Connect with us

Inspiring

Pamilyang susurpresahin agad na nakatunog sa ‘prank’ ng balikbayang anak

Published

on

Ang pamilya kahit magkakalayo ay hindi dapat napapatid. Salamat sa teknolohiya at mas madali nang magkabalitaan o mag-usap ang mga miyembro ng pamilya saan mang panig ng mundo ka naroroon. Pero sapat na ba iyon?

Isang Filipina ang ilang taon nang naninirahan sa Japan kasama ang kanyang asawa. Matagal-tagal na rin umano mula nang huli siyang dumalaw sa pamilya sa Pilipinas.

Ang huling pagbisita ni Diana Rose sa kanyang pamilya ay noong 2020 pa, ngunit nangyari ang pandemya. Dahil sa pag-igi ng sitwasyon ay nagdesisyon siyang dumalaw sa kanyang pamilya sa Bicol nitong nagdaang Marso para makasama sila.

 

Gusto niya sanang maging extra special ang reunion nila kaya’t nag-isip siya ng ‘disguise’. Nakalusot naman kaya?

Sa panayam sa kanya ng Philippine Star ay ibinahagi niya na naiisip na niyang i-surprise ang pamilya bago pa ito bumili ng ticket pauwi.

“Actually po bago pa lang po ako bumili ng ticket, nasa isip ko na po talaga na i-surprise sila. Kaya hindi ko po sinabi na uuwi ako. Wala pong alam ang family ko na nasa biyahe na po ako pauwi.”

“Pagpasok ko po sa bahay sabi ko, ‘makiki-ihi po ako.’ Pagkakita nila sa’kin nabigla po talaga family ko! As in surprised.”

Ang plano niyang surpresahin sila ay hindi natuloy nang ayon sa inisip niya dahil agad siyang nakilala ng kanyang nakababatang kapatid pagkapasok pa lang niya sa bahay. Agad siyang niyakap nito.

Napatalon naman sa tuwa ang kanyang ina na si Rosemarie at agad siyang niyakap nang sobrang higpit. Naging emosyonal din si Diana dahil excited siyang makita ang buong pamilya niya.

Hindi umano in-expect ni Diana na magiging ganun ang reaction ng kanyang pamilya.

Nanatili naman siya sa bansa nang dalawang buwan bago bumalik sa Tokyo.

“Nung nakita ko ‘yung video, do’n ko po nakita na sobra nila akong na-miss at sobra nila akong mahal, lalo na ‘yung mama ko. Natulala na lang po sila pagkakita nila sa’kin. Hanggang ngayon po, kahit paulit-ulit ko po nakikita ‘yung video, sobrang priceless po. Hinding hindi po matutumbasan ng kahit ano po ‘yung saya na nararamdaman ko po no’ng nakita ko po ulit family ko.”

Napakasarap sa pakiramdam ang mga ganitong eksena. Iba talaga kasi ang pamilyang Pinoy!

Inspiring

Couple nagtayo ng isang neighborhood cafe mula sa isang lumang sari-sari store

Published

on

By

Kung napapaisip kang magtayo ng sarili mong business, dapat ay simulan mo nang lakasan ang iyong loob.

Kagaya ng couple mula sa Cavite na nagtayo ng neighboorhood Cafe, kahit alam nila na wala silang gaanong kalaking pera ay nagsimula sila sa maliit at na-manage naman nila itong mabuti.

Halos 11 taon na umanong magkasama ang couple na sina Bea Bello at Jayson Lisama, ayon sa isang feature story video na ibinahagi ng Philippine Star. Napagdesisyunan ng dalawa na mag-resign sa kanilang mga trabaho at ipagsapalaran ang kanilang limitadong ipon upang magtayo ng isang maliit na coffee business sa Maragondon,  Cavite noong Hulyo 2021.

Ang dating abandonadong sari-sari store ay pina-renovate nila sa para maging magandang al fresco neighborhood Cafe.

Matapos ang isang taon ng pagma-manage nila ng kanilang business ay kumikita na sila ng dalawang hanggang tatlong beses ng kanilang panimulang kita.

