Connect with us

News

Cayetano launches ₱10K ‘ayuda’ for SHS students through essay writing contest

Published

on

SHS students, “Show us your passion for writing!”

The office of Senator Alan Peter Cayetano has launched an essay writing contest for Senior High School students wherein winning students will get P10,000 each as prize.

The announcement was made by Sen Cayetano via his Facebook page in a post shared on July 20, 2022. A number of infographics was uploaded to support the call for entries.

In the Senator’s Facebook post, Cayetano called the attention of SHS essayists:

“ATTENTION ALL SENIOR HIGH SCHOOL ESSAYISTS!”

“Show us your passion for writing!”

“The office of Senator Alan Peter Cayetano invites you to join its Essay Writing Contest, open to all Senior High School Students in both public and private schools.”

“Participants are asked to write a 750-word essay answering the question: Kung ikaw ang Pangulo ng bansa at magbibigay ng SONA, ano ang ipaaabot mo sa mga kababayan mo?”

“There are two categories, English and Filipino, but a candidate is only allowed to submit one entry.”

“Please submit your entries on or before July 25, 2022 at 12:00PM.”

“The best essayists from each category will receive a cash prize of ₱10,000. See the full contest mechanics and details in the upcoming posts. May GOD bless you all!”

Viral 10K Ayuda

To note, Sen. Cayetano trended on social media after netizens made memes of his promise to push for ₱10K ayuda or cash assistance for every Filipino family in need of support during this pandemic.

On July 1, 2022, he said he will immediately file the bill regarding the one-time P10,000 cash assistance to families in this time of the pandemic. The senator lobbied for the P10K Ayuda Bill when he was Taguig congressman, however, it was not included in the Bayanihan 3 COVID-19 aid package.

In an earlier report aired by GMA news, he said, “Sa mga nagbabash sa 10k ayuda, kung kaya ko lang silang bigyan ng tag-sampung libo, binigay ko na sa kanila. Pero sa katotohanan ito’y isang legislative proposal.”

“So ang hinihingi ko po doon sa mga tumutuligsa sa programang Sampung Libong (Pag-asa) during the pandemic, tumulong na lang kayo,” he added.

Meanwhile, in a very recent FB Live, Cayetano shared a video with special guest Senator Pia Cayetano as they talk about the “Sampung Libong Pag-asa”.

“SAMPUNG LIBONG PAG-ASA WITH SPECIAL GUEST SEN. PIA CAYETANO, DAY 21

Samahan natin si Senator Pia Cayetano ngayong araw sa isang special edition ng Sampung Libong Pag-asa kasama ang kababaihan from Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Habang hinihintay natin na maipasa ang 10K Ayuda Bill, ang Sampung Libong Pag-asa ay patuloy na magbibigay ng tulong hindi lamang para sa panandaliang gastusin, kundi bilang puhunan sa paghahanap-buhay.

Kaya ang mga kababaihan dito sa Dipolog ay nananawagan sa gobyerno na isabatas na ang bill. Pakinggan natin sila dito mismo sa Facebook page ni Senator Alan, kasama ang ating special guest, si Senator Pia Cayetano.”

News

UP Diliman graduate nag-iisang nakapasa sa Real Estate Consultant Licensure exam

Published

on

By

Nag-iisang examinee lamang ang nakapasa sa katatapos na Real Estate Licensure exam na ginanap noong Disyembre 7, 2022 (Written) at Enero 9-13, 2023 (Revalida) sa Cebu at Manila at pinangasiwaan Board of Real Estate Service.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), mula sa 17 examinees ay si  Ma. Dani Vi Patal Edrad ng University of the Philippines – Diliman campus lang ang natatanging nakapasa sa naturang pagsusulit.

Si Edrad din ang nag-iisang examinee mula sa UP-Diliman habang hindi naman pinalad ang kaniyang mga nakasabay na nagmula sa iba’t-ibang Unibersidad at kolehiyo sa bansa.

Ang Board of Real Estate Service ay binubuo nina Hon. Ofelia C. Binag, Chairman; Hon. Rafael M. Fajardo, Hon. Jose Arnold M. Tan at Hon. Pilar M. Torres-Banaag, Members.

Ang resulta ng nasabing examination ay inilabas dalawang araw matapos ang huling araw ng exam.

Itinakda naman sa darating na Pebrero 27 hanggang February 28, 2023, ang registration para sa issuance ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration na maaaring gawin online.

Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Edrad dahil sa kaniyang pagkakapasa.

“Thank you Lord! Bittersweet Birthday gift for me… i love my batchmates. they are all excellent professionals too… nkkatuwa ung comments sa link ng mga netizens. Thank you… “ ayon sa kaniyang Facebook post.

“Thank you my friends, mentors, classmates, Tau Gamma Triskelion brothers and sisters and Bangko Sentral Family… Licensed Consultant at your service Edrad,” dagdag pa niya.

Sa isa pang post ni Edrad ay hindi nito napigilang magbiro.

Aniya, “Hindi ako makakain at nahihirapan akong huminga… Para akong tumama sa lotto. Para akong nagkaroon ng sampung boyfriends…”

Ang petsa at lugar na pagdarausan ng oath taking ceremony ay iaanunsiyo na lamang ng PRC sa mga darating na araw.

