Connect with us

Inspiring

Online seller noon na CEO na ngayon, naging inspirasyon sa mga netizens

Published

on

Nag-viral kamakailan sa social media ang kuwento ng isang young couple na nagsimula sa halos wala; kung saan naging magkasangga sila sa mga ‘ups and downs’ ng kanilang buhay.

Sa viral post ni Namieh Oya sa kanyang Facebook wall, ay finlex niya ang kanyang asawa na si Winnie Matriz, dahil sa pagiging amazing partner nito at ina sa kanilang anak.

 

Ibinahagi ni Namieh ang mga lumang larawan nila ni Winnie noong Hunyo 2, kung saan inalala niya ang mga panahon na kahit mahirap ang buhay nila noon ay hindi siya iniwan ng kanyang kasintahan na ngayon ay asawa na niya.

“TRUE LOVE EXISTS. ‘Yung taong kasangga mo sa lahat ng bagay, sasamahan ka sa lahat ng laban mo sa buhay, ‘di ka iiwan gaano man kahirap at ipakita mo man ‘yung pinakapangit mong ugali MAHAL KA PA DIN, Mahal ka NO IFS NO BUTS at i-ce-celebrate ang success mo dahil alam n’yang ang anumang makakapagpasaya sayo ay siya ding magpapasaya sa kanya, that is one true love.”

“Kasama ka hanggang walang hanggan. Araw araw kitang ife-flex because you are worth flexing Winnie Matriz.”

Hindi lang naging inspirasyon sina Namieh at Winnie ng mga netizens dahil sa kanilang love story, kundi maging sa kanilang life story din.

Napaharap ang mag-asawa sa ilang hamon sa usaping pinansyal ngunit kalaunan, nag-trend ang online selling ni Namieh na nagtulak sa kanila sa tagumpay nang higit pa nang sinalubong sila ng napakaraming orders at customers.

Samantala, ang mag-asawa ay nakapagpundar na ng apat na properties at apat na sasakyan. Naging CEO si Namieh at ang kanyang mister naman ay all around sa kanilang negosyo, ang Namiroseus Wellness.

“Ako man ang CEO, ikaw naman ang all around sa negosyo. Wala tayo dito kung hindi tayo nagtulungan. Ikaw ang nagturo sakin na maging optimistic. Binago mo ako nang lubusan dahil sa pagmamahal mo. ‘Yung dating feeling ko walang pupuntahan ang buhay ito ngayon, nakakapagsulat ng real life changing experiences.”

Samantala, kamakailan lang ay na-feature din si Winnie sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga!

 

Inspiring

Top 1 din sa board exam: Nursing graduate sa Dumaguete, sumunod sa yapak ng kaniyang kapatid

Published

on

By

Limang taon man ang pagitan nang kumuha sila ng kani-kanilang board exam, pinatunayan ng magkapatid na taga-Dumaguete na ang pagiging matalino ay likas nga sa kanilang pamilya.

Ito ay matapos makuha ni Abigail Ramirez, na nagtapos bilang magna cum laude sa St. Paul University Dumaguete (SPUD), ang First Place sa katatapos lamang na Nurse Licensure Examination nitong Nobyembre 2022 nang makakuha ng rating na 90 percent.

Taong 2017 naman nang maging first placer din ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Alec Ramirez ng Negros Oriental State University – Dumaguete sa Geologist Licensure Examination na nakakuha ng rating na 83.20 percent.

Ayon sa Facebook page na DuScian Gateway, si Abigail ay alumna ng Batch 2017-2018 Researchers at ang magkapatid ay kapwa produkto ng Regional Science High School Curriculum ng Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High School.

Si Alec ay kasalukuyang faculty ng University of the Philippines Diliman- National Institute of Geological Sciences.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Abigail na inspirasyon at role model niya ang kaniyang kuya.

“I made him as my role model. I wanted to be like him, so talagang sumikap ako in my own way. Inspirasyon ko rin naman iyong ibang mga kapatid ko, pero dahil kami yung mas magkakalapit ng edad, siya ang mas nakita kong motivation,” wika ni Abigail.

Ibinahagi rin nito ang sikreto niya sa kaniyang naging tagumpay sa pagsusulit.

“It’s really a balance of prayers and also efforts during the exam and preparations. I was lucky enough to enroll in a review program of our university, it was truly like we were blessed to have our clinical instructor,” ani Abigail sa isa pang panayam.

Sa kasalukuyan, plano umano niyang mag-apply bilang clinical instructor sa unibersidad kung saan siya nagtapos.

