Connect with us

News

VP Leni Robredo umaasa na itutuloy ni Sara Duterte ang kanyang programa sa OVP

Published

on

Nagpahayag si Vice Presiden Leni Robresdo noong Linggo ng pag-asa na ang kanyang kahalili na si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio ay ipagpatuloy ang mga proyekto na nasimulan  nito.

Sa pagsasalita sa kanyang lingguhang programa sa radyo, tiniyak din ni VP Leni na ang kanyang tanggapan ay nagsasagawa na ng mga transition meetings kasama si Sara.

“Sana … ‘yung mga nasimulan ay tuloy pa din. Nagkaroon na ng several na transition meetings. Okay naman,” aniya.

“Okay naman ‘yung mga transition meetings. Receptive naman ‘yung team na papasok,” dagdag pa ni VP Leni. Sa kanyang social media page ay nagbahagi ang kanyang team ng ilang larawan ng pagbisita ng transition team ni VP-Elect Sara.

Pagkatapos ay ipinaliwanag niya na ang mga nakaraang OVP (Office of the Vice President) ay nagkaroon ng mga programa sa tulong medikal, kaya naman naniniwala siya na ang mga medikal na pagsisikap na sinimulan ng kanyang tanggapan ay itutuloy ng kanyang kahalili.

“Tingin ko naman to a large extent itutuloy pa din. Siguro ‘yung mas kwestyon lang ‘yung mga programang hindi institutional, kasi marami kaming inumpisahan na programa na hindi talaga siya bahagi ng OVP,” sabi ni Leni.

Wika ng bise, “halimbawa itong Angat Buhay, hindi siya bahagi ng OVP. Maraming mga programa, lalo na noong pandemic, hindi siya bahagi ng OVP pero in-implement namin noong kami na. Sana ano iyon, sana mainstitutionalize, para kahit wala na kami, tuloy tuloy pa din.” 

Samantala, hinggil sa Angat Buhay non-government organization, sinabi rin ni VP Leni na kasalukuyan itong nirerehistro.

“Kapag na-register na ito hopefully—hinahabol sana namin, na by July 1, lumabas na ‘yung approval ng ating registration para tuloy-tuloy na. Pero gusto natin kasi, above board lahat. Gusto natin na mula sa umpisa, maayos na,” paliwanag niya.

Ang Angat Buhay ay naglalayon na magtatag ng pinakamalawak na network ng bolunterismo sa bansa, na tumutulong sa mga marginalized at vulnerable.

Pumangalawa si Leni sa 2022 presidential race na may 15 milyong boto, at nanguna naman si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nanalo na may 31 milyong boto.

Samantala, nagbigay ng mensahe ang Bise Presidente nitong Araw ng Kalayaan, Hunyo 12:

celebrity

Vhong Navarro pinayagan ng korte na makapagpiyansa ng P1-M

Published

on

By

Makaraan ang halos tatlong buwang pagkakapiit, posible na pansamantalang makalaya si Vhong Navarro matapos siyang payagan ng korte na makapagpiyansa ng halagang P1-M.

Batay sa court order na may petsang Disyembre 5, 2022 at nilagdaan ni Presiding Judge Loralie Cruz Dataman ng Taguig Regional Trial Court Branch 69, itinakda ang piyansa sa halagang isang milyong piso para sa pansamantalang kalayaan ng aktor.

“Viewed in light of all the foregoing, and taking the evidence presented in the bail hearings as a whole, this court is not convinced at this point, that there exists a presumption great leading to the inference of the accused’s guilt,” ayon sa nasabing court order.

“It must be emphasized, however, that a grant of bail does not prevent the Court, as trier of facts, from making a final assessment of the evidence after full trial on the merits,” dagdag pa nito.

Noong Agosto, pinaunlakan ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ni Deniece Cornejo na dinggin ang kaniyang salaysay hinggil sa reklamong isinampa niya laban sa ‘It’s Showtime’ host.

Sumuko naman sa National Bureau of investigation (NBI) si Navarro noong Setyembre matapos muling magsampa ng kaso ang Office of the City Prosecutor ng Taguig laban sa kaniya.

Nanatili ang komedyante sa kustodiya ng NBI hanggang noong Nobyembre 21 kung kailan inilipat siya sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City.

Nito lamang Lunes inilabas ng korte ang desisyon nito sa matagal nang kahilingan ni Navarro na makapaglagak ng piyansa.

“Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos (Php 1,000,000.00),” ayon pa sa court order.

Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag ang magkabilang kampo nina Cornejo at Navarro tungkol sa naturang utos na inilabas ng korte.

Continue Reading

News

Hukay na nadiskubre sa BuCor, gagawing ‘swimming pool’ ayon kay Bantag: ‘Scuba diver ako eh’

Published

on

By

Gagawin umanong pinakamalalim na swimming pool sa Metro Manila ang hukay na nadiskubre sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor) kamakailan.

