Connect with us

News

Maid in Malacañang’ movie teaser inilabas na

Published

on

Ang movie teaser ng ‘Maid in Malacañang’ ay inilabas na ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap nitong Hulyo 7, 2022.

In-upload ang teaser sa Facebook page ng VinCentiments at Viva Films na agad namang nag-viral sa social media platforms.  Sa isa pang post ay nagpasalamat si Yap dahil sa 1 million views nito in 7 hours sa Facebook at 1 million views in 5 hours sa TikTok.

“A Movie Teaser for #MAIDinMALACAÑANG A Film by Darryl Yap VIVA Films x VinCentiments, 3 August 2022 CINEMAS WORLDWIDE” saad sa caption ng VinCentiments sa teaser post.

Prinoduce ng Viva Films ang ‘Maid in Malacañang’, na iikot sa side story ng pamilya Marcos, 72 oras bago naganap ang EDSA People Power Revolution na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr, ayon umano sa reliable source.

Ang pelikula ay mapapanuod sa darating na Agosto 3, 2022 sa sinehan worldwide.

Samantala, marami ang nagpahayag ng excitement sa pelikulka at umani naman ng positibong komento mula sa mga netizens ang teaser.

“Patikim Direk! I’m a certified kakampink but I always admire your works. Being a kakampink can’t stop me watching your creations This movie could help us to understand the untold story. God knows the truth”

“So brave to make this film direk! And we will be courageous to watch can’t wait.”

“That was just 33 secs ha..pero grabe ang impact”

 

“Congrats Direk Darryl Yap.. I felt bad for the Marcos Family during the last 30 years, but now I am very Happy their way back.”

“Grabe teaser pa lang pero ang bigat na ang mga datingan..kinikilabutan ako..grabe Direk ikaw na talaga! Saludo ako sayo!”

“Sorry pero natulo luha ko, ramdam ko ‘yung emotion”

Ibinahagi rin ni Sen Imee Marcos at ng ilang cast ang teaser sa kanilang social media pages.

Mapapanood rin ang teaser sa YouTube channel ng VinCentiments [OFFICIAL]:

News

433 winners paghahatian ang P236M 6/55 Grand Lotto jackpot prize, mga netizen namangha

Published

on

By

O baka isa ka sa mga tumaya sa Grand Lotto nitong October 1, 2022 draw?

Ayon sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), 433 winners ang maghahati-hati sa jackpot prize na P236,091,188.40   sa 6/55 Grand Lotto draw nitong ika-9 p.m. ng Sabado, October 1, 2022.

Base sa pagbola ng mga numero ng PCSO, ang nanalong kombinasyon ay 09-45-36-27-18-54.

Ibig sabihin, ang 433 ticket holders na may eksaktong kombinasyon na ito ay maghahati-hati sa jackpot prize.  Ang bawat isang winning ticket ay makatatanggap ng ₱545,245.24 na premyo. Mahigit kalahating milyong piso bawat isa.

Mayroon ding 331 winners ng second prize na nagkakahalaga ng P100,000 at 2,491 winners naman sa thrid prize na may premyong P1,500.

Nakagugulat na resulta ng lotto draw

Ayon naman sa ABS-CBN Data Analytics head na si Edson Guido. “To get the 6 winning digits out of 55, that’s 1 out of 28,989,675 or 0.000003%.”

“Grabe ‘di ba, tapos 433 ang nakakuha,” dagdag pa nito.

Samantala, sa ibinahaging ‘breaking news’ ng ABS CBN News ay marami ang namangha. Mabilis na nag-viral ang balitang 433 ang nagwagi sa jackpot combination sa Grand Lotto draw.

Sa loob lamang ng ilang oras ay humakot na ng mahigit 23,000 shares at 10,000 komento ang naturang post ng Kapamilya Network. And counting pa!

Sa liit kasi ng probability (0.000003%) na makuha ang kombinasyon ay umabot pa sa 433 winning tickets. Libo-libo tuloy ang hindi napigilan ang sarili na maglabas ng pagtataka at idinaan na lang sa patawa ng iba.

“Most unlikely to happen?!?!”

“Yung akala nila milyonaryo ka na kasi nanalo ka ng 6 digit sa lotto.  Tas pila din daw yung claim”  🙂

“Yung MINSAN ka lang nanalo sa lotto ang dami nyo pa?!”

“Sana ganito din sa LET maraming mag To-top at papasa, kahit parang suntok sa buwan yung ganyan ka raming winners “

“Ang galing divisible by 9 yung numbers parang impossible mangyari haha!”

“Sige nga, #KMJS, HANPIN NYO ANG KAHIT KALAHATI NG MGA NANALO? PALIPARIN NGA BUONG TEAM?”

“Next time po PCSO. Sabihin nyo na lang winning combination, hindi yung manghuhula pa kami. Maraming Salamat po!”

Well, at least, imbes na isa lang ang nanalo sa jackpot, may 433 pamilya ang magkakaroon ng dagdag kabuhayan.

Continue Reading

News

Mga residente nadismaya sa mga sofa set na binili mula sa Aklan delivery truck

Published

on

By

Napakamurang sofa sets, too good to be true?

May paalala ang Kalibo Cable TV Network Inc, Bombo Radyo Kalibo at GMA News sa publiko kaugnay sa mga mapanlinlang na produkto na ibinebenta mula sa isang delivery truck sa Aklan sa ilang barangay.

Lumalabas kasi na ang ilang residente ng Libacao at New Washington sa Aklan ay naengganyong bumili ng mga sofa sets sa halagang P4,500 lamang mula sa isang delivery truck seller.  P12,500 umano ang orihinal nitong presyo.

