Connect with us

Social News

Sermon-flavored? ‘Birthday cake na may kaunting sermon’ kinaaaliwan sa social media ngayon

Published

on

cake sermon

Sa gitna ng mga nakapanlulumong balita at iba’t ibang mga negatibong post sa social media, nagdala ng aliw at katatawanan ang isang birthday cake na sa halip na dedication ay sermon ang nakasulat.

Sa Facebook post ni Cecille Galon Purog, makikita ang birthday cake na ibinigay niya para sa kaarawan ng kanyang kapatid na si Cybelle. Sa halip na ang normal na “HAPPY BIRTHDAY” o isang nakaaantig na dedication, sermon ang mababasa rito dahil sumabay pa raw si Cybelle sa mga gastusin at sa hindi pa dumarating na suweldo.

cake sermon

“Nagpabili ka pa talaga ng cake, CYBELLE, kita mo ngang wala pa kaming suweldo at enrollment pa ng mga pamangkin mo,” mababasa sa dedication cake na ibinigay niya sa kapatid.

Pero wala naman daw personalan dito. Sa halip na mainis, tawang-tawa pa raw si Cybelle dahil ganito raw talaga ang bonding nilang magpapamilya; kulitan at asaran ang bonding kaya naman bawal daw ang pikon sa kanila.

Bukod pa rito, ito ay isa lamang sa mga masasayang sandali na pinagsasaluhan nila dahil kahit nasa isang village lang sila nakatira, bihira na raw silang magkita-kita ngayon dahil abala na sa kanya-kanyang trabaho at buhay nila.

cake sermon

“Tawa lang siya nang tawa. Gano’n lang kasi kami ‘pag nag ipon-ipon, magulo kami na masaya. Kahit kasi sa isang village lang kami nakatira magkakaiba kasi kami ng block at bibihira kaming magkita-kita kasi nga busy na kami sa mga kanya-kanya naming trabaho,” pagbabahagi ni Cecille.

“‘Pag nagkikita-kita kami walang seryosong usapan lagi kung ‘di bardagulan at tawanan. Wala kasing pikon sa aming magkakapatid. Bawal ang pikon sa pamilya namin. Hahahahaha!” saad pa ng nag-post.

cake sermon

Patuloy pa rin nagva-viral at nagpapasaya sa iba’t ibang social media platforms ang cake ni Cybelle. Bukod sa mga nire-repost ng ibang netizen, na-feature na rin sa balita ang sermon-flavored cake para sa may kaarawan.

Philippine Showbiz

KZ Tandingan pens emotional message to mom who became a Registered Nurse at 56

Published

on

By

Singer KZ Tandingan is one proud daughter to her 56-year-old mom who recently took and passed the nurse licensure examination (NLE).

In a lengthy post on Facebook, KZ looked back on the sacrifices her mom Marites Tandingan, had to make along the way because she prioritized her children over her career.

Her mom got her license as a midwife at 18 years old and became a clinical instructor soon after. She then met KZ’s dad and they got married and had children.

“She attempted to balance being a mom and working, but in the end she made the decision to abandon the career she had fought so hard to achieve in order to concentrate on caring for her children,” KZ said.

When she and her sister were already in high school, her mom decided to pursue nursing. She later found out she was pregnant with her third child and after trying to make it work, she decided to put it on hold to focus on her pregnancy.

“When I finally went to college, my brother had already turned three yrs old, Mum continued her education attending classes on weekends till she received her diploma,” KZ narrated.

“At 43 or 44 yrs old, she tried taking the NLE without a proper review because there was just too much on her plate, and sadly she didn’t pass. She was so heartbroken that she thought maybe she’s too old or that she didn’t have what it took anymore.”

But about 10 years later, Marites decided to try again. For months, she focused on reviewing discreetly.

“Only the family knew abt it because she didn’t want people to be disappointed just in case she didn’t pass it again. She would study so hard that she’d fall asleep while reading her books and sometimes forget to take a break to eat,” she said.

“Today, 18 days after, the results came out, and I’m so proud to share that my mom, 56 yrs old, MARITES LOBRIGAS TANDINGAN is now a REGISTERED NURSE.”

KZ thanked her mom for sacrificing her career to prioritize her children’s well-being.

“Today is a reminder that God sees everything and that He rewards His children in His perfect time. Congratulations Mommy Tess! I’m so proud of you. I love you.”

Continue Reading

Inspiring

‘Nurse na ako’: Batang nangarap lamang noon sa kinder yearbook, natupad na

Published

on

By

Pag nasa puso mo ang iyong pangarap at handa mong gawin ang lahat matupad lamang ito, kahit anong hirap ay malalagpasan mo.

Iyan ang pinatunayan ng isang nurse na si Yssa Falguera sa ibinahagi niya sa kanyang Facebook post.

