na kombinasyon ay mula sa kaniyang mga paboritong numero.

Hindi niya umano inaasahan ang panalong ito sapagkat ang pinakahuli niyang panalo ay nagmula lamang sa 4 Digit at ‘balik-taya’.

“Lubos akong nagpapasalamat sa PCSO at sa Panginoon sa pagkapanalo ko sa lotto. Di ko po inasahan na sa ganitong panahon ko mapapanalunan ang jackpot, tamang tama magpa-Pasko pa yun. Hindi ko po maipaliwanag ang aking nararamdaman,” wika ng negosyante.

Bagama’t maayos naman daw ang kaniyang buhay ngayon, plano niya pa ring makatulong sa kaniyang mga kababayan at magtabi ng pera para sa kinabukasan ng kaniyang pamilya.

“Sa totoo lang po, naging maayos naman po ang naging takbo ng buhay ko. Nakita ko ang pangangailangan ng aking mga kababayan at napagpasyahan ko po na unahing ipantulong ang makukuha kong premyo mula sa lotto. Ipagpapatuloy ko rin at palalaguin ang aking mga negosyo at syempre mag-iipon para sa kinabukasan ng aking pamilya,” bahagi pa ng lalaki.

Dahil babawasan ng 20 porsiyentong buwis ang kaniyang premyo, aabot na lamang sa mahigit P92-M ang kaniyang maiuuwing pera.

Samantala, nakiusap naman ang PCSO sa publiko na patuloy na tangkilikin ang lotto para sa pag-asang mabago ang kanilang buhay bukod pa sa pagkakataong makatulong sa ating mga kababayang nangangailangan na sinusuportahan ng PCSO.

Continue Reading

business

BPI tiniyak na aayusin ang ‘duplicate transactions’, ligtas pa rin ang accounts ng kanilang customers

Published

on

By

Nag-aalala ang maraming customers ng Bank of the Philippine Islands (BPI) dahil sa hindi maipaliwanag na transaction sa kanilang account nitong nagdaang araw na nagresulta sa pagkawala o pagkabawas ng kanilang mga pera na nakatago sa naturang bangko.

Dahil dito, inulan ng reklamo ang BPI sa kanilang website at social media pages mula sa mga customers na hindi pa naliliwanagan kung ano ang nangyari sa kanilang account at kung maibabalik pa ang kanilang pera.

Nag-trending pa nga sa Twitter nitong Miyerkules, Enero 4, ang hashtags na ‘Hoy BPI’ at ‘0431 Debit Memo’, ang terminong ginagamit sa anumang uri ng debit transactions gaya ng withdrawals, funds transfer at bills payment.

Karamihan sa mga tweets gamit ang naturang hashtags ay dismayado sa nangyari sa kanilang bank account lalo pa umano na kailangan nila ngayon ang pera subalit hindi ma-access ang kanilang account, sa app man o sa website.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng BPI na aayusin nila ang gusot na ito at ibabalik ang anumang pera ng kanilang mga customer sa mas lalong madaling panahon.

“Following the double posting of ATM, CAM deposits, POS and e-commerce debit transactions from Dec. 30 to 31, 2022, please be informed that we expect correction of the duplicate transactions within the day,” ayon sa pinakahuling update ng BPI sa kanilang Facebook page.

“Given the high volume of inquiries on our online banking channels, you may experience intermittent access to our web and mobile app platforms. Rest assured that your account is safe and secure. Thank you,” saad pa ng bangkong pag-aari ng pamilya Ayala.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa BPI hinggil sa nangyaring insidente.

“The Bank already identified the root cause of the operational error and committed to reverse the erroneous transactions and restore mobile and internet banking services the soonest possible,” ayon sa pahayag ng BSP.

Inatasan na rin ng BSP ang nasabing bangko na magsumite ng timeline at updates tungkol sa reversal ng ‘erronous transactions’ na nangyari.

Sa kabila nito, marami pa ring customers ng BPI ang naniniwalang maayos ng bangko ang nasabing problema at maibabalik sa kanilang account ang naglahong pera.

Continue Reading

Trending