Connect with us

celebrity

Sunshine Cruz kalmadong sinagot ang basher kaugnay sa kanyang ‘teenager attire’

Published

on

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay naging mahinahon pa rin sa pagsagot sa isang basher sa Facebook.

Kaugnay ito sa ini-upload na video ng aktres sa  Facebook noong Marso 16 kung saan ay makikitang sumasayaw siya.

Ang nasabing video ay matagal na raw naka-post sa TikTok na kamakailan lamang din niya ibinahagi sa kanyang FB account. Ang kanyang suot ay isang crop top at shorts.

Si Sunshine ay bigay todo na sumasayaw sa video sa saliw ng kantang “Give It Up” ng KC and The Sunshine Band.

“I forgot to reshare this here. Taken a few week weeks ago. This is me after doing errands at home,” ayon sa post ng aktres.

Nagpasalamat ang aktres sa kanyang mga anak dahil ipinakilala sa kanya ang TikTok na naghahatid sa kanya ng kaaliwan.

Ayon pa kay Sunshine, ang paggawa ng video sa TikTok ay nagsisilbi ring ehersiyo para sa isang inang katulad niya.

“Tiktok can also be a form of exercise sa mga mommies like me. Salamat sa aking mga anak for introducing me to tiktok,” aniya.

Marami ang nagkomento sa in-upload ni Sunshine na video at mga positibo naman ang karamihan sa mga sinasabi; na sexy pa at maganda pa rin ito, ngunit may isang basher na nakalusot at pinuna ang kasuotan ng aktres.

“Aywan katanda na ang attire parang teenager,” ayon sa basher na mahihinuhang hindi nagustuhan ang kanyang kasuotan dahil matanda na raw si Sunhine.

Mabilis na sumagot dito ang 44-anyos na aktres. “Kailangan po ba ang attire ko like yours para masabing tama ang suot? I don’t think may chart ang attire according to age. Basta happy at confident, go lang po! Walang bawal at masama.”

Para sa aktres, wala namang panuntunan kung ano ang dapat isuot ayon sa edad. Ang mahalaga ay masaya ka sa damit mong napili.

Nag-post muli si Sunshine kaugnay sa kasuotan ng mga kababaihan. Aniya, ito raw ang pinakamahalaga sa lahat.

Aniya, “Ladies! Wear clothes that make you happy and feel pretty. That’s all that matters.

“WOMEN SHOULD EMPOWER EACH OTHER INSTEAD OF BEING SO HATEFUL, ENVIOUS OF ONE ANOTHER.

“Good afternoon everyone!”

Bumuhos ang pagsang-ayon sa kanyang mensahe.

[Basahin: Sunshine Cruz pinalagan ang mga netizens na nagsasabing preggy daw ang anak na si Sam]

Ibinahagi rin niya sa kanyang IG account ang nasabing video na humakot ng mahigit 531K views.

“Day off muna si Cristine Chan sa stress at bangs. Exercise/tiktok muna. Happy weekend everyone!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)

celebrity

Doug Kramer ipinagmamalaki ang silver win ni Scarlett sa Taekwondo, ‘Win or learn! We’re all so proud of you!’

Published

on

By

Ipinagmamalaki ng dating basketball player na si Doug Kramer ang performance ng kanyang anak na si Scarlett sa isang Taekwondo competition kamakailan.

Ayon sa ama, masaya siya sa silver win na natanggap ng kanyang anak na ipinost sa IG noong, Oktubre 1.

“So, so proud of our baby doll, Scarlett!” ipinagmamalaking binati ang anak.

“This is your first face to face taekwondo sparring tournament, and you got your much deserved silver medal,” dagdag pa niya.

Sabi ni Doug na inamin ni Scarlett na minsan ay nawawalan ito ng self confidence at may mga pagkakataong tinatanong nito kung para sa kanya ba ang sport na Taekwondo.

“But each and every time you cried in frustration, you also came back and challenged yourself even more,” sabi pa nito.

 

“Keep your eagerness to improve, and learn from your mistakes,” payo niya sa kaniyang pangalawang anak. “But just like everything in life, nothing really comes easy and you have to put work into it.”

Aniya pa, “And when you love it, it’s worth all the tears, challenges, and all the work you put in. All because you didn’t give up. We all celebrate with you Scarlett!”

Inamin ni Doug na masakit makitang nadadapa o natatamaan si Scarlett ngunit pakiramdam niya ay marami siyang dapat matutunan at hindi siya nagsasawang pasayahin ang kanyang anak at paalalahanan itong huwag sumuko.

Inihayag din ng 39-anyos na ama na si Scarlett ay palaging nagtatanong sa kanya at sa kanyang asawang si Chesca Garcia-Kramer tungkol sa self-confidence at ang sagot niya ay, “Scarlett, nobody can teach you that but yourself.”

“And today you showed how brave you were in challenging a more experienced and taller fighter in your finals match. Win or learn! We’re all so proud of you!” sabi ni Doug.

Basahin: Chesca proud mommy sa anak na si Scarlett na kumikita na at may sariling business @10

Continue Reading

celebrity

Toni Gonzaga bagong brand ambassador ng Shopee, nag-trending

Published

on

By

Trending ngayon sa social media ang host-aktres na si Toni Gonzaga matapos ianunsyo ang pagiging brand ambassador para sa e-commerce company na Shopee.

