Connect with us

celebrity

Anthony Taberna lubos ang pasasalamat sa matagumpay na paglaban ng anak sa karamdaman

Published

on

Labis labis ang pasasalamat ni Anthony Taberna na sa wakas ay nakauwi na ang kanyang anak na si Zoey at cancer-free na ito.

Ibinahagi ng news anchor ang magandang balita sa pamamagitan ng isang Instagram video post noong Martes. Dito ay nagpasalamat siya sa lahat ng nakiisa sa kanila sa pagdarasal para sa paggaling ng anak.

“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng kasama namin sa pananalangin. Nakauwi na kami kasama si Zoey pagkalipas ng halos kalahating taon sa Singapore. Salamat, higit sa lahat, sa Panginoong Diyos,” sabi niya sa caption ng kanyang video post.

Nagtungo rin si Taberna sa Instagram page ni Zoey, kung saan ay ibinahagi naman ng kanyang anak na babae ang journey nito kaugnay sa pakikipaglaban sa leukemia.

Sa kanyang mahabang post, inolahad ng 13-anyos kung paano siya sumasailalim sa chemotherapy noong 2019 hanggang sa makaranas siya ng pananakit sa ilang bahagi ng kanyang katawan.

Pagkatapos sumailalim sa mga pagsusuri nalaman nila na, “all of the cancer cells that was supposed to be long gone came back in a way more dangerous and fatal form.”

Ito ang nagtulak sa kanila na pumunta sa Singapore para magpagamot. Ayon kay Zoey, ang kanyang pamilya, mga mahal sa buhay, at ang pananampalataya sa Diyos ang tumulong at naging sandata sa mga panahong maraming pagsubok ang kanilang pinagdaanan.

“I experienced things that, looking back now, even I thought wouldn’t be able to handle. But with the support of my loved ones and God, I was able to get over [them],” saad ni Zoey.

“Literally every bad thing that happened to me was such a blur. I’m not going to lie, there were so many times that I thought it was the end of me, that my life would end at 13 years old.”

Matapos ang halos kalahating taon sa Singapore, masaya si Zoey na makauwi nang wala nang sakit.

“After 167 long days, we went back home to the Philippines. And now, I am totally cancer-free!” aniya. “I would still have check-ups and maintenance drug infusions from time to time, but that is nothing compared to what I’ve been through.”

“I couldn’t have done all of this without the help, support, and love of everyone special to me and, most of all, God,” dagdag pa niya.

Masaya rin kami para sa iyo, Zoey! Praise the Lord!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by azasia (@zasiazoey)

celebrity

Jovit Baldivino nag-collapse sa isang party, kasalukuyang nasa ICU

Published

on

By

Nag-collapse diumano ang Kapamilya singer na si Jovit Baldivino habang dumadalo sa isang party sa Batangas City gabi nitong nakaraang Linggo, Disyembre 4.

Ayon sa Facebook page na TBST (Totoong Balitang sa Southern Tagalog), isinugod sa Jesus of Nazareth Hospital si Jovit matapos bigla na lamang itong bumagsak habang nasa party.

Kinumpirma rin umano ito ng source ni Abante correspondent Ronilo Dagos na nagsabing may pumutok na ugat sa ulo ng kauna-unahang Pilipinas Got Talent (PGT) champion at posibleng aneurysm ang sanhi nito.

Naoperahan na naman daw sa naturang ospital si Jovit at nailipat na ito sa ICU kung saan nananatiling nakaratay ang singer.

Tumanggi naman munang magsalita ang pamilya ni Jovit at humihiling sila ng privacy para sa kaanak na maysakit.

Sumikat si Jovit matapos ideklarang grand winner sa PGT noong 2010. Naging matagumpay din ang kaniyang singing career at nakapaglabas ng ilang album kabilang na ang ‘Faithfully’ na nag-triple platinum, ‘I’d Do Anything For Love’ (Platinum), ‘OPM Greatest Hits Volume One’ (triple platinum) at ‘Jukebox’ na lahat ay sa ilalim ng Star Records.

Bahagyang lumamlam ang kaniyang career matapos masangkot sa kontrobersiya sa kaniyang personal na buhay nong 2021.

May kinalaman ito sa akusasyon ng kaniyang dating kasintahan na inakusahan siya ng pambababae kaya nauwi sa hiwalayan ang dalawang taon nilang relasyon na nagbunga pa ng dalawang supling.

