Connect with us

celebrities

Cristy Fermin sinabing nagdadalantao si AJ Raval, ‘Siyento porsyento’

Published

on

Ayon sa veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ay buntis umano ang seksing aktres na si AJ Raval sa rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Sinabi ni Cristy na 100 percent sure siyang totoo ang mga balitang kumakalat kaugnay sa aktres kamakailan sa episode ng online show na Showbiz Now Nanitong Hulyo 19.

“Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin nang siyento porsyento. Totoo po mga ka-chika, nagdadalantao po si AJ Raval,” matapang na sabi ng columnist.

Naniniwala ang beteranong columnist na pananagutan ni Aljur ang pagbubuntis ni AJ at umaasa siya na walang kasong legal na maisasampa ang asawa ni Aljur na si Kylie Padilla.

“Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam kong lalaking-lalaki si Aljur. Kaya niya ‘yan. Pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ. Ang nakaka-nerbiyos, baka mamaya, may magsulsol kay Kylie Padilla. Hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila,” sabi pa niya.

Iginiit din ni Cristy na ang pagbubuntis ni AJ ang dahilan kung bakit hindi natapos ng aktres ang ilang proyektong nasimulan niya.

“Hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila, na aming source tungkol sa isyung ito. Totoo po na nagdadalantao si AJ. Kaya ‘yung pelikula niyang sinimulan, hindi na itinuloy. Naaano lang ba ako, sayang ‘tong batang ito,” dagdag pa ni Cristy.

Kamakailan lang ay nagbahagi si AJ ng ilang larawan sa INstagram na ipinapakita ang kanyang slim waist. Walang baby bump.

Basahin: AJ Raval tinanggihan ang ‘Scorpio Nights’, planong magbalik sa pag-aaral

Kamakailan ay tinanggihan ng kontrobersyal na aktres ang isang papel sa remake ng “Scorpio Nights” dahil plano umano nitong bumalik sa paaralan.

“I have goals this year. I plan to go back to school and finish college,” wika ni AJ.

“Grateful ako na ‘Scorpio Nights’ was offered to me. Pero malungkot ako because I had to sacrifice ‘Scorpio Nights’ as one of the projects I cannot make. I will not lie, but my plan is to stop accepting sexy projects for the meantime, while I am in school,” dagdag pa niya.

Panoorin ang Showbiz Now Na:

celebrities

Anak nina Jennylyn at Dennis na si Dylan Jayde nagmala-Elton John sa una nitong photoshoot

Published

on

dylan elton

Kinatuwaan ng social media users at maging ng mga kilalang personalidad ang unang concept photoshoot ng cute na cute na celebrity baby na si Dylan Jayde Ho; ang anak nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado. Ang munting anghel nina Dennis at Jennylyn, nagmala-Elton John lang naman!

dylan elton

Sa Instagram, ibinahagi ni Jennylyn at ng Cocoon Studios PH ang mga larawan ni Dylan na kuhang-kuha ang ayos ni Elton sa The Muppet Show.

“Elton Jayde on the keys!” saad ni Jennylyn sa caption ng larawan, kung saan binanggit din niya ang ninong ni Dylan, ang designer na si AJ Alberto na nasa likod ng kamangha-manghang mini version ng costume ni Elton.

dylan elton

Sa kasalukuyan ay labis ang tuwang nadarama nina Jennylyn at Dennis dahil sa kanilang anak.

“Masaya, sobrang saya. Feeling ko lalo akong nakumpleto,” wika ni Dennis. “Ngayon, na-experience ko ’yong mga hindi ko na-experience dati. Nakapag-hands on ako talaga na mag-alaga ng pamilya, ng anak. Siguro isa ito sa pinakamasasayang stages ng buhay ko.”

[RELATED – Dennis Trillo sa pagiging ama: ‘Sobrang saya, lalo akong nakumpleto’]

Dahil dito, naging hamon daw talaga sa aktor ang malayo sa kanyang pamilya tuwing papasok sa lock-in taping.

“Medyo mahirap pero kailangan lang masanay. Kailangang magaling ’yong time management mo bilang artista at tatay sa bahay. ’Yon lang. Once na makuha mo na ’yong time management mo nang maayos madali ka nang makaka-adjust,” pagbabahagi niya.

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Dennis sa kanyang katuwang na si Jennylyn.

dylan elton

“Gusto ko lang sabihin na napakasuwerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya. Deserving ka talaga na magkaroon ng isang pang napakagandang anak na kamukha mo,” saad ng aktor sa Mother’s Day post niya para sa aktres. “Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo, alam kong hindi naging madali. Saludo ako sa’yo at sa lahat ng mga nanay na kagaya mo. Kaya nirerespeto, pinapahalagahan, at mahal na mahal kita.”

Continue Reading

celebrities

Glaiza itinanghal na Best Actress sa California: After 4 years, nakatatanggap pa rin ‘yung ‘Liway’ ng recognitions

Published

on

glaiza liway

Masayang-masaya ang Kapuso star na si Glaiza de Castro sa mga naaabot ng kanyang 2018 film na Liway, na hanggang ngayon ay nakatatanggap pa rin ng mga parangal.

glaiza liway

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres kung gaano siya kasaya nang malaman niyang itinanghal siyang Best Actress sa 29th Filipino International Cine Festival sa San Francisco, California sa ginampanan niyang papel sa Liway.

