Connect with us

Social News

Toy collector ginawang Pokemon-themed ang kaniyang kasal

Published

on

Ang toy collector at content creator na nakabase sa Singapore na si Vince Lubuguin, na kilala sa pag-convert ng kanyang workspace sa isang Pokémon-themed nook, ay malikhaing isinama ang tema sa kanyang kasal na isinagawa sa Raffles Hotel Singapore.

“I’m sure that most of you already know that I am a Pokemon fan and Pokemon is a big part of my life. Proud to share my dream wedding outfit that I personally picked for my wedding held last 02.20.2022.”

Sa kaniyang Facebook post ay ibinahagi niya ang maikling video ng kanilang kasal.

Ibinahagi rin niya ang magandang balita sa kaniyang Facebook post sa pagdiriwang ng Pokémon Day noong Linggo, Pebrero 27, kasama ang lahat ng detalye at disenyo ng kanilang espesyal na araw.

“In celebration of Pokemon Day, I would love to share to everyone all the details and designs from my simple Pokemon-themed wedding which happened last 02.20.2022 at Raffles Hotel Singapore,” aniya.

“From the signboards to wedding ring holder, I am very proud that I have been able to incorporate Pokemon in our special day. As I have always said, Pokemon is a big part of my life and it has always been with me since childhood,” dagdag pa nito.

Ikinasal si Vince at ang asawa na niya ngayon na si Mikee Reyes-Lubuguin sa Singapore noong Pebrero 20. Ang una nilang plano ay magpakasal sa Pilipinas noong Disyembre 12, 2021 ngunit nakansela dahil sa travel restrictions.

Sa isang panayam ng Be An Inquirer, ay ibinunyag niya na hindi madali ang tema sa kanilang kasal, dahil alam niyang mas bagay ito para sa mga party ng mga bata, ngunit tiniyak niyang magiging disente at pormal ang mga detalye ng kanyang napiling Pokémon sa araw ng kanyang kasal.

“Isang malaking parte ng buhay ko ang Pokémon mula pagkabata. Nakahiligan ko ang magkolekta ng mga laruan at iba’t iba pang mga collectibles mula year 2001,” aniya.

“Naging isang Pokémon content creator [din] ako sa Instagram na lubos na sinusuportahan naman ng aking asawa,” dagdag pa niya.

Social News

Neri Miranda graduates from college: ‘Kung kaya ko, mas kaya n’yo’

Published

on

By

Neri Miranda has graduated from college and shared an inspirational post to those who also wants to finish school someday.

In an Instagram post, Neri thanked her husband Chito Miranda for being supportive of her college journey.

“GRADUATE NA AKOOOOOO! Natapos din! Thankful ako sa asawa kong palaging andyan for me to support me. Masaya lang siya kahit nasa gilid lang at pinapalakpakan ako sa mga achievements ko. Mas magaan ang buhay kapag may nag eencourage sa’yo at naniniwala sa kakayanan mo. Thank you, asawa ko. Mahal na mahal kitaaa,” she said.

She also addressed her followers who are also hoping to finish school and said that they can do it too.

“Sa lahat ng nakakabasa nito, kung kaya ko, mas kaya n’yo. Kung wala pang budget, mag ipon ka lang. Iba iba man ang journey natin, yung iba mas mauuna, may male-late lang konti, merong matagal talagang dumating kagaya ng sa akin,” Neri posted.

She also said that while it was not easy for her, she stayed optimistIc that what’s meant for her will eventually come.

“Habang naghihintay, ginagawa kong productive ang sarili ko. Para kapag ibinigay na ni Lord ang tamang panahon para sa akin, I AM READY.”

In a separate post, she noticed during their rehearsal that she is the oldest graduate but the 36-year-old mom is happy that she was able to tick it off her list of things to do before 40.

Neri shared that the key is being wise in life and how you spend your time.

“Kaya hahawaan ko kayo ng pagiging wais sa buhay, sa oras, sa pananaw sa buhay. Basta maging mabait lang sa lahat. Maging masaya sa success ng ibang tao at gawing inspirasyon ito, maging fair sa lahat lalo na sa sarili mo, umiwas sa mga toxic na tao, manalig kay Lord, magtiwala sa sarili, at higit sa lahat… mag-share ng blessings.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Continue Reading

Inspiring

Empleyadong nagre-resign sa trabaho, dapat bang pigilan?

Published

on

By

“Going to work with a happy heart matters most.” Iyan ang opinyon ng isang Vice President ng isang kompanya hinggil sa pagre-resign ng mga empleyado sa isang kompanya.

Kailangan daw mag-isip ang mga employer o boss kung paano mapangangalagaan ang mga empleyado upang hindi sila magbitiw o lumipat sa ibang workplace.

