Connect with us

entertainment

Moira Dela Torre naging surprise special guest ng fan sa ika-18 na kaarawan nito

Published

on

Nasurpresa ang isang tagahanga ni Moira Dela Torre na nagdiwang ng ika-18 kaarawan noong weekend. Bigla ba namang sumulpot ang kanyang idol at sinamahan siyang umawit!

Makikita ang singer na inaawitan ang kanyang celebrant fan, si Stella Duque, sa 18th birthday party nito sa Dusit Thani Hotel Davao.

Sa Instagram post ng Nice Print Photography noong, Hulyo 18 ay makikita si Moira na kayakap si Stella at kumakanta kasama niya sa harap ng mga bisita sa party.

“Our debutante Stella as surprised by her parents with a performance from the one and only @moiradelatorre in Dusit Davao,”  sabi ng photography studio.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)

Ginanap ang event noong Sabado, Hulyo 16, ayon sa inilabas ng talent agency ng “hugot” hitmaker na Cornerstone Entertainment.

“Knowing how much she loves Moira and her music, Stella’s parents came up with the idea of inviting their daughter’s ultimate idol to her special day,”  saad ng agency.

 

Sa Facebook post na ibinahagi ni Ann Margarette Duque Guerrero, makikita na umaawit mag-isa si Stella hanggang sa sinabayan siyang umawit ng singer kaya labis ang tuwa at napapaiyak ang tono ng debutante.

“Moira @ Stella Duque 18th birthday,” ani Ann na may 20k views at 497 reacts.

Bukod sa mga kanta ni Moira, humiling din ang pamilya ng debutante ng rendition ng mga kantang “Torete” at “Fix You.”

Kilala si Moira sa mga kantang “Paubaya,” “Ikaw at Ako” at “Malaya,” bukod sa iba pa. Kasalukuyan siyang nagsisilbing judge sa ikalawang season ng reality talent competition na “Idol Philippines.”

Marami ang natuwa at nagpahayag na masuwerte si Stella at nakaya nila ang talent fee ni Moira.

“Yaman may budget para kay Moi.”

“Sana all kaayo.”

“Sana all afford ang isang Moira Dela Torre.”

Panoorin:

entertainment

‘My forever love’: Gladys, Christopher ipinagdiwang ang kanilang ika-30 anibersaryo

Published

on

By

Ang celebrity couple na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas ay ipinagdiwang ang kanilang ika-30 anibersaryo ng pagsasama.

Pumunta ang aktres sa kanyang Instagram account noong Lunes, Enero 23, upang ibahagi ang isang larawan kasama ang kanyang asawa sa isang cafe sa Baguio City, at sinabing “forever love” niya si Christopher.

“30 years of togetherness. My boyfriend (of) 11 years. My husband (of) 19 years. My forever love (heart emoji) #GladysAndChristopher30years,” sabi niya sa caption.

Ang Kapuso aktres ay nagbahagi rin ng isang sulyap sa kanyang mga paboritong sandali kasama si Christopher sa isang hiwalay na post, na nagpapahayag ng pag-asa na mas magtatagal pa ang kanilang pag-iibigan.

“Cheers to 30 years and more bebe @christopherroxas,” saad ni Gladys sa kanyang video clip post.

Sa kabilang banda, pinasalamatan ng aktor ang Panginoon sa naging maayos na relasyon nila ni Gladys, at sinabing ang pagpili ng “happiness” at “abundance” ay biyaya ng Maykapal.

“God, thank you for the (30 years) we are truly grateful. Bebe, we are not lucky we are truly blessed,” anito. “Our relationship is not perfect but the imperfections make it perfect… (Let’s) dream together and fulfill it. We choose happiness. Let’s chase abundance. In God’s grace all is possible, (love you) sooo much bebe,” madamdaming bati ni Christopher.

Basahin: ‘It’s possible!’ Halos tatlong dekadang pagmamahalan nina Gladys at Christopher nagdala ng inspirasyon

“From the first pic, 29 years ago, to the last photo. Almost three decades!” aniya. “Yes, it’s possible!”

Wika ng aktres noong ika-29 aniversaryo nila, hindi naman magiging madali at perpekto ang lahat kapag natagpuan mo na ang iyong one true love, ngunit lahat ay inyong makakaya at malalampasan hanggang may pananalig kayo sa isa’t isa.

Ang celebrity couple, ay mayroong apat na anak; sina Gianna Aquisha, Gian-Christopher Sommereux, Grant-Carlin Sommereux. Nagpakasal naman sila noong 2004 at muling pinagtibay ang kanilang wedding vows noong taong 2018.

Nagsimula ang pag-iibigan nina Gladys at Christopher noong 1990s, nang ipares sila bilang onscreen love team sa classic teleserye na “Mara Clara,” kasama ni Judy Anne Santos na naging matalik naman niyangkaibigan.

