celebrity
Clarita Carlos, hinamon si Frankie: ‘Can you write a 5,000 word essay defending your declaration?’
Published
2 weeks agoon
By
Nami
“MY dear child…I hear you… but I need to understand where you are coming from…can you write a 5,000 word essay defending your declaration? Thank you.”
Ito ang pahayag ni Professor Clarita Carlos sa kanyang Facebook account noong Mayo 11 bilang mensahe niya kay Frankie Pangilinan.
Kaliwa’t kanan ang natatanggap na bashing ng anak nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta nang makiisa ito sa rally – sa harap ng tanggapan ng Comelec, ng mga kabataan at isinama pa ang mga kapatid na sina Miel at Miguel.
Marami namang netizens ang natuwa sa pahayag ng propesora.
“I think, we must run an Essay Contest to prove their brilliance of mind.”
“Iha sabi nga ni Lee Kuan Yew kung ayaw sa administrasyon niya ‘di pinilit, eh ‘di umalis ka ng Pilipinas.”
“Napressure yata ang bata dahil medyo malaki ang gastos ni mommy sa pangarap ni daddy.”
Samantala, pinalitan naman ni Frankie ang kaniyang pangalan sa Twitter na ‘spoiled brat, apparently’.
Pag-amin ni Frankie, hindi sila nagprotesta dahil sa election results kundi dahil sa mga anomalyang nangyari sa botohan.
“We are not protesting election results, regardless of outcome. We are protesting vote-buying, vote-tampering, years of calculated, disinformation, propaganda dispersion, machine politics, and all systemic injustice that led to 30 million votes for the son of an ousted dictator.”
Matatandaan na iniulat ng Manila Police District (MPD) na nasa 400 katao ang nagtipon malapit sa pangunahing tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros noong Martes, Mayo 10, habang nagpapatuloy ang canvassing ng mga boto.
Ang pagpoprotestang ito ay ginawa nila dahil pinaniniwalaan nila umano na may dayaang nangyari.
“Sabi ng iba na we have to accept defeat daw na hindi raw tayo marunong matalo. I think that the truth is it’s not about just this election anymore. Because I think that the data shows clearly this election was bought a long, long time ago and that’s something we will not take sitting down,” ani Frankie sa AlterMidya.
“I am not going to have my president be named Ferdinand Marcos again, ever. I think it’s that simple,” mabigat niyang sabi.
celebrity
Pokwang, tanggap at iginagalang ang bagong administrasyon; Proud pa rin na isang kakampink
Published
1 day agoon
May 27, 2022By
Nami
Ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Twitter na tanggap niya umano ang bagong administrasyon ngayon sa bansa. Ito ay matapos iproklama bilang ika-17th president si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at ang ka-tandem nitong si Sara Duterte bilang Bise Presidente ng Pilipinas.
Kalakip nito ang isang larawan na nagpapakita ng kabuuang bilang ng mga boto na natanggap nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan noong May 2022 elections.
Ayon sa comedienne, ang administrasyon ngayon ng bansa ay iginagalang niya at buong puso niyang tinatanggap.
Gayunpaman, nais niya pa ring sabihin sa buong mundo na ipinagmamalaki niya na isa siya sa mga nanindigan at patuloy na titindig bilang kakampink.
“Kung ano man ang meron tayo ngayong administrasyon nirerespeto ko at buong pusong tinatanggap, ngunit nais kong ipagsigawan na ako ay proud na isa ako sa tumindig at patuloy na titindig #loudandproud #proudkakampink.”
Ang comedienne ay supporter nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan. Sumama na rin siya sa ilang rally ng Leni-Kiko tandem noong kampanya.
Matatandaan na inihayag ni Pokwang sa kanyang Instagram post na hindi siya nagsisisi na sinuportahan niya si Leni, at nagpasalamat din ito sa VP dahil naging parte siya ng journey nito.
“This is it… hindi po ako nagsisi na sinuportahan kita, at kahit kailan ‘di ko ikahihiya na sinuportahan ko ang isang Leni Robredo, thank you po at hinayaan n’yo akong maging parte ng iyong journey, may mga nayakap at nakausap na tao nadagdagan ang kaibigan sa maiksing panahon ng mga rallies na nakasama ako, isang nakakapagod ngunit masayang experience kasama mga nagmamahal sayo.”
Nagpasalamat din ang comedienne sa mga nag-volunteer upang tumulong, pati na rin ang mga kapwa niya artista.
“Salamat po @bise_leni God bless you at buong pamilya sa mga nagboluntaryo ng tulong mula sa mga kapwa ko Artista, estudyante, lahat kayo na may mga maliliit na negosyo, salamat maraming salamat sa inyo back to work back to normal ang buhay laban ulit.”
celebrity
Lolit Solis, may puna kay Bea: ‘Mukhang mas matanda si Bea Alonzo na wala pang asawa at anak’
Published
2 days agoon