Ang relasyong propesyonal ng boss at mga empleyado ay mahalagang-mahalaga para sa ikatatagumpay ng isang kompanya. Ngunit sabi nga sa isang kasabihan sa Ingles, “People come and go.” Dumarating talaga sa puntong hindi napipigilan ang isang empleyado upang lisanin ang kaniyang pinagtatrabahuhan at humanap ng “greener pastures.”

Kaugnay nito, pinag-usapan ng mga netizens ang opinyon ng isang Vice President ng isang kompanya na nagngangalang “Zen Jaranilla” hinggil sa pagre-resign ng mga empleyado sa isang kompanya. Ibinahagi naman ito ng iba pang Facebook pages dahil sa timeless nitong mensahe.

Nakasaad sa post ng Vice President na kapag ang isang empleyado ay nagbigay ng resignation letter sa boss ng kompanya, ang inisyal na gagawin umano ng pamunuan ay ang pigilan ang empleyadong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag sa sahod o tinatawag na “counter offer.”

Minsan, matagumpay naman ito, subalit kadalasan din, hindi ito kinakagat ng empleyadong nais nang magbitiw sa kompanya..

Kaya naman, ano nga ba ang dapat gawin? Dapat ba talagang pigilan ang nagbibitiw na empleyado?

Instead of counter-offer, employer should understand why employee resigns. Employers prepare programs on what makes the employees stay but seldom on what makes employees leave,” saad ng naturang Vice President.

Nagbigay siya ng mga aspeto na kailangang ikonsidera o gawin ng mga employer o boss.

Aniya, “Don’t focus on the salary. Employment is not always about money. Appreciation at work, friendship, peace of mind, and the absence of toxicity at workplace matter to the employees. Going to work with a happy heart matters most.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Very well said Ms. Zen Jaranilla. For me, toxicity talaga ang pinakamatimbang na rason kung bakit umaalis ang employee, more often, kung sino pa yung toxic, iyon talaga ang matigas mukha mag-stay sa company despite the fact na maraming kagaguhang ginagawa sa kompanya,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Yes. Very true! I like the last sentence. Going to work with a happy heart matters most.”

“Hindi lahat pera-pera. Kailangan, maganda rin ang workplace at hindi toxic. Kasi wala namang madaling trabaho. Mahirap na nga ang trabaho tapos toxic pa ang mga kasama, mapapa-resign ka talaga,” saad naman ng isa.

Ikaw, sumasang-ayon ka ba rito?

Continue Reading

Social News

Walang makapipigil: Bagong kasal sumakay sa back hoe para makarating sa kanilang reception

Published

on

By

Viral ngayon sa social media ang bride at groom na sinusuong ang rumaragasang baha sa Brgy. Igcococ, Sibalom, Antique para maidaos ang reception ng kanilang kasal.

Upang makarating sa kabila ay kinailangan nila ng back hoe na nagsilbi namang bridal car para makarating sa patutunguhan ang mag-asawa na nakilala na sina Ivy at Redjie.

Sa video na ibinahagi ni Janet Sareno sa kanyang Facebook account, makikita ang malakas at tumataas na tubig sa ilog sa naturang lugar.

“Walang baha..walang ulan.ang makapipigil sa tunay na nagmamahal… congratz ivy & redjie,” saad sa caption ni Janet.

Ayon kay Janet na siyang kumukuha ng video, tapos na ang kasal at patungo na sila sa reception sa bahay ng bagong kasal bandang tanghali nang biglang rumagasa ang tubig sa ilog dulot ng malakas at walang hintong pag-ulan.

Matagumpay naman na nakatawid ang newlyweds pati na rin ang kanilang mga bisita.

‘Ika nga, isang pagsubok ang nalampasan nilang mag-asawa, kaya naman sa hamon ng buhay ng mag-asawa kung sabay n’yo itong haharapin at kasama ang Diyos ay malalampasan din ang agos ng problema.

Ang video, na ipinost ni Janet, ay nakakuha na ng higit sa 431k views na may 4.4k reacts, 569 comments at halos 6K shares..

Marami ang bumati sa bride at groom at may mga naawa rin sa sinapit nila at may mga humanga.

“Unsafe s’ya pero sa ngalan ng pag-ibig ..big salute”

“Kawawa naman samantalang sa ncr, maayos na daan binabakbak para may project.”

“So risky pero sa ngalan nang pag-ibig, kayang isugal ang safety. Congratulations and best wishes”

“Grabe Sana all isang inspirasyon sa mga mag-asawa ‘yan go go go congrats po best wishes”

“This is the proof that true love exist no matter how hard life can be as long as you are together specially in the most difficult time.”

Continue Reading

Trending