Connect with us

music

SoKor gov’t official pushing for BTS’ exemption from mandatory military service

Published

on

Hugely popular Kpop group BTS may be exempted from South Korea’s mandatory military service if the government is to heed the suggestion of one of its officials.

Arguing that megastars like BTS continue to promote South Korea’s image in the world, Culture, Sports and Tourism, Minister Hwang Hee said that it should be enough to be considered as an act of service by the boy band group in lieu of the military service.

The official believes that its time for the country ‘to create a system for incorporating popular culture-art figures as art personnel’.

“The [exemption] system has been operated meaningfully to give those who have enhanced the national status based on their excellent skills more chances to contribute to the country, and there is no reason the popular art-culture field should be excluded from this,” Hwang said during a press briefing on Wednesday.

“I thought somebody should be a responsible voice at a time when there are conflicting pros and cons ahead of the enlistment of some of the BTS members,” he added.

Currently, South Korea requires all its able-bodied male citizens to undergo mandatory military service for two years before they reach the age of 30.

Prior to its amendment in 2020, the law set the age limit at 28 years old before moving it to 30.

Hwang is reportedly pushing for such exemption in the Parliament but is facing opposition primarily from those who have already rendered their service.

While there are already exemptions set by the law, it only allows for those ‘exceptional citizens’ such as Olympic athletes and elite classical musicians.

BTS’ oldest member, Jin, will be turning 30 in December.

“Military service is an important duty for our country. So I feel that I will try to work as hard as I can and do the most I can until I am called,” he was quoted as saying during a previous interview.

Other band members are also just a few years away from the deadline – Suga is almost 29, J-Hope is 28, RM is 27, Jimin and V are both 26, while Jungkook is 24.

celebrities

You made history! Ely Buendia pinasalamatan ang fans; world tour na nga ba ang  kasunod?

Published

on

By

Tinatayang umabot sa 75,000 ang taong dumalo sa katatapos lamang na ‘Huling El Bimbo’ concert ng Eraserheads na ginanap sa SMDC Festival Grounds noong Disyembre 22, ayon sa kanilang promoters.

Hindi lamang mga ordinaryong fans ang talagang hindi pinalampas ang pinakaabangang reunion concert ng 90s iconic Pinoy band kung hindi maging ang mga celebrities na kinalakhan ang mga kanta ng Eheads.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Ely Buendia, ang frontman ng banda, sa kanilang loyal na mga tagasuporta na bumili ng kanilang tiket at nakisabay sa kanilang mga awit nang gabing iyon.

Sa isang Instagram post nitong Martes, Disyembre 27, ipinaabot ni Ely ang kaniyang pasasalamat sa kanila. Aniya, “Thank you for coming on such short notice. You made history!”

Samantala, nagbahagi rin si Ely ng isang madamdaming post tungkol naman sa ‘healing’ at pag-asang muling mabuo ang kanilang pagkakaibigan.

“After graduation, the real lessons begin. Tough ones. Happy ones. Baffling ones. The best thing you can hope for is to somehow be able to grasp them in a short amount of time. The band and the whole team behind this show are still trying to grasp the last three months leading up to the finals. Sometimes it feels like there are more questions than answers. But fear not, this isn’t doubt. This is certainty,” wika niya.

“As for me, I now see that sometimes, healing can only begin within one’s self. You have to really want it, and most of the time, willing to work for it. Sometimes you have to be willing to risk everything. And if you are, who knows? Maybe you might get lucky and you can leave this place a little better when you found it,” dagdag pa ni Ely.

Minsan ay nabanggit na rin ng bokalista ng Eheads sa isang podcast na hindi naman talaga sila magkakaibigan o malapit sa isa’t-isa nina Raymund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro.

Ito rin umano ang isa sa mga dahilan kung bakit sila naghiwa-hiwalay noong 2002.

Umabot ng halos dalawang dekada bago muling nagpasya ang banda na magsama-sama sa iisang entablado at pasayahin ang kanilang fans.

Inamin rin ng Eraserheads na ang kanilang reunion concert ay ang pinakahuling pagsasama-sama nilang apat.

