Connect with us

Inspiring

Meaningful advice from a child: Tell your wife she’s pretty even if she looks like a dump truck

Published

on

kid child

Despite having little knowledge of how the real world goes, sometimes, the best people to give you a piece of advice are innocent children.

On Facebook, Marriage uploaded a photo of a child’s answer to the question, “How would you make a marriage work?” The child’s advice was, “Tell your wife she looks pretty, even if she looks like a dump truck.”

kid child

A lot of social media users were both amazed and touched by the child’s advice to married couples.

“This is so my husband. He always tells me that I’m beautiful. Even when I know I look awful,” S. F. Caywood wrote and many could relate to this.

“This is hilarious. I have to brag on my husband here. I feel like the days I look and feel the w0rst are the days he tells me I’m most beautiful,” shared C. Dickens, and we’re left thinking that perhaps it’s because those days are when she most needs a lift?

“My man! Total genius. Someone get this man a scholarship! He is going places,” said R. Sanchez-Mckenzie; to which we have to admit, too, that the child seems smart.

kid child

“This kid should be a marriage counselor. That is some really good advice,” commented D. L. Marquez.

A number of social media users also tagged their husbands and thanked them for always seeing the beauty in them.

Some, on the other hand, believe that they should hear the truth from their spouses, no matter how unpleasant the reality can be, so they can grow from their weaknesses and shortcomings.

As of posting, the photo already has nearly 10,000 reactions and more than 17,000 shares. There are over 1,700 comments and counting, as well.

kid child

What do you think about his advice? Share your thoughts in the comments section of this article and let us all grow together!

Inspiring

‘De ruler?’ Estudyante na sunod sunod na uno ang mga marka, hinangaan ng mga netizens

Published

on

By

Isang kahanga-hangang estudyante na may kursong Information Technology ang nagbahagi ng kanyang mga grades tampok ang sunod-sunod nitong uno. Parang ni-ruler ano?

“For the third time-one and only ones. Your glory is eternal,” aniya sa kanyang caption.

“Matamis po pala talaga ang resulta ng >5 hours na tulog every night. Sleep Acads. College arc is indeed not an easy story to finish with a straightforward plot, especially now na face-to-face ang setup ng classes.”

“And so, I am truly grateful to the people who shared their worlds with me for this success. Salamat po. Really. These numbers are not mere digits, but souvenirs of our hardships and hidden battles.”

Kuwento ni Axl Louis Coronel sa ‘Pilipino Star Ngayon Digital,’ “Noong una, akala rin po namin pindot-pindot lang sa course na IT. Pero iba po pala talaga kapag nagbago perspective mo sa course mo, because you will learn to genuinely pursue it and be passionate about that pursuit.”

“While on that goal, I realized na this process made me surpass my limits while having fun. Once you have visualized the road’s finish line, it’s really, really important to enjoy and savor the detours and rests along the way,” dagdag pa niya

Payo naman ni Axl sa mga estudyante, “Grind hard sa acads. Play hard sa hobbies. Rest hard every night.”

Marami namang netizens ang napahanga ni Axl. Dahil dito ay isa siya sa mga inspirasyon ng maraming estudyante.

“May tulog man or wala kung genius ka lalabas at lalabas talaga ‘yan. Genes and guidance din ng family important factors din ito na dapat i-consider.”

“Next sem mas gagalingan ko pa! Nakaka-inspire, grabe.”

“Congratulations Never Stop Learning and Continue Upgrading your Knowledge and Skills.”

“Congrats Axl. Ang husay mo talaga. Ipagpatuloy mo lang kasama mo ang Diyos.”

Continue Reading

Inspiring

Drink Water: Unique na pangalan ng isang estudyante kinagiliwan

Published

on

By

Kinaaliwan sa social media ang ibinahagi ng isang netizen tampok ang isang estudyante na may ‘unique’ na pangalan.

Makikita sa larawan ang isang ID ng estudyante na nagngangalang Drink Water Rivera.

Sa panayam ng ‘Pilipino Star Ngayon Digital’ ay ibinahagi ng estudyante ang dahilan kung ano ang kwento sa likod ng kanyang pangalan.

Ayon kay Drink, gusto raw ng ina nito na maging kakaiba ang pangalan nilang magkakapatid.

“May three reasons daw po kung bakit Drink Water ‘yung name ko sabi ng mommy ko. First is gusto niya maging kakaiba ang pangalan lahat ng magiging anak niya. From Winner, Rice, then pagdating sakin Drink Water.”

