Connect with us

Inspiring

Magkapatid muling nagkita matapos ang tatlong dekadang hindi nagkasama at nagkausap

Published

on

Paano kung malaman mong ang kapatid na hindi mo na nakita o nakausap sa loob ng tatlong dekada ay buhay pa pala?

Labis na naging emosyonal ang pagkikita ng magkapatid na sina Lola Encarnacion at Lolo Seliaco ng Negros Occidental matapos ang tatlong dekadang hindi nagkasama at hindi rin nagkausap man lang.

Sa pamamagitan ng social media ay muling nagkita ang magkapatid na ngayo’y kapwa senior citizens na.

Unang nag-viral online ang video ni Lola Encarnacion Solis, 73, na mag-isang namumuhay sa sira-sirang bahay sa kabundukan ng Talisay, Negros Occidental.

Para matulungan si Lola Encarnacion ay inilapit ng grupong Kapusan Outreach ang kuwento ni Lola sa Digicast Negros para makita ng kaniyang mga kamag-anak ang kaniyang sitwasyon.

Ilang netizens naman ang nagtulungan para sa matanda. Nagtulungan rin ang Felix G. Yusay Foundation Inc., militar, pulisya, at Kapusan para magawan ng bagong bahay si Lola Encarnacion.

Nang ibahagi sa social media ng Negros Occidental Police Provincial Office ang mga larawan ni lola Encarnacion, may tumawag sa kanilang apo nito at nagsabing buhay pa ang isa nitong kapatid na si Ciriaco, na ngayon ay 87 anyos na.

Inihanda ang pagkikita ng dalawa at naging emosyonal ang mga sumunod na tagpo. Mahabang kwentuhan hinggil sa kanilang buhay ang mga sumunod na eksena.

Napag-alaman na si Lolo Seliaco ay malabo na ang mga mata, at ang pandinig naman ni Lola Encarnacion ang tila humihina na. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang sila ay hindi maghabol ng kuwentuhan. Imagine, 30 years na hindi kayo nagkita!

Inalok na rin ng mga anak ni Lolo Seliaco na manirahan na lang si Lola Encarnacion sa kanila ngunit tinanggihan niya ito dahil hindi raw siya sanay sa mataong lugar. Babalik pa rin si Lola sa kanyang bagong gawang tahanan at nangakong dadalaw pa rin ito sa kanila.

Ilang netizens naman ang humanga sa pagtulong ng mga kapulisan, militar, foundation at netizens para magkatagpo ang magkapatid.

“Tingnan mo nga naman ang tulong nagagawa ng social media grabe kung wala ang social media baka hindi na sila ng nagkita. Pati ‘yung mga ka pulisan at sundalo natin at tulong na rin ng mga concern citizens natin. God Bless you. All May Bagong buhay at Bagong Pag asa.”

“Sana laging ganito nababasa namin nakakataba ng puso. Pagpalain kayo lolo at lola. Hiling ko ang inyong mas mahaba pang buhay.”

Inspiring

Top 1 din sa board exam: Nursing graduate sa Dumaguete, sumunod sa yapak ng kaniyang kapatid

Published

on

By

Limang taon man ang pagitan nang kumuha sila ng kani-kanilang board exam, pinatunayan ng magkapatid na taga-Dumaguete na ang pagiging matalino ay likas nga sa kanilang pamilya.

Ito ay matapos makuha ni Abigail Ramirez, na nagtapos bilang magna cum laude sa St. Paul University Dumaguete (SPUD), ang First Place sa katatapos lamang na Nurse Licensure Examination nitong Nobyembre 2022 nang makakuha ng rating na 90 percent.

Taong 2017 naman nang maging first placer din ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Alec Ramirez ng Negros Oriental State University – Dumaguete sa Geologist Licensure Examination na nakakuha ng rating na 83.20 percent.

Ayon sa Facebook page na DuScian Gateway, si Abigail ay alumna ng Batch 2017-2018 Researchers at ang magkapatid ay kapwa produkto ng Regional Science High School Curriculum ng Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High School.

Si Alec ay kasalukuyang faculty ng University of the Philippines Diliman- National Institute of Geological Sciences.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Abigail na inspirasyon at role model niya ang kaniyang kuya.

“I made him as my role model. I wanted to be like him, so talagang sumikap ako in my own way. Inspirasyon ko rin naman iyong ibang mga kapatid ko, pero dahil kami yung mas magkakalapit ng edad, siya ang mas nakita kong motivation,” wika ni Abigail.

Ibinahagi rin nito ang sikreto niya sa kaniyang naging tagumpay sa pagsusulit.

“It’s really a balance of prayers and also efforts during the exam and preparations. I was lucky enough to enroll in a review program of our university, it was truly like we were blessed to have our clinical instructor,” ani Abigail sa isa pang panayam.

