Connect with us

Social News

Mayor sa Mexico pinakasalan ang isang buwaya

Published

on

Sa isang maliit na bayan sa San Pedro Huamelula sa Mexico ang alkalde ay nagpakasal sa alligator bride sa isang makulay na seremonya.

Ang Mayor ay nakilalang si Victor Hugo Sosa at ang kanyang bride ay isang buwaya na pitong taong gulang na nakabihis ng puting gown na may mga palamuti pa sa katawan nito.

Sumayaw rin ang bagong kasal sa sermonya at sa saliw ng tradisyunal na tugtugin, pati na rin ang kanilang mga bisita.

Ang ritwal ay nagtapos sa paghalik ng alkalde sa kaniyang bride na buwaya sa ibabaw ng nguso nito na may tali.

“We ask nature for enough rain, for enough food, that we have fish in the river,” sabi ni Sosa.

Inihayag naman ni Elia Edith Aguilar, tumayong ninang at nag-organisa ng kasal na, “It gives me so much happiness and makes me proud of my roots.”

Dagdag pa niya, “It’s a very beautiful tradition.”

Ang Oaxaca, na matatagpuan sa mahirap na timog ng Mexico, ay masasabing pinakamayaman sa bansa sa katutubong kultura at tahanan ng maraming grupo na pinananatili ang kanilang mga wika at tradisyon.

Ang ritwal na kasal ay sinaunang tradisyon ng mga katutubong Chontal at Huave ng estado ng Oaxaca, tulad ng isang panalangin na nagsusumamo para sa kagandahang-loob ng kalikasan. Ginagawa umano ito “to seek riches from nature,” ayon sa mga ulat.

Ibinahagi ng Reuters sa Twitter ang isang video ng kaganapan.

Basahin: Babae sa India na nais maging bride ngunit ayaw maging ‘wife’, pinakasalan ang sarili

Samantala, kilala naman ang India sa mga magagarang kasalan, ngunit ang selebrasyon na naganap noong Hunyo 11, 2022 ay nag-viral sa social media.

Naging headline si Kshama Bindu nang ipahayag niya na pakakasalan niya ang sarili, sa pinaniniwalaang unang pagkakataon ng sologamy sa India.

“I just want to be a bride like most women, get ready, wear the best wedding outfit and be photographed. I want to give all the love in my heart to myself. I might fall in love with myself even more,” aniya sa ‘The National’.

Social News

Japan Home Centre tatanggap ng sibuyas bilang bayad

Published

on

By

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang pakulo ng Japanese store na Japan Home Centre kung saan inanunsyo nilang tatanggap sila ng sibuyas bilang bayad sa piling items.

“Sibuyas as payment! We are accepting cash, coins, and ONIONS as payment for our selected items! 1 onion = 1 JHC item,” sabi nila sa isang Facebook post.

Imahe mula sa Japan Home Centre

“Japan Home Centre – Panay Avenue will accept an onion in exchange for your chosen product. Every customer has a limit of 3 item purchases only. All collected onions will be used in our community pantry,” dagdag nila.

Mangyayari ang promo na ito sa Sabado, Pebrero 4.

Marami ang naaliw dito dahil tila naging “currency” na rin umano ang sibuyas. “Sibuyas has now become a currency!” sabi ni Yvonne J.

Imahe mula sa Japan Home Centre

May mga nagsabi rin na tila bumalik daw sa barter system ang bansa dahil sa naisip na ito ng Japan Home Centre.

Ang ilan, ikinatuwa naman ito dahil layunin nitong makalikom ng sibuyas para sa kanilang community pantry. “This is such a great initiative. God bless you more,” sabi ni T. Nubla.

“Sa community pantry pala ‘yan eh. Makakabuti para sa bayan yan,” sabi naman ng isa pa.

Imahe mula sa PNA

Matatandaang nag-usbungan ang mga community pantry sa bansa noong kasagsagan ng pandemya. Marami kasing nawalan ng kabuhayan noon at may ilang nais na magpaabot ng tulong sa simpleng paraan.

Sa mga community pantry, maaaring kumuha ang kahit na sino ng kanilang pangangailangan at iyong mga may kakayahan naman na ay hinihikayat na mag-donate dito.

Samantala, sa mga nakalipas na buwan naman ay marami ang umaray sa mataas na presyo ng sibuyas na umaabot sa P700 hanggang P800 kada kilo.

