celebrities
Scarlet Snow, Vicki Belo may nakaaantig na birthday message para kay Hayden
Published
10 months agoon
By
Nami
Nitong Mayo 20 ang ika-42 kaarawan ni Hayden Kho.
Sa Instagram post ay nagbahagi si Scarlet Snow Belo, anak nina Hayden at Vicki, ng larawan kasama ang kanyang ama at nagpahayag ng mainit na pagbati sa kaarawan nito.
“Hi peoples it’s my daddy’s birthday today!! he’s been 35 for 7 years, cool right? I promise to grow big and tall so we can be the same height and you don’t have to kneel down anymore! I love you daddy @dochayden!!”
Samantala, mayroon ding emosyonal na birthday message si Vicki Belo para sa kanyang asawa.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng celebrity dermatologist ang larawan ni Hayden kasama ang kanilang anak na si Scarlet Snow.
“Happy birthday my belo-ved @dochayden. Every single day I thank God for the gift of you. You are the most kind, patient and loving husband and father. @scarletsnowbelo and I are sooo blessed to have you in our lives. My life has been so enriched because of you. May God continue to bless you with health, wealth and happiness. May jesus continue to be the 3rd person in our marriage so that we can have a family that glorifies Him every single day. I love you.”
Sa isa pang post ay makikita na sumasayaw ang mag-asawa kasama ang singer na si Inigo Pascual.
Aniya sa kanyang caption, “Even if it’s your birthday , you still danced for me . That is what you call true love 🤍 Happy Birthday to my other half @dochayden !! Thank you to our dance teacher @inigopascual 😉 Have you seen my latest vlog with these two yet ? Link in bio‼️”
Ilang netizens din ang bumati sa kaarawang ni Hayden.
“Happy Birthday Dr. Kho admires you being a very loving, caring, affectionate and demonstrative husband of Dra. Belo. One of the best father to Scarlett around the world.”
“Have a wonderful happy birthday my dearest Hayden!! Enjoy a fun birthday week season!! Cheers to your good heart!!”
“Happy Happy Birthday, @dochayden continous blessings to you & family.”
Watch this:
You may like
-
Vicki Belo, Hayden Kho emosyonal sa 8th birthday post para kay Scarlet
-
Dra Vicki Belo, Alex Gonzaga nilinaw ang isyung inisnab sila ni Heart Evangelista
-
Mensahe ni Hayden Kho kay Vicki Belo sa kanilang 5th anniversary: ‘I love doing life with you’
-
Multi-talented Scarlet Snow Belo earns praise for Panda artwork
-
Vicki Belo called out for lining up in senior’s lane during elections
-
Scarlet Snow nilibre ang ina, ‘It was MY TREAT! I’m so happy to have a job’
celebrities
‘Yung excited ka umuwi para dito’: Luis ibinida ang saya sa kanyang pagiging ama ni Baby Peanut
Published
1 week agoon
March 23, 2023By
Joyce
Gaano ba kasarap maging isang magulang? Maging isang ama gaya ng 41-anyos na si Luis Manzano, isang TV host, actor, comedian, VJ, at model/endorser?
Sa saliw ng rendisyon ni Christina Perri ng You are My Sunshine, mapapanood ang ibinahaging reel ni Luis kung saan ay buhat-buhat niya ang kanilang bundle of joy ng asawang si Jessy Mendiola na si Baby Peanut aka Baby Rosie.
Aniya sa caption ng kanyang post, “Yung excited ka umuwi para dito” ❤️
Pinusuan naman ito ng kanyang maybahay at ng ilang celebrity friends at IG followers. Kitang-kita naman kasi ang todo buhos na pagmamahal dito ni Luis habang yakap yakap ang anak at hinehele-hele ito. Paulit-ulit din niya itong hinahalikan sa noo at ninanamnam ang bango ng kanyang prinsesa na magtatatlong buwan na sa Marso 28.
