Connect with us

Nostalgia

Mga ‘bolpen’ ng nakaraan, naghatid ng nostalgia sa netizens

Published

on

Test your memory ba?

Halos lahat naman tayo ay naging mag-aaral kaya’t paniguradong alam ng lahat sa atin ang kahalagahan ng panulat sa ating buhay estudyante. Kumbaga sa karakter sa isang laro, ang naging sandata natin ay ang “bolpen” hanggang makatuntong ng high school at kolehiyo.

Isang netizen, si Zeus Menor, ang nagbahagi ng isang larawan ng pinagsama-samang panulat o ‘bolpen’ na ginamit ng mga ‘young ones’ noon. Hindi naiwasang mapa-throwback ng netizens sa mga alaalang nakakabit sa mga ‘bolpen.’

Aniya sa kanyang post sa Facebook page na ‘Nostalgia Philippines, “Alin ang madalas mong gamitin o hiramin sa katabi mo.. B o l p e n.”

Mabilis namang tumugon ang mahigit tatlong daang ka-Nostalgia at inihayag pa ang kani-kaniyang naging paborito noon.

“Hahaha nakakamiss nmn nung mga panahon na gamit ko yung mga bolpen sa pag-aaral.”

“Lahat yan nagkaron ako noon.”

Mayroong sumagot ng ‘Lotus at Panda’. Mayroong ibinida ang ‘Scribbler’, o kaya’y ang ‘Bic at Kilometrico’. Mayroon ding Reynolds ang tatak na itinaas.

“Reynolds, komportable sa kamay, ganda ipangsulat, regardless na sa ink na ginamit or kung maganda ka sumulat., Pero dyan comportable ang kamay ko. Pero Yung Bic at Kilometrico inabot ko yan.”

“Scribbler, bic at kilometrico magagandang ipang-sulat, reynolds naman pan-drawing.”

“‘Crown’ (imitation na Bic) 25c lang nung elementary ako. Sa ngayon ‘Panda’ favorite ko (emoji)”

Mayoon din namang nagbahagi ng mga nakatutuwa at nakatatawa nilang karanasan sa mga panulat na ginamit noon.

“Apache na sumasabog sa bibig hehehe”

“Yung Lotus ballpen ang nagpapa feel saken na maganda akong sumulat.”

“May kulang ung mabango ang ink ballpen na madalas kung bilhin sa merriam webster sa mendiola .. (emoji)  80’s ballpen”

“Panda..pagkatapos hiramin dina isasauli hehe,” pagbabalik-tanaw ng isang netizen sa panahong usong-uso ang hiraman at kalimutan sa usapang solian. hahaha

“Bic, pag pinamulsa mo sigurado magtatae, mantsa sa uniform.” Ito ang pinakaayaw ng mga nanay na nahihirapang magtanggal ng mantsa na hatid ng tinta.

 

“Mayroon pa Yung may perfume Galit Magalit Yung teacher ko dahil nakakahilo daw Yung amoy.”

“Apache ang pinaka walang kwentang ballpen. Madaling masira at madalas may LBM.”

” Made in France pa ang Bic nung elementary ako.”

“Kapag Apache gamit ko e ang bango ng notebook ko noon. Then yung Lotus nakakaganda ng sulat, feeling ko lang.”

“Louie Marquez -Apache de luxe. Nasipsip ko yang tinta nung grade 3 (laugh emoji)”

“Reynolds my favorite sarap pang sulat nyan saka yung scribblers na mahabang parang tungkod.”

“My favorite Reynolds black,” saad naman ng ilan.

“Yung makunat (scribbler) kasi kapag sinuksuk mo sa back pocket ng denim pants, hindi nababali.” Ito umano ‘yung brand na nababaluktot kaya hindi ito madaling masira kahit ipinamulsa ng mag-aaral.

“Yung panda na may glitters at mabango,” saad naman ng ilang netizens na pati ang amoy at kagandahan ay kasama sa criteria ng pagpili.

