Connect with us

celebrity

LJ Reyes, nagbahagi ng inspiring words sa mga taong may pinagdadaanan

Published

on

Sa kanyang Instagram post ay nagbahagi si LJ Reyes ng ilang nakai-inspire na salita sa mga taong may pinagdadaanan, lalo na sa mga taong nalulungkot.

“No matter where you are in life, there would be people who would pull you down to the ground,” panimula niya.

Ipinaalala din ng aktres sa lahat na ang ating sarili ay maaaring maging pinakadakilang bayani. Ayon kay LJ, kahit kailanganin ng isang tao na paalalahanan ang kanyang sarili araw-araw, ayos lang iyon at magpatuloy lamang sa pagbangon.

“But always remember that yourself could always be your greatest hero and that you have to always see and believe in your potential! Even if you have to remind yourself every single day. You are loved. You are valued. You are strong! And you will continue rising up!”

Kamakailan lamang ay nagbigay din siya ng inspirasyon sa mga netizens, gayundin sa mga kapwa nanay kaugnay sa paghahanap ng ‘better version of herself’.

Sa Instagram post ay ibinahagi niya ang ilan niyang mga larawan kalakip ang mensahe kaugnay sa self-love.

Ayon kay LJ, nakatanggap siya ng mga mensahe mula sa mga taong nakaranas din ng mga karanasan niya.

“On my journey to finding a better version of myself! It’s not easy at all. Definitely not. Self-care/self-love is a bit thin when you have two other lives depending on you. (But of course I wouldn’t have it any other way!) Along the way, I have received messages and talked to people with similar experience or even those with a different one but took all their might and faith to rebuild.”

Tahasan na inamin ng celebrity mom na na-inspire siya sa pakikipag-usap sa mga ganoong tao na may empowering stories to tell.

“Honestly, you have inspired me more than I have inspired you! And one day, someday, I would be able to give back the strength I found from hearing these empowering stories of faith and perseverance! For the mean time, know that each one of you is beautiful. Each one of you deserve to feel loved. Each one of you is in the hands of God. Stay wonderful!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

celebrity

Jovit Baldivino nag-collapse sa isang party, kasalukuyang nasa ICU

Published

on

By

Nag-collapse diumano ang Kapamilya singer na si Jovit Baldivino habang dumadalo sa isang party sa Batangas City gabi nitong nakaraang Linggo, Disyembre 4.

Ayon sa Facebook page na TBST (Totoong Balitang sa Southern Tagalog), isinugod sa Jesus of Nazareth Hospital si Jovit matapos bigla na lamang itong bumagsak habang nasa party.

Kinumpirma rin umano ito ng source ni Abante correspondent Ronilo Dagos na nagsabing may pumutok na ugat sa ulo ng kauna-unahang Pilipinas Got Talent (PGT) champion at posibleng aneurysm ang sanhi nito.

Naoperahan na naman daw sa naturang ospital si Jovit at nailipat na ito sa ICU kung saan nananatiling nakaratay ang singer.

Tumanggi naman munang magsalita ang pamilya ni Jovit at humihiling sila ng privacy para sa kaanak na maysakit.

Sumikat si Jovit matapos ideklarang grand winner sa PGT noong 2010. Naging matagumpay din ang kaniyang singing career at nakapaglabas ng ilang album kabilang na ang ‘Faithfully’ na nag-triple platinum, ‘I’d Do Anything For Love’ (Platinum), ‘OPM Greatest Hits Volume One’ (triple platinum) at ‘Jukebox’ na lahat ay sa ilalim ng Star Records.

Bahagyang lumamlam ang kaniyang career matapos masangkot sa kontrobersiya sa kaniyang personal na buhay nong 2021.

May kinalaman ito sa akusasyon ng kaniyang dating kasintahan na inakusahan siya ng pambababae kaya nauwi sa hiwalayan ang dalawang taon nilang relasyon na nagbunga pa ng dalawang supling.

Continue Reading

celebrity

Vhong Navarro pinayagan ng korte na makapagpiyansa ng P1-M

Published

on

By

Makaraan ang halos tatlong buwang pagkakapiit, posible na pansamantalang makalaya si Vhong Navarro matapos siyang payagan ng korte na makapagpiyansa ng halagang P1-M.

