Connect with us

entertainment

Lian Paz opens up on pending annulment of marriage with Paolo Contis

Published

on

Former EB Babes member Lian Paz is hoping that ex-husband Paolo Contis will fully cooperate in the process of their pending annulment case.

In an interview with Pep, Lian said she filed for annulment in 2019 but the pandemic stalled its progress.

“Noong nag-file kasi ako, nag-pandemic. Naabutan ng pandemic. Naipit, walang galawan ang court so freeze din ang annulment,” she narrated.

“Ngayon so far bilang nag-normalize na kahit papaano, umuusad naman siya. Pero kailangan din ng cooperation niya.”

She explained that they are still awaiting for Paolo’s response.

“Well, what I mean to say is, kailangan din niyang i-check kung may letter ba na dumating sa kanya. Kailangan ba niyang sagutin. Kasi, hindi ko rin naman siya ma-communicate. Lawyer to lawyer ang mangyayari talaga pag ganyan. E, hindi rin naman siya makontak,” Lian said.

“Naka-file na siya, pero hindi siya makausad nang tuluy-tuloy kasi we need his reply. Sana, maasikaso rin niya.”

Lian and Paolo have two daughters — Xonia and Xalene but Lian said Paolo is not supporting them financially.

“Let’s keep it simple. May sarili na siyang buhay e. Yung mga anak ko rin naman. Siyempre hindi ko naman maiaalis sa kanila na magtanong, pero tanggap na naman nila na parang ganun, kasi ‘di rin naman sa kaniya lumaki.”

Lian and partner John Cabahug already have a daughter. Meanwhile, Paolo is rumored to be dating actress Yen Santos.

In an old interview, John said he is open to legally adopting Lian’s daughters with Paolo if the actor permits.

[RELATED: Fiancé ni Lian Paz gusto nang i-adopt legally ang mga anak ni Paolo Contis]

“Pero sabi ni Attorney, kailangan kasi ng signature ni Paolo. Sabi ko, baka hindi papayag ’yon. Pero ako, sobrang gusto ko. Kung p’wede lang, kung halimbawa si Paolo, hindi na siya ’yong magpa-pride…pero siyempre, nirerespeto ko rin ’yong proseso at saka siya, kung ano ang mga diskarte niya sa buhay,” John said.

“Kaya sabi ko, in the right time siguro.”

entertainment

‘Sana all’: Mister sinurpresa, pinakilig ang asawang bagong panganak

Published

on

By

Sino ba naman ang hindi kikiligin at sasaya kung kahit matagal na kayong nagsasama ay sinusurpresa ka pa rin ng taong mahal mo?

Masayang ibinahagi ni Michelle sa kanyang TikTok ang video kung saan ay makikitang sinurpresa siya ng kanyang asawa. Mabilis naman itong nag-viral online.

Ayon sa uploader pinapalabas siya ng kanyang asawa ngunit dahil busy sa pagbabantay ng anak ay hindi na niya ito sinalubong at hinintay na lamang niyang lumapit ito.

“Love, labas ka saglit may bigay ako. Misis: ‘Di ako makalabas, nakabantay ako sa anak mo,” ani Michelle sa text caption.

Matapos ang mahabang duty ng mister sa trabaho ay nagawa pa rin nitong pasayahin siya’ lalo na ang kanyang baby na may diaper at gatas pa. Ayos, ‘di ba?

“After a long duty nagawa mo pa rin kaming pasiyahin ng anak mo, We love you daddy!” masayang post ng uploader na may kalakip na awiting ‘Forevermore’.

Masuwerte talaga ang isang misis o mister kapag lagi kang naaalala at ang inyong anak sapagkat doon mo mararamdaman na sa simpleng bagay man ay mahalaga kayo at mahal kayo.

Sa mga ibang uploaded na video ay makikita na masipag rin pala si mister mag-alaga sa kanilang anak. Makikita mong hands-on ito sa kabila ng pagiging busy bilang isang alagad ng batas.

Bumuhos ang mga komento at napapasana-all ang mga ibang nanay; na sana ay ganoon din ang kanilang asawa.

“Hindi ko kilala si hubby mo. Pero 107% sure ako mahal na mahal ka niyan hehe. God bless your family!”

“Normal na ‘yung flower e hpero ‘yung gatas at diaper.”

“‘Yung sa GATAS @ DiAPER ako kinilig miieee”

“Sana all your so blessed”

“Kapag nanay ka na kahit gatas at diaper sobrang saya na talaga.”

“Napapangiti na naman tayo sa relasyon ng iba.”

“‘Di pa ko mommy pero mas natuwa ako sa dala n’yang diapers at gatas.”

“Sana all may asawang ganyan.. Kakainggit naman.”

“Kainggit sis sanaol provider ang asawang lalaki sanaol talaga. huhu”

Continue Reading

celebrity

‘Hinagpis ng pangalawang anak?’ Alex Gonzaga tinanong kay Mommy Pinty kung bakit mukha siyang yagit noon

Published

on

By

Muling pinatawa ni Alex Gonzaga ang mga netizens sa kanyang bagong post sa Instagram feed.

Ibinahagi niya ang throwback photo nila ng kapatid niyang si Toni Gonzaga. Ang larawan ay kuha noong mga batang paslit pa sila.

Binuksan ni Alex ang kanyang nakakatawang mga saloobin tungkol dito. Pabiro niyang ikinumpara ang hitsura at suot niya sa kapatid.

Hinikayat din ni Alex ang lahat na makinig sa kanyang bagong podcast kaugnay sa karapatan bilang pangalawang anak.