“Always!!!!! You’ll never get tired of this feeling!!!!!,” pagsang-ayon naman agad dito ni Anne Curtis.
“Yesss, the always-excited-umuwi club!! 🙌❤️,” sabi naman ni Bianca Gonzalez-Intal..
“I remember when my daughter came to our life I had the same feeling na gustong gusto mo ng umuwi agad. Namimiss mo agad yung amoy nya tsaka kiss nya. And I stop riding my motorcycle which I really love doing. I will do everything for my daughter. “You will fight for your son but you will kill for your daughter, “ naka-relate naman ang isa pang ama.
Bukod sa heartwarming na tagpo ng mag-ama, humakot din ng atensyon ang pyjama ni Luis sa pangunguna ng kapwa celebrity niyang si Jolina Magdangal-Escueta! hahaha
“Yung pjs mo sayo talaga yan??” 😂😂😂😂 tanong nito at ng iba pa na iyon din ang napansin. hahaha
Sumagot naman si Luis ng “YES!! Sarap kaya!”
“Baby smell! ❤️ But Lu, what really got my attention are your pajamas 😂 parang ang sikip?” – annaabiol – na sinagot naman ni Luis ng “hahaha Sakto kaya!:
May mga napatanong pa kung kay Jessy ba ang suot niyang pyjama na light blue angkulay ay tila may mga disenyong pambata. Umapaw tuloy sa smiley emojis ang kanyang post. Kwela talaga itong si Luis.
Anyway, sa isa pang post ay nagbitaw ng pangako ang ama ni Baby Peanut, “Promise to always make you smile and laugh Peanut” ❤️
Marami namang ang nag-react ng puso sa tinuran niya at sa larawang ito.
“I love her smile while talking to her Dad ang cute [email protected]@talaga gorgeous baby.”
celebrities
#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home
Published
2 weeks agoon
March 20, 2023By
Joyce
Sa kaniyang YouTube channel, masayang ibinahagi ni Solenn na ang kanilang dream home ay malapit nang matapos — “#SosBolz House coming together!”
“We are building our forever house, Nico is in charge of saying Yes while I am in charge of everything else! Here is an initial update!” ayon sa kwelang caption ng kanilang video kamakailan.
Sa Instagram, nagpahayag din ng kanyan excitement ang 37-anyos na Filipina-French actress, VJ, model, TV host, singer, painter, fashion designer, at professional make-up artist.
“Finally building our dream home! 2 years in the making and a lot of learnings. Will share tips and suppliers and raw materials we discovered along the way . Cant wait to move in!” #CasaBolzico
May makwelang pahabol na ‘hinagpis’ naman dito ang kanyang asawa sa comments section. Anito, “No decision were taken by me in this house!” May 17 namang nakisimpatiya sa kanya sa pamamagitan ng laugh emojis.
Nagsimula ang video sa groundbreaking ceremony na 2021 pa ginanap at kasunod na ang land blessing. Ginamitan din nila ng tradisyon na pagbabaon ng old coins ang kanilang pagpapagawa ng bahay. Ipinakita rin nila ang kanilang regular na pagbisita sa bahay nila at siyempre, may pa-unfinished house tour na ring ginawa ang queen ng Bolzico household.
Ibinida nito ang mga espasyong nakalaan para sa garden, rooftop, mga silid, toilets, walk in closet, office ni Nico at ang hindi rin mawawala…ang kanyang studio bilang artist. Kitang-kita mo ang excitement sa kaniyang ‘house tour’ na ginawa.
Nabanggit din niya na malapit-lapit na silang lumipat kaya’t ibabahagi rin niya ang mga kaganapan sa mga susunod pang videos.
Bumuhos naman ang excitement at pagbati sa mga followers nila na nakaantabay sa kanilang journey bilang isang pamilya.
‘Wow congratualations to your growing family and another new house! <3″
“Wow!! casa Bolzico! Congrats guys ❤ lahat ng hirap sulit”
“Excited to see the finished house soon. I remember you saying a new house was coming, a bigger space and a really big yard so you won’t have to go out often esp since the family is growing. I don’t see the yard in this video though, hopefully, I’m wrong. but regardless, I’m so happy for you guys. Love!