Nitong Enero ay dumating sa bansa ang imported na 16 containers ng puting sibuyas at 32 containers ng pulang sibuyas. Inaasahang patuloy nang bababa ang presyo ng sibuyas sa Pilipinas sa mga susunod na araw.

Continue Reading

celebrity

Otin G ido-donate sa charity ang kaniyang kinita sa TikTok Live

Published

on

By

Ibabahagi ni AC Soriano sa Home for the Golden Gays ang kaniyang buong kinita sa libreng online concert noong Enero 20 na kasabay ng 20th Anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Smart Araneta Coliseum.

SI AC Soriano ay mas kilala rin bilang si Otin Gonzaga-Soriano at impersonator ni Toni.

Ayon sa kaniyang tweet noong isang araw, nito lang nang malaman niya na may stickers pala sa TikTok Live at ibig sabihin ay may kinita ang kaniyang online concert.

“Hello! medyo later ko na na-realize na may stickers nga pala sa tiktok live at may halaga pala yun!” wika ni Otin.

Dahil dito, dodoblehin niya umano ang naturang halaga at ibibigay sa Home for the Golden Gays; ang tahanang kumukupkop at nag-aaruga sa mga may edad nang miyembro ng LGBTQ community.

“Ang gagawin ko na lang, I will double the amount, and we’ll donate the whole amount sa home for the golden gays!” dagdag pa nito.

Magugunitang tinapatan ng ‘I Am Otin’ ni Otin G. ang Araneta concert ni Toni na ‘I Am Toni’.

Nag-trending ito sa Twitter at humamig rin ng mahigit 25,000 views at mahigit 5 million likes sa TikTok Live.

Magkakasabay na trending topic noon ang hashtags na #Araneta, #IAmOtin at #PaalamToniGonzaga.

Kabilang sa kaniyang mga special guests ay ang mga kaibigan at social media personalities na sina Sassa Gurl, Jun Salarzon, at Toniyuh habang ang buong pamagat naman ng kaniyang concert ay “I Am Otin,” the 20th Anniversary Dogshow.

Samantala, ang kabuuang kinita ni Otin ay umabot sa $207.60 o mahigit P11,000 kaya aabot sa P22,000 ang kaniyang maido-donate sa ‘Home for the Golden Gays’.

Continue Reading

Inspiring

‘De ruler?’ Estudyante na sunod sunod na uno ang mga marka, hinangaan ng mga netizens

Published

on

By

Isang kahanga-hangang estudyante na may kursong Information Technology ang nagbahagi ng kanyang mga grades tampok ang sunod-sunod nitong uno. Parang ni-ruler ano?

“For the third time-one and only ones. Your glory is eternal,” aniya sa kanyang caption.

“Matamis po pala talaga ang resulta ng >5 hours na tulog every night. Sleep Acads. College arc is indeed not an easy story to finish with a straightforward plot, especially now na face-to-face ang setup ng classes.”

“And so, I am truly grateful to the people who shared their worlds with me for this success. Salamat po. Really. These numbers are not mere digits, but souvenirs of our hardships and hidden battles.”

Kuwento ni Axl Louis Coronel sa ‘Pilipino Star Ngayon Digital,’ “Noong una, akala rin po namin pindot-pindot lang sa course na IT. Pero iba po pala talaga kapag nagbago perspective mo sa course mo, because you will learn to genuinely pursue it and be passionate about that pursuit.”

“While on that goal, I realized na this process made me surpass my limits while having fun. Once you have visualized the road’s finish line, it’s really, really important to enjoy and savor the detours and rests along the way,” dagdag pa niya

Payo naman ni Axl sa mga estudyante, “Grind hard sa acads. Play hard sa hobbies. Rest hard every night.”

Marami namang netizens ang napahanga ni Axl. Dahil dito ay isa siya sa mga inspirasyon ng maraming estudyante.

“May tulog man or wala kung genius ka lalabas at lalabas talaga ‘yan. Genes and guidance din ng family important factors din ito na dapat i-consider.”

“Next sem mas gagalingan ko pa! Nakaka-inspire, grabe.”

“Congratulations Never Stop Learning and Continue Upgrading your Knowledge and Skills.”

“Congrats Axl. Ang husay mo talaga. Ipagpatuloy mo lang kasama mo ang Diyos.”

Continue Reading

Trending