“Pangalawang reason po is bago siya maging Drink Water ang daming pangalan na naisip ng mommy pero ang natatandaan ko lang po na kwento niya na dapat pangalan ko is Vladimir.”

Dagdag pa niya, hindi raw makahinga ang kanyang ina kapag hindi ito nakaiinom ng tubig.

“So dun daw po nag-start ‘yung idea ng Drink Water na name.”

“Last reason po niya is gusto niya maging living reminder ako for everyone to drink water everyday.”

Hindi naman ikinakahiya ni Drink ang kanyang pangalan; bagkus ay proud pa nga siya dahil kakaiba ang pangalan niya.

“I’m loving my name tho kasi sabi nga po sa amin sa advertising, branding ko ‘to eh. Unique siya and ako lang daw po ‘yung meron na ganitong name.”

Dahil sa kakaibang pangalan ay marami na ring bansag ang tinatawag sa kanya ng kanyang mga kakilala.

“May binigay po sa akin na nickname ‘yung Grade 8 teacher ko po sa TLE dati. Sa sobrang aliw niya po sa pangalan ko tinatawag niya po ako laging “h2o” chemical formula ng water. Dinala ko po siya hanggang college pero ‘di siya naging consistent dahil medyo mahaba po siyang bigkasin. So nagre-resort lang po ‘yung mga friends and professors ko sa Drink.”

Ayos, ‘di ba? Nagsisilbi nga naman siyang paalala sa lahat na laging uminom ng tubig para sa kalusugan.

Continue Reading

Inspiring

Full time job at business pinagsabay ng millennial; nakapagpatayo ng apat pang branch

Published

on

By

Katulad ng ibang negosyante, marami ang nagsimula sa maliit at nakaranas ng hirap bago makamit ang kanilang goals o layunin sa buhay.

Pinatunayan ni Vince Isabelle Lorzano, 26, mula Lipa, Batangas na sa pagsusumikap at determinasyon ng isang tao, lahat ng pinapangarap ay posibleng makamit.

Sinimulan ni Vince ang kanyang negosyong fried noodles na ‘Noodztogo’ sa gitna ng pandemya dahil sa isang “food craving.”

Ngunit hindi tulad ng ibang negosyante, ang negosyo ni Vince ay hindi umano planado o inaasahan. Unexpected business ito.

“At first, hindi ko talaga alam na may mag-o-order sa’kin. Nag-post ako sa Instagram ko na nagtitinda ‘ko pero joke lang ‘yon. Parang hindi ko naman talaga intensyon na magtinda talaga. Sabi ko, “Delivery, sa susunod na araw.” Tapos, ‘di ko in-expect na seseryosohin pala ng mga friends at followers ko sa Instagram,” aniya sa ‘The Philippine Star’

Ayon kay Vince, umabot ng 70 cups ang  kanyang first order sa pamamagitan ng kanyang first posting sa Instagram.

“‘Yung first order ko talaga, ‘yung first na posting ko na umabot siya ng 70 cups. One day lang ‘yon.”

Habang nasa work-from-home set up siya, patuloy naman na dumarating ang mga order sa kanya. Halos napapagsabay ni Vince ang kanyang full time job at negosyo.

Ang kusina nila sa bahay ang nagsilbing lugar niya para mag-accommodate at magluto ng mga order. Tinutulungan din siya ng kanyang pamilya na i-manage ang kanyang negosyo.

“So nag-start siya na nagluluto ako sa umaga, ide-deliver ko rin siya sa hapon. Ang hirap talaga ‘yung month na nasa bahay lang na wala kang maayos na lutuan, wala kang maayos na storage.”

Kaya naman, makalipas ang ilang buwan ay binuksan ni Vince ang kanyang unang stall at ito ang katas ng kanyang pagsusumikap.

Kalaunan ay nagkaroon na rin ng apat pang branch si Vince at kumikita na ngayon ng 5 digits.

Mensahe naman niya sa mga millenials, “Kailangan malakas ‘yung loob mo. Kung gusto mo sa corporate world, corporate world. Kung kaya mo pagsabayin. Kasi kakayanin mo talaga eh. ‘Pag ‘yung goals mo alam mo, kakayanin mo kahit ga’no pa ‘yan kahirap.

Sa kanilang Facebook page na Noodztogo ay masusundan ang kanilang journey at makakapamili sa nais ninyong orderin.

“It warms our heart knowing that we get to inspire other people as well. Our once small stall has now expanded into 4 more branches. Today, we are able to provide livelihood to more people and help support their families. We are growing, great things are coming,” mensahe naman niya sa isa pang FB post.

Panoorin ang video na ibinahagi ng Philippine Star:

Continue Reading

Trending