Nostalgia
Good old days! Litrato ni Francis M habang buhat ni Edu larawan ng masayang kahapon
Published
8 months agoon
By
Cha Echaluce
Mahigit sampung taon na rin simula noong sumakabilang-buhay dahil sa isang karamdaman ang tinaguriang “King of Rap” na si Francis “Francis M” Magalona ngunit hanggang ngayon ay marami pa rin ang nakaka-miss sa Pinoy rap icon, kaya naman kayamanan para sa kanyang mga fan ang mga lumang litrato niya; katulad na lamang ng isang larawan na ibinahagi ng beteranong aktor na si Edu Manzano sa social media.
Sa Instagram, nagdala ng nostalgia at tuwa sa maraming netizens ang litrato ni Francis M habang buhat ni Edu sa balikat nito. Salamat sa “malupit na throwback” na ibinahagi ni Edu sa popular na photo sharing app.
“Heto ang isang malupit na #throwback! Taken during the Star Olympics. At sino ang poging nasa balikat ko? None other than the late Francis Magalona!” saad niya sa caption ng litrato nila ng rapper-actor na yumao noong 2009. Kuha ang larawang ito Star Olympics maraming taon na ang nakararaan.
Hindi naman napigilan ng Instagram users na magbalik-tanaw matapos makita ang masaya, malusog, at puno ng buhay na rap legend sa likod ng mga popular na awiting Gotta Let ‘Cha Know, Cold Summer Nights, Mga Kababayan, at Kaleidoscope World.
Bukod sa mga tagahanga ni Francis M ay nag-iwan din ng komento sa post ni Edu ang OPM artist na si Yanni Yuzon, na hindi napigilang maging sentimental nang makita ang larawan ng kapwa musikero na sumuporta raw sa kanila noon.
“Ganda ng photo. My brother and I owe Francis a lot. He supported our music. Great guy. We miss him terribly,” aniya.
Samantala, hindi lamang sina Francis M at Edu ang celebrities na makikita sa litrato. May iba pang mga artista sa parehong larawan; kabilang na ang child wonder ng kanyang panahon na si Matet De Leon na batang-bata pa noong panahong iyon.
You may like
-
‘I’ll never forget our friendship’: Michael V inalala si Francis Magalona
-
Krayolang pinangarap ng marami noon pero bihira lang ang mayroon, nagpabalik sa nakaraan
-
Ice Seguerra inalala ang ama: ‘2 taon mula noong nauna ka na para makipag-mahjong at bidyoke sa langit’
-
Cherry Pie Picache pens cheesy birthday message for Edu Manzano
-
Soft drink ng mga Pinoy, mas masarap nga ba kapag nasa stainless na baso?
-
Balikan: Ang ‘best meryenda combo’ na Coke at tinapay noong dekada ’80, ’90
Nostalgia
Krayolang pinangarap ng marami noon pero bihira lang ang mayroon, nagpabalik sa nakaraan
Published
2 months agoon
January 20, 2023By
Joyce
Coloring books ang isa sa mga nagpasaya sa mga bata noong araw; mga panahong wala pang gadgets. Kung wala kang coloring book, maaari kang gumuhit ng mga larawan at saka mo ito kukulayan.
Siyempre, para malagyan ng kulay at mabigyan ng buhay ang mga larawan, kailangan mo ng pangkulay gaya ng krayola. At kung marami kang krayola (crayons), aba, masayang-masaya ka na at kinaiinggitan pa ng mga kaklase kaya’t hinihiraman ka tuwing may project.
Kaya naman isang Facebook post ang pumukaw sa netizens tungkol sa pinangarap nilang krayola o pangkulay noong kanilang kabataan.
Pagbabahagi ni ka-NP Ben Totanes sa Nostalgia Philippines, “16 colors lang sa akin noon… lol”
Sinegundahan naman siya ng mga miyembro ng FB group na nagsiaming pinangarap din nila ang krayolang 64 piraso ang laman na may pantasa pang kasama sa likod ng sisidlan.
Karamihan ay walong kulay lamang ang naabot at 16 naman sa iba. Isa talagang malaking pangarap para sa mga bata noon ang magkaroon ng “64 different brilliant colors’ na iyan! At kung may coloring books ka rin noon, maaalala mo rin siguro ang mga kaklaseng sabik na makikulay sa iyong CB. “Pa-color naman!”
“8 colors lng yung sa akin dati. Rich kid lng ang may ganyan.”
“Rich kid ka kapag crayon mo ay ganito noon, Sa akin nga eh hanggang 8 colors lang, taz tipid na tipid pa sa pag gamit.”
“Pag ganito crayola mo pwede ka na tumakbong president sa klase.”
“Pangarap ko yan noong bata pa ako. Isa yan sa mga palatandaan ng rich kid.”
“Haha nagkaroon ako iyan ng elementary dhil gusto ng parents ko kumpleto ako sa gamit ko dhil lalo na teacher ang mother ko kya alam nya ang bagay na wala sa gmit. Kaso ang ang aking pinapaboritong crayola napaginteresan Kya ayon na wala o ninakaw my pantasa ksi sya sa likod.”
“Gang 16 lang kmi nun happy na.”
“Pang RK (rich kid) 🤣🤣 classmate ko nung grade 3 may ganyan siyaa kasi nasa abroad father niya at siyaa lang may ganyan samin nun.”
