Connect with us

celebrity

EJ Obiena ibibigay kay Lydia de Vega ang incentive na kanyang matatanggap mula sa PSC

Published

on

Ang ating Pinoy Olympian at pole vault World No. 3 na si EJ Obiena ay kapapanalo lamang sa World Championships, at nakakuha ng bronze medal.

Binigyang-pugay niya ang mga itinuturing na alamat sa larangan ng atletika sa bansa na nagbigay-daan din sa kanyang tagumpay. Kabilang na dito ang tinaguriang ‘Asia’s fastest woman in the 80’s’ na si Lydia De Vega na nakilahok din sa inaugural World Championships taong 1983.

“I am also here today because I am standing on the shoulders of giants. The legends of Philippines Athletics who paved a way for me. Who brought attention and success to athletics. I owe them a debt of gratitude.”

Kasabay ng kanyang pasasalamat sa makasaysayang pagkapanalo ay ang kanyang pahayag na ibibigay niya ang makukuhang insentibo na P250,000 mula sa Philippine Sports Commission (PSC) sa track legend na si De Vega na kasalukuyang nakikipagbaka sa mabigat na karamdaman at sumailalim sa isang operasyon kamakailan lamang.

Ang ₱250,000 ay isang insentibo na ipagkakaloob umano ng PSC dahil na-break niya ang Asian Record. Ang hangaring makatulong kay De Vega ay higit pa sa sarili niyang mga alalahanin kaugnay sa funding.

“I have just learned of the plans of PSC to reward me with 250,000 pesos incentive for breaking the Asian Record. This is deeply appreciated, and certainly needed since my funding is still yet to be sorted, despite the mediation agreement,” aniya sa kanyang Facebook post.

Sinabi rin niyang “On the flight back to Italy, it occurred to me that despite my own training needs, Mam Lydia needs this money more than I do. So, I am hereby pledging to gift these 250,000 pesos once paid, directly to the family of Lydia De Vega for her medical expenses.” 

Bukod dito, tutumbasan din umano ng ibang miyembro ng Team Obiena – sina James and Carol Lafferty – ang kanyang donasyon kaya’t aabot na ito sa ₱500,000.

“In total, Team Obiena will pledge 500,000 pesos to Mam Lydia and her family. We hope this makes a difference and gives Mam Lydia added strength to battle this horrible disease. God bless you and give you strength Mam Lydia,” masayang pagbabahagi niya.

Ang pamilya ni De Vega ay umapela ng tulong kaugnay dito nitong buwan lamang ng Hulyo. Taong 2018 nang mapag-alaman na may breast cancer ang ngayon ay 57-anyos nang sports legend.

Panoorin ang isa niyang video ng pagtakbo taong 1986 sa YT channel ng Latest Sports News:

celebrity

PGT winner at hit singer na si Jovit Baldivino namaalam na sa edad na 29

Published

on

jovit baldivino

Tuluyan nang namaalam ang 29-anyos na singer at unang Pilipinas Got Talent (PGT) winner na si Jovit Baldivino matapos ang ilang araw na pagkaka-confine sa intensive care unit ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City.

jovit baldivino

Sa ulat ng ABS-CBN, ang network kung saan unang nadiskubre ang talento ni Jovit, kinumpirma umano ng mismong ama ni Jovit sa isang panayam na namaalam na ang aktor na unang nagkaroon ng mild stroke noong Nobyembre 2022.

“He passed away around 4 a.m. after six days of confinement due to stroke complications,” ani Hilario Baldivino.

“Masakit sa loob namin pero kailangang ipasa-Diyos namin ito,” pagpapatuloy ng ama. “Mahal na mahal ko anak ko pero mayroon din tayong Panginoon kaya kailangan tanggapin natin.”

Naimbitahan umano si Jovit sa isang Christmas party sa Batangas City, kung saan ito muling nakaranas ng stroke.

[RELATED – Jovit Baldivino nag-collapse sa isang party, kasalukuyang nasa ICU]

“Three songs lang kanta niya. Pagkatapos nakita na siya nakaupo, nakangiwi ang nguso. Nadala agad siya sa ospital, nakalakad mula ambulansya,” kuwento ni Hilario. “Nasabi pa niya na lalaban siya dahil gusto niyang mabuhay. Pero na-comatose na siya pagkatapos ng operasyon.”

jovit baldivino

Nakilala si Jovit matapos ideklarang grand winner sa PGT noong 2010. Naging matagumpay din ang kaniyang singing career at nakapaglabas ng ilang album kabilang na ang Faithfully na nag-triple platinum, I’d Do Anything For Love (Platinum), OPM Greatest Hits Volume One (triple platinum), at Jukebox na lahat ay sa ilalim ng Star Records.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng maybahay ng singer na si Camille Ann Miguel ang larawan nilang mag-asawa kalakip ang caption na, “Asawa ko.” Dito ay bumuhos ang mga mensahe ng pagmamahal, pakikiramay, at mga panalangin para sa hit singer.

jovit baldivino

Kaka-29 lamang ni Jovit noong October 16.

