Connect with us

Inspiring

Lumabas sa phone? Balikbayan mula Canada sinurpresa ang pamilya

Published

on

Matapos ang apat na taong pananatili sa ibang bansa, gustong surpresahin ng balikbayan na si Ann lopez Fontilla, mula Canada, ang kanyang pamilya para maging memorable ang kanyang pag-uwi.

Ang 55-anyos na balikbayan ay dating nagtatrabaho bilang isang OFW sa Thailand sa loob ng 20 taon bago siya lumipat sa Canada noong 2011.

“She only contacted me to fetch her from the airport, so I was the only one who knew,” ani Darla dela Cruz, pamangkin ni Ann na kasabwat niya sa surpresa.

“She calls every day via messenger with all her siblings, so when I fetched her, we decided it was best to surprise them while they were on a video call with her,” dagdag pa niya sa featured video ng PhilStar noong Abril 25.

“Surprisingly and luckily, my two other titas didn’t got to work that day.”

Ibinahagi rin ni Darla na sabik na sabik ang kanyang tita Ann na bumalik sa Pilipinas para bisitahin ang kanyang ina na si Aurelia.

Naalala ni Darla na mas pinili niyang kunan ang moment dahil palaging ‘exaggerated’ ang reaksyon ng kanyang mga tiyahin.

Dumating si Ann sa kanilang bahay habang ka-video call ang kaniyang pamilyang nasa Paranaque City noong Abril 7, 2022.

Akala ng pamilya ni Ann ay nakikipag-usap lang sila sa kaniya mula sa Canada sa pamamagitan ng video call hanggang sa lumitaw siya sa harap mismo ng kanilang pintuan at pumasok sa kuwarto ng kanilang ina.

Parang nanalo sa lotto ang reaksiyon ng mga ito nang makita si Ann sa kanilang harapan.

Ang 87-taong-gulang na ina ay labis na natuwa nang makita ang kanyang anak sa personal.

Si nanay Aurelia ay na-stroke umano noong Marso 2022. Sa parehong buwan, sumailalim siya sa isang pacemaker insertion. Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa tulong ng physical theraphy.

“Sinabi naman agad sa kanya, but ganun lang talaga po siya mag-react. Actually ‘di rin siya super recovered pa so ‘di pa fully functional ‘yung buong left side niya,” ani Darla.

“And our lola is actually really chill, kalmado po siya na tao and ‘di po kasi siya iyakin. Nakuha po lahat ng mga anak niya hahahaha.”

Si Ann ay may tatlong kapatid na babae at isang lalaki na pinakapanganay sa kanila. Lahat sila ay lumaki umanong malapit sa isa’t isa at hindi kayang patirin ng distansya ang pagmamahal at pagkakabuklod nila.

 

Inspiring

Pinay dumpster diver sa Finland, nakatutulong rin sa iba sa ginagawang ‘pamamasura’

Published

on

By

Kung may Inday Roning tayo sa Amerika, mayroon din palang ‘katropa’ niya sa Finland. Si Thai-Finnish Pero Pusong Pinay!

Ayon sa panayam ng GMA Public Affairs na makikita sa kanilang YouTube channel, sinasabing dalawang taon nang naninirahan sa Finland ang OFW na bisdak na si Julie Belleza.

Umaabot umano sa katumbas na halagang P100,000 kada buwan ang natitipid ni Julie sa gastusin sa bahay at nakatutulong pa siya sa iba dahil sa ginagawa niyang “pamamasura” o dumpster diving sa Finland.

Si Julie ay isang Thai-Finnish subalit siya ay lumaki sa Pilipinas kaya’t siya ay Pinay na Pinay umano sa puso, kilos at pananalita.

Aniya, hindi siya pinagbabawalan ng may-ari ng K-market sa Finland na mag-dumpster diving, o maghalungkat sa mga basurahan upang kunin ang puwede pang pakinabangan.

Ipinakita niya rin ang ginagawa niyang ‘pamamasura’ sa naturang tindahan, na kapag umalis na ang truck ay saka naman siya magsisimula sa kanyang pakay.

iba’t-ibang pagkain ang nakukuha ng Pinay sa basurahan. Halimbawa, may cauliflower, grillitassu, grapes, at maging litsong manok na mainit-init pa.

Inaabot siya ng dalawa hanggang apat na oras sa pagda-dumpster diving dahil marami-rami din ang kanyang nakukuha doon.

Kinukuha ni Julie ang mga well-sealed at packed na mga produkto, kaya naman parang namalengke na rin siya sa mga nakukuha niyang kilo-kilong karne ng baboy, baka, chicken, at groceries tulad ng toyo, patis, mga prutas at gulay.

Ligtas din ang mga nakukuha niya dahil maayos ang waste disposal sa naturang bansa at mga naka-seal pa ang mga pagkain dito.

“So ito na nakauwi na tayo after our panghaharbat of the day. So parang namalengke lang kami ni Mr. Bin,” saad niya sa isang video.

Dagdag pa niya, malaking bagay ito hindi lang sa kaniyang pamilya kundi maging sa iba pa na natutulungan nila, tulad ng mga taong nagsisimula pa lang doon. Binibigyan niya ang ilang kakilala ng mga bagay na nakukuha niya rin sa basurahan.

“Thankful ako kay Lord kasi I was given the opportunity na thru dumpster diving maraming tao, especially yung nagsisimula pa lang ng kanilang buhay rito sa Finland ang natutulungan natin,” pahayag niya.

‘Ika nga nila sa buhay, “basta’t may diskarte, walang imposible”.