Ayon kay suspended BuCor chief Dir. Gen. Gerald Bantag, alam niya ang nasabing hukay na nadiskubre ng mga opisyal matapos siyang palitan ni acting BuCor chief Gregorio Catapang Jr. noong isang buwan.

Matatandaang sinabi ni Catapang sa ulat ng ABS-CBN News na ang naturang hukay ay halos 200 metro ang lapad at 30 metro ang lalim.

Inamin naman ni Bantag na siya mismo ang nag-utos na hukayin ito para sana sa gagawing ‘pool’.

“Alam ko ‘yon, ‘yong hukay na ‘yon. Ako rin nagpahukay no’n. Diver ako eh, scuba diver. Ang plano namin do’n, deep swimming pool,” ani Bantag sa panayam ng News 5.

Hindi rin daw ito ‘tunnel’ gaya ng sinasabi ni Catapang na tinawag pang ‘boplaks’ ni Bantag.

“Kaya sabi nitong Catapang, gagawing tunnel? Ang layo-layo no’n. Ano siya minero para makagawa ng tunnel? ‘Di ba? Boplaks din eh. Sabi ng mga taga-NCR, boplaks eh,” wika ng suspendidong opisyal.

“Malalim ‘yon, gagawin sana naming swimming pool. Ang dami naming scuba divers do’n. Master scuba diver ako eh. Kaya mahilig akong ano, gusto namin pinaka-deepest swimming pool sana dito sa Metro Manila siguro,” dagdag pa ni Bantag.

Samantala, sinabi naman ni Solicitor General Menardo Guevarra, na dating DOJ secretary noong nakaraang administrasyon, na hindi ipinaalam sa kanila ng BuCor ang ginawang paghuhukay.

“The same being an operational matter, the BuCor probably did not find it necessary to inform, much less seek authorization from, the DOJ,” paliwanag ni Guevarra.

Hinala naman ng iba, posibleng para sa treasure hunting ang ginawang hukay dahil umano sa bali-balita noon na may inilibing na kayamanan ang mga Hapon sa loob ng Bilibid noong WWII.

Maliban kasi sa mga bulldozer truck at backhoe na ginamit, mayroon ding natagpuang metal detector sa lugar na pinaghukayan.

Sinabi rin ni Catapang na walang permiso mula sa DENR ang naturang proyekto kaya maituturing itong “illegal quarrying”.

Ipinapaubaya na rin niya umano sa mga kinauukulan ang pag-iimbestiga sa hukay at kung ano ang puwedeng isampang reklamo kay Bantag na nasasangkot ngayon sa kaso ng broadcaster na si Percy Lapid at inmate Cristito Villamor.

Panoorin ang panayam kay Bantag sa video na ibinahagi ng News5Everywhere via YouTube:

Continue Reading

News

PH bags ‘World’s Leading Beach, Dive Destination’ awards for 2022

Published

on

By

The Philippines has been cited as the world’s leading beach and dive destination for 2022 by an award-giving body recently.

At the 29th World Travel Awards Grand Final Gala Ceremony held in Muscat, Oman, the Philippines bagged both the ‘World’s Leading Beach Destination’ and ‘World’s Leading Dive Destination’ for this year.

The Philippines bested other nominees such as 2021 and 2020 winner The Algrave, Portugal, Maldives (2019), Jamaica (2018) and Galapagos Island (2017).

“These global victories for the Philippines evince the unparalleled beauty of our country and the distinct warmth of the Filipino people. We sincerely thank the World Travel Awards and everyone from all over the world whose vote of confidence is timely as the Philippines fully opens its arms to welcome tourists to our shores,” said Tourism Secretary Christina Garcia Frasco in a statement.

This is also the fourth year in a row that the country has been chosen as the World’s Leading Dive Destination over other popular diving destinations such as the Great Barrier Reef in Australia, the Cayman Islands, Maldives, Fiji, Mexico, Azores Islands, French Polynesia, Galapagos Islands, St. Kitts, and Belize.

Meanwhile, three other PH establishments have also been recognized by the World Travel Awards namely Amanpulo, as the World’s Leading Dive Resort 2022; City of Dreams Manila, as the World’s Leading Casino Resort 2022; and Ascott Bonifacio Global City Manila, as the World’s Leading Serviced Apartments 2022.

Other WTA nominations from the Philippines include Siargao for the World’s Leading Island Destination, Intramuros for the World’s Leading Tourist Attraction, and the Department of Tourism (DOT) for orld’s Leading Tourist Board for 2022.

The World Travel Awards was established in 1993 with an objective “to acknowledge, reward and celebrate excellence across all key sectors of the travel, tourism and hospitality industries.”

Watch the awarding ceremony:

Continue Reading

Trending