“Wala rin po kaming pang-capital actually nun. Meron lang po kaming na-save na konti. So ang ginawa po talaga namin, sabi namin unti-untiin po talaga siya, as in hindi po parang isang biglaan na P50k eto.”

Ang pinagkaiba ng kanilang negosyo ay kung paano sila nagtitimpla ng kanilang kape gamit ang moka pot.

Pinili din nilang mag-offer ng isang inumin, ang Classic Iced Coffee hanggang sa maperpekto nila ang timpla nito. Sinamahan na nila ng pagkain ang kanilang negosyo.

Hindi man naranasan nina Bea at Jayson ang tagumpay sa araw-araw, pumatok naman sila matapos sumali sa Christmas bazaar ng kanilang bayan noong 2021.

Ibinahagi din ng couple na sila lang ang naging empleyado ng negosyo nila sa loob ng isang taon.

 

Naging neighborhood cafe naman ang Battercaf na may al fresco space noong Hulyo 2022.

Ang pagsasaayos ng bakanteng lote sa tabi ng sari-sari store ng tiyuhin ni Bea ay tumagal ng apat na buwan bago nila ito binuksan sa kanilang mga patrons.

“‘Wag po matakot mag-risk po kasi parang kahit marami kang plano, tapos ‘di mo naman ine-execute, so kung ‘di ka magre-risk na i-execute ‘yun,” ani Jayson.

“Ayaw mo mawalan ng pera, ayaw mo mapahiya, ‘di mo malalaman kung magiging successful ba o hindi,” dagdag pa niya.

Continue Reading

Inspiring

The Grab-duates! Grab riders, nagtapos ng BS Criminology dahil sa kanilang pagsusumikap

Published

on

By

Hanggang saan ang kayang abutin ng biyahe ng mga delivery riders? Para sa ilan sa kanila, kayang umabot sa college graduation!

‘Yan ang kuwento ng tatlong Grab riders sa social media kaugnay sa kanilang latest milestone — nang makapagtapos sila ng degree sa Criminology.

Noong 2018 ay nagsimula umanong magtrabaho si Kendrick bilang food delivery rider. Siya mismo ang nagkumbinsi sa kanyang mga kaibigan na sina Mark at Gilrex na mag-part-time job kagaya niya.

“First year college po, nagwo-work po ako pang part-time,” ani Kendrick sa ‘The Philippine Star.’

Ang epekto ng pandemya dahil sa COVID-19 naman ang nagtulak kina Mark at Gilrex na subukan ang pagtatrabaho sa delivery noong Abril 2020.

“Need pang-tuition, pang tustos sa pang araw-araw. Kasi po may family na rin po kasi ako so ‘yun kaya ‘yun din po ang nag-inspire sa akin para rin po mag-grab na rin po,” ani Mark.

Naranasan umano ng magkakaibigan na hindi makatulog nang sapat dahil sinusubukan nilang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral.

“So bumabyahe kami ng after class, aalis kami sa bahay ng alas dose, ang uwi na rin namin niyan 12. So dalawang oras lang kami nakakatulog niyan. So papasok kami minsan, inaantok kami ganyan. Pero even though na inaantok kami, hindi namin pinapabayaan ‘yung pag-aaral namin. A-absent lang kami halimbawa mag-eexam, ‘yun, medyo nagkakapos po kami sa review,” kuwento ni Gilrex.

May mga araw umano na kumikita sila ng P700-P800. Ang kanilang suweldo ay nakatulong sa kanila na matustusan ang kanilang mga gastusin sa paaralan at matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Dahil sa kanilang pagsusumikap at tiyaga ay nakapagtapos sina Mark, Kendrick, at Gilrex ng degree sa BS Criminology sa Philippine College of Criminology noong Hulyo 30, 2022.

Samantala, naghahanda na sila ngayon para sa board exam sa Disyembre at nagpaplanong pumasok sa Philippine National Police (PNP).

Nagbigay naman ng payo si Mark at Gilrex sa mga estudyante.

Ayon kay Mark, nais nilang ma-encourage ‘yung ibang estudyante na katulad nila, na mahirap man ‘yung buhay, dumaan ‘yung pandemic, may mga paraan pa rin para maitaguyod ‘yung pag-aaral at ang pagtatrabaho.