“In my new podcast pag uusapan natin ang mga hinagpis ng pangalawang anak!!! Kitang kita nyo naman sa litrato kung gaano ako kayagit kumpara sa ate ko,” isinulat niya.

“Ang ate ko may yaya pa ako ni salawal at medyas wala. Ano to! You can watch and listen on Spotify! Basta pangalawang anak ka makakarelate ka dito Hahaha,” dagdag pa ng aktres.

Sa kaniyang Tiktok ay nag-upload siya ng video kalakip ang mga lumang larawan habang pinagpapaliwanag niya si Mommy Pinty kung bakit mukhang yagit siya kumpara sa kanyang ate sa mga larawan.

“Babasagin na ang katahimikan Mga hinagpis ng Pangalawang anak,” saad sa caption ng aktres sa kanyang TikTok.

Aliw na aliw naman ang mga netizen sa kanyang ibinahaging larawan at mayroong mga naka-relate sa post niya.

“Good vibes ka talaga Alex hehehehe I l0ve you palagi”

“Alex normal talaga yan sa amin din magkakaptid may bukod tangi talaga.

“Yes sis relate much! Kung baga sa juice na tinimpla ni mudra sayo ‘yung buo buo pang juice na hindi na nahalo sa tubig.”

“Pati sa sapatos na suot alam na alam kung sinong paborito.”

Napansin rin ng kanyang mga follower ang usong sapatos noon, “The Signature Shoes” ng baby noon.”

“hahahhaha…kaya love kita eh, hahahha ipaglaban ang karapatan.”

“Ganyan kasi pag panganay alagang alaga pag second child na, wala.”

Ganoon nga ba ang nagiging normal na takbo o kadalasang nagaganap sa pamilya?  hahaha  Ikuwento mo kung pangalawang anak ka rin.

Continue Reading

entertainment

Panoorin: Teasers ng 8 entries sa MMFF 2022; Parade of Stars, Dec. 21 gaganapin

Published

on

By

Heads up!   Ang #MMFF2022BalikSaya Parade of Stars ay gaganapin sa December 21, 2022 sa Quezon City Circle! Muling pasiglahin ang industriya ng pelikulang Pilipino!

Inanunsyo na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa kanilang Facebook Official page kamakailan ang  parada ng mga bituin na kabilang sa walong pelikulang na magiging bahagi ng event sa nalalapit na Kapaskuhan.

Ilang taon ding nanamlay ang industriya sa mga ganitong event kaya naman inaasahang malaking kasiyahan ang idudulot nito sa publiko.

Buwan ng Hulyo nang unang inilabas ng MMFF ang apat na initial entries, base sa mga isinumiteng scripts.

Kabilang dito ang mga sumusunod: ang “Nanahimik ang Gabi”  nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo at Mon Confiado sa ilalim ng direksyon ni Shugo Praico; ang  “Partners in Crime” nina Vice Ganda at Ivana Alawi sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina; ang “Labyu with an Accent” starring Coco Martin at Jodi Sta. Maria sa direksyon ni Rodel Nacianceno; at ang “The Teacher”  nina Toni Gonzaga, Joey De Leon, Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa direksyon naman ni Paul Soriano.

 

Ang apat pang nadagdag ay ang: “Deleter”  starring Nadine Lustre, McCoy De Leon, at Louise delos Reyes sa ilalim ng direksyon ni Mikhail Red; ang “Family Matters”  na kinabibilangan nina Noel Trinidad at Liza Lorena sa direksyon ni Enrico Roque, Ladylyn de Guzman, at Patrick Meneses; ang “My Father, Myself”  nina Jake Cuenca, Sean De Guzman at Dimples Romana sa direksyon ni Joel Lamangan, at ang “Mamasapano: Now It Can Be Told”  starring Edu Manzano, JC De Vera at Aljur Abrenica sa direksyon naman ni Lester Dimaranan.

Sa pangunguna ng screen veteran na si Boots Anson-Rodrigo, pinili ng selection committee ang walong entries na nabanggit base sa mga sumusunod: artistic excellence (40%), commercial appeal (40%), Filipino cultural values (10%), at global appeal (10%).

Sa ika-48 nitong taon, isinusulong ng MMFF ang mensaheng “Balik Saya” kaugnay sa pagbabalik ng film festival sa gitna ng mga pagsubok ng pandemya habang hina-highlight ang “Filipino cinematic experience” sa kasagsagan ng Christmas season.

Sa Official Facebook page ng MMFF ay ipinahayag nila ang kasiyahan sa nalalapit nang pagbubukas ng festival na may temang ‘Balik Saya’.

“Ikinatutuwa po naming ipaabot sa bawat isa na magbabalik na ang Metro Manila Film Festival ngayong taon! Sa ating pagdiriwang ng kapaskohan, sabay-sabay po tayong ngumiti, umiyak, at humalakhak sa mga pelikulang hatid sa inyo ng MMFF. Sabay-sabay nating ibangon muli ang Pelikulang Pilipino!” #MMFF2022BalikSaya

Muli nating ipinapaalala na ang Parade of Stars ay gaganapin sa December 21, 2022 sa Quezon City Circle. Ating suportahan ang pelikulang Pilipino.

Tatakbo ang naturang festival mula Disyembre 25 hanggang Enero 7 sa mga sinehan.

Gaganapin naman sa ika-27 ng Disyembre ang prestihiyosong Gabi ng Parangal kung saan ang mga nagwagi sa festival ay iaanunsyo at pararangalan.

Samantala, ano kaya ang uunahing panoorin ng ating mga kababayan sa nalalapit na festival?

Panoorin at silipin ang teasers ng walong kalahok na pelikula.

Continue Reading

Trending