Connect with us

celebrity

Doug Kramer may birthday message kay Cheska, ‘Happy and blessed to be growing old with you baby’

Published

on

Masayang binati ng dating basketball player na si Doug Kramer ang kanyang maybahay na si Chesca Kramer  sa ika-42 kaarawan nito.

Noong Linggo, nagpunta si Doug sa Instagram upang ipabatid ang pagmamahal sa asawa at sinabing no. 1 baby girl ito sa buhay niya.

“Happy birthday to my no. 1 baby girl!” panimulang bati ni Doug.

“I fell in love with you when you were just 22 yrs old! Now I’ll be honest about your age for the first time, you’re now 42 but still unfairly way younger looking than me!” saad ni Doug na may tatlong laughing emojis.

Sa post, ibinahagi ni Doug ang ilang larawan nila ni Chesca. Ang isa ay black and white portrait at ang isa naman ay isang throwback noong nasa beach sila.

“I’m just happy and blessed to be growing old with you baby. Happy birthday sweetheart!” sabi pa nito.

Sa isang hiwalay na post, binigyan ni Doug si Chesca ng tatlong bouquets ng stargazers.

“Spoiling her with love and flowers! Happy birthday to my forever sweetheart, @chekakramer!” aniya pa sa IG.

Basahin: Chesca sa kaarawan ni Doug, ‘How thankful and proud I am that I have you by my side’

Kamakailan ay binati rin ni Cheska ang kanyang mister at nag-post ng sweet message sa kaarawan nito.

Nag-compile ang aktres-model ng isang serye ng mga larawan at video kasama si Doug na in-upload niya sa Instagram reel noong Hulyo 10.

“To the one whom my soul loves, Happy Happy Birthday My Sweet Love!” saad ni Cheska. “How blessed we are to have you in our life!”

“We thank the Lord for such a loving, caring, thoughtful, generous, and hardworking man, who loves the Lord first above all else,” dagdag pa niya.

“How thankful and proud I am that I have you by my side. My partner in all things,” sabi niya. “Never a day that goes by that I don’t say, thank you Lord for him. Today, I celebrate that more than ever.”

Ikinasal sina Chesca at Doug noong 2008. Ni-renew nila ang kanilang vows makalipas ang 10 taon.

May tatlong anak ang mag-asawa na sina Kendra, Scarlet, at Gavin.

celebrity

Otin G ido-donate sa charity ang kaniyang kinita sa TikTok Live

Published

on

By

Ibabahagi ni AC Soriano sa Home for the Golden Gays ang kaniyang buong kinita sa libreng online concert noong Enero 20 na kasabay ng 20th Anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Smart Araneta Coliseum.

SI AC Soriano ay mas kilala rin bilang si Otin Gonzaga-Soriano at impersonator ni Toni.

Ayon sa kaniyang tweet noong isang araw, nito lang nang malaman niya na may stickers pala sa TikTok Live at ibig sabihin ay may kinita ang kaniyang online concert.

“Hello! medyo later ko na na-realize na may stickers nga pala sa tiktok live at may halaga pala yun!” wika ni Otin.

Dahil dito, dodoblehin niya umano ang naturang halaga at ibibigay sa Home for the Golden Gays; ang tahanang kumukupkop at nag-aaruga sa mga may edad nang miyembro ng LGBTQ community.

“Ang gagawin ko na lang, I will double the amount, and we’ll donate the whole amount sa home for the golden gays!” dagdag pa nito.

Magugunitang tinapatan ng ‘I Am Otin’ ni Otin G. ang Araneta concert ni Toni na ‘I Am Toni’.

Nag-trending ito sa Twitter at humamig rin ng mahigit 25,000 views at mahigit 5 million likes sa TikTok Live.

Magkakasabay na trending topic noon ang hashtags na #Araneta, #IAmOtin at #PaalamToniGonzaga.

Kabilang sa kaniyang mga special guests ay ang mga kaibigan at social media personalities na sina Sassa Gurl, Jun Salarzon, at Toniyuh habang ang buong pamagat naman ng kaniyang concert ay “I Am Otin,” the 20th Anniversary Dogshow.

Samantala, ang kabuuang kinita ni Otin ay umabot sa $207.60 o mahigit P11,000 kaya aabot sa P22,000 ang kaniyang maido-donate sa ‘Home for the Golden Gays’.

Continue Reading

celebrity

Maymay may madamdaming birthday message sa kaniyang mommy: ‘Ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko’

Published

on

By

Kinilala ni Maymay Entrata ang kadakilaan at mga sakripisyo ng kaniyang inang si Lorna na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan.

Sa isang Instagram post, binati ng Kapamilya aktres ang kaniyang mommy na ayon kay Maymay ay siyang pinakamalaki niyang inspirasyon.

