Connect with us

News

Jobs crisis sa Canada lumalala dahil sa mga baby boomers na nakatakdang magretiro

Published

on

Nalalapit nang magkaroon ng kakulangan ng mga manggagawa sa Canada dahil umano sa malaking bilang ng “baby boomers” na nakatakdang magretiro sa kanilang mga trabaho, batay sa kanilang 2021 census.

“Never before has the number of people nearing retirement been so high,” ayon sa pahayag ng Statistics Canada na may higit limang manggagawa (21.8 porsiyento) na malapit sa mandatory o iminungkahing edad ng pagreretiro na 65.

Ang pag-alis sa trabaho ng mga tinatawag na “boomer” ay ang itinuturong isa sa mga dahilan ng labor shortages na kinakaharap ng ilang industriya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang mga baby boomer na ipinanganak sa pagitan ng 1946 at 1965, ay nagsimulang magretiro noong 2011, ngunit ang rate ay bumibilis na ngayon sa “all-time high,” sabi ng Statistics Canada.

Noong huling bahagi ng 2021, sinabi ng ahensya ng gobyerno sa isang hiwalay na ulat na mayroong halos isang milyong trabaho umano ang bakante sa Canada; doble sa dami noong 2020.

Ang ilan sa mga industriya na apektado ng kakulangan sa manggagawa ay ang restaurant, construction laborers, nurse at social worker.

“We have seen this coming for a long time with the aging of the population,” ayon kay Prime Minister Justin Trudeau.

Nabanggit niya rin na ang Ottawa ay namuhunan sa edukasyon at pagsasanay para sa mga kabataan “so that they can get the best possible jobs that will support the population,” and boosted immigration to record levels.”

Ayon sa census, pitong milyong Canadians mula sa kabuuang populasyon na 37 milyon ay nasa 65 taong gulang na o mas matanda pa, at ang bilang ng mga taong nasa edad na 85 pataas ay inaasahang aabot sa 2.7 milyon sa susunod na dekada.

Ang pagtanda ng populasyon ay kaakibat naman ng mababang fertility rate na 1.4 children born per woman sa Canada. Kasabay naman nito ang bahagyang pagtaas ng life expectancy, ayon sa Statistics Canada.

Sa kabila ng kalakaran na ito, ang Canada ay mayroon pa ring isa sa mga pinakabatang populasyon sa mga bansang G7, pagkatapos ng Estados Unidos at Britain.

News

UP Diliman graduate nag-iisang nakapasa sa Real Estate Consultant Licensure exam

Published

on

By

Nag-iisang examinee lamang ang nakapasa sa katatapos na Real Estate Licensure exam na ginanap noong Disyembre 7, 2022 (Written) at Enero 9-13, 2023 (Revalida) sa Cebu at Manila at pinangasiwaan Board of Real Estate Service.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), mula sa 17 examinees ay si  Ma. Dani Vi Patal Edrad ng University of the Philippines – Diliman campus lang ang natatanging nakapasa sa naturang pagsusulit.

Si Edrad din ang nag-iisang examinee mula sa UP-Diliman habang hindi naman pinalad ang kaniyang mga nakasabay na nagmula sa iba’t-ibang Unibersidad at kolehiyo sa bansa.

Ang Board of Real Estate Service ay binubuo nina Hon. Ofelia C. Binag, Chairman; Hon. Rafael M. Fajardo, Hon. Jose Arnold M. Tan at Hon. Pilar M. Torres-Banaag, Members.

Ang resulta ng nasabing examination ay inilabas dalawang araw matapos ang huling araw ng exam.

Itinakda naman sa darating na Pebrero 27 hanggang February 28, 2023, ang registration para sa issuance ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration na maaaring gawin online.

Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Edrad dahil sa kaniyang pagkakapasa.

“Thank you Lord! Bittersweet Birthday gift for me… i love my batchmates. they are all excellent professionals too… nkkatuwa ung comments sa link ng mga netizens. Thank you… “ ayon sa kaniyang Facebook post.

“Thank you my friends, mentors, classmates, Tau Gamma Triskelion brothers and sisters and Bangko Sentral Family… Licensed Consultant at your service Edrad,” dagdag pa niya.

Sa isa pang post ni Edrad ay hindi nito napigilang magbiro.

Aniya, “Hindi ako makakain at nahihirapan akong huminga… Para akong tumama sa lotto. Para akong nagkaroon ng sampung boyfriends…”

Ang petsa at lugar na pagdarausan ng oath taking ceremony ay iaanunsiyo na lamang ng PRC sa mga darating na araw.

Continue Reading

business

Negosyanteng taga-Nueva Ecija, kinubra na ang P114-M na napanalunan sa Megalotto

Published

on

By

Kinubra na ng masuwerteng mananaya mula sa Nueva Ecija ang mahigit P114-M na jackpot na kaniyang napanalunan sa 6/45 Megalotto noong Disyembre.

