Connect with us

Inspiring

Anak ng single mom na dating kubrador ng jueteng, nagtapos na magna cum laude

Published

on

Hindi ikinahihiya ni Michael Cabanday Cariaga na isang kubrador ng jueteng ang kanyang ina.

Pagbabahagi ni Michael sa kanyang Facebook post noong July 18, 2022, “Yes, you heard it right.”

“And I am wholeheartedly proud to declare in front of so many people that I am the son of a single mother whose occupation is a small town lottery agent—or in our most common language—paghu-jueteng,” pagpapatuloy niya.

“Ikinahihiya ng iba, ngunit ipinagmamalaki ko!”

Si Cariaga ay nakatira sa Meycauayan, Bulacan. Nagtapos siya ng Bachelor of Secondary Education, Specialized in Filipino Language and Literature sa Arellano University bilang magna cum laude na may 1.08 GPA.

NABILANGGO ANG INA DAHIL SA  JUETENG

Sa kanyang post ay nagbalik-tanaw si Michael sa mga pinagdaanan niyang hamon sa buhay.

Ibinahagi niya sa mga netizens ang kanilang buhay, “Tunay na mapanghamon ang buhay, dahil mula pagkabata lagi na lamang pang-MMK ang nararanasan namin.

“Nandiyan ang ipinagtabuyan kami ng sarili kong tatay, palayasin sa tinitirahan at magpalipat-lipat ng bahay; araw-araw na manghingi ng ulam sa mga karinderya.”

Nasabi niya rin sa kanyang post na diumano ay nahuli na rin ang kanyang ina dati. “Nahuli na ngang minsan ang mama ko at dinala sa kulungan.”

Madalas umano silang pinagtsitsismisan at hamakin ng mga tao.

“Higit sa lahat ang pananaw ng marami na dahil pagwe-jueteng lamang ang ikinabubuhay ng mama ko ay walang makatatapos ng kolehiyo sa aming tatlong magkakapatid.”

Nangyari iyon sa kaniyang dalawang kapatid dahil sa hirap ng buhay; na sa murang edad ay nagsakripisyo ang dalawa niyang kapatid upang magbanat ng buto sa pagtatrabaho.

“Ngunit hindi ko ito hinayaan na magpatuloy sa akin, kahit na alam kong mahirap buong lakas-loob kong ipinaglaban ang pangarap ko.”

PASASALAMAT SA MGA TUMULONG AT SUMUPORTA SA KANYA

Nang magkokolehiyo, taong 2018, ay lumuwas si Michael patungong Maynila upang mag-apply ng scholarship. Kasama niya sa kanyang paglalakbay ang rosaryo na nagsilbing gabay ng Panginoon sa kanyang pagtahak patungo sa pangarap.

“Nakatapos ako ng Kolehiyo sa isang mamahaling unibersidad nang kahit piso ay walang binayaran,” paglalahad niya.

Labis ang kaniyang pasasalamat sa mga naglaan ng oras upang tumulong sa kaniya at tinatanaw niyang malaking utang na loob habang siya’y nabubuhay.

“Ang pagtatapos kong ito ay hindi lamang dahil sa pagsisikap at pagpupunyagi ko, kundi malaking bahagi nito ang napakaraming tao na ginawang instrumento ng Diyos upang maisakatuparan ko ito.”

Kaniya namang sinuklian ang mga suportang natamo niya sa mga umalalay sa kaniya at sinipagan pang lalo ang pag-aaral.

Dahil sa kanyang determinasyon at pagpupursigi ay itinanghal siya bilang Overall TOP 1 at Class Valedictorian sa pitong campus ng unibersidad sa taong 2022.

ANG SAKRIPISYO NG INA AT MGA KAPATID NAGBUNGA NA

Noong May 8, Mother’s Day, ay nag-post siya ng pasasalamat para sa kanyang ina.

Ipinabatid niya sa kaniyang ina na “Your love has been the balm for many problems we have faced.”

“Ma, alam kong alam mo kung gaano kita kamahal at gaano ka kahalaga sa amin. Sa loob ng mahabang panahon kinaya mong mag-isa na itaguyod kami. Ito na ma, unti-unti nang magbubunga ang lahat ng sakripisyo mo at nila ate.”

“I promise you that I will make you proud in every aspect of my life, and will try harder to be the son you will be proud of. Happy Mother’s Day Ma! I always ask, what have I done to deserve a mother like you? I thank God for making you my mother.”