Continue Reading

celebrity

Vhong Navarro pinayagan ng korte na makapagpiyansa ng P1-M

Published

on

By

Makaraan ang halos tatlong buwang pagkakapiit, posible na pansamantalang makalaya si Vhong Navarro matapos siyang payagan ng korte na makapagpiyansa ng halagang P1-M.

Batay sa court order na may petsang Disyembre 5, 2022 at nilagdaan ni Presiding Judge Loralie Cruz Dataman ng Taguig Regional Trial Court Branch 69, itinakda ang piyansa sa halagang isang milyong piso para sa pansamantalang kalayaan ng aktor.

“Viewed in light of all the foregoing, and taking the evidence presented in the bail hearings as a whole, this court is not convinced at this point, that there exists a presumption great leading to the inference of the accused’s guilt,” ayon sa nasabing court order.

“It must be emphasized, however, that a grant of bail does not prevent the Court, as trier of facts, from making a final assessment of the evidence after full trial on the merits,” dagdag pa nito.

Noong Agosto, pinaunlakan ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ni Deniece Cornejo na dinggin ang kaniyang salaysay hinggil sa reklamong isinampa niya laban sa ‘It’s Showtime’ host.

Sumuko naman sa National Bureau of investigation (NBI) si Navarro noong Setyembre matapos muling magsampa ng kaso ang Office of the City Prosecutor ng Taguig laban sa kaniya.

Nanatili ang komedyante sa kustodiya ng NBI hanggang noong Nobyembre 21 kung kailan inilipat siya sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City.

Nito lamang Lunes inilabas ng korte ang desisyon nito sa matagal nang kahilingan ni Navarro na makapaglagak ng piyansa.

“Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos (Php 1,000,000.00),” ayon pa sa court order.

Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag ang magkabilang kampo nina Cornejo at Navarro tungkol sa naturang utos na inilabas ng korte.

Continue Reading

celebrity

Tuesday Vargas may hugot matapos ‘isnabin’ ng dalawang baguhang artista

Published

on

By

Idinaan sa isang Facebook post ni Tuesday Vargas ang kaniyang pagkadismaya sa dalawang baguhang artista na diumano’y nang-isnab sa kaniya sa isang event kamakailan.

Bagama’t tinanggal na ni Tuesday ang kaniyang rant makaraan ang ilang oras, nakunan naman ito ng screenshot ng showbiz news portal na PEP Ph.

Ayon sa komedyante, binati niya ang dalawang baguhan subalit hindi man lang daw siya pinansin.

“Mga batang artista, kahit gaano kayo kasikat at pinagkakaguluhan ng mga tao, mag hello kayo sa kapwa nyo artista pagdating sa work. Lalo na sa nakatatanda,” panimula ng post ni Tuesday.

Isiningit na nga lang daw sa program ang dalawang newbies dahil nagmamadali ang mga ito ay dinedma pa siya kahit siya na ang unang bumati sa kanila.

“Sumingit na nga kayo sa program kasi nagagalit na handler niyo at bawal ata kayong pinaghihintay. Tapos ako pa ang nagbigay galang sa inyo dinedma nyo pa ako,” patuloy ng Bubble Gang star.

Dahil sa nangyari, may payo si Tuesday sa mga baguhang artista na may ‘attitude’ na agad kahit nagsisimula pa lang sa industriya.

Aniya, “Tandaan, madaling maabot ang fame. Longevity is harder. Pakabait ok? Huwag ganun.”

Nag-iwan naman ng komento sa naturang post ni Tueday ang Kapuso TV at movie director na si Louie Ignacio.

“Jusko madaling malalaos yang mga batang yan sa ugali nila. Feeling sikat agad ha nakakaloka!!!!” wika ni Direk Louie.

Sinagot naman ito ng comedienne-singer: “Hayyy direk. Sabi ko, ‘Hi_____! Tuesday.’ Tapos abot ng kamay ko. Hindi ako pinansin tapos si handler hinarangan ako kala magpapa-picture ako. Kaloka.”

Sa sumunod na post ng komedyante ay sinabi nitong nalaman niya na kaya pala nagmamadali ang dalawang baguhan dahil may dadaluhan pa itong event ng sponsor nila.

“Paid gig ito mga anak. Sana di nyo kinuha kung mag-a-attitude lang at magmamadali. Mahalin ang trabaho. Para mas madami pa kayong proyekto,” saad pa ni Tuesday.

Kinalaunan naman ay tinanggal na niya ang kaniyang post at sinabing “Decided to delete my posts and will just leave this here instead because I am beautiful. Ganoin.”

Magsilbi na lang sanang paalala ito sa mga baguhan at nakababatang bahagi na rin ng industriya.

Continue Reading

Trending