Continue Reading

Inspiring

‘Nurse na ako’: Batang nangarap lamang noon sa kinder yearbook, natupad na

Published

on

By

Pag nasa puso mo ang iyong pangarap at handa mong gawin ang lahat matupad lamang ito, kahit anong hirap ay malalagpasan mo.

Iyan ang pinatunayan ng isang nurse na si Yssa Falguera sa ibinahagi niya sa kanyang Facebook post.

Hindi umano siya makapaniwala na isa na siya ngayong Licensed nurse.

“No words can express how grateful I am. Thank you, Lord, for guiding us and for all your blessings all throughout this journey. We lift everything up to You. We couldn’t have gone this far without You. Ikaw po lahat ito,” pasasalamat niya sa Diyos na nakayanan niya ito.

Ayon sa panayam ng Pilipino Star Ngayon Digital ay parang nasa puso na niya ang maging matulungin lalo na sa kapwa at nangangailangan.

“Growing up, mas nakita ko yung essence of choosing that profession, parang I have a mission to serve. I find happiness in serving other people, even in the simplest things that I can do. Years have passed I was given the opportunity to study my dream course in my dream university,” saad ni Yssa.

Marami ang naantig sa kaniyang kuwento kung saan ang dating quote lamang niya sa yearbook noong bata pa siya ay natupad na ngayon.

“To my 6-year old self, you once dreamed of becoming a nurse someday. It was a looong and challenging journey, but all those laughter, tears, anxiety, self-doubt, sleepless nights, triumphs and failures paid off. I hope I made you proud, Registered Nurse na tayo! We made it!” masayang sinabi niya.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa netizens sa kanyang kuwento;

“Pagbati sa matagumpay na pangarap at Pagpalain ka ng Diyos Ama”

May isang commentor na pakwelang nagsabi na, “Bakit ba kasi ASTRONAUT yung nasa year book ko nung grade school?” hahaha

“Dream come true. Basta may goal.”

“Wow ka birthday ko pa Feb. 5.. Well, lahat tayo may pangarap at ito ay ma achieve basta may perseverance at hardwork. congrats!”

“Congratulations! God bless you more”

Continue Reading

Inspiring

Pagtuturo ng guro habang inaalagaan ang anak, hinangaan ng mga netizens

Published

on

By

Bilang magulang, kahit mahirap ang kakaharapin na pagsubok sa buhay, ipagpapatuloy pa rin ang pagsulong alang-alang sa kapakanan ng mga anak.

Hinangaan ng netizens ang dedikasyon ng isang guro mula sa Porac, Pampanga matapos nitong pagsabayin ang pagtuturo at pag-aalaga sa kanyang anak.

Sa naturang video ay makikita si teacher Krystel Castro na nagtuturo sa kanyang mga estudyante habang katabi nito ang kanyang baby na nakasakay sa stroller.

Nagtatawanan naman ang mga estudyante niya kapag gumagawa ng ingay ang kanyang baby.

Ayon sa ‘Philippine Star’, nagkaroon umano ng emergency ang nagbabantay sa kanyang anak.

Imbis na lumiban sa kanyang klase ay dinala na lamang niya ang anak sa eskwelahan at unang beses raw niya itong nadala.

“Ito po ‘yung first time ko po na gawin po non dahil nagkaroon po ng emergency ‘yung nagbabantay sa kanya po kaya naisip ko po na dalhin na lang ‘yung baby ko po sa school, sa halip na um-absent,” aniya.

Pumayag naman umano ang principal ng kanilang school dahil katulad niya ay isang magulang din ito kaya naman naiintindihan nito ang kalagayan ni Teacher Krystel.

“‘Yun pong school principal po namin, napaka-considerate po niya pagdating sa mga ganitong bagay dahil isa rin po siyang ama. Kaya naiintindihan po niya ‘yung sitwasyon ko.”

Patuloy naman siya sa pagtuturo habang karga nito ang kanyang anak.

Para sa kanya, hindi ito dahilan upang itigil niya ang pagtuturo sa klase.

“Umiyak po siya. Kinarga ko po siya pero hindi po ‘yun ‘yung dahilan para tumigil po ako doon sa pagdi-discuss ko.”

“Normal lang naman po ‘di ba na maramdaman po natin na mapagod tayo habang kinakarga or ginagawa ‘yung dalawang bagay nang magkasabay.”

“Pero kapag mahal mo at gusto mo ‘yung ginagawa mo kahit na mahirap, gagawin mo at ipapatuloy mo.”

Panoorin.

Continue Reading

Trending