Connect with us

celebrities

Vice Ganda, niregaluhan ng tig-iisang bag ang tatlong OFWs sa Singapore

Published

on

Sa latest vlog ni ‘Unkabogable Star’ Vice Ganda ay binilhan niya ng tig-iisang bag ang tatlong overseas Filipino workers (OFWs) habang nagbabakasyon ito sa Singapore kamakailan.

Sa vlog na in-upload ni Vice nitong Hunyo 9 ay nakita nito ang tatlong OFWs na tila namimili ng mga bag sa isang store. Sa video ay nilapitan niya ang mga ito at binilhan ng mga bag na gusto nila, nagulat pa si Glen dahil unexpected ang nangyari sa kanila.

Nagpakilala naman ang tatlong OFWs na sina Ronaldo, mula sa Batangas; Glen, Southern Leyte; at Lance, mula naman sa Iloilo.

Labis naman ang ngiti ng mga ito dahil sa regalo sa kanila ni Vice.

Matapos bilhan ni Vice ang tatlong OFWs, habang naglalakad sa labas ng mall ay tinanong siya ng kanyang asawa na si Ion Perez kung bakit niya binilhan ng bag ang tatlong OFWs.

“Habang nadaanan ko sila kinuha nung babae ‘yung belt bag, sabi niya ‘bibilhin ko ba?’ tapos ang tagal niyang pinag-iisipan kung bibilhin niya ‘yung belt bag. Parang gusto niya kaya lang iniisip niya– siguro may pinaglalaanan siya ng pera tapos iniisip niya kung may extra tapos ibibili niya roon. Eh feeling ko gusto niya ‘yung bag kaya binalikan ko siya.”

“Sa atin ‘di ba, parang mabilis lang natin mabibili ‘yun, parang mura lang. Pero ‘yung thought na binigyan ko siya ng bag maalala niya palagi, maha-happy siya.”

Ang naturang vlog ay humakot ng mahigit 792k views at umani naman ito ng mga positibong komento mula sa mga netizens.

“The dad buying a bag for his kids but none for him got me in tears. Thank you for your generous heart, Vice. I am a new fan since the Pink campaign but staying a fan because of your good soul!”

“Meme vice you’re such a good person, you’re not just a comedian, you’re also an inspiration for every Filipino’s. You’re that kind of person that still not looking down to OFW’s and treat them as your family.”

“So proud of you Vice! you’re so generous, may God continue to bless you so you can extend more help to others. Btw, bagay sayo ‘yung pink na Hermes! ilang kembot mo lang ‘yan! would be a great gift for yourself.”

“Ang bait mo talaga meme and humble and matulungin and your vlogs is so funny and nakaka-good vibes more vlogs. Lagi ko pinapanuod vlog mo sana soon ma-meet na kita and makapagpa-picture ako sayo and more vlogs with kuya Ion. I’m your avid fan meme Vice and kuya Ion, see you on next vlogs!”

Panoorin:

celebrities

Glaiza itinanghal na Best Actress sa California: After 4 years, nakatatanggap pa rin ‘yung ‘Liway’ ng recognitions

Published

on

glaiza liway

Masayang-masaya ang Kapuso star na si Glaiza de Castro sa mga naaabot ng kanyang 2018 film na Liway, na hanggang ngayon ay nakatatanggap pa rin ng mga parangal.

glaiza liway

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres kung gaano siya kasaya nang malaman niyang itinanghal siyang Best Actress sa 29th Filipino International Cine Festival sa San Francisco, California sa ginampanan niyang papel sa Liway.

“So I got these messages at around 2 AM here in Canada saying something about Liway getting awards. ‘Di ko naintindihan agad then @kipoebanda told me that I just won another award. Huwatttt. Maraming salamat, @facinefilmfestival. It’s an honor po knowing that the winners were selected by an esteemed panel of three jury members: film scholar, critic, author JB Capino; Indonesian film scholar, curator Gaston Soehadi; and film and theater actor, academic Sunita Mukhi,” saad niya.

glaiza liway

Nang makapanayam ni Lhar Santiago sa Chika Minute, ikinuwento ni Glaiza kung gaano niya ikinatutuwa na umabot na sa ibang bansa ang Liway, “After four years na nakatatanggap pa rin ‘yong Liway ng recognitions. Nakarating na kami ng States.”

Kasalukuyang nasa kasagsagan ng shooting sa Canada si Glaiza nang mabalitaan niya ang kaniyang pagkapanalo sa California. Ito ay collaboration ng isang Canadian group at ng Canadian government. Fulfilled na fulfilled si Glaiza sa nasabing proyekto.

“Masaya kasi may mga kababayan tayo. Meron ding ibang people from like Russia. So ibang work ethics, sobrang efficient,” wika ni Glaiza sa pelikula tungkol sa mag-asawang sumubok magbukas ng isang bagong kabanata sa Canada.

“Napilitan siyang magtrabaho sa warehouse, kaya nandito po kami sa warehouse ngayon,” aniya. “They were just trying to survive.”

[RELATED – ‘What I have is his, what he has is mine’: Glaiza ibinahagi kung bakit wala silang prenup agreement ng kanyang mister]

Bukod sa kanyang karera, happily married din ang award-winning actress sa mister na si David Rainey.

Pebrero 2022 nang aminin ni Glaiza na ikinasal na siya sa asawang businessman sa hometown nito sa Northern Ireland noong Oktubre 2021.