“Happy Birthday mama @lorna.entrata , ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko kung bakit nalalampasan ko bawat pagsubok bilang isang breadwinner,” ani Maymay sa kaniyang post.

“Inay kita pero ikaw pa yung nahihiyang humingi ng tulong mula sa akin. Kaya mas lalo akong nagaganahan ibigay po sayo lahat kasi na a-appreciate mo po lahat ng pinaghirapan ko,” dagdag pa niya.

Habambuhay niya umanong pasasalamatan ang kaniyang mommy at ang Panginoon dahil sa pagkakaroon ng inang katulad niya.

“Wala sa katiting ang pinaghirapan ko sa pinagdaanan mo ma, kaya habang buhay ako saludo at nagpapasalamat sa Panginoon na may ina/ama akong tulad mong mapagmahal, malakas ang loob at mapagpatawad,” patuloy ng Pinoy Big Brother grand winner.

“Mahal na mahal kita ma, Happy Birthday,” pagtatapos ni Maymay.

Nang mabigyan ng break sa showbiz matapos makilala dahil sa PBB, hindi nakalilimutan ni Maymay na ibahagi ang kaniyang mga blessings at tagumpay sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang pinakamamahal na nanay.

Noong 2019, binilhan niya ng bahay ang kaniyang ina na isang OFW sa Japan.

“Ang mahal po kasi ng renta doon, so ngayon naiyak siya kasi may sariling bahay na siya, at hindi niya akalain na magkakabahay pa siya. Tapos, masaya rin ‘yung kapatid ko na bunso,” saad ni Maymay sa panayam noon.

Tila malayo na nga ang naabot ni Maymay sa larangan ng entertainment industry dahil bukod sa pag-arte sa telebisyon at pelikula, isa na rin siyang singer, TV host, model at noong Nobyembre lamang ay nominado ito bilang Best Asia Act sa MTV Europe Music Awards (EMA).

Continue Reading

celebrity

Deniece Cornejo may patutsada sa pagbabalik ni Vhong sa ‘It’s Showtime’?

Published

on

By

Tila may simpleng patutsada si Deniece Cornejo matapos ang pagbabalik ni Vhong Navarro sa ‘It’s Showtime’ nitong Lunes, Enero 16.

Sa kaniyang Facebook, ibinahagi ni Deniece ang post ng ‘It’ Showtime’ page tungkol sa umano’y inaabangan ng ‘madlang pipol’ noong Lunes.

Anang naturang post, “Madlang People! Anong inaabangan nyo ngayong Lunes? Wrong answers only!”

Sa kaniyang caption, nilagay naman ng 31-anyos na controversial model ang hashtag na #ryhmeswithWRONG na halata namang ang tinutukoy ay ang pangalan ni Vhong.

Kung matatandaan, ang nasabing hashtag rin ang ginamit ni Kat Alano noon nang ibulgar niya na isang kilalang celebrity ang diumano’y nanghalay rin sa kaniya bagama’t hindi niya ito pinangalanan.

Samantala, naging emosyonal naman si Vhong Navarro sa kaniyang pagbabalik sa ‘It’s Showtime’; mahigit apat na buwan matapos muling buksan ang kasong isinampa sa kaniya ni Deniece.

Dahil raw sa kaniyang nasaksihan sa loob ng piitan, natuto siyang kumapit sa Panginoon at sa kaniyang pamilya para malagpasan ang pinagdadaanang gusot sa personal na buhay.

BASAHIN: Vhong Navarro nagbahagi ng naging buhay sa piitan sa pagbabalik sa ‘It’s Showtime’

“Kumapit ako sa Panginoon, sa asawa ko, sa mga anak ko, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, at sa mga taong nagdarasal at naniniwala sa akin kaya patuloy akong lumaban na malagpasan ‘yung mga problemang pinagdaraanan,” bahagi ng komedyante.

Nagpasalamat rin si Vhong sa kaniyang mga kasamahan sa noontime show na sobra niya raw na-miss.

“Thank you my showtime family! Thank you, God for making this happen. Na-miss ko kayo, Madlang Pips,” ayon sa kaniyang Instagram post.

Kaugnay naman ng kaniyang kasong kinakaharap, noong nakaraang linggo ay ibinasura ng korte sa Taguig City ang motion for reconsideration (MR) na inihain ng kampo ni Deniece na humihiling na baliktarin nito ang naunang desisyon na pinapayagang makapagpiyansa ang TV host-actor.

Samantala, sa Pebrero 16 ay nakatakdang muling magharap ang dalawang kampo para sa susunod na pagdinig ng korte.

Continue Reading

Trending