Connect with us

celebrities

Kathryn ipinagdiwang ang kaarawan kasama ang mga mahal sa buhay; Kanyang ina, may espesyal na mensahe

Published

on

Marso 26, nang minarkahan ng young actress na si Kathryn Bernardo ang kanyang espesyal na araw sa isang intimate dinner kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Nakasama ni Kathryn sa selebrasyon ang boyfriend niyang si Daniel Padilla, gayundin ang mga celebrity friends nila tulad nina Joshua Garcia at Kyle Echarri.

Ibinahagi din ng celebrity hairstylist na si John Valle sa social media ang ilang video na nagpapakita ng mga kaganapan sa kaarawan ng aktres.

Makikita sa isa sa mga video na hawak ni Daniel ang cake ni Kathryn habang ang mga dumalo sa birthday ay kumakanta ng Happy Birthday song.

Nakatanggap naman ng maraming pagbati si Kathryn mula sa mga netizens at celebrities sa kanyang kaarawan.

Kabilang sa mga kilalang personalidad na bumati sa kanya ng maligayang kaarawan ay si Karla Estrada, ang ina ng kanyang boyfriend.

Ibinahagi ni Karla sa kanyang Instagram Stories ang ilang posts na nakatuon sa birthday celebrant.

Maraming netizens naman ang naantig sa mensahe ng ina ni Kathryn na si Min Bernardo sa kaarawan nito na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram.

Nabanggit ni Min na “bunso is not a baby anymore” at tumatanda na siya at malaya na.

Ayon kay Mommy Min, darating ang punto sa buhay ng ating mga magulang na bigla silang malulungkot at magsisimulang mangulila sa kanilang mga anak.

“Bilang isang magulang nagpapasalamat ako sa lahat ng blessings na binigay ni Lord mula sa pagkakaroon ng maalwan na buhay, maayos na kalusugan, mababait at maaayos na career ng mga anak.”

“Ano pa nga ba ang hihilingin ko? Wala na, ‘di ba? Kaya lang dumadating ang time na nalulungkot ako, longing for my kids, may nasa malayo at may nasa tabi mo lang, pero still parang ang layo layo nila.”

“Here, another kid is getting older and want freedom. My bunso is not baby anymore. Kath, on your 26 years in this world, you achieved a lot, you work hard and naging mabait na anak, kapatid at kaibigan.”

“Sana kahit I gave your freedom, don’t forget to learn and accept words of advice and be wise in making decisions. Stay being sweet and caring, be true to yourself always… diyan ka minahal ng totoong mga kaibigan na nakapaligid sayo… MALIGAYANG KAARAWAN, anak.”

Panoorin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin)

celebrities

Sa kabila ng hiwalayan Pokwang ipinagdiwang pa rin ang kaarawan ni Lee O’Brian kasama ang mga anak

Published

on

By

Ilang buwan matapos ianunsyo ang hiwalayan nila ni Lee O’Brian, ginulat ng komedyanteng si Pokwang ang netizens nang ipagdiwang niya ang kaarawan ng kanyang dating asawa.

Sa Instagram, ipinakita ni Pokwang ang isang simpleng birthday celebration ni O’Brian sa kanilang bahay, kasama ang kanilang mga anak na sina Malia at Mae.

Sa short video, makikita sina Pokwang at Mae na kumakanta ng “Happy Birthday” song kina O’Brian at Malia, na inaabangan ang pag-ihip ng kandila ng kanyang ama.

“Happy birthday Dada @leeobrian. Pero ikaw @malia_obrian ang bida hahaahahaha ayan na naman sya,” saad ng aktres sa kanyang caption sa IG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Umani ito ng samu’t saring reaksyon mula sa mga fans dahil ang iba ay humanga sa bagong setup nina Pokwang at O’Brian habang ang iba naman ay umaasa na makita silang magkakabalikan.

Samantala, nagpasalamat naman si O’Brian kay Pokwang at maging sa anak nito na si Mae para sa kanyang birthday cake. Ibinahagi ni Lee ang video ng kanilang simpleng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

“And a happy birthday it has been!! Thank you my sweetheart @malia_obrian for singing and helping with the candles. And thank you @itspokwang27 @maesubong and family for the masarap cake (yes I had two servings!!!)” ayon sa post ni O’Brian.

Basahin: Pokwang masayang naka-bonding ng anak ang amang si Lee O’Brian sa US

Kamakailan ay masayang ibinahagi ng komedyante ang bonding moments ng mag-ama.

“Finally after two years its nana, grand pa and tita mimi time enjoy lang ate @maesubong and @malia_obrian see you soon mga anak us,” saad sa caption ng aktres.

Basahin: Pokwang speaks up on split with Lee O’Brian: ‘Hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko’

Ayon sa 52-anyos, maaaring natapos na ang relasyon nila ni Lee ngunit ang pagiging ina niya ay hindi, “Natapos man ito sa ‘di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko.”

