Connect with us

entertainment

Bagong reporter ng ABS CBN nakatanggap ng free hug mula sa palaboy

Published

on

Marami ang natuwa sa bagong reporter ng ABS-CBN na si Izzy Lee. Ibinahagi niya sa kaniyang Twitter ang mga litrato na kuha habang naghahanda siya para sa kanyang live report.

Makikita na lumalapit sa kaniya ang isang babaeng palaboy na kinalaunan ay yumakap sa kanya.

“So this happened at work today. A free hug,” ani Izzy sa kanyang tweet. Umabot sa mahigit 67.5 na beses itong ni-retweet at nakakuha ng 630.3K na likes mula sa mga Twitter users.

Maraming netizens ang natuwa sa naging reaksyon ni Izzy kahit halatang nagulat ito sa ginawa ng babae: “Ang boto natin sa Mayo 9 ay lalong para sa kanila. Bumoto tayo nang tama. Maka-Diyos. Maka-Bayan. Maka-Tao. ‘Yung tunay at walang bahid ng kasinungalingan.”

Maraming netizens naman ang nagkomento sa mga larawan ni Izzy kasama ang palaboy.

“She trusted you and found comfort, they’re usually fearful and distrustful of strangers. They shun any social contact.”

“Bakit ako nasuntok sa braso. Still the most traumatic thing that happened to me. Kaya sorry talaga pag may nakikita akong mga kagaya niya, eh lumalayo talaga ako.”

Kuwento din ng isa ay inihinampas umano sa kaniya ng pulubi ang ibinigay nitong tinapay.

“Ako namam binigyan ko ng bread, kinuha naman, ‘yun nga lang hinampas sakin sabay sabi “sa’yo na yan kuripot” sabay lakad. Ako pa nahiya.”

“I was inside 7eleven & old lady was staring at the food I was eating, so I bought her 3 doughnuts & gave it to her only to be throwned it back to me at my neck. That hurts but funny hahaha I was so humiliated because there were a lot of people. Tinawanan ako ng friends ko! huhuhu.”

Si Izzy Lee ay isang reporter sa ABS-CBN. Makikita sa kaniyang Twitter profile na nagtrabaho rin siya sa GMA News at PumaPodcast. Nito lamang April 25 ay binati siya ng kanyang kasamahan sa ABS-CBN sa pagiging bahagi nito sa ABS-CBN News.

entertainment

‘Sana all’: Mister sinurpresa, pinakilig ang asawang bagong panganak

Published

on

By

Sino ba naman ang hindi kikiligin at sasaya kung kahit matagal na kayong nagsasama ay sinusurpresa ka pa rin ng taong mahal mo?

Masayang ibinahagi ni Michelle sa kanyang TikTok ang video kung saan ay makikitang sinurpresa siya ng kanyang asawa. Mabilis naman itong nag-viral online.

Ayon sa uploader pinapalabas siya ng kanyang asawa ngunit dahil busy sa pagbabantay ng anak ay hindi na niya ito sinalubong at hinintay na lamang niyang lumapit ito.

“Love, labas ka saglit may bigay ako. Misis: ‘Di ako makalabas, nakabantay ako sa anak mo,” ani Michelle sa text caption.

Matapos ang mahabang duty ng mister sa trabaho ay nagawa pa rin nitong pasayahin siya’ lalo na ang kanyang baby na may diaper at gatas pa. Ayos, ‘di ba?

“After a long duty nagawa mo pa rin kaming pasiyahin ng anak mo, We love you daddy!” masayang post ng uploader na may kalakip na awiting ‘Forevermore’.

Masuwerte talaga ang isang misis o mister kapag lagi kang naaalala at ang inyong anak sapagkat doon mo mararamdaman na sa simpleng bagay man ay mahalaga kayo at mahal kayo.

Sa mga ibang uploaded na video ay makikita na masipag rin pala si mister mag-alaga sa kanilang anak. Makikita mong hands-on ito sa kabila ng pagiging busy bilang isang alagad ng batas.

Bumuhos ang mga komento at napapasana-all ang mga ibang nanay; na sana ay ganoon din ang kanilang asawa.

“Hindi ko kilala si hubby mo. Pero 107% sure ako mahal na mahal ka niyan hehe. God bless your family!”

“Normal na ‘yung flower e hpero ‘yung gatas at diaper.”

“‘Yung sa GATAS @ DiAPER ako kinilig miieee”

“Sana all your so blessed”

“Kapag nanay ka na kahit gatas at diaper sobrang saya na talaga.”

“Napapangiti na naman tayo sa relasyon ng iba.”

“‘Di pa ko mommy pero mas natuwa ako sa dala n’yang diapers at gatas.”

“Sana all may asawang ganyan.. Kakainggit naman.”

“Kainggit sis sanaol provider ang asawang lalaki sanaol talaga. huhu”

Continue Reading

celebrity

‘Hinagpis ng pangalawang anak?’ Alex Gonzaga tinanong kay Mommy Pinty kung bakit mukha siyang yagit noon

Published

on

By

Muling pinatawa ni Alex Gonzaga ang mga netizens sa kanyang bagong post sa Instagram feed.

Ibinahagi niya ang throwback photo nila ng kapatid niyang si Toni Gonzaga. Ang larawan ay kuha noong mga batang paslit pa sila.

Binuksan ni Alex ang kanyang nakakatawang mga saloobin tungkol dito. Pabiro niyang ikinumpara ang hitsura at suot niya sa kapatid.

Hinikayat din ni Alex ang lahat na makinig sa kanyang bagong podcast kaugnay sa karapatan bilang pangalawang anak.

