Connect with us

entertainment

Cesar Montano ipinagdiwang ang ika-60 kaarawan kasama ang mga anak

Published

on

Masayang ipinagdiwang ng aktor na si Cesar Montano ang kaniyang ika-60 kaarawan kasama ang kaniyang mga anak.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Cesar ang ilang kuha mula sa kaniyang pagdiriwang, kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay.

“I can’t be more happy with my children all present on my birthday. I love you so much guys! You are my life’s true blessings and treasure. Thank you for joining your dad’s special day. God bless you,” sabi ng aktor sa caption ng kaniyang post.

Matatandaang noong Father’s Day rin ay nakasama ni Cesar ang kaniyang mga anak. Aniya, para sa kaniya ay dream come true na makapagdiwang kasama sila.

“Nakakatuwa na magsama-sama silang lahat na parang ano ba ito, a dream come true. Kasi kung pipilitin kong mangyari ‘yon, hindi mangyayari ‘yon. It happened like a flow of water. Natural na natural na nangyari eh. I’ve been praying about this to happen kaya siguro answered prayer lang kaya nakakatuwa,” sabi noon ni Cesar sa isang panayam ng Push.

[RELATED: Cesar Montano says being with kids on Father’s Day a ‘dream come true’]

“Tama ang sinabi ng Diyos, ‘rejoice everyday, pray without sins and be thankful.’ So I am thankful na nangyari ‘yon kasi tama ka, kung hindi nangyari ‘yon hindi mas close ‘yan, kasi mas iba ‘yong bonding eh. Iba ‘yong adhesive na nangyari sa family noong nagkaroon ng problema,” dagdag pa ni Cesar.

Samantala, maging mga taga-suporta ni Cesar ay masaya para sa kaniya.

Komento ng isang netizen, suwerte si Cesar na ang kaniyang mga anak ay pinalaki ng kanilang mga ina nang walang galit sa kaniya.

“Swerte niya sa mga anak niya, pinalaki ng kanilang mga ina na mababait at magalang sa ama kahit ano pa ang nangyari, labas na mga bata kaya happy lahat,” sabi ng isa.

Happy birthday, Cesar Montano!

entertainment

Karla Estrada senti sa throwback photo ng unang TV appearance ni Daniel Padilla

Published

on

By

Senti ang aktres na si Karla Estrada nang magbahagi siya ng throwback picture nila ng anak na si Daniel Padilla noong unang beses nitong lumabas sa telebisyon.

Ani Karla, marami ang nag-tag sa kaniya sa larawan ng isa sa pinakamasayang araw sa buhay niya. Bukod kasi sa iyon ang araw na ipinakilala niya si Daniel sa publiko ay iyon din ang araw na ipinagmalaki niyang isa na siyang ganap na ina.

“A lot of people [are] tagging me some pictures… Me as a 20yr old momshie and 1yr old @supremo_dp. Walang malalim na dahilan sa kanila masyado ang eksena na ito.. Pero sa akin napaka-importante ng guesting na ito dahil dito unang nakita si Daniel sa telebisyon,” pagsisimula ni Karla.

“Isa ito sa pinakamaligayang araw ng buhay ko dahil sa araw na ito buong pagkatao kong ipinagmalaki na ako ay isang batang ina at May anak na nag bigay sakin ng pangalawang pagkakataon na mag sipag pa sa buhay! MABUHAY ANG MGA NANAY NA MATIBAY!” dagdag niya pa.

Nagpakita naman ng suporta ang mga kaibigan ni Karla sa show business at sinabing proud sila sa aktres dahil saksi sila kung paano napalaki nang maayos ni Karla si Daniel.

“Salute syo mare napalaki mo ng maayos si Dj. Isa sa napakabait na bata yan at lagi ko pinagmamalaki,” sabi ni Aiko Melendez sa comment section.

Samantala, proud ninang naman si Vina Morales kay Daniel. “Agree mare. Napaka mabuting anak at thankful ako na isang ninang. You are an amazing mom and I love you for that. Love from sfo mars,” sabi ni Vina.

“Right side middle photo. Lam na! You are an awesome warrior mama. I love you @karlaestrada1121,” ani Jackie Forster.

Maging mga netizen ay sinabing na-inspire din sa kuwento ni Karla. “Ay wow!!! Very inspiring ka mamsh.. apakanda mo naman talaga eversince,” sabi ng isa.

“Salute sayo momshie @karlaestrada1121. sobrang bait ni kuya DJ,” sabi naman ng isa pa.

Continue Reading

celebrity

Julie Anne San Jose nagwagi ng Silver Award sa New York Film Fest 2022

Published

on

By

Ang singer-actress na si Julie Anne San Jose ay nakakuha ng silver award sa 2022 New York Festivals for TV and Film para sa kanyang musical special na “Limitless.”