Batay sa court order na may petsang Disyembre 5, 2022 at nilagdaan ni Presiding Judge Loralie Cruz Dataman ng Taguig Regional Trial Court Branch 69, itinakda ang piyansa sa halagang isang milyong piso para sa pansamantalang kalayaan ng aktor.

“Viewed in light of all the foregoing, and taking the evidence presented in the bail hearings as a whole, this court is not convinced at this point, that there exists a presumption great leading to the inference of the accused’s guilt,” ayon sa nasabing court order.

“It must be emphasized, however, that a grant of bail does not prevent the Court, as trier of facts, from making a final assessment of the evidence after full trial on the merits,” dagdag pa nito.

Noong Agosto, pinaunlakan ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ni Deniece Cornejo na dinggin ang kaniyang salaysay hinggil sa reklamong isinampa niya laban sa ‘It’s Showtime’ host.

Sumuko naman sa National Bureau of investigation (NBI) si Navarro noong Setyembre matapos muling magsampa ng kaso ang Office of the City Prosecutor ng Taguig laban sa kaniya.

Nanatili ang komedyante sa kustodiya ng NBI hanggang noong Nobyembre 21 kung kailan inilipat siya sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City.

Nito lamang Lunes inilabas ng korte ang desisyon nito sa matagal nang kahilingan ni Navarro na makapaglagak ng piyansa.

“Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos (Php 1,000,000.00),” ayon pa sa court order.

Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag ang magkabilang kampo nina Cornejo at Navarro tungkol sa naturang utos na inilabas ng korte.

Continue Reading

celebrity

Tuesday Vargas may hugot matapos ‘isnabin’ ng dalawang baguhang artista

Published

on

By

Idinaan sa isang Facebook post ni Tuesday Vargas ang kaniyang pagkadismaya sa dalawang baguhang artista na diumano’y nang-isnab sa kaniya sa isang event kamakailan.

Bagama’t tinanggal na ni Tuesday ang kaniyang rant makaraan ang ilang oras, nakunan naman ito ng screenshot ng showbiz news portal na PEP Ph.

Ayon sa komedyante, binati niya ang dalawang baguhan subalit hindi man lang daw siya pinansin.

“Mga batang artista, kahit gaano kayo kasikat at pinagkakaguluhan ng mga tao, mag hello kayo sa kapwa nyo artista pagdating sa work. Lalo na sa nakatatanda,” panimula ng post ni Tuesday.

Isiningit na nga lang daw sa program ang dalawang newbies dahil nagmamadali ang mga ito ay dinedma pa siya kahit siya na ang unang bumati sa kanila.

“Sumingit na nga kayo sa program kasi nagagalit na handler niyo at bawal ata kayong pinaghihintay. Tapos ako pa ang nagbigay galang sa inyo dinedma nyo pa ako,” patuloy ng Bubble Gang star.

Dahil sa nangyari, may payo si Tuesday sa mga baguhang artista na may ‘attitude’ na agad kahit nagsisimula pa lang sa industriya.

Aniya, “Tandaan, madaling maabot ang fame. Longevity is harder. Pakabait ok? Huwag ganun.”

Nag-iwan naman ng komento sa naturang post ni Tueday ang Kapuso TV at movie director na si Louie Ignacio.

“Jusko madaling malalaos yang mga batang yan sa ugali nila. Feeling sikat agad ha nakakaloka!!!!” wika ni Direk Louie.

Sinagot naman ito ng comedienne-singer: “Hayyy direk. Sabi ko, ‘Hi_____! Tuesday.’ Tapos abot ng kamay ko. Hindi ako pinansin tapos si handler hinarangan ako kala magpapa-picture ako. Kaloka.”

Sa sumunod na post ng komedyante ay sinabi nitong nalaman niya na kaya pala nagmamadali ang dalawang baguhan dahil may dadaluhan pa itong event ng sponsor nila.

“Paid gig ito mga anak. Sana di nyo kinuha kung mag-a-attitude lang at magmamadali. Mahalin ang trabaho. Para mas madami pa kayong proyekto,” saad pa ni Tuesday.

Kinalaunan naman ay tinanggal na niya ang kaniyang post at sinabing “Decided to delete my posts and will just leave this here instead because I am beautiful. Ganoin.”

Magsilbi na lang sanang paalala ito sa mga baguhan at nakababatang bahagi na rin ng industriya.

Continue Reading

Trending