Gayunpaman, tila malabo yata itong mangyari dahil sa isang post ni Ely ay may teaser ito hinggil sa posibleng ‘world tour’ sa susunod na taon.

“World Tour 2023 Coming Soon,” ayon sa naturang post na may kasamang logo na baliktad na ‘E’.

Dahil dito, mukhang may pakaaabangan na naman ang Eheads fans sa kanilang pagbabalik-entablado ng kanilang idolong banda.

Continue Reading

entertainment

‘The New Minstrels’ ng Dekada 70s, natatandaan n’yo pa ba?

Published

on

By

Time flies talaga! Imagine, halos limang dekada na pala ang dumaan mula nang una nating napakinggan at napanood ang “The New Minstrels” na naging paborito ng napakarami mula noong mga 1970s-1990s. Na-miss mo na rin ba? Huwag mag-alala dahil mapakikinggan naman sila sa SPOTIFY.

Balik Tanaw

Ang unang henerasyon ng ‘The New Minstrels’ ay  nagsimula noong dekada sitenta. Isang versatile na grupo sila na nagtatanghal ng R&B, Disco Hits, Swing, Broadway Classics at mga awiting lokal noong 1970’s pasulong.

Nabuo ang ‘The New Minstrels‘ sa campus ng San Beda College bilang all-male singing group. Sina Eugene Villaluz at Cesar De la Fuente  ang founding members nito. Nakasama nila sina Louie Reyes de la Fuente, Ding Mercado, Vic Baclagon, Rene Puno, Annette Belen Montilla, Eileen Dolina Novak, Mei-ling Gozum Fuentes at Aida Balmaceda Surla. Sa huling taon ng unang Generation, si RayAn Fuentes ang pumalit kay Eugene Villaluz.

Nakasama din nila si Babes Conde  na naging ‘longest standing musical director’ na siyang nag-asikaso sa karamihan ng kanilang vocal at musical arrangements.

Nakilala ang ‘The New Minstrels’ sa kanilang swabe at sopistikadong style sa pag-awit ng Top 40 hits at native Kundiman ((Filipino Love Songs). – FB page (The Original New Minstrels and Friends).

“Buhat”

Sino ba naman ang makalilimot sa pop version nila ng “Buhat” ni Mike Velarde?  Isa ‘yun sa mga naging pinakamalaking hit songs ng grupo. Naging featured performers ang TNM sa mga venue na may dining, dancing at musical shows.

Matapos mag-disband ng unang henerasyon, ang TNM ay patuloy na nagtanghal kasama naman ang apat pang henerasyon kabilang ang mga personalidad na sina Joey Albert (Generation 3), Chad Borja (Generation 4) at Alynna Velasquez (Generation 5). Sa kabuuan ay may 5 Generations ang TNM.

Ang Generation 2 TNM ay naging “Something Special Altogether”.

Sa paglipas ng panahon ay maraming naging kaganapan. Nagkaroon man ng iba ibang direksyon, sinikap ng grupo na hindi mapatid ang kanilang koneksyon. Nagkaroon sila ng ilang reunion concerts sa mga nagdaang taon ngunit ang pinakamalaki na represented ng halos lahat ng ‘Generations’ ay naganap noong 2006 sa Aliw Theatre . Tinawag itong “The Ultimate Grand Reunion.”

Noong 2020 ay nagkaroon sila ng plano na muling magdaos ng reunion concert bilang pagdiriwang ng kanilang ike-45 na anibersaryo ngunit hindi ito naging possible.

Dahil sa pagkadismaya sa naudlot na reunion na nasabayan pa ng pandemya, nabuo ang proyektong magtatag ng “The New Minstrels REMIX“. Ang nagpasimula nito ay ang GOV Entertainment na kinabibiblangan ng mga nakaraang miyembro ng TNM – sina Mon Vitan, Joseph Olfindo, Jess Garcia at ang namayapa nang si Bobby Domingo.

 

“The New Minstrels Remix 5”

Sa kasalukuyan ay napakikinggan na rin sila sa SPOTIFY sa pamamagitan ng ‘The New Minstrels Remix 5 — patuloy na nakapaghahatid ng musika na sariling atin.