Sa kasalukuyan, plano umano niyang mag-apply bilang clinical instructor sa unibersidad kung saan siya nagtapos.

Continue Reading

Inspiring

‘Nurse na ako’: Batang nangarap lamang noon sa kinder yearbook, natupad na

Published

on

By

Pag nasa puso mo ang iyong pangarap at handa mong gawin ang lahat matupad lamang ito, kahit anong hirap ay malalagpasan mo.

Iyan ang pinatunayan ng isang nurse na si Yssa Falguera sa ibinahagi niya sa kanyang Facebook post.

Hindi umano siya makapaniwala na isa na siya ngayong Licensed nurse.

“No words can express how grateful I am. Thank you, Lord, for guiding us and for all your blessings all throughout this journey. We lift everything up to You. We couldn’t have gone this far without You. Ikaw po lahat ito,” pasasalamat niya sa Diyos na nakayanan niya ito.

Ayon sa panayam ng Pilipino Star Ngayon Digital ay parang nasa puso na niya ang maging matulungin lalo na sa kapwa at nangangailangan.

“Growing up, mas nakita ko yung essence of choosing that profession, parang I have a mission to serve. I find happiness in serving other people, even in the simplest things that I can do. Years have passed I was given the opportunity to study my dream course in my dream university,” saad ni Yssa.

Marami ang naantig sa kaniyang kuwento kung saan ang dating quote lamang niya sa yearbook noong bata pa siya ay natupad na ngayon.

“To my 6-year old self, you once dreamed of becoming a nurse someday. It was a looong and challenging journey, but all those laughter, tears, anxiety, self-doubt, sleepless nights, triumphs and failures paid off. I hope I made you proud, Registered Nurse na tayo! We made it!” masayang sinabi niya.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa netizens sa kanyang kuwento;

“Pagbati sa matagumpay na pangarap at Pagpalain ka ng Diyos Ama”

May isang commentor na pakwelang nagsabi na, “Bakit ba kasi ASTRONAUT yung nasa year book ko nung grade school?” hahaha

“Dream come true. Basta may goal.”

“Wow ka birthday ko pa Feb. 5.. Well, lahat tayo may pangarap at ito ay ma achieve basta may perseverance at hardwork. congrats!”

“Congratulations! God bless you more”

Continue Reading

Inspiring

Pagtuturo ng guro habang inaalagaan ang anak, hinangaan ng mga netizens

Published

on

By

Bilang magulang, kahit mahirap ang kakaharapin na pagsubok sa buhay, ipagpapatuloy pa rin ang pagsulong alang-alang sa kapakanan ng mga anak.

Hinangaan ng netizens ang dedikasyon ng isang guro mula sa Porac, Pampanga matapos nitong pagsabayin ang pagtuturo at pag-aalaga sa kanyang anak.

Sa naturang video ay makikita si teacher Krystel Castro na nagtuturo sa kanyang mga estudyante habang katabi nito ang kanyang baby na nakasakay sa stroller.

Nagtatawanan naman ang mga estudyante niya kapag gumagawa ng ingay ang kanyang baby.

Ayon sa ‘Philippine Star’, nagkaroon umano ng emergency ang nagbabantay sa kanyang anak.

Imbis na lumiban sa kanyang klase ay dinala na lamang niya ang anak sa eskwelahan at unang beses raw niya itong nadala.

“Ito po ‘yung first time ko po na gawin po non dahil nagkaroon po ng emergency ‘yung nagbabantay sa kanya po kaya naisip ko po na dalhin na lang ‘yung baby ko po sa school, sa halip na um-absent,” aniya.

Pumayag naman umano ang principal ng kanilang school dahil katulad niya ay isang magulang din ito kaya naman naiintindihan nito ang kalagayan ni Teacher Krystel.

“‘Yun pong school principal po namin, napaka-considerate po niya pagdating sa mga ganitong bagay dahil isa rin po siyang ama. Kaya naiintindihan po niya ‘yung sitwasyon ko.”

Patuloy naman siya sa pagtuturo habang karga nito ang kanyang anak.

Para sa kanya, hindi ito dahilan upang itigil niya ang pagtuturo sa klase.

“Umiyak po siya. Kinarga ko po siya pero hindi po ‘yun ‘yung dahilan para tumigil po ako doon sa pagdi-discuss ko.”

“Normal lang naman po ‘di ba na maramdaman po natin na mapagod tayo habang kinakarga or ginagawa ‘yung dalawang bagay nang magkasabay.”

“Pero kapag mahal mo at gusto mo ‘yung ginagawa mo kahit na mahirap, gagawin mo at ipapatuloy mo.”

Panoorin.

Continue Reading

Trending