Connect with us

celebrity

Yasmien Kurdi: ‘Totoo ba na kapag umiyak ang lalaki sa kasal mas may chance na maghiwalay?’

Published

on

“Totoo ba na kapag umiyak ang lalaki sa kasal mas may chance na maghiwalay?” 

Iyan ang tanong ng aktres, singer at model na si Yasmien Kurdi sa kanyang Facebook post.

Ito ay matapos ang napabalitang paghihiwalay nina Moira Dela Torre at asawa nitong si Jason Marvin Hernandez.

Matatandaan na umiyak si Jason sa araw ng kasal nila ni Moira; gayundin ang ilan pang mga celebrity gooms na ikinasal noon na ngayon ay hiwalay na sa kanilang mga partner kaya naman naging hot trending ito sa social media na kapag umiyak umano ang iyong partner sa araw ng inyong kasal ay tila may ‘senyles’ na maghihiwalay daw.

Bilang tugon sa kanyang sariling post, nagkomento si Yasmien, na mabuti na lang at hindi umiyak sa kanilang kasal ang kanyang asawang si Rey Soldevilla, Jr.

“Buti na lang hindi umiyak si Pangga Rey Soldevilla, Jr,” aniya kalakip ang larawan ng kanyang asawa na makikitang hindi umiyak.

Binaha naman ng komento ng mga netizens ang kanyang post at maraming nag-react ng ‘haha.’ Sinagot naman ng iba ang kanyang katanungan.

“Nagkataon lang siguro idol Yas, pero baka matagal na silang may hindi pagkakaunawaan, pinipilit lang lalo ni Moira na baka maayos pa pero lalaki mismo ang umamin kaya next ime siguro bago magpakasal milyong pag-iisip bago ituloy ang kasal. Kasi sayang lahat.”

“Kasabihan lang po ‘yan at depende po ‘yan sa lalake at babae, dapat kapag may konting problema pag-usapan agad at ‘wag idaan sa sigawan at sumbatan.”

“‘Di ‘Yan totoo nasa tadhana iyan kung talagang kayo ay tinakda, kayo pa rin hanggang sa huli, pero kung ‘di para sa inyo ang relasyon n’yo ibig sabihin magkakahiwalay talaga kayo n’yan. May tao na para talaga sa inyo isa’t Isa, kaya suwerte ng iba nagkatagpo talaga sila sa kanilang tinadhana.”

Samantala, sa parehong tugon ni Yasmien sa Instagram ay nag-react at nagkomento naman ang kanyang mister.

Aniya, “Bakit ako iiyak? …e hindi ko nga alam ang pinapasok ko.”  🙂   Sinundan ito ng maraming laugh react.

celebrity

Sen. Lito Lapid inaming nakararanas pa rin ng ‘pang-aapi’ dahil hindi nakapag-aral

Published

on

By

Inamin ni Sen. Lito Lapid na sa kabila ng kaniyang edad at pagiging pulitiko ay binabalik-balikan at hindi niya pa rin maiwan ang pag-arte sa harap ng kamera.

Ayon sa beteranong actor-politician, kahit na abala siya sa pagiging mambabatas ay gustong-gusto pa rin niya ang lumabas sa mga pelikula at telebisyon.

“Kasi, ‘yun ang binuhay ko… hindi naman talaga ako pulitiko, e. Unang-una, hindi naman ako nag-aral. High school lang ako,” anang senador sa panayam ng PEP.

Dahil umano dito ay pinayuhan niya ang kaniyang panganay na anak na si Mark Lapid na mag-aral nang mag-aral.

“Sabi ko sa kanya, ‘Ipaghiganti mo ako, mag-aral ka,” bahagi pa ng action star na sumikat sa mga pelikulang ‘Ang Pagbabalik ni Leon Guerrro’, Julio Valiente, Zigomar, Tatlong Baraha’, Isaac, dugo ni Abraham, at marami pang iba noong dekada 80.

Inamin rin ni Lapid na kahit senador na siya ngayon ay nakararanas pa rin ng ‘pambu-bully’ dahil sa kawalan ng tinapos na kurso.

“Palagi akong inaapi dahil hindi ako nag-aral, ‘di ba? Kahit senator na ako, ‘yun pa rin ang sinasabi sa akin. Parang wala akong alam, ‘yun ang tingin nila sa akin,” pagbabahagi ni Lapid.

Gayunpaman, hindi  na lang daw niya ito pinapatulan dahil totoo naman talaga na kulang siya sa pinag-aralan.

“Totoo naman ang sinasabi nila na hindi ako nakapag-aral. Ano ang magagawa ko, anak ako ng labandera? Hindi ako kayang pag-aralin ng nanay ko,” saad ng mambabatas.

“Siguro ‘yung nagsasabi nun, naiinggit. Narating ko ang ganito kahit hindi naman ako nakapag-aral. Kasi, mahal ako ng Panginoon. Hindi ko na lang nga pinapansin,” wika pa nito.