Continue Reading

business

Negosyanteng taga-Nueva Ecija, kinubra na ang P114-M na napanalunan sa Megalotto

Published

on

By

Kinubra na ng masuwerteng mananaya mula sa Nueva Ecija ang mahigit P114-M na jackpot na kaniyang napanalunan sa 6/45 Megalotto noong Disyembre.

Ayon sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes, Ener0 12, noong Enero 3 ay nagpunta sa kanilang tanggapan ang mapalad na bettor upang kunin ang kaniyang premyo.

Isa umano itong negosyante na nakabase sa bayan ng Sto. Domingo sa Nueva Ecija.

Napanalunan ng lalaki ang P114,327,454.00 na jackpot sa Megalotto na binola noong Disyembre 23 matapos lumabas ang kaniyang tinayaang kombinasyon na 11-21-01-12-17-03.

Ibinahagi ng negosyante na halos 15 taon na siyang tumataya sa lotto at ang lumabas na kombinasyon ay mula sa kaniyang mga paboritong numero.

Hindi niya umano inaasahan ang panalong ito sapagkat ang pinakahuli niyang panalo ay nagmula lamang sa 4 Digit at ‘balik-taya’.

“Lubos akong nagpapasalamat sa PCSO at sa Panginoon sa pagkapanalo ko sa lotto. Di ko po inasahan na sa ganitong panahon ko mapapanalunan ang jackpot, tamang tama magpa-Pasko pa yun. Hindi ko po maipaliwanag ang aking nararamdaman,” wika ng negosyante.

Bagama’t maayos naman daw ang kaniyang buhay ngayon, plano niya pa ring makatulong sa kaniyang mga kababayan at magtabi ng pera para sa kinabukasan ng kaniyang pamilya.

“Sa totoo lang po, naging maayos naman po ang naging takbo ng buhay ko. Nakita ko ang pangangailangan ng aking mga kababayan at napagpasyahan ko po na unahing ipantulong ang makukuha kong premyo mula sa lotto. Ipagpapatuloy ko rin at palalaguin ang aking mga negosyo at syempre mag-iipon para sa kinabukasan ng aking pamilya,” bahagi pa ng lalaki.

Dahil babawasan ng 20 porsiyentong buwis ang kaniyang premyo, aabot na lamang sa mahigit P92-M ang kaniyang maiuuwing pera.

Samantala, nakiusap naman ang PCSO sa publiko na patuloy na tangkilikin ang lotto para sa pag-asang mabago ang kanilang buhay bukod pa sa pagkakataong makatulong sa ating mga kababayang nangangailangan na sinusuportahan ng PCSO.

Continue Reading

business

BPI tiniyak na aayusin ang ‘duplicate transactions’, ligtas pa rin ang accounts ng kanilang customers

Published

on

By

Nag-aalala ang maraming customers ng Bank of the Philippine Islands (BPI) dahil sa hindi maipaliwanag na transaction sa kanilang account nitong nagdaang araw na nagresulta sa pagkawala o pagkabawas ng kanilang mga pera na nakatago sa naturang bangko.

Dahil dito, inulan ng reklamo ang BPI sa kanilang website at social media pages mula sa mga customers na hindi pa naliliwanagan kung ano ang nangyari sa kanilang account at kung maibabalik pa ang kanilang pera.

Nag-trending pa nga sa Twitter nitong Miyerkules, Enero 4, ang hashtags na ‘Hoy BPI’ at ‘0431 Debit Memo’, ang terminong ginagamit sa anumang uri ng debit transactions gaya ng withdrawals, funds transfer at bills payment.

Karamihan sa mga tweets gamit ang naturang hashtags ay dismayado sa nangyari sa kanilang bank account lalo pa umano na kailangan nila ngayon ang pera subalit hindi ma-access ang kanilang account, sa app man o sa website.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng BPI na aayusin nila ang gusot na ito at ibabalik ang anumang pera ng kanilang mga customer sa mas lalong madaling panahon.

“Following the double posting of ATM, CAM deposits, POS and e-commerce debit transactions from Dec. 30 to 31, 2022, please be informed that we expect correction of the duplicate transactions within the day,” ayon sa pinakahuling update ng BPI sa kanilang Facebook page.

“Given the high volume of inquiries on our online banking channels, you may experience intermittent access to our web and mobile app platforms. Rest assured that your account is safe and secure. Thank you,” saad pa ng bangkong pag-aari ng pamilya Ayala.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa BPI hinggil sa nangyaring insidente.

“The Bank already identified the root cause of the operational error and committed to reverse the erroneous transactions and restore mobile and internet banking services the soonest possible,” ayon sa pahayag ng BSP.

Inatasan na rin ng BSP ang nasabing bangko na magsumite ng timeline at updates tungkol sa reversal ng ‘erronous transactions’ na nangyari.

Sa kabila nito, marami pa ring customers ng BPI ang naniniwalang maayos ng bangko ang nasabing problema at maibabalik sa kanilang account ang naglahong pera.

Continue Reading

Trending