Connect with us

celebrity

Pen Medina nagpasalamat; nagpapagaling na matapos ang matagumpay na operasyon

Published

on

Nagpapagaling na ngayon si Pen Medina matapos sumailalim sa spine surgery; inihayag ng beteranong aktor sa isang post sa social media noong Hulyo 16.

Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat si Medina sa lahat ng mga doktor sa likod ng kanyang matagumpay na operasyon.

“Praise God for making my spinal surgery safe and successful. Maraming salamat sa aking spine surgeon Dr. Romel Estillore at kanyang team, my anesthesiologist Dra. Lota Ticman at sa aking ortho doctor Dr. Misael Ticman, sa kanyang walang sawa at walang pagod na pagtulong at pag-alalay sa amin,” saad ni Medina.

“Hindi pa po tapos ang aking laban, I will be needing more prayers as my medical team addresses the accompanying infection. Marami pong salamat sa lahat ng nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa akin. Maraming salamat,” dagdag pa niya.

Basahin: Alex Medina calls for financial help for veteran actor Pen Medina

Kamakailan ay nananawagan ng tulong pinansyal ang anak niyang si Alex para sa kanyang kalagayan.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Alex na ang 71-anyos na si Pen ay nasa ospital at nakatakdang sumailalim sa operasyon noon.

“To his friends, relatives, and co-workers: Our dad, 71-year-old actor Pen Medina, has been in the hospital for three weeks now and cannot sit or stand up due to Degenerative Disc Disease (DDD). He is scheduled for a major spine surgery on Tuesday, July 19,” sabi ni Alex.

Idinagdag niya na dahil sa pandemya, ang kanyang ama ay halos walang trabaho sa mga nakaraang taon at naubos ang lahat ng kanyang naipon.

“Due to the pandemic, our dad scarcely had any work, which siphoned his savings over the past two years. We are trying to help him as best as we can but it will be a long road to sufficient recovery for him,” aniya pa.

“We humbly appeal for your charitable help and prayers as our family navigates through helping him get back on his feet — literally and figuratively. Maraming salamat.”

Si Medina ay may pitong anak kabilang ang mga aktor na sina Alex at Ping Medina.

celebrity

PGT winner at hit singer na si Jovit Baldivino namaalam na sa edad na 29

Published

on

jovit baldivino

Tuluyan nang namaalam ang 29-anyos na singer at unang Pilipinas Got Talent (PGT) winner na si Jovit Baldivino matapos ang ilang araw na pagkaka-confine sa intensive care unit ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City.

jovit baldivino

Sa ulat ng ABS-CBN, ang network kung saan unang nadiskubre ang talento ni Jovit, kinumpirma umano ng mismong ama ni Jovit sa isang panayam na namaalam na ang aktor na unang nagkaroon ng mild stroke noong Nobyembre 2022.

“He passed away around 4 a.m. after six days of confinement due to stroke complications,” ani Hilario Baldivino.

“Masakit sa loob namin pero kailangang ipasa-Diyos namin ito,” pagpapatuloy ng ama. “Mahal na mahal ko anak ko pero mayroon din tayong Panginoon kaya kailangan tanggapin natin.”

Naimbitahan umano si Jovit sa isang Christmas party sa Batangas City, kung saan ito muling nakaranas ng stroke.

[RELATED – Jovit Baldivino nag-collapse sa isang party, kasalukuyang nasa ICU]

“Three songs lang kanta niya. Pagkatapos nakita na siya nakaupo, nakangiwi ang nguso. Nadala agad siya sa ospital, nakalakad mula ambulansya,” kuwento ni Hilario. “Nasabi pa niya na lalaban siya dahil gusto niyang mabuhay. Pero na-comatose na siya pagkatapos ng operasyon.”

jovit baldivino

Nakilala si Jovit matapos ideklarang grand winner sa PGT noong 2010. Naging matagumpay din ang kaniyang singing career at nakapaglabas ng ilang album kabilang na ang Faithfully na nag-triple platinum, I’d Do Anything For Love (Platinum), OPM Greatest Hits Volume One (triple platinum), at Jukebox na lahat ay sa ilalim ng Star Records.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng maybahay ng singer na si Camille Ann Miguel ang larawan nilang mag-asawa kalakip ang caption na, “Asawa ko.” Dito ay bumuhos ang mga mensahe ng pagmamahal, pakikiramay, at mga panalangin para sa hit singer.

jovit baldivino

Kaka-29 lamang ni Jovit noong October 16.