Masaya ang mang-aawit sa pagkuha ng parangal para sa kanyang “passion project” habang ipinapakita ang kanyang tropeo sa kanyang Instagram page noong Martes, Agosto 9.

“Hanggang ngayon, still surreal. A silver award from New York Film Festivals 2022 for our passion project, #LimitlessMusicalTrilogy. This is truly a milestone!” sabi niya. “Limitless love and dedication, Limitless fam. To God be the glory.”

Natanggap ng “Limitless” ang parangal sa ilalim ng “Variety Special Category” batay sa isang release ng New York Festivals.

Unang inihayag ni San Jose sa pamamagitan ng pag-post sa Instagram noong Abril na siya nga ay nominado sa New York Festivals.

“When the pandemic hit, the whole world stopped. But like every other artist, it takes a step forward to find purpose, to feel alive again. So, I embarked on this journey with my team from Mindanao, to Visayas and to Luzon – it has reignited the fire within me. I have found myself, I am whole again,” saad ng aktres noong naging nominado siya.

Kabilang sa mga celebrity na bumati kay San Jose sa pagkapanalo ng silver award ay sina Ogie Alcasid, Carla Abellana, Garrett Bolden at Rayver Cruz, pati na rin ang mga tagahanga ng singer.

“Deserve mo yan. Swerte lang ni Mariah Carey na binigay sa kanya ang gold. Very tight deliberation!”

“Very proud of our ‘Limitless Star’! 🇵🇭 Excited for our next major project”

“Congrats my love .,, you deserve it!! Always proud of you @myjaps”

“Sana more concert like this. Well deserve, ganda ng #LimitlessMusicalTrilogy mo”

Samantala, kamakailan ay nakipag-collaborate si San Jose sa kapwa mang-aawit na si Gary Valenciano para sa kantang “Di Ka Akin.” Ang kanta, na sinulat ni San Jose noong nakaraang taon, ay inilabas noong Agosto 5.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)

Basahin: Rayver sa kaarawan ni Julie Anne, ‘Maghihintay ako kahit gaano katagal, mahal kita’

Basahin: Geneva sa nililigawan ng pinsang si Rayver: ‘Julie, we cannot wait na magkaroon ng pamangkin’

Continue Reading

celebrity

Iza Calzado sa ika-40 kaarawan ibinunyag na nagdadalantao na; ‘Life does begin at 40’

Published

on

By

“Life begins at 40 nga ba?”

Ibinunyag ni Iza Calzado na inaasam na nila at ng kanyang businessman husband na si Ben Wintle ang kanilang unang baby, sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-40 na kaarawan nitong Agosto 12.

Inanunsyo ng aktres na malapit na siyang maging isang ina habang ipinapakita ang kanyang baby bump sa kanyang Instagram page.

Binanggit niya ang kasabihang “Life begins at 40” at inamin na marami ang nakapila na ilang “exciting projects” bago nila nalaman ang tungkol sa kanyang pagdadalantao.

“I was ready to usher in this new chapter in my life. Then you came along. Unexpectedly. You may not have been in my immediate plans but I instinctively knew that this was THE plan,” masayang pagbabahagi ng aktres.

Nagpahayag ng pasasalamat si Calzado at sinabing may magandang plano sa kanya at bagong chapter ng kanyang buhay ang Diyos.

“Something deep inside me knows that you will propel me to greater heights to soar higher than ever before in ways I cannot even begin to imagine. You will give me THE WHY, THE PURPOSE, THE DIRECTION in life, and I embrace you in my life as we build, along with Ben — your dad, a FAMILY!” aniya.

“To know that life is growing inside me is great miracle. You are my miracle. You are my guiding light,” aniya sa kanyang baby. “Thank You, Lord, for the most beautiful birthday gift. Our ABUNDANCE.”

Nagpaabot ng pagbati ang mga kapwa celebrities kay Calzado, kabilang sina Dingdong Dantes, Julie Anne San Jose, Janine Gutierrez, Dawn Zulueta at Jake Cuenca.

“Congratulations, and what a happy birthday indeed!” sinabi ni Dantes kay Calzado.

“Congratulations dear Iza, I’m so thrilled for you. I had my Ayisha when I was 40 also. You are so blessed,” ani Zulueta.

“Oh my gosh love team I’m so happy for you. Congratulations to you and Ben,” bati ni Cuenca sa mag-asawa.

Tatlong taon nang kasal sina Calzado at Wintle. Nagpakasal sila sa Palawan noong December 2018.

Continue Reading

Trending