celebrity
Hidilyn Diaz ikakasal sa Baguio sa parehong araw ng kanyang Olympic gold win, July 26
Published
7 months agoon
By
Yuna
Masayang ibinahagi ng 2021 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz ang isang sulyap sa pre-nuptial shoot nila ng kanyang soon-to-be husband na si Julius Naranjo sa kanyang Facebook page.
Ipinost ng 31-anyos ang ilang snaps ng kanilang photoshoot na kuha sa Baguio City at ilang bahagi ng Benguet.
“I’m excited to share with you our pre-nup photos with Mayad Studio“, aniya.
“Napakasaya ng pre-nup shoot na ginanap sa Northern Blossom Flower Farm , Baguio Country Club, at Stronghold Athletics, di ko ito makalimutan kasi napatawa nila si Julius ng 9.5,” sabi ni Diaz sa kanyang caption.
“Di ko rin makalimutan kung gaano kaganda ang view sa Atok Benguet at Baguio, at kung gaano kasaya kasama ang mga kasama namin dito sa shoot,” dagdag pa niya.
Inihayag ni Diaz na ikakasal siya kay Naranjo sa Hulyo 26 – eksaktong isang taon ng kanyang makasaysayang panalo sa Tokyo Games na nagbigay sa Pilipinas ng kauna-unahang gintong medalya sa quadrennial meet.
Ang kasal ay gaganapin sa Philippine Military Academy sa Baguio.
“Mag-iisang taon na pala ang pagpapanalo natin ng Gold medal sa Olympics , at ngayon July 26, 2022 magpapakasal na kame ni Julius Irvin Hikaru T. Naranjo,” pagbabahagi ni Diaz.
Sinabi ni Diaz na dumaan din sa pagsubok ang kanilang relasyon, ngunit mas nanaig umano ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
“’Di naging madali ang pinagdaanan namin bilang magkasintahan, maraming naghusga, maraming nagduda, ang daming iyak, at ang daming sakripisyo pero nanaig ang pagmamahal sa isa’t-isa, pagmamahal sa ginagawa, pagmamahal sa bansa, at pagmamahal sa Diyos.”
Naganap ang engagement nina Hidilyn at Julius ay noong Oktubre 2021 pagkatapos ng tatlong taon na pagsasama.
Nakilala niya si Naranjo, isang Filipino-Japanese weightlifter, sa Asian Indoor and Martial Arts Games sa Ashgabat, Turkmenistan noong 2017.
Marami naman ang nagpaabot ng pagbati mula sa kanyang mga tagahanga.
“Congrats and best wishes to you both. You deserve this momentous milestone in your life. God bless always.”
“Congratulations our Champ! Congratulations and God bless to you new journey as a couple!”
“Magic date – July 26, 2022 Congratulations and Best Wishes in advance to Mr and Mrs. Julius Naranjo”
You may like
-
Prenup shoot nina Jason Abalos, Vickie Rushton may temang Filipiniana
-
Leni Robredo ninang sa kasal nina Hidilyn at Julius kasama ng ilang celebs at negosyante
-
Prenup photoshoot ng isang couple sa tuktok ng Mt. Apo hinangaan ng netizens
-
Yen Santos, Rabiya Mateo, AJ Raval naungusan sina VP Leni at Inday Sara sa 2021 “most googled” female personalities
celebrity
Sen. Lito Lapid inaming nakararanas pa rin ng ‘pang-aapi’ dahil hindi nakapag-aral
Published
13 hours agoon
February 6, 2023By
Ron
Inamin ni Sen. Lito Lapid na sa kabila ng kaniyang edad at pagiging pulitiko ay binabalik-balikan at hindi niya pa rin maiwan ang pag-arte sa harap ng kamera.
Ayon sa beteranong actor-politician, kahit na abala siya sa pagiging mambabatas ay gustong-gusto pa rin niya ang lumabas sa mga pelikula at telebisyon.
“Kasi, ‘yun ang binuhay ko… hindi naman talaga ako pulitiko, e. Unang-una, hindi naman ako nag-aral. High school lang ako,” anang senador sa panayam ng PEP.
Dahil umano dito ay pinayuhan niya ang kaniyang panganay na anak na si Mark Lapid na mag-aral nang mag-aral.
“Sabi ko sa kanya, ‘Ipaghiganti mo ako, mag-aral ka,” bahagi pa ng action star na sumikat sa mga pelikulang ‘Ang Pagbabalik ni Leon Guerrro’, Julio Valiente, Zigomar, Tatlong Baraha’, Isaac, dugo ni Abraham, at marami pang iba noong dekada 80.
Inamin rin ni Lapid na kahit senador na siya ngayon ay nakararanas pa rin ng ‘pambu-bully’ dahil sa kawalan ng tinapos na kurso.
“Palagi akong inaapi dahil hindi ako nag-aral, ‘di ba? Kahit senator na ako, ‘yun pa rin ang sinasabi sa akin. Parang wala akong alam, ‘yun ang tingin nila sa akin,” pagbabahagi ni Lapid.
Gayunpaman, hindi na lang daw niya ito pinapatulan dahil totoo naman talaga na kulang siya sa pinag-aralan.
“Totoo naman ang sinasabi nila na hindi ako nakapag-aral. Ano ang magagawa ko, anak ako ng labandera? Hindi ako kayang pag-aralin ng nanay ko,” saad ng mambabatas.
“Siguro ‘yung nagsasabi nun, naiinggit. Narating ko ang ganito kahit hindi naman ako nakapag-aral. Kasi, mahal ako ng Panginoon. Hindi ko na lang nga pinapansin,” wika pa nito.