 

Continue Reading

celebrities

McCoy De Leon, Elisse Joson nagkabalikan na nga ba?

Published

on

By

Ilang linggo matapos umugong ang balitang hiwalay na sina McCoy De Leon at Elisse Joson, naintrigang muli ang mga netizens dahil naispatang magkasama ang dating mag-partner.

Hindi lamang isang beses kung hindi dalawang pagkakataon na umano’y nakitang magkasama sina McCoy at Elisse kaya maraming netizens ang umaasang sana’y inaayos na nila ang gusot sa kanilang relasyon at magkabalikan na nang tuluyan.

Noong isang araw kasi ay may ibinahagi ang isang restaurant kung saan makikitang magkasamang kumakain sa isang mesa sina McCoy at Elisse.

“Stunning couple @elissejosonn and @mccoydeleon at @farmerydeli on a nice Thursday night. Thank you so much, and may God bless you both more! Cute baby, btw,” ayon sa caption ng larawan.

Kasunod nito ay nag-upload din ng larawan ang isang Tiktok user na muling magkasama sina Elisse at McCoy pati na ang kanilang anak na si Felize.

Kuha raw ito sa isang theme park sa Tagaytay City subalit hindi nabanggit kung kailan.

Dahil dito, maraming ‘Marites’ ang natuwa dahil tila raw sinusubakan ng dalawa na ayusin kung anuman ang namagitan sa kanila.

Magugunitang sumabog ang balitang hiwalay na sina McCoy at Elisse noong Disyembre matapos lumabas ang screenshot ng diumano’y naging usapan ng dating Hashtag member at isang babaeng influencer sa Tiktok na iniuugnay sa kaniya.

Lalo pang umigting ang usap-usapan nang maglabas ng public apology ang Kapamilya hunk kasabay ng isang madamdaming mensahe para sa kanilang anak na nagmistulang indikasyon ng kanilang hiwalayan ni Elisse.

Bagama’t hindi na idinetalye ni McCoy kung ano ang naging ugat ng kanilang sigalot, itinanggi naman nitong may babae siya o may third party na sangkot.

Nananatili namang tahimik ang magkabilang kampo para kumpirmahin o itanggi na nagkabalikan na nga sila sa gitna ng mga haka-haka ng mga umaasang netizens.

Continue Reading

entertainment

’20 years of friendship’! Erik Santos! Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go muling nagkasama-sama

Published

on

By

Nakasamang muli ng singer na si Erik Santos ang kanyang long-time showbiz friends na sina Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go.

Sa ibinahaging larawan na in-upload ni Erik ay makikitang masayang magkakasama ang tatlong champion sa isang pribadong restaurant sa Taguig City, na makikita sa kanyang personal na Instagram account noong Biyernes, Enero 20.

“20 years of friendship,” sabi ng singer sa kanyang caption.

Hindi mapigilan ng mga fans na ipahayag ang kanilang pananabik na makita sina Erik, Sarah, at Rachelle sa isang frame.

“Naku, the original champs. One concert please,” isang fan ang sumulat.

“Kulang ng 3 para mabuo ang (three are missing to complete the) Asap champions Mark [Bautista], Christian [Bautista] and Sheryn [Regis],” sabi ng isa pang fan na masaya sa pagsasama ng tatlo.

Samantala, ibinahagi rin ni Rachelle, na nagdadalantao sa kanyang pangalawang anak sa asawang si Martin Spies, ang mga snippets ng kanilang intimate gathering sa kanyang Instagram page noong Sabado, Enero 21. Kasalukuyang nasa Pilipinas ang London-based singer para sa maikling pamamalagi.

Sa kanilang pagtitipon ay kasama rin ang asawa ni Sarah na si Matteo Guidicelli, Cornerstone Entertainment assistant vice president Cyndy Roque, at theater actress na si Mimi Marquez, na makikita sa post ni Rachelle.

“We had so much fun last night!!! Thank you for hosting my send off Achi Ninang @pinkytobiano My baby bump is feeling the love (heart emoji), Hopefully we’ll be back in the Philippines SOON,” saad ni Rachelle sa kanyang IG post.

Dating tinaguriang “Champions,” sina Erik, Sarah, at Rachelle ay magkakasamang gumanap sa ilang segment ng “ASAP Natin ‘To”.

Sinimulan ng mga OPM artist ang kani-kanilang karera matapos manalo sa mga singing competition na “Star in a Million Season 1”, “Star for a Night”, at “Search for a Star.”

Nagbalik si Sarah sa “ASAP Natin ‘To” noong Disyembre 2022, kung saan nananatili si Erik bilang isa sa mga host ng ASAP.

Continue Reading

Trending