Sa September 30 pa ang graduation nina Michael, pero sa ngayon ay employed na siya sa Arellano University-Manila Campus bilang Senior High School teacher.

Naka-enroll na rin siya para sa kanyang Master’s Degree sa Education.

Pinaghahandaan na rin niya ang board exam.

Ang payo niya sa mga education students, “Pagbutihin at pagsikapan pa ninyo ang pag-aaral, at huwag ninyong balewalain na parang high school lang ang college.

“Totoo ang kasabihan na kusang lalapit sa iyo ang trabaho once may na-establish ka na magandang grades and achievements during your college days.

“At huwag mapapagod mag-aral, ha.”

Tnay namang nakai-inspire itong si Michael!

Inspiring

Pinay dumpster diver sa Finland, nakatutulong rin sa iba sa ginagawang ‘pamamasura’

Published

on

By

Kung may Inday Roning tayo sa Amerika, mayroon din palang ‘katropa’ niya sa Finland. Si Thai-Finnish Pero Pusong Pinay!

Ayon sa panayam ng GMA Public Affairs na makikita sa kanilang YouTube channel, sinasabing dalawang taon nang naninirahan sa Finland ang OFW na bisdak na si Julie Belleza.

Umaabot umano sa katumbas na halagang P100,000 kada buwan ang natitipid ni Julie sa gastusin sa bahay at nakatutulong pa siya sa iba dahil sa ginagawa niyang “pamamasura” o dumpster diving sa Finland.

Si Julie ay isang Thai-Finnish subalit siya ay lumaki sa Pilipinas kaya’t siya ay Pinay na Pinay umano sa puso, kilos at pananalita.

Aniya, hindi siya pinagbabawalan ng may-ari ng K-market sa Finland na mag-dumpster diving, o maghalungkat sa mga basurahan upang kunin ang puwede pang pakinabangan.

Ipinakita niya rin ang ginagawa niyang ‘pamamasura’ sa naturang tindahan, na kapag umalis na ang truck ay saka naman siya magsisimula sa kanyang pakay.

iba’t-ibang pagkain ang nakukuha ng Pinay sa basurahan. Halimbawa, may cauliflower, grillitassu, grapes, at maging litsong manok na mainit-init pa.

Inaabot siya ng dalawa hanggang apat na oras sa pagda-dumpster diving dahil marami-rami din ang kanyang nakukuha doon.

Kinukuha ni Julie ang mga well-sealed at packed na mga produkto, kaya naman parang namalengke na rin siya sa mga nakukuha niyang kilo-kilong karne ng baboy, baka, chicken, at groceries tulad ng toyo, patis, mga prutas at gulay.

Ligtas din ang mga nakukuha niya dahil maayos ang waste disposal sa naturang bansa at mga naka-seal pa ang mga pagkain dito.

“So ito na nakauwi na tayo after our panghaharbat of the day. So parang namalengke lang kami ni Mr. Bin,” saad niya sa isang video.

Dagdag pa niya, malaking bagay ito hindi lang sa kaniyang pamilya kundi maging sa iba pa na natutulungan nila, tulad ng mga taong nagsisimula pa lang doon. Binibigyan niya ang ilang kakilala ng mga bagay na nakukuha niya rin sa basurahan.

“Thankful ako kay Lord kasi I was given the opportunity na thru dumpster diving maraming tao, especially yung nagsisimula pa lang ng kanilang buhay rito sa Finland ang natutulungan natin,” pahayag niya.

‘Ika nga nila sa buhay, “basta’t may diskarte, walang imposible”.

Samantala, silipin natin ang ilang videos na ibinahagi niya sa YouTube channel niyang Thai-Finnish Pero Pusong Pinay.

Ayon sa kanyang back story, “I was born in Thailand to a Thai mother and Finnish father who happend to grow up in the Philippines. I am here to tell you about my own story on what it was like growing up with a stepmother in the Philippines and how I was treated. I am here using my own story to empower and inspire everyone. God bless.”

Dito ay ibinabahagi niya ang ilang videos kung paano niya ginagawa ang pamamasura sa bansang itinuturing na niyang homebase.

Continue Reading

Inspiring

Lalaking nagbebenta lang dati ng plastic, dyaryo at bakal, natupad na ang pangarap na magkabahay

Published

on

By

Para sa isang lalaking nagbenta ng plastic, dyaryo at bakal, hindi naging hadlang ang kahirapan para makamit ang mga pangarap sa buhay.