Samantala, silipin natin ang ilang videos na ibinahagi niya sa YouTube channel niyang Thai-Finnish Pero Pusong Pinay.

Ayon sa kanyang back story, “I was born in Thailand to a Thai mother and Finnish father who happend to grow up in the Philippines. I am here to tell you about my own story on what it was like growing up with a stepmother in the Philippines and how I was treated. I am here using my own story to empower and inspire everyone. God bless.”

Dito ay ibinabahagi niya ang ilang videos kung paano niya ginagawa ang pamamasura sa bansang itinuturing na niyang homebase.

Continue Reading

Inspiring

Lalaking nagbebenta lang dati ng plastic, dyaryo at bakal, natupad na ang pangarap na magkabahay

Published

on

By

Para sa isang lalaking nagbenta ng plastic, dyaryo at bakal, hindi naging hadlang ang kahirapan para makamit ang mga pangarap sa buhay.

Ibinahagi ng netizen na si Robin Paz Jr. sa ‘Home Buddies’ FB page ang kanyang kuwentong buhay at kung paanong hindi naging hadlang ang kahirapan upang magkaroon siya ng magandang bahay at buhay ngayon.

Aniya ay nanggaling umano siya sa simpleng pamilya at sa kanyang murang edad ay nagbebenta na raw siya ng plastic, dyaryo at bakal.

 

Upang makatulong sa pamilya ay naglako rin siya ng ukay-ukay.

Nagsikap makapagtapos si Robin upang maiparanas sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mga magulang ang sarap ng buhay.

“Sumubok ako ng maraming trabaho hanggang sa nahanap ko ang trabahong aahon sa amin sa kahirapan. ‘Di madali ang pagiging Financial Advisor,” aniya.

“Ngunit sa kagustuhan kong makatulong sa ibang tao, nagsikap at nagtiyaga ako para ako’y maging instrumento sa pagbago ng buhay ng iba. Maliban sa trabaho, nabiyayaan din ako ng isang mapagmahal at maarugang asawa. ‘Di ko naisip na ang babaeng nakilala ko nung Kolehiyo ang makakasama at makakatulong ko sa pag-abot ng aking pangarap. Parehas kaming nagsumikap mapa-araw o gabi,” dagdag pa niya.

Isa sa mga pangarap na natupad ni Robin ay ang kanilang bahay sa Cavite. Nabiyayaan rin sila ng isang supling na si Candace.

“Itong bahay namin sa Cavite ay isa sa mga marami naming pangarap na natupad na. At sa taong ito, ibinigay rin sa amin ni Lord si Candace Grace, ang pinakamahalaga at pinakamagandang pangarap naming mag-asawa. Pupunuin natin ng saya, magagandang alaala at higit sa lahat pagmamahal ang ating munting tahanan.”

“I think God blesses me so much because he wants me to be a channel of blessings to people and to be an instrument to inspire others to work hard in order to achieve their goals.” Pagkat sa totoo lang, kasama sa pagpapabuti ng buhay ang pagkakaroon ng insurance; isang bagay na hindi pa lubos na nauunawaan ng marami nating kababayan.

Kahit ano pa ang estado sa buhay ay hindi dapat ito maging hadlang; bagkus, maging inspirasyon upang makamit ang mga pangarap.

Continue Reading

Inspiring

Engineering grad makes career shift; proves she can be successful in baking business

Published

on

By

Even though she has no background in baking, this engineering graduate proved that she can be successful in her new business which was a far cry from her course.

After changing careers, Danica Lynne Casta, 24 years old, now has an online cake business called ‘Amberlyns Cake’ that earns a six-digit income every month.

“I graduated from MAPUA University, Bachelor of Science in Construction Engineering & Management and I’m now a full time baker. I’m earning six digits a month,” Danica said in a feature video shared by ‘Philippine Star.’

Due to the financial problems faced by her family in the middle of the pandemic, Danica was forced to put aside her profession as an engineer and look for a temporary online job.

“Lockdown tapos kaka-graduate ko. Hindi ko alam kung pa’no ako mag-i-start. ‘Yung naipon ko do’n sa last kong salary, pinangbili ko siya ng oven na maliit. Ginawan ko ng cake ‘yung pamangkin ko and then do’n na nag-start,” she shared.

Even though she is a beginner, her cake business quickly became popular due to her affordable bento cakes.

With her dedication to learning and improving her craft, her struggles eventually paid off.

From basic designs, Danica can now make different styles of cakes.

From just one order, now she receives more than 1,000 orders per month. She also has eight employees helping to run her business.

She further said that media features and free endorsements from artists who order cakes from her are a big help.

Despite the success of her cake business, however, she still dreams of continuing her interrupted dream as an engineering graduate.

“Hopefully, ‘pag talagang super stable na ‘yung business ko, gusto ko rin talagang maging engineer someday. Currently now, nagma-masters din ako, sa MAPUA din.”

Danica also dreams of having a physical store and branches all over Metro Manila.

“For all na gustong mag-pursue ng dreams nila na malayo sa course nila, kung passion mo talaga ‘yung ginagawa mo, kung gusto mo talaga, push mo lang ‘yon. Mas prefer ko talaga passion, kung hindi mo love ‘yung ginagawa mo, ilulugmok mo lang ‘yung sarili mo do’n sa work mo na ‘di ka naman masaya.”

Watch the feature by Philippine Star:

Take note also, in a recent episode of Kapuso Mo Jessica Soho, she made a special cake for the twins Jericho and Reinner!

Continue Reading

Trending