“Marami siyang pinasaya, at alam din namin mahal siya at kami ng mga tao kaya masakit man, nagpapasalamat pa rin kami sa Diyos dahil ‘yan ang tinadhana niya sa aming pamilya,” wika ng ama ni Jovit.

Continue Reading

celebrity

‘Hinagpis ng pangalawang anak?’ Alex Gonzaga tinanong kay Mommy Pinty kung bakit mukha siyang yagit noon

Published

on

By

Muling pinatawa ni Alex Gonzaga ang mga netizens sa kanyang bagong post sa Instagram feed.

Ibinahagi niya ang throwback photo nila ng kapatid niyang si Toni Gonzaga. Ang larawan ay kuha noong mga batang paslit pa sila.

Binuksan ni Alex ang kanyang nakakatawang mga saloobin tungkol dito. Pabiro niyang ikinumpara ang hitsura at suot niya sa kapatid.

Hinikayat din ni Alex ang lahat na makinig sa kanyang bagong podcast kaugnay sa karapatan bilang pangalawang anak.

“In my new podcast pag uusapan natin ang mga hinagpis ng pangalawang anak!!! Kitang kita nyo naman sa litrato kung gaano ako kayagit kumpara sa ate ko,” isinulat niya.

“Ang ate ko may yaya pa ako ni salawal at medyas wala. Ano to! You can watch and listen on Spotify! Basta pangalawang anak ka makakarelate ka dito Hahaha,” dagdag pa ng aktres.

Sa kaniyang Tiktok ay nag-upload siya ng video kalakip ang mga lumang larawan habang pinagpapaliwanag niya si Mommy Pinty kung bakit mukhang yagit siya kumpara sa kanyang ate sa mga larawan.

“Babasagin na ang katahimikan Mga hinagpis ng Pangalawang anak,” saad sa caption ng aktres sa kanyang TikTok.

Aliw na aliw naman ang mga netizen sa kanyang ibinahaging larawan at mayroong mga naka-relate sa post niya.

“Good vibes ka talaga Alex hehehehe I l0ve you palagi”

“Alex normal talaga yan sa amin din magkakaptid may bukod tangi talaga.

“Yes sis relate much! Kung baga sa juice na tinimpla ni mudra sayo ‘yung buo buo pang juice na hindi na nahalo sa tubig.”

“Pati sa sapatos na suot alam na alam kung sinong paborito.”

Napansin rin ng kanyang mga follower ang usong sapatos noon, “The Signature Shoes” ng baby noon.”

“hahahhaha…kaya love kita eh, hahahha ipaglaban ang karapatan.”

“Ganyan kasi pag panganay alagang alaga pag second child na, wala.”

Ganoon nga ba ang nagiging normal na takbo o kadalasang nagaganap sa pamilya?  hahaha  Ikuwento mo kung pangalawang anak ka rin.

Continue Reading

celebrity

Jovit Baldivino nag-collapse sa isang party, kasalukuyang nasa ICU

Published

on

By

Nag-collapse diumano ang Kapamilya singer na si Jovit Baldivino habang dumadalo sa isang party sa Batangas City gabi nitong nakaraang Linggo, Disyembre 4.

Ayon sa Facebook page na TBST (Totoong Balitang sa Southern Tagalog), isinugod sa Jesus of Nazareth Hospital si Jovit matapos bigla na lamang itong bumagsak habang nasa party.

Kinumpirma rin umano ito ng source ni Abante correspondent Ronilo Dagos na nagsabing may pumutok na ugat sa ulo ng kauna-unahang Pilipinas Got Talent (PGT) champion at posibleng aneurysm ang sanhi nito.

Naoperahan na naman daw sa naturang ospital si Jovit at nailipat na ito sa ICU kung saan nananatiling nakaratay ang singer.

Tumanggi naman munang magsalita ang pamilya ni Jovit at humihiling sila ng privacy para sa kaanak na maysakit.

Sumikat si Jovit matapos ideklarang grand winner sa PGT noong 2010. Naging matagumpay din ang kaniyang singing career at nakapaglabas ng ilang album kabilang na ang ‘Faithfully’ na nag-triple platinum, ‘I’d Do Anything For Love’ (Platinum), ‘OPM Greatest Hits Volume One’ (triple platinum) at ‘Jukebox’ na lahat ay sa ilalim ng Star Records.

Bahagyang lumamlam ang kaniyang career matapos masangkot sa kontrobersiya sa kaniyang personal na buhay nong 2021.

May kinalaman ito sa akusasyon ng kaniyang dating kasintahan na inakusahan siya ng pambababae kaya nauwi sa hiwalayan ang dalawang taon nilang relasyon na nagbunga pa ng dalawang supling.

Continue Reading

Trending