Ang “The New Minstrels Remix 5” ay binubuo ng limang henerasyon na may 20 miyembro. Bagama’t inimbitahan lahat ng TNM members sa Remix 5, ang iba ay hindi makapag-commit dahil sa kanilang busy schedules.

Ang mga kasapi sa Remix 5 ay sina: Generation 1 – Ding Mercado, Rene Puno, Vic Baclagon, Eileen Dolina Novak; Generation 2 – Grace Pimentel, Joseph Olfindo, Jessica Casas, Ernie Mercado; Generation 3 – Jaramie Zuniga, Zoe Zuniga; Generation 4 – Chad Borja, Patti Go, Nancy Sheehan, Angie Wilson; Generation 5 – Ems Bolanos, Kash Gatuslao, Jinky Somera, Rhiza Dela Cruz, Bobit Pablo, Dong Fernando

Si Alynna Velasquez ay nag-participate sa TNM single lamang na “Hahabol Habol”.

Kamakailan ay inilabas nila ang tatlong nostalgic songs at ang pinaka-latest ay ang “Hahabol-Habol”; isang pagpapatunay na ang music revival ay hindi nawawala sa uso.

Muli nating mapakikinggan ang paborito rin nating single nilla na “Smile” sa Spotify. Most requested song ito noong kanilang kapanahunan; isang timeless hit na kahit ngayon ay humahatak ng paghanga.

Tara nang mag-sentimental trip. Sa YouTube ay matatagpuan ang ilan nilang awitin – TheNewMinstrels Channel.

Pero siyempre, para sa unlimited music mula sa Minstrels, anywhere you are, just click SPOTIFY  para ma-enjoy mo nang tuloy-tuloy ang “The New Minstrels Remix“.

Samantala, narito ang isang sentimental video mula sa TNM’s Facebook page. Balik-tanaw!

Continue Reading

celebrities

James Reid naglabas ng teaser collab kasama ang GOT7’s Jay B at rapper ØZI para sa kantang ‘Hello 2.0’

Published

on

By

Sa Instagram post ng Careless PH ay naka-tag ang aktor na si James Reid sa isang teaser ng nalalapit niyang collaboration kasama ang South Korean boy band na GOT7 na sina Jay B at Taiwanese-American rapper na si ØZI.

Nag-post si James ng snippet ng Zoom session niya kasama sina Jay B at ØZI. Bumati sila sa isa’t-isa, at kasunod ng video ay ang kanta ni James na ‘Hello‘ na naka-play bilang background music.

Ayon sa teaser, ipalalabas ang kanta sa March 11. Ang paparating na collaboration ay ang remix ng single ni James na ‘Hello’, na una niyang inilabas noong Hunyo 2021. Ito ang unang collab nina James, Jay B, at ØZI.

Hindi naman napigilan ng kanyang mga followers ang excitement sa nalalapit nitong collaboration kasama ang dalawang miyembro ng GOT7.

“OMG I can’t handle ittttt. Hahaha reenakathryn I just wanted to tag you because you know my love for got7 and otwol/james reid.”

“I might actually die bcs of this??!”

“Good luck sayo, James, bagay ka riyan, with your looks and talents, I am confident that you will go a long way, God bless you on your new journey.”

“Been manifesting a Jay B x James Reid since 2019 and it’s finally happening!”

Ang kantang ‘Hello 2.0 Legends Only’ ay maaaring nang i-pre-save sa pamamagitan ng music streaming service na Apple music, Spotify at Deezer.

Ang Got7 ay isang South Korean boy band na binuo ng JYP Entertainment. Ang grupo ay binubuo ng pitong miyembro: Jay B, Mark, Jackson, Jinyoung, Youngjae, BamBam, at Yugyeom.

Nag-debut ang Got7 noong Enero 2014 sa paglabas ng kanilang unang EP Got It?, na nanguna sa number two sa Gaon Album Chart at number one naman sa Billboard’s World Albums Chart.

Nakakuha din ng atensyon ang grupo para sa kanilang mga live performance, na kadalasang kinabibilangan ng mga elemento ng martial arts tricking at street dancing.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CARELESS MUSIC (@carelessph)

Continue Reading

Trending