“Marami siyang pinasaya, at alam din namin mahal siya at kami ng mga tao kaya masakit man, nagpapasalamat pa rin kami sa Diyos dahil ‘yan ang tinadhana niya sa aming pamilya,” wika ng ama ni Jovit.

Continue Reading

celebrity

‘Hinagpis ng pangalawang anak?’ Alex Gonzaga tinanong kay Mommy Pinty kung bakit mukha siyang yagit noon

Published

on

By

Muling pinatawa ni Alex Gonzaga ang mga netizens sa kanyang bagong post sa Instagram feed.

Ibinahagi niya ang throwback photo nila ng kapatid niyang si Toni Gonzaga. Ang larawan ay kuha noong mga batang paslit pa sila.

Binuksan ni Alex ang kanyang nakakatawang mga saloobin tungkol dito. Pabiro niyang ikinumpara ang hitsura at suot niya sa kapatid.

Hinikayat din ni Alex ang lahat na makinig sa kanyang bagong podcast kaugnay sa karapatan bilang pangalawang anak.

“In my new podcast pag uusapan natin ang mga hinagpis ng pangalawang anak!!! Kitang kita nyo naman sa litrato kung gaano ako kayagit kumpara sa ate ko,” isinulat niya.

“Ang ate ko may yaya pa ako ni salawal at medyas wala. Ano to! You can watch and listen on Spotify! Basta pangalawang anak ka makakarelate ka dito Hahaha,” dagdag pa ng aktres.

Sa kaniyang Tiktok ay nag-upload siya ng video kalakip ang mga lumang larawan habang pinagpapaliwanag niya si Mommy Pinty kung bakit mukhang yagit siya kumpara sa kanyang ate sa mga larawan.

“Babasagin na ang katahimikan Mga hinagpis ng Pangalawang anak,” saad sa caption ng aktres sa kanyang TikTok.

Aliw na aliw naman ang mga netizen sa kanyang ibinahaging larawan at mayroong mga naka-relate sa post niya.

“Good vibes ka talaga Alex hehehehe I l0ve you palagi”

“Alex normal talaga yan sa amin din magkakaptid may bukod tangi talaga.

“Yes sis relate much! Kung baga sa juice na tinimpla ni mudra sayo ‘yung buo buo pang juice na hindi na nahalo sa tubig.”

“Pati sa sapatos na suot alam na alam kung sinong paborito.”

Napansin rin ng kanyang mga follower ang usong sapatos noon, “The Signature Shoes” ng baby noon.”

“hahahhaha…kaya love kita eh, hahahha ipaglaban ang karapatan.”

“Ganyan kasi pag panganay alagang alaga pag second child na, wala.”

Ganoon nga ba ang nagiging normal na takbo o kadalasang nagaganap sa pamilya?  hahaha  Ikuwento mo kung pangalawang anak ka rin.

Continue Reading

celebrity

Jovit Baldivino nag-collapse sa isang party, kasalukuyang nasa ICU

Published

on

By

Nag-collapse diumano ang Kapamilya singer na si Jovit Baldivino habang dumadalo sa isang party sa Batangas City gabi nitong nakaraang Linggo, Disyembre 4.

Ayon sa Facebook page na TBST (Totoong Balitang sa Southern Tagalog), isinugod sa Jesus of Nazareth Hospital si Jovit matapos bigla na lamang itong bumagsak habang nasa party.

Kinumpirma rin umano ito ng source ni Abante correspondent Ronilo Dagos na nagsabing may pumutok na ugat sa ulo ng kauna-unahang Pilipinas Got Talent (PGT) champion at posibleng aneurysm ang sanhi nito.

Naoperahan na naman daw sa naturang ospital si Jovit at nailipat na ito sa ICU kung saan nananatiling nakaratay ang singer.

Tumanggi naman munang magsalita ang pamilya ni Jovit at humihiling sila ng privacy para sa kaanak na maysakit.

Sumikat si Jovit matapos ideklarang grand winner sa PGT noong 2010. Naging matagumpay din ang kaniyang singing career at nakapaglabas ng ilang album kabilang na ang ‘Faithfully’ na nag-triple platinum, ‘I’d Do Anything For Love’ (Platinum), ‘OPM Greatest Hits Volume One’ (triple platinum) at ‘Jukebox’ na lahat ay sa ilalim ng Star Records.

Bahagyang lumamlam ang kaniyang career matapos masangkot sa kontrobersiya sa kaniyang personal na buhay nong 2021.

May kinalaman ito sa akusasyon ng kaniyang dating kasintahan na inakusahan siya ng pambababae kaya nauwi sa hiwalayan ang dalawang taon nilang relasyon na nagbunga pa ng dalawang supling.

Continue Reading

Trending