“Hanggang 48 colors lang ako noon hehe. Pero one time, noong nagtuturo na ako, bumili ako ng 64 colors na Crayola 🤣 Wala lang, trip ko lang. Nakaka-high ang amoy sa akin 🤣
“Rich kid ang may ganyan!”
Sa totoo lang, hanggang ngayon naman ay marami pa rin ang hindi nakakayang makabili ng krayola gaya ng estudyanteng nag-viral kamakailan na binigyan ng guro ng 16 colors na Crayola para sa kaniyang pag-aaral.
Nostalgia
Soft drink ng mga Pinoy, mas masarap nga ba kapag nasa stainless na baso?
Published
7 months agoon
August 27, 2022By
Cha Echaluce
Bago nauso ang milk tea at iba pang mga patok na inumin, sapat na bilang meryenda ng mga Pilipino noon ang soft drink na may kapares na tinapay o biskwit. Pero bukod sa inuming ito na kumukumpleto sa kanilang “merienda combo”, mas napapasarap daw ang kanilang simpleng “food trip” kapag ang soft drink na ito ay nakalagay sa minsa’y nauso na stainless na baso.
Sa Facebook, binalikan ng marami ang mga panahon kung kailan para bang mas sumasarap ang soft drink na kanilang iniinom kapag nakalagay ito sa “espesyal” nitong baso.
“Aminin n’yo, mas masarap ang Coca-Cola kapag nasa ‘stainless’ na baso. Hahaha!” natatawang sabi ng social media user na si Efraime Mallari matapos mag-upload ng litrato ng soft drink na nasa stainless na baso.
Sa comments section ng litrato, nagbahagi ng kanya-kanya nilang alaala ang mga Facebook user na ang mas gusto rin daw iniinom ang soft drink kapag nakalagay sa nasabing baso.
Mayroon din nang-“mention” ng kanilang mga kapamilya at kakilala upang ipaalala ang mga panahong usong-uso pa at halos lahat ng bahay ay mayroong ganitong uri ng lalagyan ng inumin.
Samantala, may mga gumagamit pa rin daw ng basong ito hanggang sa kasalukuyan.
As of posting, bukod sa daan-daang kumento ay nakakuha na ng lampas 22,000 reactions at mahigit 44,000 shares ang larawan ng Coke na nakalagay sa “stainless” na baso.
Kung ikaw ang tatanungin, mas masarap nga ba talaga ang soft drink kapag nakalagay sa stainless na baso? Ano ang mga hindi mo makalilimutang alaala na maikakabit sa basong ginagamit mo sa pag-inom ng soft drink sa meryenda noon? Ibahagi sa amin ang iyong mga kuwento!
Nostalgia
Balikan: Ang ‘best meryenda combo’ na Coke at tinapay noong dekada ’80, ’90
Published
7 months agoon
August 10, 2022By
Cha Echaluce
Bago nauso ang food delivery services na nagbibigay sa atin ng maraming pagpipilian sa meryenda nang hindi umaalis sa ating mga kinaroroonan, isa sa mga tinaguriang “best meryenda combo” noong dekada 80 hanggang dekada 90 ang Coke at tinapay.
Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang mga panahon na “solved” na sila sa “tandem” ng Coke at tinapay bilang pagkain sa hapon.
Anila, kapag ito ang pagkain mo noon ay “rich kid” ka nang maituturing ng iyong mga kalaro at kaibigan. Ang iba nga raw ay nakatitikim lamang ng softdrink na ito kapag mayroong bisita, kaya naman masayang-masaya sila sa tuwing magiging kapares ito ng meryenda nilang tinapay.
“Noon, kapag ganiyan ang meryenda mo, yayamanin ka na niyan!” pag-aalaala ng Facebook user na si R. R. Cinco.
“Noong 1980s, 1990s, kapag nakabili ka ng Coke litro noon at makabili ka ng pineapple pie or egg pie, rich kid ka na noon. Ang siste kasi sa amin, nakakatikim lang kami ng Coke litro or Pepsi kapag may mahalagang okasyon sa bahay,” pagbabalik-tanaw ni H. Nichole. “Mas uunahin pa ang bisita kaysa sa amin.”
“Dati nakakatikim lang kami niyan kapag may bisita at kung may tira ang bisita,” kumento ni M. R. Gray.
Kuwento naman ni Red, “Nakakainom lang kapag may bisita. Noong high school kami, hati-hati kami sa isang litro at pinapantay pa iyong laman ng plastik para walang lamangan. Tapos lalagyan ng maraming cracked ice, tipong umaapaw at lasang tubig na!”
Ikaw, naging paborito mo rin ba ang meryenda combo na ito? Ano-ano ang mga alaalang kakabit nito na hindi mo pa rin nakalilimutan hanggang sa ngayon? Ibahagi sa comments section ang iyong mga kuwento!

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Panoorin: Mahusay na rendisyon ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ nag-trending, hinangaan

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Inang ibinalik ang unang suweldo ng anak, kinaantigan

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Liza Soberano nagsalita na, ‘I’ve earned the right to finally be me’

Vicki Belo, Hayden Kho emosyonal sa 8th birthday post para kay Scarlet