Nilinaw naman ni Sen. Lapid na hindi siya nakararanas ng ‘pang-aapi’ mula sa kaniyang mga kapwa-senador kahit pa karamihan sa kanila ay nakatapos at may mataas na pinag-aralan.
Samantala, pinag-iisipan na rin umano niyang magretiro sa pagiging pulitiko at hindi na tumakbo pa sa mga darating na halalan.
Bago maging senador, si Lapid ay nagsilbi ring bise-gobernador at gobernador ng lalawigan ng Pampanga.
Samantala, muli siyang mapapanood sa telebisyon sa bagong teleserye ng Kapamilya network na ‘FPJ’s Batang Quiapo’ na muling pagbibidahan ni Coco Martin.
celebrity
Otin G ido-donate sa charity ang kaniyang kinita sa TikTok Live
Published
2 weeks agoon
January 24, 2023By
Ron
Ibabahagi ni AC Soriano sa Home for the Golden Gays ang kaniyang buong kinita sa libreng online concert noong Enero 20 na kasabay ng 20th Anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Smart Araneta Coliseum.
SI AC Soriano ay mas kilala rin bilang si Otin Gonzaga-Soriano at impersonator ni Toni.
Ayon sa kaniyang tweet noong isang araw, nito lang nang malaman niya na may stickers pala sa TikTok Live at ibig sabihin ay may kinita ang kaniyang online concert.
“Hello! medyo later ko na na-realize na may stickers nga pala sa tiktok live at may halaga pala yun!” wika ni Otin.
Dahil dito, dodoblehin niya umano ang naturang halaga at ibibigay sa Home for the Golden Gays; ang tahanang kumukupkop at nag-aaruga sa mga may edad nang miyembro ng LGBTQ community.
“Ang gagawin ko na lang, I will double the amount, and we’ll donate the whole amount sa home for the golden gays!” dagdag pa nito.
Magugunitang tinapatan ng ‘I Am Otin’ ni Otin G. ang Araneta concert ni Toni na ‘I Am Toni’.
Nag-trending ito sa Twitter at humamig rin ng mahigit 25,000 views at mahigit 5 million likes sa TikTok Live.
Magkakasabay na trending topic noon ang hashtags na #Araneta, #IAmOtin at #PaalamToniGonzaga.
Kabilang sa kaniyang mga special guests ay ang mga kaibigan at social media personalities na sina Sassa Gurl, Jun Salarzon, at Toniyuh habang ang buong pamagat naman ng kaniyang concert ay “I Am Otin,” the 20th Anniversary Dogshow.
Samantala, ang kabuuang kinita ni Otin ay umabot sa $207.60 o mahigit P11,000 kaya aabot sa P22,000 ang kaniyang maido-donate sa ‘Home for the Golden Gays’.
celebrity
Maymay may madamdaming birthday message sa kaniyang mommy: ‘Ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko’
Published
2 weeks agoon
January 20, 2023By
Ron
Kinilala ni Maymay Entrata ang kadakilaan at mga sakripisyo ng kaniyang inang si Lorna na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan.
Sa isang Instagram post, binati ng Kapamilya aktres ang kaniyang mommy na ayon kay Maymay ay siyang pinakamalaki niyang inspirasyon.
“Happy Birthday mama @lorna.entrata , ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko kung bakit nalalampasan ko bawat pagsubok bilang isang breadwinner,” ani Maymay sa kaniyang post.
“Inay kita pero ikaw pa yung nahihiyang humingi ng tulong mula sa akin. Kaya mas lalo akong nagaganahan ibigay po sayo lahat kasi na a-appreciate mo po lahat ng pinaghirapan ko,” dagdag pa niya.
Habambuhay niya umanong pasasalamatan ang kaniyang mommy at ang Panginoon dahil sa pagkakaroon ng inang katulad niya.
“Wala sa katiting ang pinaghirapan ko sa pinagdaanan mo ma, kaya habang buhay ako saludo at nagpapasalamat sa Panginoon na may ina/ama akong tulad mong mapagmahal, malakas ang loob at mapagpatawad,” patuloy ng Pinoy Big Brother grand winner.
“Mahal na mahal kita ma, Happy Birthday,” pagtatapos ni Maymay.
Nang mabigyan ng break sa showbiz matapos makilala dahil sa PBB, hindi nakalilimutan ni Maymay na ibahagi ang kaniyang mga blessings at tagumpay sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang pinakamamahal na nanay.
Noong 2019, binilhan niya ng bahay ang kaniyang ina na isang OFW sa Japan.
“Ang mahal po kasi ng renta doon, so ngayon naiyak siya kasi may sariling bahay na siya, at hindi niya akalain na magkakabahay pa siya. Tapos, masaya rin ‘yung kapatid ko na bunso,” saad ni Maymay sa panayam noon.
Tila malayo na nga ang naabot ni Maymay sa larangan ng entertainment industry dahil bukod sa pag-arte sa telebisyon at pelikula, isa na rin siyang singer, TV host, model at noong Nobyembre lamang ay nominado ito bilang Best Asia Act sa MTV Europe Music Awards (EMA).