 

May nagpahayag din na may bolpen na pang-mahirap at may pang-mayaman.

“Picache gamit noon pang mahirap at pangmatagalan.”

“Isama mo na rin Sheaffer rollerball para sosyal dating.”

“Where is Pilot..pang mayaman lol kasi mas mahal sa panda pero pag nabagsak need muna bumili ulit”

“Di ako nakapanghiram noon. Ako lagi nahihiraman. (emoji) and wala po jan yun pen ko, pilot gtec .03 saka dong-a gel pens.”

“Ball pen ko nuon lage parker padala lng pg kkaubos tinatapon ko e nirerefill lng pla un tanga ko. (laugh emoji)”

Ikaw? Tanda mo pa ba ang mga bolpen na pumasa sa iyong panlasa at nakasama mo sa panahon ng iyong pag-aaral?

Nostalgia

Balikan: Ang ‘best meryenda combo’ na Coke at tinapay noong dekada ’80, ’90

Published

on

coke tinapay

Bago nauso ang food delivery services na nagbibigay sa atin ng maraming pagpipilian sa meryenda nang hindi umaalis sa ating mga kinaroroonan, isa sa mga tinaguriang “best meryenda combo” noong dekada 80 hanggang dekada 90 ang Coke at tinapay.

Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang mga panahon na “solved” na sila sa “tandem” ng Coke at tinapay bilang pagkain sa hapon.

Anila, kapag ito ang pagkain mo noon ay “rich kid” ka nang maituturing ng iyong mga kalaro at kaibigan. Ang iba nga raw ay nakatitikim lamang ng softdrink na ito kapag mayroong bisita, kaya naman masayang-masaya sila sa tuwing magiging kapares ito ng meryenda nilang tinapay.

coke tinapay

“Noon, kapag ganiyan ang meryenda mo, yayamanin ka na niyan!” pag-aalaala ng Facebook user na si R. R. Cinco.

“Noong 1980s, 1990s, kapag nakabili ka ng Coke litro noon at makabili ka ng pineapple pie or egg pie, rich kid ka na noon. Ang siste kasi sa amin, nakakatikim lang kami ng Coke litro or Pepsi kapag may mahalagang okasyon sa bahay,” pagbabalik-tanaw ni H. Nichole. “Mas uunahin pa ang bisita kaysa sa amin.”

coke tinapay

“Dati nakakatikim lang kami niyan kapag may bisita at kung may tira ang bisita,” kumento ni M. R. Gray.

Kuwento naman ni Red, “Nakakainom lang kapag may bisita. Noong high school kami, hati-hati kami sa isang litro at pinapantay pa iyong laman ng plastik para walang lamangan. Tapos lalagyan ng maraming cracked ice, tipong umaapaw at lasang tubig na!”

coke tinapay

Ikaw, naging paborito mo rin ba ang meryenda combo na ito? Ano-ano ang mga alaalang kakabit nito na hindi mo pa rin nakalilimutan hanggang sa ngayon? Ibahagi sa comments section ang iyong mga kuwento!

Continue Reading

Nostalgia

‘Tara, akyat!’ Sampalok, isa sa mga punong paboritong akyatin ng mga batang Pinoy noon

Published

on

sampalok

Noong panahong hindi pa mga modernong laruan ang nagpapasaya sa mga paslit, isa ang pag-akyat sa mga puno sa mga kinaaliwang gawin ng mga batang Pilipino. At kung iisa-isahin ang mga paborito nilang akyatin, tiyak na hindi mawawala sa listahan ang puno ng sampalok.

sampalok

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang panahong palagi pa silang nakaaakyat sa punong ito. Wika nila, bukod sa hilig nila sa masarap na bunga nito, marami rin daw mga alaalang nabuo rito na hindi pa rin nawawala sa isipan nila kahit na ngayong tumanda o tumatanda na sila.

“Naalala ko noong grade 1 ako, sabi ng nanay huwag daw ako umakyat sa puno ng sampalok habang wala sila,” ani M. Vee.