May 26, 2022By
Nami
Muli na namang ipinagpatuloy ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account ang pagpuna laban sa aktres na si Bea Alonzo.
Pinuna ng beteranang showbiz writer si Bea na na-late ng dalawang oras sa kanyang Beautederm press conference.
Iginiit din niya na mukhang matanda, washed out, at mas malala ang pangangatawan ni Bea kumpara kay Marian Rivera kahit na may dalawang anak na ang huli.
Ayon kay Lolit, hindi karapat-dapat si Bea na maging endorser ng Beautederm dahil mukhang siyang matanda.
Sa kabila ng patuloy na pagpuna ni Lolit, patuloy pa rin naman ang tagumpay ni Bea bilang aktres at endorser. Mayroon din siyang romantic life bilang girlfriend ni Dominic Roque. Hindi na rin umano pinapansin ni Bea ang lahat ng post ni Lolit laban sa kanya.
“Paano kaya ang gagawin ng Beautederm na pag-launch sa dalawa nilang endorser na sila Marian Rivera at Bea Alonzo, Salve. Kasi ang ganda ganda ni Marian Rivera kahit may 2 anak na, samantalang mukhang mas matanda si Bea Alonzo na wala pang asawa at anak.”
“Imagine mo na sa presscon lang kita mo na ang big difference ng dalawa, si Marian, advance ng kalahating oras, samantalang si Bea LATE ng 2 oras. Grabe ang difference ‘di bah! Kaloka! Eh mas sikat si Marian Rivera, mas maganda at mukhang bata pero hindi late dumating at hindi binigyan ng sakit ng ulo ang Beautederm, heto si Bea na parang starlet na lang ngayon, mukhang matanda, ewan bakit ghosting ni Gerald Anderson, at sa edad niya hangga ngayon wala parin anak pero mas maganda parin katawan ni Marian Rivera.”
“Parang hindi na bagay sa Beautederm si Bea Alonzo dahil sapaw siya sa beauty ni Marian. Saka dapat makakita na siya ng BF na hindi siya ghosting at pakasalan na siya dahil nagkaka edad na siya. Sana nga duon sa mga commercials nila na mukha siyang Tita ni Alden Richards mas maging mukha na siyang bata at fresh looking,” pagpapatuloy pa nito.
“Hay naku, lahat ng make up artists ipatawag na para mag ayos kay Bea at sana huwag ng sita ma late ha, sumakit ang ulo ng mga writers sa paghihintay sa kanya, at Bea Alonzo, huwag ka ng magpagod ipa-cancel kami nila Gorgy at Salve, hindi namin pinangarap maghintay ng 2 oras sa isang starlet na tulad mo noh! Kalokah,” pagtatapos nito sa kanyang IG pos.
Sa isang ulat ng PEP noong Mayo 3, tinanong umano siya ni Ogie Diaz kung ano nga ba ang tila galit niya kay Bea, ngunit hindi raw nito alam. Pero pag-amin naman ni Manay Lolit, masama umano ang loob nito sa manager ni Bea na si Shirley Kuan, na nagkataong kasamahan ni Lolit sa PAMI o Professional Artists Managers, Inc. Bagamat tapos na raw iyon, tila hindi pa handa si Manay Lolit na tigilan na ang kapupuna sa girlfriend ni Dom ano?
celebrity
Kyla, inalmahan ang bashers sa kanyang tweet kaugnay sa presyo ng gas, mababang sweldo ng mga tao
Published
2 days agoon
May 26, 2022By
Nami
Ang R&B singer na si Melanie Alvarez – o mas kilala sa kanyang stage name na Kyla – ay naghayag ng kanyang saloobin kaugnay sa reaksyon ng ilang netizens sa kanyang tweet tungkol sa presyo ng gas at mababang sweldo ng mga tao.
“I am aware of what’s happening in the world. Grabe ang comments ng ibang tao. Everyone want to be right nowadays. Kaya walang nangyayari,” aniya sa panibagong tweet.
“I was simply stating a sad reality. It’s NOT a complaint. I never said it’s the government’s fault. Don’t put words in my mouth,” dagdag pa niya.
Ito ay may kaugnayan sa sentimyento niya noong Mayo 21 sa kanyang Twitter account kung saan ay inihayag niya ang isang malungkot na katotohanan sa kasalukuyan.
“Sobrang mahal ng gas. Pero ‘yung sweldo ng mga tao hindi naman tumataas,” aniya.
Matapos iyon ay ilang netizens ang nagkomento sa kanyang saloobin hanggang sa tawagin siyang “bobita” at “walang alam”
Sinubukan pa ng ilan na i-lecture ang singer at ipaliwanag dito ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng gas.
Ayon sa ilang netizens, kahit tumaas na ng P33 ang suweldo ng karamihan ay hindi pa rin umano sapat ito para sa kanila dahil sa pangunahing bilihin at pagtaas ng petrolyo.
Isang netizen naman ang nagkomento at sinabi kay Kyla na magpatayo ito ng sarili niyang petrochemical para ma-solve nito ang kanyang problema.
“Magpatayo ka ng sarili mong petrochemical pra solve ang problema mo. Good luck!!!!”
Agaw-pansin ito kay Kyla at sinagot nito ang basher. Aniya, “You’re reacting to something I didn’t say or mean. I guess that makes you so smart. Wow. Good job genius!”
Samantala, ang tweet ni Kyla ay umani rin naman ng pagsang-ayon mula sa iba pang netizens na naintindihan ang kanyang saloobin sa ‘sad reality’ ng buhay.