Hindi umano siya makapaniwala na isa na siya ngayong Licensed nurse.

“No words can express how grateful I am. Thank you, Lord, for guiding us and for all your blessings all throughout this journey. We lift everything up to You. We couldn’t have gone this far without You. Ikaw po lahat ito,” pasasalamat niya sa Diyos na nakayanan niya ito.

Ayon sa panayam ng Pilipino Star Ngayon Digital ay parang nasa puso na niya ang maging matulungin lalo na sa kapwa at nangangailangan.

“Growing up, mas nakita ko yung essence of choosing that profession, parang I have a mission to serve. I find happiness in serving other people, even in the simplest things that I can do. Years have passed I was given the opportunity to study my dream course in my dream university,” saad ni Yssa.

Marami ang naantig sa kaniyang kuwento kung saan ang dating quote lamang niya sa yearbook noong bata pa siya ay natupad na ngayon.

“To my 6-year old self, you once dreamed of becoming a nurse someday. It was a looong and challenging journey, but all those laughter, tears, anxiety, self-doubt, sleepless nights, triumphs and failures paid off. I hope I made you proud, Registered Nurse na tayo! We made it!” masayang sinabi niya.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa netizens sa kanyang kuwento;

“Pagbati sa matagumpay na pangarap at Pagpalain ka ng Diyos Ama”

May isang commentor na pakwelang nagsabi na, “Bakit ba kasi ASTRONAUT yung nasa year book ko nung grade school?” hahaha

“Dream come true. Basta may goal.”

“Wow ka birthday ko pa Feb. 5.. Well, lahat tayo may pangarap at ito ay ma achieve basta may perseverance at hardwork. congrats!”

“Congratulations! God bless you more”

Continue Reading

events

‘Gin bilog’ ibinigay bilang souvenir sa binyag, 1st birthday ng isang bata; kinaaliwan ng netizens

Published

on

By

Naranasan mo na bang mabigyan ng ‘Gin Bilog’ bilang souvenir sa isang binyagan?

Karaniwang binibinyagan ang sanggol kapag ito ay 2 weeks old, o ‘di kaya ay ilang buwan matapos itong ipanganak.

Mayroon namang magulang na isinasabay na lamang ang binyag ng anak sa pagdiriwang nito ng unang kaarawan upang maging espesyal ang event at isang gastusan na lamang..

Kamakailan ay nag-viral ang larawan ng isang ina na si Analyn Barnedo, mula Rizal, tampok ang kaarawan ng kanyang anak na si Aly kung saan isinabay na rin ang binyag nito.

Sa Facebook post ni Analyn, makikita ang mga larawan mula sa event.

Nagpapasalamat siya dahil nairaos niya ang kaarawan at binyag ng anak kung saan siya mismo ang nag-asikaso nito.

“Thank God at nairaos na po ang binyag and birthday ni Aly, thank you sa lahat ng blessing,” ani Analyn sa kanyang post kalakip ang mga larawan mula sa event.

Nagpasalamat din si Analyn sa mga dumalo.

“Worth it ang almost one month na preparation ni Mommy, halos lahat DIY. Sana po naging masaya din kayo. Thank you din po sa lahat ng gifts and Cash (Will keep soon to Aly’s bank account). SALAMAT PO NG MARAMI.”

Sa kanyang cover photo naman ay makikita na buhat-buhat nito ang kanyang anak habang hawak naman ang isang bote ng gin bilang souvenir sa kanyang mga guest.

“Yeah, shot puno,” saad niya sa caption.

Ilang meme pages ang naaliw sa kanyang post at ibinahagi ang mga larawang nagpapakita ng mga bote ng ‘gin bilog.’

Sino ba naman kasi ang mag-aakala na pwede palang maging souvenir ang gin bilog? Nilagyan ito ng ina ng espesyal na packaging na may ribbon.

Ayon sa PhilStarL!fe, 90% ng kanilang mga bisita ay umiinom ng alak kaya naman naisip niyang gin bilog ang piliing souvenir.

“Alam naming matutuwa sila. Nagulat din sila, kasi first time nilang maka-encounter ng ganoong uri ng souvenir.”

Bukod sa mga bote ng gin bilog, binigyan din niya ang ibang bisita ng ‘alcohol’ ngunit hand sanitizer version naman..

Dagdag pa nito, nagtatrabaho bilang machine operator sa Taiwan ang kanyang partner mula noong nakaraang taon.

Kahit nagtatrabaho sa gabi ang kanyang partner ay hindi umano naging hadlang sa kanila ang komunikasyon.

Payo naman niya sa mga couples, ang susi sa isang pangmatagalang relasyon ay ang pagiging kontento.

“Lalo na sa mga nasa LDR (long-distance relationship) tulad namin, tiis-tiis lang para sa pangarap.”

Continue Reading

Trending