Ibinahagi ng netizen na si Robin Paz Jr. sa ‘Home Buddies’ FB page ang kanyang kuwentong buhay at kung paanong hindi naging hadlang ang kahirapan upang magkaroon siya ng magandang bahay at buhay ngayon.

Aniya ay nanggaling umano siya sa simpleng pamilya at sa kanyang murang edad ay nagbebenta na raw siya ng plastic, dyaryo at bakal.

 

Upang makatulong sa pamilya ay naglako rin siya ng ukay-ukay.

Nagsikap makapagtapos si Robin upang maiparanas sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mga magulang ang sarap ng buhay.

“Sumubok ako ng maraming trabaho hanggang sa nahanap ko ang trabahong aahon sa amin sa kahirapan. ‘Di madali ang pagiging Financial Advisor,” aniya.

“Ngunit sa kagustuhan kong makatulong sa ibang tao, nagsikap at nagtiyaga ako para ako’y maging instrumento sa pagbago ng buhay ng iba. Maliban sa trabaho, nabiyayaan din ako ng isang mapagmahal at maarugang asawa. ‘Di ko naisip na ang babaeng nakilala ko nung Kolehiyo ang makakasama at makakatulong ko sa pag-abot ng aking pangarap. Parehas kaming nagsumikap mapa-araw o gabi,” dagdag pa niya.

Isa sa mga pangarap na natupad ni Robin ay ang kanilang bahay sa Cavite. Nabiyayaan rin sila ng isang supling na si Candace.

“Itong bahay namin sa Cavite ay isa sa mga marami naming pangarap na natupad na. At sa taong ito, ibinigay rin sa amin ni Lord si Candace Grace, ang pinakamahalaga at pinakamagandang pangarap naming mag-asawa. Pupunuin natin ng saya, magagandang alaala at higit sa lahat pagmamahal ang ating munting tahanan.”

“I think God blesses me so much because he wants me to be a channel of blessings to people and to be an instrument to inspire others to work hard in order to achieve their goals.” Pagkat sa totoo lang, kasama sa pagpapabuti ng buhay ang pagkakaroon ng insurance; isang bagay na hindi pa lubos na nauunawaan ng marami nating kababayan.

Kahit ano pa ang estado sa buhay ay hindi dapat ito maging hadlang; bagkus, maging inspirasyon upang makamit ang mga pangarap.

Continue Reading

Inspiring

Engineering grad makes career shift; proves she can be successful in baking business

Published

on

By

Even though she has no background in baking, this engineering graduate proved that she can be successful in her new business which was a far cry from her course.

After changing careers, Danica Lynne Casta, 24 years old, now has an online cake business called ‘Amberlyns Cake’ that earns a six-digit income every month.

“I graduated from MAPUA University, Bachelor of Science in Construction Engineering & Management and I’m now a full time baker. I’m earning six digits a month,” Danica said in a feature video shared by ‘Philippine Star.’

Due to the financial problems faced by her family in the middle of the pandemic, Danica was forced to put aside her profession as an engineer and look for a temporary online job.

“Lockdown tapos kaka-graduate ko. Hindi ko alam kung pa’no ako mag-i-start. ‘Yung naipon ko do’n sa last kong salary, pinangbili ko siya ng oven na maliit. Ginawan ko ng cake ‘yung pamangkin ko and then do’n na nag-start,” she shared.

Even though she is a beginner, her cake business quickly became popular due to her affordable bento cakes.

With her dedication to learning and improving her craft, her struggles eventually paid off.

From basic designs, Danica can now make different styles of cakes.

From just one order, now she receives more than 1,000 orders per month. She also has eight employees helping to run her business.

She further said that media features and free endorsements from artists who order cakes from her are a big help.

Despite the success of her cake business, however, she still dreams of continuing her interrupted dream as an engineering graduate.

“Hopefully, ‘pag talagang super stable na ‘yung business ko, gusto ko rin talagang maging engineer someday. Currently now, nagma-masters din ako, sa MAPUA din.”

Danica also dreams of having a physical store and branches all over Metro Manila.

“For all na gustong mag-pursue ng dreams nila na malayo sa course nila, kung passion mo talaga ‘yung ginagawa mo, kung gusto mo talaga, push mo lang ‘yon. Mas prefer ko talaga passion, kung hindi mo love ‘yung ginagawa mo, ilulugmok mo lang ‘yung sarili mo do’n sa work mo na ‘di ka naman masaya.”

Watch the feature by Philippine Star:

Take note also, in a recent episode of Kapuso Mo Jessica Soho, she made a special cake for the twins Jericho and Reinner!

Continue Reading

Trending