Box-All-You-Can: RuRi PH pushes for ‘special events’ to help farmers sell their produce

VP-elect Sara Duterte-Carpio attends supporter’s graduation

Toni shares photo with Andrew E, ‘Sabay Sabay! Bagong Pilipinas!’

James Reid to manage Liza Soberano, Ogie Diaz confirms

Herlene Budol thanks bashers for pointing out areas for improvement

Clarita Carlos, hinamon si Frankie: ‘Can you write a 5,000 word essay defending your declaration?’

Loren Legarda’s other son says he’s proud of his mom: ‘She puts others before herself’

Daughter Grace Poe confirms the passing of Susan Roces, the ‘Queen of Philippine Movies’

Janice de Belen explains why she can’t work with ex-husband John Estrada

Gabbi, Julia go viral for showing the ‘two types of bridesmaids’ look
Trending
-
politics3 days ago
President-elect Bongbong Marcos asks for prayers, promises to strive for perfection
-
celebrities3 days ago
Caridad Sanchez’s daughter Cathy shares ‘do’s and don’ts’ on writing a eulogy
-
Inspiring2 days ago
‘Slowly but surely’: OFW in Japan shares getting a house built for their parents
-
celebrities4 days ago
‘Masaya ka na sa piling ni Ronnie’: FPJ’s BFF Erap shares bittersweet message to his Kumareng Susan
-
celebrities4 days ago
Lolit Solis admits getting emotional after reading Kris Aquino’s letter
-
celebrities4 days ago
Herlene Budol tells Wilbert Tolentino: ‘Ikaw ‘yung bumuo ng buhay ko’
-
celebrities5 days ago
Alex Gonzaga, Luis Manzano kinaaliwan ng mga netizens sa kanilang ‘bardagulan’
-
Social News1 day ago
Ogie Diaz, sinita ang paraan ng pagbabalita ng isang network hinggil sa mga anak ni Robredo