“So I got these messages at around 2 AM here in Canada saying something about Liway getting awards. ‘Di ko naintindihan agad then @kipoebanda told me that I just won another award. Huwatttt. Maraming salamat, @facinefilmfestival. It’s an honor po knowing that the winners were selected by an esteemed panel of three jury members: film scholar, critic, author JB Capino; Indonesian film scholar, curator Gaston Soehadi; and film and theater actor, academic Sunita Mukhi,” saad niya.

glaiza liway

Nang makapanayam ni Lhar Santiago sa Chika Minute, ikinuwento ni Glaiza kung gaano niya ikinatutuwa na umabot na sa ibang bansa ang Liway, “After four years na nakatatanggap pa rin ‘yong Liway ng recognitions. Nakarating na kami ng States.”

Kasalukuyang nasa kasagsagan ng shooting sa Canada si Glaiza nang mabalitaan niya ang kaniyang pagkapanalo sa California. Ito ay collaboration ng isang Canadian group at ng Canadian government. Fulfilled na fulfilled si Glaiza sa nasabing proyekto.

“Masaya kasi may mga kababayan tayo. Meron ding ibang people from like Russia. So ibang work ethics, sobrang efficient,” wika ni Glaiza sa pelikula tungkol sa mag-asawang sumubok magbukas ng isang bagong kabanata sa Canada.

“Napilitan siyang magtrabaho sa warehouse, kaya nandito po kami sa warehouse ngayon,” aniya. “They were just trying to survive.”

[RELATED – ‘What I have is his, what he has is mine’: Glaiza ibinahagi kung bakit wala silang prenup agreement ng kanyang mister]

Bukod sa kanyang karera, happily married din ang award-winning actress sa mister na si David Rainey.

Pebrero 2022 nang aminin ni Glaiza na ikinasal na siya sa asawang businessman sa hometown nito sa Northern Ireland noong Oktubre 2021.

Continue Reading

celebrities

Bong Revilla, magpapa-raffle ng P1M, kotse, cash matapos matanggap ang YouTube Silver Play Button

Published

on

By

May Silver Play Button  na siya!

At dahil dito sinabi ng senador at aktor na si Bong Revilla na mamimigay siya ng mga premyong Pamasko sa kanyang mga subscribers.

Sa wakas ay nakatanggap na rin siya ng YouTube Silver Play Button matapos ang mahigit dalawang taon para maabot ang 100,000 subscribers mark sa video-sharing platform.

“Masayang balita po. Natanggap na natin ang ating YouTube SILVER PLAY BUTTON!

Taus-puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na nag-subscribe sa aking YouTube Channel, na ngayon ay may 264K+ subscribers na!” ayon sa caption ng senador sa kanyang FB page.

Inilunsad noong 2019, ang channel ni Bong ay mayroon na ngayong mahigit 275,000 subscribers.

“I waited so long, but when I got hold of the box, and slowly unwrapping it, the euphoria hasn’t diminished, and then the Silver Play Button is in my hands,” wika ng senador.

“I’m truly grateful to all my subscribers who’ve always been supportive,” dagdag pa nito.

Bilang pagdiriwang sa kanyang social media milestone, idaraos ni Bong ang “Amazing Pamasko ni Pogi Christmas Giveaway” sa Disyembre 17 (Sabado) at 18 (Linggo), 4 p.m.

Ang mga sumusunod na premyo ay naghihintay sa mga mananalo kabilang ang:

  • P1 million cash
  • 2 Suzuki S-Presso cars
  • 5 motorbikes
  • P1,000 each for 1,000 participants

Hinihikayat ang mga kalahok na isumite ang kanilang entry sa link na ito hanggang Disyembre 11, 2022 sa 11:59 pm.

Ang mga sasali ay kinakailangan ding mag-follow at mag-subscribe sa mga social media accounts ni Bong upang mapabilang sa raffle.

“Who knows, this may be your chance to become a millionaire. So keep posted,” sabi ni Bong.

Kamakailan ay ipinagdiwang ni Bong ang kanyang ika-56 birthday at nagpa-raffle rin ito ng dalawang bagung-bagong sasakyan noong Setyembre 25.

Sa isang birthday lunch kasama ang mga miyembro ng entertainment press sa Quezon City ay sinabi ni Bong.

“Handog natin yan sa mga kaibigan natin, sa mga fans natin. Pagbibigay ito ng pag-asa dahil may pandemya pa rin hanggang ngayon. Mamimigay tayo ng dalawang kotse. Yung unang kotse, galing sa mga kabigan nating sponsors. Yung pangalawang kotse naman, galing sa mga kapatid ko.”

Sinabi ni Bong na ang birthday bash, na tinaguriang ‘Alyas Pogi Birthday Giveaway,’ ay  nagpa-raffle din ng 10 motorsiklo, laptop units, at cash prizes (P100,000, P50,000, P20,000, at P10,000). Limang daang avid watchers ang nanalo ng tig-P1,000.

Continue Reading

Trending