Connect with us

entertainment

Kilalanin: Wildlife photographer na kumuha ng larawan ng PH Eagle sa P1,000 bill

Published

on

Ipinakilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Filipino wildlife photographer na kumuha ng larawan ng Philippine eagle na ginamit sa bagong P1,000 bill.

Sa isang Facebook post noong Mayo 1, sinabi ng BSP na ang photographer ay si Floyd Bermejo, na isa ring masugid na birdwatcher at bird conservationist sa bansa.

Umaasa si Bermejo na ang larawan ay magbibigay inspirasyon sa mga tao na protektahan ang Philippine eagle, ang pambansang ibon ng bansa, mula sa pagkalipol.

“Floyd Bermejo is the wildlife photographer who captured the image of the Philippine Eagle used in the new polymer banknote. He hopes that his photo will inspire people to protect and save the Philippine Eagle from extinction,” wika ng BSP.

Sa isang hiwalay na feature, ibinahagi ng BSP na si Bermejo ay miyembro ng Robert S. Kennedy Bird Conservancy, isang grupo na dalubhasa sa pagkuha ng mga larawan ng mga ibon sa bansa para sa kanilang proteksyon.

Naging conservationist siya nang siya ay nanuluyan sa mga komunidad na nagsisilbing tahanan o tirahan ng mga endangered birds na ito.

“At first, Mr. Bermejo took and collected photos to relieve stress. But through his immersion in communities that served as habitats of endangered birds, his collections transformed into a powerful platform for his conservation advocacies,” sabi pa ng BSP.

Sinabi ng Bangko Sentral na nakunan niya ng larawan ang Philippine eagle, isang makapangyarihang ibong mandaragit, sa isang sanktuwaryo sa Davao.

“His passion as a lensman and his work as a pilot [has] allowed him to visit many protected forests and wildlife sanctuaries, including the one in Davao where he took the iconic photo of the Philippine Eagle featured on the polymer banknote,” sabi nito.

Samantala, ang hilig ni Bermejo sa photography ay nagsimula noong bata pa siya, sa pangangaso ng mga ibon para kainin sa kabundukan ng Sipalay, Negros Occidental.

Bilang isang bird hunter-turned-conservationist, sinabi ni Bermejo na sa kanyang trabaho ay nararamdaman pa rin niya na siya ay tila “bird-hunter” pa rin.

“Nagustuhan ko iyong wildlife photography kasi parang naghu-hunt ka rin. Pero this time, you are using your camera,” aniya sa  ulat.

Umaasa si Bermejo na ang larawan ng agila sa bagong disenyo ng P1,000 banknote ay magbibigay ng kamalayan tungkol sa konserbasyon ng mga ibon.

Sa isang Facebook post ay ibinahagi naman niya ang kanyang nararamdaman kaugnay sa karangalan na ito.

Samantala, maaaring bisitahin ang kanyang Facebook page na ‘Nature Priority by Floyd P Bermejo‘ para sa iba pang kuwentong pang-kalikasan.

Basahin: BSP sinabing hindi ibinebenta ang P1,000 polymer banknotes

Pinayuhan ng BSP nitong Biyernes ang publiko na ang bagong P1,000 banknotes na gawa sa polymer ay hindi ibinebenta dahil unti-unting inilalabas nito ang mga bill sa sirkulasyon para magamit ng mga tao.

entertainment

Kris Aquino reveals she and sons Josh, Bimby tested positive for COVID-19

Published

on

By

Kris Aquino revealed that she and her sons Josh and Bimby tested positive for COVID-19 while they’re in Houston.

In a letter addressed to her late brother former Pres. Noynoy Aquino, which she posted on Instagram, Kris said that it was her eldest, Josh, who contracted the virus first.

“Kuya Josh tested positive for COVID on June 20 — nurse took his temperature then they got antigen kits, tested him 1st because he was so unlike himself- he was just lying down, on the sofa with no energy to play or watch YouTube on his phone,” she said.

They later found out that Josh was COVID positive. She said that she wanted to hug Josh but was not allowed to because of her condition.

“My instinct was to go & hug kuya but everyone told me i needed to leave immediately & move to a hotel with nurse & bimb because i was severely immuno compromised & being covid positive could mean ICU for me,” she said.

“It was heartbreaking to leave Kuya, I felt I was abandoning him in our time of need.”

Three days later, Kris started developing symptoms and felt that something was off. She had fever and took an antigen test and tested positive.

“I was exhausted & fell asleep. when i woke up & asked how was bimb, Anne said for almost 7 hours he had just been asleep, mother’s instinct kicked in,” she said; sharing that Bimby’s test also came back positive.

Kris admitted calling out to her brother Noy for help.

“Noy, help me please-these 2 only have me… please help me survive this, PLEASE?”

Kris and her sons later recovered from COVID-19 but she revealed that she has to undergo chemotherapy soon.

“Noy, bunso has only 1 road left open to her… sadly for kuya & bimb because ultimately my 2 are the victims- i need to try RITUXAN. To spare everyone from having to Google and for all to understand why i’m now choosing to say GOODBYE for NOW, RITUXAN is an immunosuppressant, in straightforward language, it is CHEMOTHERAPY but also used for some complicated autoimmune cases, like mine.”