“In my new podcast pag uusapan natin ang mga hinagpis ng pangalawang anak!!! Kitang kita nyo naman sa litrato kung gaano ako kayagit kumpara sa ate ko,” isinulat niya.

“Ang ate ko may yaya pa ako ni salawal at medyas wala. Ano to! You can watch and listen on Spotify! Basta pangalawang anak ka makakarelate ka dito Hahaha,” dagdag pa ng aktres.

Sa kaniyang Tiktok ay nag-upload siya ng video kalakip ang mga lumang larawan habang pinagpapaliwanag niya si Mommy Pinty kung bakit mukhang yagit siya kumpara sa kanyang ate sa mga larawan.

“Babasagin na ang katahimikan Mga hinagpis ng Pangalawang anak,” saad sa caption ng aktres sa kanyang TikTok.

Aliw na aliw naman ang mga netizen sa kanyang ibinahaging larawan at mayroong mga naka-relate sa post niya.

“Good vibes ka talaga Alex hehehehe I l0ve you palagi”

“Alex normal talaga yan sa amin din magkakaptid may bukod tangi talaga.

“Yes sis relate much! Kung baga sa juice na tinimpla ni mudra sayo ‘yung buo buo pang juice na hindi na nahalo sa tubig.”

“Pati sa sapatos na suot alam na alam kung sinong paborito.”

Napansin rin ng kanyang mga follower ang usong sapatos noon, “The Signature Shoes” ng baby noon.”

“hahahhaha…kaya love kita eh, hahahha ipaglaban ang karapatan.”

“Ganyan kasi pag panganay alagang alaga pag second child na, wala.”

Ganoon nga ba ang nagiging normal na takbo o kadalasang nagaganap sa pamilya?  hahaha  Ikuwento mo kung pangalawang anak ka rin.

Continue Reading

entertainment

Panoorin: Teasers ng 8 entries sa MMFF 2022; Parade of Stars, Dec. 21 gaganapin

Published

on

By

Heads up!   Ang #MMFF2022BalikSaya Parade of Stars ay gaganapin sa December 21, 2022 sa Quezon City Circle! Muling pasiglahin ang industriya ng pelikulang Pilipino!

Inanunsyo na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa kanilang Facebook Official page kamakailan ang  parada ng mga bituin na kabilang sa walong pelikulang na magiging bahagi ng event sa nalalapit na Kapaskuhan.

Ilang taon ding nanamlay ang industriya sa mga ganitong event kaya naman inaasahang malaking kasiyahan ang idudulot nito sa publiko.

Buwan ng Hulyo nang unang inilabas ng MMFF ang apat na initial entries, base sa mga isinumiteng scripts.

Kabilang dito ang mga sumusunod: ang “Nanahimik ang Gabi”  nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo at Mon Confiado sa ilalim ng direksyon ni Shugo Praico; ang  “Partners in Crime” nina Vice Ganda at Ivana Alawi sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina; ang “Labyu with an Accent” starring Coco Martin at Jodi Sta. Maria sa direksyon ni Rodel Nacianceno; at ang “The Teacher”  nina Toni Gonzaga, Joey De Leon, Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa direksyon naman ni Paul Soriano.

 

Ang apat pang nadagdag ay ang: “Deleter”  starring Nadine Lustre, McCoy De Leon, at Louise delos Reyes sa ilalim ng direksyon ni Mikhail Red; ang “Family Matters”  na kinabibilangan nina Noel Trinidad at Liza Lorena sa direksyon ni Enrico Roque, Ladylyn de Guzman, at Patrick Meneses; ang “My Father, Myself”  nina Jake Cuenca, Sean De Guzman at Dimples Romana sa direksyon ni Joel Lamangan, at ang “Mamasapano: Now It Can Be Told”  starring Edu Manzano, JC De Vera at Aljur Abrenica sa direksyon naman ni Lester Dimaranan.

Sa pangunguna ng screen veteran na si Boots Anson-Rodrigo, pinili ng selection committee ang walong entries na nabanggit base sa mga sumusunod: artistic excellence (40%), commercial appeal (40%), Filipino cultural values (10%), at global appeal (10%).

Sa ika-48 nitong taon, isinusulong ng MMFF ang mensaheng “Balik Saya” kaugnay sa pagbabalik ng film festival sa gitna ng mga pagsubok ng pandemya habang hina-highlight ang “Filipino cinematic experience” sa kasagsagan ng Christmas season.

Sa Official Facebook page ng MMFF ay ipinahayag nila ang kasiyahan sa nalalapit nang pagbubukas ng festival na may temang ‘Balik Saya’.

“Ikinatutuwa po naming ipaabot sa bawat isa na magbabalik na ang Metro Manila Film Festival ngayong taon! Sa ating pagdiriwang ng kapaskohan, sabay-sabay po tayong ngumiti, umiyak, at humalakhak sa mga pelikulang hatid sa inyo ng MMFF. Sabay-sabay nating ibangon muli ang Pelikulang Pilipino!” #MMFF2022BalikSaya

Muli nating ipinapaalala na ang Parade of Stars ay gaganapin sa December 21, 2022 sa Quezon City Circle. Ating suportahan ang pelikulang Pilipino.

Tatakbo ang naturang festival mula Disyembre 25 hanggang Enero 7 sa mga sinehan.

Gaganapin naman sa ika-27 ng Disyembre ang prestihiyosong Gabi ng Parangal kung saan ang mga nagwagi sa festival ay iaanunsyo at pararangalan.

Samantala, ano kaya ang uunahing panoorin ng ating mga kababayan sa nalalapit na festival?

Panoorin at silipin ang teasers ng walong kalahok na pelikula.

Continue Reading

Trending