Connect with us

celebrities

Bb Pilipinas 2022 judge, ipinaliwanag ang pagsusuot ng ‘shorts’

Published

on

Ipinaliwanag ng isa sa mga hurado ng Binibining Pilipinas 2022 na si Cecilio Asuncion kung bakit naka-shorts lamang siya sa naganap na coronation night nitong Linggo ng gabi.

Sa isang Facebook post, sinabi ng Founder at Model Director ng Slay Model Management sa Los Angeles, California na pinili niyang magsuot ng gawang Pinoy.

“Sa lahat na nagtatanong bakit ako naka shorts, ito ay dahil pinili kong magsuot ng gawa ng Pinoy na designer na si Avel Bacudio na mula sa tela na galing sa Mindanao at ang bag ko naman ay gawa ni Zarah Juan,” pahayag niya.

Samantala, binati naman niya si Binibining Pilipinas 2022 1st runner up Herlene Nicole Budol na siyang tinanong niya sa question and answer portion ng pageant.

Tinanong ni Asuncion si Herlene kung ano ang pinakamahalagang transpormasyon na nangyari sa kaniya sa Binibining Pilipinas.

Tugon niya, “Para sa akin, isang karangalan na nakatuntong ako dito sa Bb. Pilipinas bilang isang Binibining hindi inaasahan. Para sa akin, ang sarap palang mangarap. Ang sarap mangarap. Walang imposible. Isa po akong komedyante na laki sa hirap. At ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon because I know for myself that I am beautiful, because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission. Salamat po.”

Sang-ayon naman ang hurado kay Herlene at sinabing tunay na masarap mangarap dahil walang imposible.

“It has been an amazing homecoming after 22 years, thank you to Binibining Pilipinas for having me as a judge! Tama ka Herlene, ang sarap mangarap at walang imposible!” aniya.

[RELATED: Herlene Budol hakot awards sa Bb. Pilipinas 2022]

“Matuto tayong mahalin ang Tagalog. Parte ito ng kultura natin at dapat hindi ikahiya… Mabuhay ka, Herlene Hipon Budol at sa lahat ng kasali sa taong ito.”

Dagdag pa ni Asuncion, bagama’t mahigit dalawang dekada na siyang nasa ibang bansa ay hindi niya nakalimutang magsalita ng Filipino dahil sa pagmamahal niya sa bayan.

“I have lived in America for 22 years and derecho pa rin ako magtagalog dahil mahal ko ang bansa ko.”

Mensahe niya naman sa mga bumabatikos sa kaniyang suot: “Sana magsumikap kayo at balang araw, ma-invite rin kayo mag judge. Love you, mean it!”

celebrities

Sa kabila ng hiwalayan Pokwang ipinagdiwang pa rin ang kaarawan ni Lee O’Brian kasama ang mga anak

Published

on

By

Ilang buwan matapos ianunsyo ang hiwalayan nila ni Lee O’Brian, ginulat ng komedyanteng si Pokwang ang netizens nang ipagdiwang niya ang kaarawan ng kanyang dating asawa.

Sa Instagram, ipinakita ni Pokwang ang isang simpleng birthday celebration ni O’Brian sa kanilang bahay, kasama ang kanilang mga anak na sina Malia at Mae.

Sa short video, makikita sina Pokwang at Mae na kumakanta ng “Happy Birthday” song kina O’Brian at Malia, na inaabangan ang pag-ihip ng kandila ng kanyang ama.

“Happy birthday Dada @leeobrian. Pero ikaw @malia_obrian ang bida hahaahahaha ayan na naman sya,” saad ng aktres sa kanyang caption sa IG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Umani ito ng samu’t saring reaksyon mula sa mga fans dahil ang iba ay humanga sa bagong setup nina Pokwang at O’Brian habang ang iba naman ay umaasa na makita silang magkakabalikan.

Samantala, nagpasalamat naman si O’Brian kay Pokwang at maging sa anak nito na si Mae para sa kanyang birthday cake. Ibinahagi ni Lee ang video ng kanilang simpleng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

“And a happy birthday it has been!! Thank you my sweetheart @malia_obrian for singing and helping with the candles. And thank you @itspokwang27 @maesubong and family for the masarap cake (yes I had two servings!!!)” ayon sa post ni O’Brian.

Basahin: Pokwang masayang naka-bonding ng anak ang amang si Lee O’Brian sa US

Kamakailan ay masayang ibinahagi ng komedyante ang bonding moments ng mag-ama.

“Finally after two years its nana, grand pa and tita mimi time enjoy lang ate @maesubong and @malia_obrian see you soon mga anak us,” saad sa caption ng aktres.

Basahin: Pokwang speaks up on split with Lee O’Brian: ‘Hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko’

Ayon sa 52-anyos, maaaring natapos na ang relasyon nila ni Lee ngunit ang pagiging ina niya ay hindi, “Natapos man ito sa ‘di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko.”