Sen. Lito Lapid inaming nakararanas pa rin ng ‘pang-aapi’ dahil hindi nakapag-aral

Manny Pacquiao, proud Dad sa muling pagkapanalo ni Jimuel by UD sa amateur Vegas debut

McCoy de Leon kinumpirmang nagkabalikan na sila ni Elisse Joson

‘I chose to be quiet’: Sunshine Cruz sa dahilan ng hiwalayan nila ni Macky Mathay

Vice Ganda sa ‘isyu’ nila ni Karylle: ’Di daw siya naoffend… we are OK’

Tickets para sa Araneta concert ni Toni Gonzaga mahina ang bentahan?

Ama ni McCoy de Leon sa hiwalayang McLisse: ‘Hiyang-hiya ako sa nangyari’

Bag ni Heart Evangelista na nagkakahalaga ng P20-M usap-usapan sa socmed

KMJS video ng love story nina Boy Tapang at Fil-am GF naka-10M views na sa loob lamang ng isang araw

Kyle Echarri pens heartfelt message for sister battling serious condition
Trending
-
entertainment4 days ago
Carmina may sweet message sa kaarawan ni Zoren, ‘I love you tatay kahit maputi na ang buhok mo’
-
Philippine Showbiz3 days ago
‘I chose to be quiet’: Sunshine Cruz sa dahilan ng hiwalayan nila ni Macky Mathay
-
Philippine Showbiz4 days ago
Netizens natuwa sa priceless reaction nina Mela at Stela nang makita ang poster sa mall
-
Philippine Showbiz1 day ago
McCoy de Leon kinumpirmang nagkabalikan na sila ni Elisse Joson
-
celebrities3 days ago
Vice Ganda sa ‘isyu’ nila ni Karylle: ’Di daw siya naoffend… we are OK’
-
celebrities14 hours ago
Manny Pacquiao, proud Dad sa muling pagkapanalo ni Jimuel by UD sa amateur Vegas debut
-
celebrity13 hours ago
Sen. Lito Lapid inaming nakararanas pa rin ng ‘pang-aapi’ dahil hindi nakapag-aral