Basahin: Pokwang defends Lee O’Brian, says he’s a good man and father

Continue Reading

celebrities

Dennis Trillo sa pagiging ama: ‘Sobrang saya, lalo akong nakumpleto’

Published

on

dennis trillo ama

Isang panibago at napakagandang yugto ang nagbukas sa pagsasama nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado nang dumating ang anak na si Baby Dylan. Kuwento ng aktor, labis daw ang tuwang ibinibigay sa kanya ng pagiging ama.

dennis trillo ama

Sa grand media launch ng upcoming teleserye ni Dennis na Maria Clara at Ibarra, kinumusta ng press ang kanyang pagiging ama at masaya ang naging tugon niya.

“Masaya, sobrang saya. Feeling ko lalo akong nakumpleto,” wika ni Dennis sa ulat ng Pikapika. “Ngayon, na-experience ko ’yong mga hindi ko na-experience dati. Nakapag-hands on ako talaga na mag-alaga ng pamilya, ng anak. Siguro isa ito sa pinakamasasayang stages ng buhay ko.”

Dahil dito, naging hamon daw talaga sa aktor ang malayo sa kanyang pamilya tuwing papasok sa lock-in taping.

“Medyo mahirap pero kailangan lang masanay. Kailangang magaling ’yong time management mo bilang artista at tatay sa bahay. ’Yon lang. Once na makuha mo na ’yong time management mo nang maayos madali ka nang makaka-adjust,” pagbabahagi niya.

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Dennis sa kanyang katuwang na si Jennylyn.

“Gusto ko lang sabihin na napakasuwerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya. Deserving ka talaga na magkaroon ng isang pang napakagandang anak na kamukha mo,” saad ng aktor sa Mother’s Day post niya para sa aktres. “Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo, alam kong hindi naging madali. Saludo ako sa’yo at sa lahat ng mga nanay na kagaya mo. Kaya nirerespeto, pinapahalagahan, at mahal na mahal kita.”

dennis trillo ama

Samantala, sa isa pang post, ibinahagi naman ni Dennis kung gaano siya humahanga sa pagiging babae, ina, at asawa ni Jennylyn, na para bang napakadali lamang dito na pagsabay-sabayin ang lahat. Aniya, “Ang role mo bilang babae, bilang ina at asawa, napakahirap pala. Bilib ako sa’yo kasi kayang-kaya mo lahat, you make it look so easy! Ang suwerte namin na kasama ka namin sa mga buhay namin.”

dennis trillo ama

Continue Reading

celebrities

Cryptic posts, pag-unfollow ni Sunshine kay Macky, mga pahiwatig ng breakup nga ba, tanong ng netizens

Published

on

By

Totoo nga kaya ang usap-usapang naghiwalay na ang aktres na si Sunshine Cruz at ang aktor-politiko na si Macky Mathay?

Ito ang tanong ng maraming netizens matapos mapansin na hindi na naka-follow si Sunshine kay Macky sa Instagram.

 

Nadagdagan pa ang mga haka-haka sa cryptic post ni Sunshine, “There is always something to be grateful for (heart emoji),” aniya.

Nag-post ang aktres kamakailan tungkol sa kanyang mga realizations at challenges sa lock-in taping sa loob ng 35 araw.

“It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best. Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way,” sabi niya. “So much blessings are being given to me and my family afterall. Wala akong karapatang mag reklamo.”

“‘Everything happens for a reason, live it, love it, learn from it,’” dagdag pa niya.

Ang naturang post ay agad na umani ng mga reaksyon mula sa mga kaibigan ni Sunshine sa showbiz, na nagpaabot ng suporta.

Nagkomento dito si Ruffa Gutierrez,  “Sending you hugs, Shine. Hope you’re doing okay now.”

Pati na rin si Donna Cruz: “Beautiful! God will work things together for our good, Shine! Love and miss you! ‘And we know that all things work together for good to those who love God, to those who are the called according to His purpose.’ (Romans 8:28 NKJV).”

Cathy Valencia, “Tight hug and kisses for you Shine.”

 

Samantala, ang huling post ni Macky sa kanyang Instagram feed ay noong kaarawan ni Sam Cruz at binati ito.

“God has perfect timing for everything. Learn to wait on Him. This brings Him honor, and it bring you peace,” saad ng politiko.

Napuna rin ng IG followers ni Sunshine na wala si Macky sa mga larawang kuha sa 21st birthday party ni Angeline bagama’t naroon siya noong debut ni Samantha.

As of writing, ginagamit pa rin niya ang litrato nila ni Sunshine bilang profile picture sa nasabing social media platform. Setyembre ng 2021 nang ipagdiwang nila ang kanilang ikalimang anibersaryo.

May pahiwatig nga ba sa pagkanta ni Sunshine ng “Someone that I used to love” kamakailan? O nagkataon lamang?

Basahin: Cesar Montano, Macky Mathay spotted shaking hands at Sam Cruz’s birthday

Continue Reading

Trending