Continue Reading

celebrities

Bong Revilla, magpapa-raffle ng P1M, kotse, cash matapos matanggap ang YouTube Silver Play Button

Published

on

By

May Silver Play Button  na siya!

At dahil dito sinabi ng senador at aktor na si Bong Revilla na mamimigay siya ng mga premyong Pamasko sa kanyang mga subscribers.

Sa wakas ay nakatanggap na rin siya ng YouTube Silver Play Button matapos ang mahigit dalawang taon para maabot ang 100,000 subscribers mark sa video-sharing platform.

“Masayang balita po. Natanggap na natin ang ating YouTube SILVER PLAY BUTTON!

Taus-puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na nag-subscribe sa aking YouTube Channel, na ngayon ay may 264K+ subscribers na!” ayon sa caption ng senador sa kanyang FB page.

Inilunsad noong 2019, ang channel ni Bong ay mayroon na ngayong mahigit 275,000 subscribers.

“I waited so long, but when I got hold of the box, and slowly unwrapping it, the euphoria hasn’t diminished, and then the Silver Play Button is in my hands,” wika ng senador.

“I’m truly grateful to all my subscribers who’ve always been supportive,” dagdag pa nito.

Bilang pagdiriwang sa kanyang social media milestone, idaraos ni Bong ang “Amazing Pamasko ni Pogi Christmas Giveaway” sa Disyembre 17 (Sabado) at 18 (Linggo), 4 p.m.

Ang mga sumusunod na premyo ay naghihintay sa mga mananalo kabilang ang:

  • P1 million cash
  • 2 Suzuki S-Presso cars
  • 5 motorbikes
  • P1,000 each for 1,000 participants

Hinihikayat ang mga kalahok na isumite ang kanilang entry sa link na ito hanggang Disyembre 11, 2022 sa 11:59 pm.

Ang mga sasali ay kinakailangan ding mag-follow at mag-subscribe sa mga social media accounts ni Bong upang mapabilang sa raffle.

“Who knows, this may be your chance to become a millionaire. So keep posted,” sabi ni Bong.

Kamakailan ay ipinagdiwang ni Bong ang kanyang ika-56 birthday at nagpa-raffle rin ito ng dalawang bagung-bagong sasakyan noong Setyembre 25.

Sa isang birthday lunch kasama ang mga miyembro ng entertainment press sa Quezon City ay sinabi ni Bong.

“Handog natin yan sa mga kaibigan natin, sa mga fans natin. Pagbibigay ito ng pag-asa dahil may pandemya pa rin hanggang ngayon. Mamimigay tayo ng dalawang kotse. Yung unang kotse, galing sa mga kabigan nating sponsors. Yung pangalawang kotse naman, galing sa mga kapatid ko.”

Sinabi ni Bong na ang birthday bash, na tinaguriang ‘Alyas Pogi Birthday Giveaway,’ ay  nagpa-raffle din ng 10 motorsiklo, laptop units, at cash prizes (P100,000, P50,000, P20,000, at P10,000). Limang daang avid watchers ang nanalo ng tig-P1,000.

Continue Reading

celebrities

Tom Rodriguez sinagot na ilang katanungan tungkol sa kanilang hiwalayan ni Carla

Published

on

By

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Tom Rodriguez upang sagutin ang ilang katanungan tungkol sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ng kaniyang dating misis na si Carla Abellana.

Kay Ogie Diaz nagpaunlak ng panayam ang Kapuso actor na kasalukuyang nasa Las Vegas, Nevada ngayon; ilang buwan simula nang pumutok ang balitang may matinding pinagdaraanan ang ex-couple.

Kabilang sa mga diretsang itinanong ni Ogie kay Tom ay tungkol sa kaniyang tunay na kasarian na ayon sa mga dating kumalat na balita ay siyang dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Carla.

Ayon kay Ogie, sari-sari kasi ang lumabas na haka-haka noon kaya nais niyang malaman ang totoo; “May babae ba o may lalaki si Tom?”

“Bading ba si Tom?” diretsahang tanong ng talent manager.

“If that’s the worse that someone can call me. That’s not an insult to me. Most of the best people I know happen to be of that persuasion. Happen to be gay,” paliwanag ng aktor.

Iginiit din ni Tom na hindi siya nababahala kung marinig man ang mga balita tungkol sa isyung ito dahil wala naman umano itong katotohanan.

Muling humirit si Ogie na baka raw sabihin ng mga manonood na ‘paligoy-ligoy’ lamang ang aktor kaya sana ay ‘yes or no’ lang ang isagot.

“No,” ang maagap naman na turan ng dating mister ni Carla.

Tungkol naman sa tanong na kung mahal pa niya si Carla, ani Tom, “Of course. Hindi naman agad-agad mawawala yun. But like I said, it will transform into other things. Siguro the love may never disappear but it will change. It will develop, it will grow on its own way. Whether together, apart, it will grow on its own way.”

Inamin din ng aktor na nakagawa nga siya ng pagkakamali subalit kailan man umano ay hindi niya napagbuhatan ng kamay ang kaniyang dating misis.

“Tao lang ako. I have my mistakes, siguro hindi ‘yung mga binibintang sa’kin per se, but I have things that I have to be accountable for,” wika pa nito.

Panoorin ang buong panayam ni Ogie:

Continue Reading

Trending