“Congratsssss! Super ganda ng location niya kahit hindi pa tapos nung nakita ko. ❤”
So, “want to build a house? Think again!” hahaha
celebrities
Panoorin: Mahusay na rendisyon ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ nag-trending, hinangaan
Published
2 weeks agoon
March 14, 2023By
Joyce
Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa iconic na awiting “Anak” ni Ka Freddie o Freddie Aguilar?
Maging sa labas ng bansa ay kinilala at sumikat ang awitin ng ngayo’y 70-anyos nang legendary singer ng Pilipinas.
Kamakailan ay muli nitong hinarana ang mga dumalo sa isang espesyal na pagtitipon. Sa video na ibinahagi niya mula kay FB user Agot Hinayan ay mapapanood ang kanyang pagtatanghal kasama ang kanyang anak na si Jeriko Aguilar. Inawit niya rito ang “Anak.”
Ang bantog na Pinoy folk musician na kilala rin sa kanyang awiting “Bayan Ko” ay pitong dekada na ang edad ngunit patuloy pa rin itong tumitipa ng kanyang gitara at nagpapaunlak sa mga imbitasyon. Wala pa ring kupas!
Namana ng mga anak ni Ka-Freddie ang kanyang galing at hilig sa musika at hindi nakapagtataka na may talento rin ang mga ito. Ngunit sinusubok ng buhay ang relasyon ng mag-amang Freddie at Maegan kaya’t naging kontrobersyal ang hidwaan sa pagitan ng dalawa.
At gaya ng dati, humahaplos talaga ang awit na “Anak” sa puso ng mga nakakapakinig at nakakapanood.
“Nagdaan pa ang mga araw, At ang landas mo’y naligaw. Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo. At ang una mong nilapitan ang ‘yong inang lumuluha. At ang tanong anak ba’t ka nagkaganyan…”
Basahin: Maegan Aguilar nagpasalamat sa mga istrangherong tumulong, nagpasaring kay Raffy Tulfo
Bagama’t maraming batikos na natatanggap ang 43-anyos na si Maegan, mayroon pa rin namang mga naniniwala na makakaya pa nitong makabangon mula sa pagkakalugmok basta’t maging desidido ito. Mahusay naman kasi talaga itong magtanghal.
‘Anak’ – Maegan Aguilar style
Sa ibinahaging video ni netizen Mariz Mattila ay mapapanood ang napakagandang rendisyon ng iconic song ng kanyang ama.
Mensahe ni Mariz para sa 43-anyos na anak ng legendary singer, “Sayang ka Maegan napakagaling mong kumanta. Sana hindi ka mawalan ng pag asa.” #anak
Mayroon na itong mahigit 1.6 million views at hindi mo maitatangging taglay pa rin ng ‘prodigal daughter’ ang galing ng kanilang lahi. Ang sarap pakinggan nang paulit-ulit.
Si Ka Freddie mismo ang nagpahayag na may communication na sila ulit ng kanyang anak ngunit hindi pa rin daw ito maaaring tumuntong sa kanyang pamamahay hangga’t hindi niya nakikita ang tunay na pagbabago nito. Nasa poder kasi ni Ka Freddie ang mga anak ni Maegan at pinangangalagaan niya ang mga bata.
Samantala, panoorin at pakinggan ang magandang rendisyon ni Maegan ng “Anak”:

‘Most challenging yet fulfilling journey’: Iza Calzado shares photo of her and Baby Deia Amihan

‘Yung excited ka umuwi para dito’: Luis ibinida ang saya sa kanyang pagiging ama ni Baby Peanut

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Panoorin: Mahusay na rendisyon ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ nag-trending, hinangaan

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Vicki Belo, Hayden Kho emosyonal sa 8th birthday post para kay Scarlet