Nilinaw naman ni Sen. Lapid na hindi siya nakararanas ng ‘pang-aapi’ mula sa kaniyang mga kapwa-senador kahit pa karamihan sa kanila ay nakatapos at may mataas na pinag-aralan.

Samantala, pinag-iisipan na rin umano niyang magretiro sa pagiging pulitiko at hindi na tumakbo pa sa mga darating na halalan.

Bago maging senador, si Lapid ay nagsilbi ring bise-gobernador at gobernador ng lalawigan ng Pampanga.

Samantala, muli siyang mapapanood sa telebisyon sa bagong teleserye ng Kapamilya network na ‘FPJ’s Batang Quiapo’ na muling pagbibidahan ni Coco Martin.

Continue Reading

celebrity

Otin G ido-donate sa charity ang kaniyang kinita sa TikTok Live

Published

on

By

Ibabahagi ni AC Soriano sa Home for the Golden Gays ang kaniyang buong kinita sa libreng online concert noong Enero 20 na kasabay ng 20th Anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Smart Araneta Coliseum.

SI AC Soriano ay mas kilala rin bilang si Otin Gonzaga-Soriano at impersonator ni Toni.

Ayon sa kaniyang tweet noong isang araw, nito lang nang malaman niya na may stickers pala sa TikTok Live at ibig sabihin ay may kinita ang kaniyang online concert.

“Hello! medyo later ko na na-realize na may stickers nga pala sa tiktok live at may halaga pala yun!” wika ni Otin.

Dahil dito, dodoblehin niya umano ang naturang halaga at ibibigay sa Home for the Golden Gays; ang tahanang kumukupkop at nag-aaruga sa mga may edad nang miyembro ng LGBTQ community.

“Ang gagawin ko na lang, I will double the amount, and we’ll donate the whole amount sa home for the golden gays!” dagdag pa nito.

Magugunitang tinapatan ng ‘I Am Otin’ ni Otin G. ang Araneta concert ni Toni na ‘I Am Toni’.

Nag-trending ito sa Twitter at humamig rin ng mahigit 25,000 views at mahigit 5 million likes sa TikTok Live.

Magkakasabay na trending topic noon ang hashtags na #Araneta, #IAmOtin at #PaalamToniGonzaga.

Kabilang sa kaniyang mga special guests ay ang mga kaibigan at social media personalities na sina Sassa Gurl, Jun Salarzon, at Toniyuh habang ang buong pamagat naman ng kaniyang concert ay “I Am Otin,” the 20th Anniversary Dogshow.

Samantala, ang kabuuang kinita ni Otin ay umabot sa $207.60 o mahigit P11,000 kaya aabot sa P22,000 ang kaniyang maido-donate sa ‘Home for the Golden Gays’.

Continue Reading

celebrity

Maymay may madamdaming birthday message sa kaniyang mommy: ‘Ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko’

Published

on

By

Kinilala ni Maymay Entrata ang kadakilaan at mga sakripisyo ng kaniyang inang si Lorna na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan.

Sa isang Instagram post, binati ng Kapamilya aktres ang kaniyang mommy na ayon kay Maymay ay siyang pinakamalaki niyang inspirasyon.

“Happy Birthday mama @lorna.entrata , ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko kung bakit nalalampasan ko bawat pagsubok bilang isang breadwinner,” ani Maymay sa kaniyang post.

“Inay kita pero ikaw pa yung nahihiyang humingi ng tulong mula sa akin. Kaya mas lalo akong nagaganahan ibigay po sayo lahat kasi na a-appreciate mo po lahat ng pinaghirapan ko,” dagdag pa niya.

Habambuhay niya umanong pasasalamatan ang kaniyang mommy at ang Panginoon dahil sa pagkakaroon ng inang katulad niya.

“Wala sa katiting ang pinaghirapan ko sa pinagdaanan mo ma, kaya habang buhay ako saludo at nagpapasalamat sa Panginoon na may ina/ama akong tulad mong mapagmahal, malakas ang loob at mapagpatawad,” patuloy ng Pinoy Big Brother grand winner.

“Mahal na mahal kita ma, Happy Birthday,” pagtatapos ni Maymay.

Nang mabigyan ng break sa showbiz matapos makilala dahil sa PBB, hindi nakalilimutan ni Maymay na ibahagi ang kaniyang mga blessings at tagumpay sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang pinakamamahal na nanay.

Noong 2019, binilhan niya ng bahay ang kaniyang ina na isang OFW sa Japan.

“Ang mahal po kasi ng renta doon, so ngayon naiyak siya kasi may sariling bahay na siya, at hindi niya akalain na magkakabahay pa siya. Tapos, masaya rin ‘yung kapatid ko na bunso,” saad ni Maymay sa panayam noon.

Tila malayo na nga ang naabot ni Maymay sa larangan ng entertainment industry dahil bukod sa pag-arte sa telebisyon at pelikula, isa na rin siyang singer, TV host, model at noong Nobyembre lamang ay nominado ito bilang Best Asia Act sa MTV Europe Music Awards (EMA).

Continue Reading

Trending