Bago ang rebelasyon, marami na ang naghihinala na si Toni na ang susunod na endorser ng brand kasunod ng isang teaser na ipinost noong Miyerkules, Setyembre 28. Nakumpirma rin ito sa isang media event noong Huwebes, Setyembre 29.

“FINALLY, makikilala niyo na siya  🙂

Drop your guesses and CATCH HER tomorrow at 3PM for the big reveal!” ayon sa tweet ng Shopee.

Sa isang media event kung saan siya opisyal na inanunsyo bilang Shopee Philippines ambassador, pinasalamatan ni Toni ang mga internet users para sa online engagement bago ang launching.

“Since yesterday we are trending, today we are grateful for our netizens for the mentions and engagements, they are the reasons why we are here today,” saad ng aktres.

Naging trending topic sa social media ang hashtags na #BoycottShopee at #ByeShopee kasunod ng mga promotional teaser videos na  nagpapahiwatig ng pagsali ni Gonzaga bilang bagong ambassador ng kumpanya.  Nag-number 2 trending naman sa Twitter.

Ilang social media users ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa Shopee at may mga nagbahagi na napilitan silang tanggalin ang application sa kanilang mga selepono.

Bumuhos ang samu’t saring reakyon mula sa netizens. Mayroong mga bumati sa aktres-host at mayroon ding mga hindi natuwa.

“OMG! Well. Just uninstalled shoppee app. Goodbye shoppee, hello Lazada!”

“Cancelled all my Shopee purchases.”

“Imbes na ipambayad n’yo dyan ‘yung pera, ibigay n’yo na lang sa mga empleyado n’yo.”

“Sana it’s not yet too late para matauhan si Shopee.. Hope they change their mind to get Toni G. as endorser. It will surely in any way affect their market.”

“Kawawang mga nilalang, napaghalataang mapapait pa rin….habang si Toni G. namamayagpag lalo.”

“Sa palagay ko naman hindi kawalan sa Shoppee ang mga iilang kontra kay Toni….bitter lang siguro sila.”

Naging kontrobersyal ang aktres matapos niyang ibigay ang kanyang suporta sa likod ng nanalong tandem ng 2022 national elections, sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte.

Matatandaan na ang kanyang kapatid, ang vlogger-actress na si Alex, ay naging ambassador din ng Shopee.

Continue Reading

celebrity

Heart sumailalim sa IVF: ‘I have a baby boy and a baby girl waiting for me’

Published

on

By

Ibinahagi ng aktres na si Heart Evangelista ang mga pagsubok na naranasan niya sa ilalim ng in-vitro fertilization (IVF).

Sa kaniyang feature story sa September issue ng L’Officiel Philippines na iniulat ng PEP, sinabi ni Heart na “one of the toughest, challenging times” ang naging karanasan niya sa pagsasailalim sa IVF.

“With IVF, they inject you with fertility hormones. It was very difficult and painful. I had three injections a day over a two-week process,” saad ng 37-anyos.

Hindi sinabi kung kailan sinimulan ni Heart ang proseso, “after the harvesting and the processes that came after, they were able to gather the perfect boy and the perfect girl,” aniya pa.

Matatandaang  noong 2018 ay nakunan ang aktres, kaya bumalik ang nararamdamang pressure sa sarili ni Heart na magkaroon ng anak at pag-aalala kung handa na ba siya rito.

“I actually have a baby boy and a baby girl waiting for me, but I’m really at this stage in my life where, ‘Do I want a child because I want a child?’ or ‘Do I want a child because the environment or culture dictates that I should have a child?'” sabi pa niya.

Basahin: Heart Evangelista pinayuhan ng netizen na magpa-IVF o In-Vitro Fertilization

Gayunpaman, hinihikayat ng aktres na beauty at fashion influencer ang ibang kababaihan na sumailalim sa IVF dahil ito ay “buys time.”

“Any time they decide on having a child, the embryo is there. Whether you decide immediately or five years from now, there is no deadline. Also, the process is available in the Philippines and not just abroad.”

Sa pagtatapos ng panayam para sa cover story ay nagpasalamat si Heart sa kanyang asawang si Senator Francis “Chiz” Escudero sa pagsuporta sa kanya.

“Chiz is a really good guy though we’re very different because he’s very conservative and I’m also a little bit more modern. Perhaps it’s because of our age gap. But what I like about him is he tries. He tries to be as supportive as he can be.”

Bago ang paglabas ng magazine, nagsimulang kumalat ang breakup rumors patungkol sa mag-asawa kamakailan.

Basahin: Heart sa gitna ng kanyang ‘personal struggles’, ‘I realized that there is so much more to life than perfection’

Sa isa sa kanyang mga vlog sa YouTube, inamin ni Heart na nagbigay ng update sa kanyang mga followers tungkol sa kanyang buhay, at inamin na siya ay kasalukuyang may personal na pinagdaraanan.

Samantala, may pasilip si Heart sa kanyang @lofficielph x @bulgari cover:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Continue Reading

Trending