Ayon umano sa pahinante ng delivery truck, ang mga naturang aytems ay tira mula sa mga stock o kaya’y mga na-pull ou umano sa mall.  Sa kasamaang-palad, dalawang linggo pa lamang ang lumipas ay bumigay at nangasira na ang mga nasabing sofa na binili sa kanila.

Napakahuna ng pagkakagawa sa mga sofa at nadiskubre nilang imbes na mga foam ang pinakaloob ng sofa, sangkatutak na karton ang ipinalaman dito. May mga kahoy rin umanong kasama na tila mga panggatong.

Nai-report na umano ito sa mga awtoridad. Sa kabutihang-palad ay may mga nakakuha ng litrato ng pahinante at ng plate number ng mga truck kaya’t inaasahang matutunton ang mga scammer na nasa likod ng panlolokong ito.

Bumuhos naman ang paalala at payo ng netizens sa pangyayaring ito. Mayroon ding nagbahagi ng kahalintulad na karanasan.

“Nakaabot Yan sa Antique meron din sila nabiktima.”

“Naganyan din kuya ko, goma lang pala kaya malambot nung una …ilang linggo lang bumigay na.”

“Wag kayong maniwala sa naglalako sa truck. Naloko din asawa ko na bumili ng kama 4800 nakasulat original daw na foam pero ng ilagay sa sasakyan ang gaan gaan, nong after one week sira agad. noong tinignan namin sa loob puro gawa pala sa marupok na kawayan. manloloko ang mga yan.”

“Wag kasi kayo basta bibili sa mga ganyang alok, may isa naman company na mapagkakatiwalaan sa ganyan at subok na matibay at matatag pang matagalan pa, original na foam, bawal sila maglako niyan talaga mismong outlet dealer lang nila.”

“Sila din yung nag iikot at umaalok ng bed at sala set dito sa Iloilo, closed Van ang service ang sabi lang naka promo daw si uratex.”

Kung matatandaan, taong 2020 naman nang malantad ang mga unan na ibinebenta na ang laman ay mga facemasks. Kaya naman tandaan, na kapag sa naglalako ka bumili, hindi iyan sigurado pagkat hindi mo na sila muling makikita. Sa mga may puwesto at kilalalang supplier lamang bumili ng inyong mga pangangailangan upang makaiwas sa mga scam.

Tignan ang laman ng mga sofa sa video na ibinahagi ng Kapuso Network. Lamang ang may alam; makaiiwas sa mga mapanlinlang.

Continue Reading

News

‘Liter of Light’, nagbigay ng ideya at liwanag sa mga Pinoy para makatipid sa kuryente

Published

on

By

Tuwing katapusan ng bawat buwan, pinoproblema ng marami si “Judith” o ang kanilang due date sa mga bayarin gaya ng kuryente, tubig at iba pa.

Kabilang sa pinoproblema ng marami ay ang gastos sa pagkonsumo ng kuryente. Mayroon din namang mga lugar na may kakulangan sa kuryente. Kung puwede lang sana ay magkaroon ng kuryente na hindi naman mabigat sa bulsa. Kaya naman may isang organisasyon na bumubuo ng solar lights na tipid sa kuryente at nagbibigay ng liwanag sa mga tahanan.

Ayon sa panayam ng “iJuander”, sinasabing base sa datos ng Department of Energy noong 2021, nasa 1.62 milyong kabahayan sa bansa ang hindi naaabot ng kuryente.

Nariyan ang Nursery Compound sa Barangay Talon Dos sa Las Piñas City na diumano ay limang taon nang wala pa ring kuryente kahit nasa siyudad lamang sila.

Nasa 100 pamilya ang naninirahan sa compound, at ang iba ay nagbabayad ng P70 kada gabi para makigamit ng generator at mailawan ang kanilang tahanan pagsapit ng dilim.

Ang ilang komunidad naman ay gumagawa ng paraan sa paglikha at paggamit ng solar lights na ibinabahagi ng Liter of Light Foundation.

Liter of Light Foundation

Ayon sa kanilang website, ang Liter of Light ay isang ” global, grassroots movement commited to providing affordable, sustainable solar light to people with limited or no access to electricity.”

Sa pamamagitan ng network of partnerships sa buong mundo, ang mga volunteers ng Liter of Light ay nagtuturo sa mga marginalized na komunidad kung paano magagamit ang mga recycled plastic bottles at locally sourced na materyales para mapaliwanag ang kanilang mga tirahan, negosyo at mga kalsada.

Ang isang solar light nila ay binubuo ng LED, switch, jack na isasaksak sa pagkukuhaan ng solar power, at recycled bottle na magsisilbing diffuser. Malaking tulong ito sa isang komunidad lalo na’t sila ay hindi naaabot ng kuryente.

Hindi na ito mangangailangan pa ng kuryente dahil ito ay ibinilad sa araw para makahigop ng energy para makapagbigay ito ng liwanag. Hindi lang sa Pilipinas nagagamit ang naturang proyekto. Mayroon na rin nito sa 32 na bansa.

“Yung importante kasi sa amin is makita ng mundo na ang mga Pilipino ay hindi lang siya nangangailangan palagi at humihingi ng tulong, pero ‘yung mga ideas niya ay nakatutulong rin sa iba,” paliwanag ni Illac Diaz, founder ng Liter of Light Organization.

Ang Liter of Light technology ay kinilala na ng UN at ginagamit na sa ilang UNHCR camps. Kabilang sa mga pagkilalang natanggap na nito ay ang 2016 St. Andrews Prize for the Environment, ang 2015 Zayed Future Energy Prize, at nagwagi na rin sa 2014-2015 World Habitat Award.

Samantala, alamin natin kung paano nga ba ginagawa ang isang solar light na kaya nang buuin ng sinumang nais gumamit nito. Panoorin ang video na ibinahagi ng iJuander.

Continue Reading

Trending