Prayers and well-wishes poured on Kris’ update.

“We’re praying for your speedy recovery Ms.Kris! We miss your hosting skills in national tv and we’re hoping you could make it again!”

“Kris, please get well soon! Sending you abundant prayers and success on your treatment!”

“BRAVE—that’s what you are, Ms. Kris! Prayers for your complete healing & recovering. Get well soonest!”

Continue Reading

entertainment

Paris Hilton pinuri ang mga outfit ni Kylie Verzosa, ‘That’s hot’

Published

on

By

Ang mga magagarang OOTD ni Kylie Verzosa ay nakakuha ng thumbs up at paghanga mula sa sikat na American media personality na si Paris Hilton!

Sa TikTok, isang account na pinangalanang Unofficial PH Crown ang nagbahagi ng mga video ni Miss International 2016 na naglalakad papunta sa van.

Ang kasuotan ng aktres ay ang kanyang outfit sa isang episode ng “It’s Showtime Sexy babe,” kung saan siya ay isa sa mga hurado.

Ang bongga-bongga ni Kylie na todo kembot, habang sinasabayan ang ‘Oops…I Did It Again’ ni Britney Spears.

Talagang ang ganda at makikitang blooming ang datingan ng aktres kahit kagagaling lamang niya sa breakup nila ni Jake Cuenca.

“Where is this outfit from?” ani Paris sa TikTok. Kumuha naman ng screen shot si Kylie at ibinahagi ito sa kanyang Instagram stories: “Beshy! Wait, send ko link,” masayang ibinahagi ni Miss International 2016.

Sa isa pang video ni Kylie, kung saan nagsuot siya ng silver backless na pang-itaas na ipinares sa ripped denim jeans at stilettos at may bitbit na maliit na puting tuta, ay nagkomento rin si Paris: “That’s hot.”

 

Talagang nag-level up si Kylie sa kanyang OOTD pagdating sa kanyang mga kasuotan, at inaabangan pa ng kanyang mga tagahanga ang mga kakaibang istilo ng pananamit nito.

“Araw -araw ko nang inaabangan outfit n’ya”

“Grabee ka na talaga Kylie tapos na Miss International panalo ka na naman”

“Bakit ang ganda pa rin nya kahit basahan yung ipalda n’ya”

Kamakailan ay nag-viral rin sa social media ang kanyang in-upload na larawan na nakasuot ng bridal gown.

Kasama pala ang aktres sa mga modelo sa The Marriot para sa isang wedding dress fashion show ng kilalang couturier na si Julianne Syjuco.

Sa kanyang caption, nagpahayag siya ng kagalakan nang matupad ang kanyang pangarap na mapabilang sa naturang show.

“What a dream. Closed the show for @julianne_syjuco for #marrymeatmarriot. Thank you for having me @julianne_syjuco!” wika ni Kylie.

@unofficialphcrown 3 days palang to 👏💓 #fyp #kylieverzosa #missinternational #missuniversephilippines #philippines #pageantsph ♬ Oops!…I Did It Again – Britney Spears

Continue Reading

entertainment

Candy Pangilinan’s son finishes Grade 10: ‘Quentin has taught me more than I taught him’

Published

on

By

Candy Pangilinan is one proud mom after her son Quentin finished Grade 10.

The actress dedicated a lengthy post to all the people who helped them for the past years.

“Quentin graduates grade 10! Thank you to all our teachers from Grade 1 to present. Dami po kayo. From teacher Amor to Teacher Frank. Thank you to all therapists from our first OT teacher Tisha, teacher Sean, Teacher Giselle, to Teacher Yani. Too many therapist to mention,” she said.

She went on to thank other people who played diffent parts in this milestone.

“Ang daming dapat pasalamatan pati mga guards na pinagbigyan kami sa pagwawala ni Quentin. To everyone we have encountered in one way or another. Salamat,” Candy said.

“And to my spiritual mentor, thank you for the guidance and understanding. To God, OUR Father All Glory to You! Everything by Your Grace and Mercy. Next level na po tayo.”

The actress also said that she has learned so much from Quentin during this journey.

“The journey continues. Quentin has taught me more than I have taught him. Thank you, Quentin. Congratulations! PS: Sobrang enthusiastic ni Quentin nasira yung barong. Nagka-slit. Hahaha! Congratulations to all graduates!”

[RELATED: Candy Pangilinan touched by written letter from son]

Candy recently shared that she received a handwritten note from Quentin last Mother’s Day.

Aside from the letter, Quentin also handed her flowers, which he bought using his money.

“Si Quentin ang nagbigay ng bulaklak na ito. Ayaw daw nung maliliit na roses. Nagpasama kay Nini sa bagsakan ng flowers. Ang kwento sa akin ay siya mismo daw ang pumasok sa loob ng ref at naghanap ng gustong ibigay sa akin na bulaklak. Akala niya rose. It’s an imported flower,” she said.

“Binayaran niya mula sa pera niya sa wallet na meron siya. Di naman niya naintindihan ang worth ng 500 sa 50 na bulaklak.”

Continue Reading

Trending