Para naman kay Gilrex, tandaan umano na kahit na anong baba ng tingin nila sa mga delivery rider, ‘wag magpapaapekto. Kailangang patunayan mo na may natapos ka, ipakita mo sa mga tao na hindi habang buhay ay doon ka lang. Ipakita mo sa kanila na may patutunguhan ‘yung buhay mo.

“Kahit na nahihirapan man kami, hindi kami susuko kasi para maabot namin ‘yung mga pangarap namin,” dagdag pa niya.

Bumuhos naman ang papuri at pagbati sa kanila.

“Solid po kayong 3, perfect example of hardwork and determination.”

“Ang galing nyo po, mga paps, sa initiative n’yong mapagsabay ang trabaho at pag aaral.”

Panoorin sila sa feature ng The PhilStar and be inspired!

Continue Reading

Inspiring

Guro na hindi tinanggap sa private school sa Pilipinas, pinalad matanggap sa ibang bansa

Published

on

By

Kahit ilang beses tayong madapa, ang salitang ‘pagsuko’ ay hindi natin dapat kilalanin. Bagkus, gawin itong instrumento upang mas matuto pa para makamit ang mga pangarap na ninanais natin.

Sa Facebook post ni Jerald Ren Ferrer na may caption na “Philippines hello! This post is not intended to disappoint everyone to not apply to private schools in the Philippines, but to look for another opportunities if you failed.”

Ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa pag-a-apply bilang guro sa isang private school sa Pilipinas, kung saan siya ay pinag-demo at pinaghanda ng iba’ibang requirements.

Ngunit matapos niyang maghintay ng ilang linggo para sa resulta ay hindi umano siya natanggap dahil sa may mali sa kanyang lesson plan.

“Nag-apply ako nun ng private school sa Pilipinas. Pinag-demo, prepare ng kung ano-ano pero hindi ako natanggap kasi may mali daw sa lesson plan ko,” aniya.

Nang siya naman ay nakarating ng Thailand, nagsumite umano siya ng online application at introductory video sa isang paaralan doon.

Ayon naman sa panayam ng ‘The Filipino Times’, inihayag ni Jerald na ilang beses din naman siyang na-reject sa Thailand hanggang sa puntong halos gusto na niyang sumuko.

“Nagbigay po ako ng deadline sa sarili ko na sa gantong araw pag wala pa din, suko na ako. ‘Yung deadline ko na ‘yun, I gave all my best para makahanap ng work, Pero one day before the deadline. Isang door ang nag open sa’kin at nagbigay ng opportunity. Sobrang saya po na may maganda opportunity na binigay ang Diyos sa akin,” ani Jerald.

Pagbabahagi niya, umaabot ng 40k sa peso ang kanyang sahod doon. Tatlong taon na siya sa Thailand bilang guro.

Maliban pa riyan ay pinagkakakitaan rin niya ang tutorial class kung saan umaabot ang kanyang suweldo sa 60k-70k kada buwan.

Nasa 20k-25k baht ang sahod dito. Nasa 40k sa peso. Iba pa kinikita ko sa tutorial class ko na umaabot ng 60k-70k pesos per month. Buti hindi ako tinanggap dun kundi 7k-10k lang sahod ko.”

Sa isa pang post ay naibahagi niya ang ‘perks’ ng kanyang trabaho doon gaya ng nakagagala, hindi puyat at pagod, walang maraming paperworks, at nakabili pa siya ng sasakyan.

Nakaranas man ng rejection nang makailang bess, hindi ito dapat tignan bilang ‘obstacles’ kundi bilang paghahanda sa mas magagandang bagay na nakalaan para sa iyo.

Ang mensahe niya sa mga kapwa niya nagsisikap, “To my fellow Filipinos who face struggles right now. The best day of your life is still yet to come just don’t give up. Believe in yourself. Rejections doesn’t mean you failed, it’s a blessing from above because he knows what you deserve in life, he is preparing you with a bigger blessing. So always trust yourself and go for your goal.”

Continue Reading

Trending