“Pag-uwi ng nanay, kurot ang inabot ko kasi nagsumbong na ang bunso namin hahaha!” natatawang kuwento pa ng netizen.

sampalok

“May inaakyat po ako na puno ng sampalok noong bata ako, mga seven years old ako. Mga limang puno sila na nakahanay sa may burol, iyong sa pinakaunahan ang laging inaakyat ko kasi hindi siya kataasan pero marami kung mamunga. Gustung-gusto ko na umuupo roon sa isang malaking sanga habang kumakain at pinagmamasdan ang kulay asul na dagat sa malayo. Napakagandang tanawin kaya hindi ko makakalimutan ang kabataan ko,” pagbabalik-tanaw ni E. E. Fayr.

“Sampalok na hinog, may nagbebenta din noon sa labas ng school namin. Nakabilao tapos may maliit na pantakal tapos ilalagay sa papel na binilot,” pag-aalaala ni L. Ignacio. “Kung may puno niyan, makakain ka nang libre. Tapos iniluluto rin iyan.”

sampalok

Ikaw, inaakyat mo rin ba ang punong ito noong bata ka o may ibang mga puno ka pang inaakyat? Naging masaya ka rin ba sa ganitong laro? Ano ang pinakahindi mo makalilimutang gunita sa pag-akyat mo ng puno? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section ng post na ito!

Continue Reading

Nostalgia

Balik-tanaw: Ang popular at paboritong softdrink noon na Lem-O-Lime

Published

on

Lem-O-Lime

Naabutan mo ba ang popular na softdrink noon na Lem-O-Lime? Naging paborito mo rin ba dati ang lemon-flavored drink na ito?

Isa ang Lem-O-Lime sa mga inuming tinangkilik ng maraming Pilipino noon; pinagsaluhan ng pamilya, pinaghatian ng magkakabarkada, naging paboritong inumin kahit na nag-iisa.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon kung saan makikita ang isang advertisement ng nasabing produkto, binalikan ng social media users ang mga panahon kung kailan isa ito sa mga pinakapopular at pinakapaborito ng mga Pinoy. Sa katunayan, ang iba raw ay hinahanap-hanap pa rin daw ito hanggang ngayon at nanghihinayang pa rin sa pagkawala ng inumin na ito.

Lem-O-Lime

“Natatandaan ko mga edad six or seven years old lang ako noong panahon ng softdrink na iyan,” pagbabalik-tanaw ng social media user na si A. Vasquez.

“Naabutan ko pa iyan. Mga three-years-old ako, mayroon pa niyan. Wayback 1970s,” kuwento ni H. Obra, Jr.

“Naku, ngayon wala na niyan,” kumento ni E. P. Sarmiento. “Noong araw, may tindahan kami, 25 centavos lang iyan. Pero ngayon, hindi mo na maibibili ang centavos.”

Lem-O-Lime

“Masarap iyan. Naalala ko, noong bata pa ako, kahit sa umaga ay bumibili ako niyan at ninanamnam ko ang lasa habang sinisipsip ko mula sa straw. Nagtatago pa ako para hindi makita ng nanay at tatay ko,” pagbabahagi ni M. Carolino.

Pag-aalaala naman ni M. Punieg, “Royal Tru-Orange ang inabot ko at Lem-O-Lime. Kung may sakit ka noon, Sky Flakes at Royal ang pinapakain.”

Lem-O-Lime

Samantala, mayroon din naman mga namangha sa presyo ng Lem-O-Lime sa ad na in-upload ng page, kung saan makikita na 50 centavos lamang ang regular size habang P1.40 naman ang family size.

Ikaw, inabutan mo rin ba ang mga popular na softdrink na ito? Hanggang sa kasalukuyan ba ay hinahanap-hanap mo pa rin ang lasa nito kahit marami nang bagong klase ng inumin na mabibili ngayon?

BALIKAN! Bukod sa Lem-O-Lime, heto pa ang ibang mga inumin na naging paborito ng maraming Pinoy noon: 

Continue Reading

Trending