Ayon sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes, Ener0 12, noong Enero 3 ay nagpunta sa kanilang tanggapan ang mapalad na bettor upang kunin ang kaniyang premyo.

Isa umano itong negosyante na nakabase sa bayan ng Sto. Domingo sa Nueva Ecija.

Napanalunan ng lalaki ang P114,327,454.00 na jackpot sa Megalotto na binola noong Disyembre 23 matapos lumabas ang kaniyang tinayaang kombinasyon na 11-21-01-12-17-03.

Ibinahagi ng negosyante na halos 15 taon na siyang tumataya sa lotto at ang lumabas na kombinasyon ay mula sa kaniyang mga paboritong numero.

Hindi niya umano inaasahan ang panalong ito sapagkat ang pinakahuli niyang panalo ay nagmula lamang sa 4 Digit at ‘balik-taya’.

“Lubos akong nagpapasalamat sa PCSO at sa Panginoon sa pagkapanalo ko sa lotto. Di ko po inasahan na sa ganitong panahon ko mapapanalunan ang jackpot, tamang tama magpa-Pasko pa yun. Hindi ko po maipaliwanag ang aking nararamdaman,” wika ng negosyante.

Bagama’t maayos naman daw ang kaniyang buhay ngayon, plano niya pa ring makatulong sa kaniyang mga kababayan at magtabi ng pera para sa kinabukasan ng kaniyang pamilya.

“Sa totoo lang po, naging maayos naman po ang naging takbo ng buhay ko. Nakita ko ang pangangailangan ng aking mga kababayan at napagpasyahan ko po na unahing ipantulong ang makukuha kong premyo mula sa lotto. Ipagpapatuloy ko rin at palalaguin ang aking mga negosyo at syempre mag-iipon para sa kinabukasan ng aking pamilya,” bahagi pa ng lalaki.

Dahil babawasan ng 20 porsiyentong buwis ang kaniyang premyo, aabot na lamang sa mahigit P92-M ang kaniyang maiuuwing pera.

Samantala, nakiusap naman ang PCSO sa publiko na patuloy na tangkilikin ang lotto para sa pag-asang mabago ang kanilang buhay bukod pa sa pagkakataong makatulong sa ating mga kababayang nangangailangan na sinusuportahan ng PCSO.

Continue Reading

business

BPI tiniyak na aayusin ang ‘duplicate transactions’, ligtas pa rin ang accounts ng kanilang customers

Published

on

By

Nag-aalala ang maraming customers ng Bank of the Philippine Islands (BPI) dahil sa hindi maipaliwanag na transaction sa kanilang account nitong nagdaang araw na nagresulta sa pagkawala o pagkabawas ng kanilang mga pera na nakatago sa naturang bangko.

Dahil dito, inulan ng reklamo ang BPI sa kanilang website at social media pages mula sa mga customers na hindi pa naliliwanagan kung ano ang nangyari sa kanilang account at kung maibabalik pa ang kanilang pera.

Nag-trending pa nga sa Twitter nitong Miyerkules, Enero 4, ang hashtags na ‘Hoy BPI’ at ‘0431 Debit Memo’, ang terminong ginagamit sa anumang uri ng debit transactions gaya ng withdrawals, funds transfer at bills payment.

Karamihan sa mga tweets gamit ang naturang hashtags ay dismayado sa nangyari sa kanilang bank account lalo pa umano na kailangan nila ngayon ang pera subalit hindi ma-access ang kanilang account, sa app man o sa website.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng BPI na aayusin nila ang gusot na ito at ibabalik ang anumang pera ng kanilang mga customer sa mas lalong madaling panahon.

“Following the double posting of ATM, CAM deposits, POS and e-commerce debit transactions from Dec. 30 to 31, 2022, please be informed that we expect correction of the duplicate transactions within the day,” ayon sa pinakahuling update ng BPI sa kanilang Facebook page.

“Given the high volume of inquiries on our online banking channels, you may experience intermittent access to our web and mobile app platforms. Rest assured that your account is safe and secure. Thank you,” saad pa ng bangkong pag-aari ng pamilya Ayala.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa BPI hinggil sa nangyaring insidente.

“The Bank already identified the root cause of the operational error and committed to reverse the erroneous transactions and restore mobile and internet banking services the soonest possible,” ayon sa pahayag ng BSP.

Inatasan na rin ng BSP ang nasabing bangko na magsumite ng timeline at updates tungkol sa reversal ng ‘erronous transactions’ na nangyari.

Sa kabila nito, marami pa ring customers ng BPI ang naniniwalang maayos ng bangko ang nasabing problema at maibabalik sa kanilang account ang naglahong pera.

Continue Reading

Trending