Basahin: Pokwang defends Lee O’Brian, says he’s a good man and father

Continue Reading

celebrities

Dennis Trillo sa pagiging ama: ‘Sobrang saya, lalo akong nakumpleto’

Published

on

dennis trillo ama

Isang panibago at napakagandang yugto ang nagbukas sa pagsasama nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado nang dumating ang anak na si Baby Dylan. Kuwento ng aktor, labis daw ang tuwang ibinibigay sa kanya ng pagiging ama.

dennis trillo ama

Sa grand media launch ng upcoming teleserye ni Dennis na Maria Clara at Ibarra, kinumusta ng press ang kanyang pagiging ama at masaya ang naging tugon niya.

“Masaya, sobrang saya. Feeling ko lalo akong nakumpleto,” wika ni Dennis sa ulat ng Pikapika. “Ngayon, na-experience ko ’yong mga hindi ko na-experience dati. Nakapag-hands on ako talaga na mag-alaga ng pamilya, ng anak. Siguro isa ito sa pinakamasasayang stages ng buhay ko.”

Dahil dito, naging hamon daw talaga sa aktor ang malayo sa kanyang pamilya tuwing papasok sa lock-in taping.

“Medyo mahirap pero kailangan lang masanay. Kailangang magaling ’yong time management mo bilang artista at tatay sa bahay. ’Yon lang. Once na makuha mo na ’yong time management mo nang maayos madali ka nang makaka-adjust,” pagbabahagi niya.

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Dennis sa kanyang katuwang na si Jennylyn.

“Gusto ko lang sabihin na napakasuwerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya. Deserving ka talaga na magkaroon ng isang pang napakagandang anak na kamukha mo,” saad ng aktor sa Mother’s Day post niya para sa aktres. “Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo, alam kong hindi naging madali. Saludo ako sa’yo at sa lahat ng mga nanay na kagaya mo. Kaya nirerespeto, pinapahalagahan, at mahal na mahal kita.”

dennis trillo ama

Samantala, sa isa pang post, ibinahagi naman ni Dennis kung gaano siya humahanga sa pagiging babae, ina, at asawa ni Jennylyn, na para bang napakadali lamang dito na pagsabay-sabayin ang lahat. Aniya, “Ang role mo bilang babae, bilang ina at asawa, napakahirap pala. Bilib ako sa’yo kasi kayang-kaya mo lahat, you make it look so easy! Ang suwerte namin na kasama ka namin sa mga buhay namin.”

dennis trillo ama

Continue Reading

celebrities

Cryptic posts, pag-unfollow ni Sunshine kay Macky, mga pahiwatig ng breakup nga ba, tanong ng netizens

Published

on

By

Totoo nga kaya ang usap-usapang naghiwalay na ang aktres na si Sunshine Cruz at ang aktor-politiko na si Macky Mathay?

Ito ang tanong ng maraming netizens matapos mapansin na hindi na naka-follow si Sunshine kay Macky sa Instagram.

 

Nadagdagan pa ang mga haka-haka sa cryptic post ni Sunshine, “There is always something to be grateful for (heart emoji),” aniya.

Nag-post ang aktres kamakailan tungkol sa kanyang mga realizations at challenges sa lock-in taping sa loob ng 35 araw.

“It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best. Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way,” sabi niya. “So much blessings are being given to me and my family afterall. Wala akong karapatang mag reklamo.”

“‘Everything happens for a reason, live it, love it, learn from it,’” dagdag pa niya.

Ang naturang post ay agad na umani ng mga reaksyon mula sa mga kaibigan ni Sunshine sa showbiz, na nagpaabot ng suporta.

Nagkomento dito si Ruffa Gutierrez,  “Sending you hugs, Shine. Hope you’re doing okay now.”

Pati na rin si Donna Cruz: “Beautiful! God will work things together for our good, Shine! Love and miss you! ‘And we know that all things work together for good to those who love God, to those who are the called according to His purpose.’ (Romans 8:28 NKJV).”

Cathy Valencia, “Tight hug and kisses for you Shine.”

 

Samantala, ang huling post ni Macky sa kanyang Instagram feed ay noong kaarawan ni Sam Cruz at binati ito.

“God has perfect timing for everything. Learn to wait on Him. This brings Him honor, and it bring you peace,” saad ng politiko.

Napuna rin ng IG followers ni Sunshine na wala si Macky sa mga larawang kuha sa 21st birthday party ni Angeline bagama’t naroon siya noong debut ni Samantha.

As of writing, ginagamit pa rin niya ang litrato nila ni Sunshine bilang profile picture sa nasabing social media platform. Setyembre ng 2021 nang ipagdiwang nila ang kanilang ikalimang anibersaryo.

May pahiwatig nga ba sa pagkanta ni Sunshine ng “Someone that I used to love” kamakailan? O nagkataon lamang?

Basahin: Cesar Montano, Macky Mathay spotted shaking hands at Sam Cruz’s birthday

Continue Reading

Trending